LOGINTila isang bilanggo si Mia sa piling ng pamilya ng kaniyang asawa. Totoo ngang makapangyarihan ang pamilyang ito dahil sa napakalaki nilang kumpaniya, subalit ang pakikipagtungo naman ng kaniyang biyenan sa kaniya ay kakaiba. Kasambahay kung tratuhin si Mia ng kaniyang babaeng biyenan; lahat ng utos nito ay dapat sundin ng babae dahil kung hindi ay makakatikim ito ng samu’t saring parinig. Ni hindi nga siya kayang ipagtanggol ng sarili niyang asawa. Sa loob ng mansiyon ay walang ibang ginawa ang mga tao roon kundi ang bantayan siya. Ngunit may isang pares ng mga matang hindi niya kayang baliwalain—mga matang hindi mawalay sa kaniya, mga matang nagsusumamo at nagbibigay-init sa kaniya. Hindi dapat—hindi maaari. Pero iba ang pakiramdam ni Mia nang makita niya ang binata. Pumasok ito sa buhay niya habang naghihirap siya sa kamay ng pamilya ng kaniyang asawa. Nagkaroon siya ng pag-asa, nagbabakasaling si Keen na ang liwanag na hinihintay niya. Isang haplos lamang ng lalaki ay tila nawawala na sa kaniyang sarili si Mia. Alam niyang kapag nagsimula na ito ay wala na siyang babalikan pa. Pero mali... hindi ito dapat mangyari dahil ang lalaking nagbibigay-init sa kaniyang katawan ay walang iba kundi ang nakatatandang kapatid ng kaniyang asawa.
View More“Maghanap ka ng lalaking bubuntis sa’yo, Mia.”
Ito ang bungad ni Haze sa bagong gising na si Mia. Namilog naman ang mga mata ng babae sa gulat. Para ring nilamukos ang puso niya nang marinig ito sa asawa at tila ba’y hindi siya makahinga.
Paano nito nakakayang sabihin sa kaniya na parang wala lang?
“Se-seryoso ka ba sa s-sinasabi mo Haze?” Pabulong at nauutal na sambit ni Mia.
“Nagbibiro ka ba? Bakit naman ako magpapabuntis sa ibang lalaki?” dagdag na tanong ni Mia.
Napabungtong hininga naman si Haze sa sunod-sunod na tanong ng asawa.
“Pagod na ako! Palagi nalang akong tinatanong ni Mommy kung kailan siya magkakaapo. Nakakapagod na. Tanong din siya nang tanong kung kailan ka mabubuntis.”
Para namang may bumabalakid sa lalamunan ni Mia at nahihirapan siyang lumunok.
“Kung ganoon…bakit hindi nalang sa’yo, Haze? Asawa kita, kaya bakit mo ako pinagtutulukang maghanap ng ibang lalaki?” Naguguluhang tanong ni Mia.
“Ikaw? Huwag ka ngang magbiro! Hinding-hindi ko sasayangin ang gabi ko sa’yo!”
Masakit. ‘Yan ang nararamdaman ni Mia nang marinig ang mga katagang iyon galing kay Haze. Ang mga salitang lumalabas sa bibig nito ay parang kutsilyong tumatarak sa puso ni Mia. Gustuhin niya mang magsalita ay walang lumalabas sa kaniyang bibig.
“Maghanap ka ng disenteng lalaki, at kung wala ay ako ang maghahanap para sa’yo,” pinal na sabi ni Haze.
“And that’s final. Wala ka nang magagawa pa,” malamig na dagdag pa ni Haze.
Mas lalo namang sumikip ang dibdib ni Mia sa sabi ng asawa—na para bang may pumipiga rito sa loob-loob niya. Ang mga kamay niya rin ay halos mawalan na ng dugo sa kakakuyom niya dito.
Magsasalita na sana siya para magprotesta pero naunahan siya ng lalaki.
“Kailangan mong mabuntis, at wala akong pakialam kung paano! Nakakahiya na ngang nagpakasal pa ako sa’yo eh, ipapahiya mo rin ba ako ulit dahil hindi mo ako kayang bigyan ng anak?”
“Kaya gawin mo na, dahil kung hindi ay ipapatigil ko ang pagbabayad ng hospital bills ng lolo mo,” walang emosyong sambit ni Haze. Ang mga braso nito ay nakakrus sa kaniyang dibdib.
Agaran namang napailing si Mia sa narinig. Hindi p’wedeng itigil ni Haze ang pagsustento dahil wala siyang ibang malalapitan para dito.
“Hindi, Haze. Huwag mong gawin ‘yan kay Lolo. Nagmamakaawa ako sa’yo. Kailangan niyang magpagaling kaya parang awa mo na, Haze.”
Napabuntong-hininga naman si Haze sa narinig, hindi sa pag-aalangan kundi dahil alam niyang panalo na siya.
“Kung ganoon ay magdesisyon ka na ngayon para hindi ko ipapatigil ang pagbayad ng bills ng lolo mo.”
Oo o hindi lamang pero ito ang pinakamahirap na desisyon ni Mia, lalo pa’t kasali rito ang buhay ng lolo niya.
Isang taon na silang kasal ni Haze pero ni isang beses ay hindi naramdaman ni Mia na minahal siya ng asawa.
Napilitan lamang kasi si Haze na pakasalan siya dahil sa hiling ng kaniyang lolo. Magkalapit kasing magkaibigan ang lolo ni Haze at Mia, at nagkasundo ang dalawng matanda na ipakasal silang dalawa.
Kung alam lang ni Mia na ganito ang kahihinatnan niya ay hindi na sana siya pumayag pa. Sa isip niya dati ay baka matutuhang mahalin din nila ang isa’t-isa pero sa loob ng isang taon nilang pagsasama ay si Mia lang ang nagbibigay ng pagmamahal sa kanilang dalawa.
“Well?” Nakataas ang kaliwang kilay ni Haze, naghihintay ng sagot mula sa kaniyang asawa.
“Pag…pag-iisipan ko muna, Haze,” nakayukong sagot ni Mia.
Ang mga mata naman ni Haze ay nanatiling malamig.
“Sige, bibigyan kita ng tatlong araw para magdesisyon.” Pagkatapos nitong magsalita ay umalis na sa kanilang kuwarto ang lalaki.
Habang si Mia naman ay hindi makagalaw sa ibabaw ng kanilang kama. Ang kaniyang mga binti ay hindi niya na maramdaman dahil nanghihina ito kaniyang narinig. Hindi niya akalaing sasabihin sa kaniya ni Haze iyon.
Nagpakawala siya ng mahinang buntong-hininga bago sumandal sa headrest ng kanilang kama.
“Saan naman kaya ako makakahanap ng disenteng lalaki? Lalo pa’t ang anak ko magiging tagapagmana ng Montecastro,” naguguluhang sambit ni Mia sa sarili.
Biglaan naman siyang napatayo nang makita ang oras sa kanilang wall clock. Pasado alas sais na pala at malapit na ang almusal ng pamilya.
“Diyos ko!”
Nag-uumapaw ang kaba sa kaniyang dibdib. Mabilis na lumabas si Mia sa kanilang silid at halos patakbong tinungo ang kusina.
Naghihintay na roon ang kaniyang araw-araw na responsibilidad—ang paghahanda ng almusal para sa buong pamilyang Montecastro.
Ang pamilya Montecastro ay isang kilalang pangalan sa mundo ng mga naglalakihang kompaniya sa bansa at mahigpit na nakatali sa tradisyon at makalumang sistema.
Lahat sila ay magkakasamang naninirahan sa iisang bubong, mula sa magulang, mga anak, at mga asawa. Wala mang kasulatan para alamin ang tunay na nangyayari sa loob ng kanilang pamilya pero ramdam na ramdam ni Mia ang pagpapahirap ng mga ito sa kaniya.
At si Mia, bilang pinakabatang manugang na walang sariling trabaho kumpara sa mga asawa ng dalawang kapatid ni Haze, ay awtomatikong naging pangunahing utusan sa mansiyong iyon. Responsibilidad niya ang pagluluto, paglilinis, at sinisigurong walang kapintasan ang kaniyang bawat galaw.
Hindi naman sa nag-iisa siya sa mga gawaing ito, may mga kasambahay ring tumutulong sa kaniya.
Madali sanang magpatakbo ng ganoon kalawak na mansiyon kung maraming katulong ang mga Montecastro. Ngunit taliwas ito sa sitwasyon ni Mia, dahil pinipilit siya ng pamilya ng kaniyang asawa na gawin ang lahat ng mga inuutos ng mga ito na walang kahit isang pagkakamali.
Ang mga pasilyo ay tila walang hanggan, at ang bawat sulok ng bahay ay humihingi ng perpektong kalinisan.
Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay natapos na rin sa wakas ni Mia at ng iba pang kasambahay sa pagluluto at paghahanda ng almusal.
Oras na para gampanan ang isa pa niyang tungkulin—ang pagsisilbi sa kaniyang biyenan at sa asawang si Haze.
“Ito na po ang kape ninyo, Mommy,” magalang na iniabot ni Mia ang tasa sa matanda.
“Salamat,” malamig na tugon ni Klarise nang hindi man lang siya tinitingnan.
Sunod niyang nilapitan si Haze. Ngunit nang iaabot na niya ang tinapay para sa asawa ay mabilis nitong hinila palayo ang kaniyang plato kay Mia.
“Kaya ko ang sarili ko. Umupo ka na lang diyan,” malamig na utos ng lalaki.
Bahagyang ngumiti si Mia bago tahimik na naupo sa silya sa kaliwang bahagi ng asawa.
Subalit bago pa man niya maabot ang sarili niyang pinggan, ang malamig na boses ng kaniyang biyenan ang bumasag sa katahimikan sa hapag-kainan.
“Isang taon na. Eksaktong isang taon na kitang manugang Mia.” Binalingan ni Klarise si Mia gamit ang wala nitong emosyong mga mata.
“At hanggang ngayon, wala ka pa ring maibigay na apo sa pamilyang ‘to.”
Dahan-dahang binaba ni Mia ang kaniyang kamay na kanina ay nakataas para kumuha na sana ng pagkain at kimi itong ibinalik sa kaniyang kandungan.
Napayuko siya sa narinig at mahigpit na nagkrus ang kaniyang mga daliri. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng sinuman sa mga Montecastro...lalo na ang sa kaniyang biyenan.
Ramdam na ramdam niya ang mga mapang-uyam na tingin ng kaniyang mga hipag sa magkabilang gilid ng mahabang mesa, na lalong nagpasikip ng kaniyang dibdib.
Nahihiya ba siya? Oo, sobra. Ang pamilya ng kaniyang asawa ay kabilang sa pinakaprebilihiyong angkan sa lipunan, mga taong may mataas na estado sa buhay.
Si Klarise Montecastro, at ang namatay nitong asawa, ay mga haligi ng Grand Montecastro Corporation, isang malaking kumpanyang may mga negosyo sa iba’t ibang industriya—hotel, at mga pribadong ospital sa loob at labas ng bansa.
Ang kayamanang iyon ay minana ng kanilang tatlong anak na lalaki: ang panganay na si Keen, ang pangalawang si Leo, at si Haze na kaniyang napangasawa.
“May nakausap na akong magaling na OB-GYN,” patuloy na sambit ni Klarise habang itinutulak ang isang calling card patungo kay Haze upang ipasa kay Mia.
Tamad na inabot ito ng lalaki at inihagis sa harap ng asawa nang hindi man lang ito nilingon, na tila ba’y labis siyang nadidiri sa ginagawa.
“Ayoko ng rason. Kailangan mong magpacheck ngayong linggo,” dagdag pa ng matanda.
“Baka naman sadyang baog lang si Mia, Mommy!” biglang sabat ni Marize, ang asawa ng panganay na si Keen, na nagpangiti sa mga taong nakapaligid sa mesa. Habang si Keen naman ay nanatiling tahimik at walang pakialam.
“Tama ka, Ate Rize. Baka nga baog siya, kaya lang ayaw niyang aminin para hindi siya hiwalayan ni Haze!” gatong pa ni Farah, na asawa naman ni Leo.
Ang dalawang hipag ni Mia ay hindi kailanman pinalampas ang pagkakataong maliitin siya dahil sa layo ng kanilang mga estado. Si Marize ay nagtapos ng master’s degree sa ibang bansa at nagmamay-ari ng sikat na boutique, habang si Farah naman ay isang respetadong abogado na anak ng nagmamay-ari nang isa sa mga malalaking law firms sa banda.
Samantalang si Mia ay isang simpleng babae na napadpad lamang sa marangyang buhay na ito dahil sa huling pangako ng kanilang mga lolo.
Ayaw man isipin ni Mia pero parang patalim na tumusok sa kaniyang puso ang bintangan siyang baog. Para sa kaniya ay dinurog ng mga ito ang natitirang dangal na pilit niyang iniingatan sa kabila ng hindi pagpansin sa kaniya ni Haze.
Tuluyang nawalan ng dugo ang mukha ni Mia. Napasulyap siya kay Haze, umaasang baka sakaling magsalita ito para sa kaniya, ngunit nakatitig lamang ang lalaki sa plato nito na parang walang naririnig at walang pakialam kahit pagsalitaan pa siya ng hindi maganda.
Gaya ng dati ay piniling manahamik ni Haze. At hinayaan nitong yurakan ang pagkatao ng asawa sa harap ng sarili niyangg pamilya.
Kahit nanginginig ay pinilit pa rin ni Mia na magsalita.
“Mommy... maayos po ang kalagayan ko. Wala po akong problema—”
BAK!
Malakas na hinampas ni Klarise sa mesa ang hawak nitong kutsilyo, na agaran namang ikinagulat ng lahat. Ang kaniyang mga mata ay nananatiling matalim at nanlilisik sa manugang.
“Walang ‘maayos’ hangga’t walang lumalabas na resulta mula sa doktor! Gawin mo ang iniutos ko, Mia!”
“Sundin mo na lang si Mommy, Mia,” sa wakas ay nagsalita na rin si Haze. Ngunit hindi upang ipagtanggol siya, kundi upang lalo siyang idiin.
“Ano ba naman ang mawawala kung magpapacheck ka? Para naman matahimik na ang lahat.”
Nanginginig na ang mga kamay ni Mia sa ilalim ng mesa, halos mawalan na ng dugo ang kaniyang mga kamay sa sobrang higpit ng pagkuyom nito sa kaniyang mga daliri.
Paano nagawa ng sarili niyang asawa na bitawan ang mga salitang iyon sa harap ng buong angkan ng Montecastro?
“Tandaan mo ito,” muling nagbuka ng bibig si Klarise, seryoso at puno ng pagbabanta ang boses.
“Binibigyan kita ng tatlong buwan. Kung sa loob ng panahong iyon ay hindi ka pa rin magdadalang-tao...”
Sandaling huminto sa pagsasalita si Klarise, at mas ibinaba ang boses ngunit mas malamig pa ito kumpara kanina.
“Ako mismo ang magpipilit kay Haze na pa layasin ka. Babalik ka sa maralitang buhay mo kasama ang lolo mong may sakit.”
Nang gabing iyon ay parang iba ang naging hangin sa hapag-kainan ng pamilya Montecastro. Walang ingay na maririnig maliban sa pagtama ng mga kubyertos. Naputol naman ang katahimikan nang ibinaba ni Keen ang kaniyang baso na lumikha ng mahinang tunog, sapat na para mapalingon ang lahat sa kaniya.Binalingan ni Keen si Klarise, at saglit na sinulyapan si Mia na nakaupo sa tabi ni Haze. Tumikhim muna si Keen matapos ipatong ang tasa ng kape sa mesa.“May gusto lang sana akong sabihin,” aniya, seryoso at may awtoridad, na agaran namang nagpatahimik sa buong hapag.Agad na napatingin si Klarise sa kaniya, gayundin sina Marize, Leo, at Farah. Sandaling namayani ang katahimikan habang naghihintay ang lahat sa kung anuman ang sasabihin ng panganay na anak ng mga Montecastro.“Ano iyon, Keen?” tanong ni Klarise dito.Pinunasan muna ni Keen ang gilid ng kaniyang labi gamit ang napkin bago magsalita. “Simula bukas ay magtatrabaho na sa opisina si Mia. Siya muna ang pansamantalang magiging sekret
“Ano ba naman ‘yan?!” bulyaw ni Klarise at dinuro pa si Mia na para bang may ginawa itong napakalaking kasalanan—kahit napakaingat naman ng babae sa kaniyang ginagawa.“Mali-mali ang paggupit mo ng kuko ko! Ano ba?!”Tumahimik ang buong paligid, maliban na lang sa malakas na kabog ng dibdib ni Mia mula sa loob.Saglit lamang na napatingin si Keen—sapat lang para makitang nakaluhod si Mia habang si Klarise ay hawak ang daliri at nag-iinarte pa. Nanatiling blanko ang mukha ni Keen at walang mababasang emosyon dito. Samantalang si Marize naman ay ngumisi pa nang bahagya; malinaw sa mga mata niya na alam niyang hindi iyon aksidente at sadyang nagdradrama lamang ang kaniyang biyenan.Si Angela, ang limang taong gulang na bata, ay kusang tumayo mula sa sahig, bakas sa mukha ang pag-alala nang makita si Mia na natumba. Akmang lalapit na sana ito, pero pinigilan ng kaniyang ina.“Maupo ka, Angela.” Malamig at pinal ang tono ni Marize.Natigilan naman ang bata sa narinig, sinulyapan pa muna an
“Haze...” nanginginig ang boses na daing ni Mia habang tumatayo mula sa pagkakaupo, nanginginig ang mga kamay na pinulot ang calling card.“Bakit kailangang pag-usapan natin ulit ito, Haze?”“Bakit?” mas lalong tumalim ang tingin ni Haze sa asawa. “Oh...akala mo ba ay nagbibiro lang ako kaninang umaga? Akala mo siguro nagsisinungaling ako tungkol sa pagtigil ko sa pagtustos ng gastusin sa ospital ng lolo mo, no?”Dismayadong napayuko si Mia sa narinig, halos magusot na rin ang hawak niyang calling card dahil sa mariin niyang pagkakuyom dito.“Haze, pero...hindi ko kaya,” basag ang boses ni Mia habang sinasabi niya ito.“Hindi ko kayang gawin ang gusto mo.”Lumapit si Haze sa kinatatayuan ng asawa, kalmado ngunit mapanganib ang mga hakbang nito papalapit hanggang sa wala nang pagitan sa kanilang nilang dalawa.“Kailangan mong kayanin,” malamig nitong sambit. “Dahil wala ka ng iba pang mamagawa.”Mula sa pagkayuko ay inangat ni Mia ang kaniyang mukha, puno rin ng luha ang kaniyang mga
“Hindi mo dapat palaging sinusunod ang mga sinasabi ng ibang tao.” Itinaas ni Mia ang kaniyang ulo upang salubungin ang mga mata ni Keen, bahagya pa siyang nagulat dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagtanggol sa kaniya.Ngunit bago pa man niya maunawaan ang ibig sabihin nito ay mas lalong lumapit si Keen sa kaniya. Ganoon pa rin ang ekspresyon sa mukha nito… sobrang lamig.“Huwag mong hayaang tratuhin ka nilang parang utusan. Parte ka na pamilyang ‘to dahil asawa ka ni Haze.”Mabilis na yumuko si Mia at pinagkrus ang mga daliri nito. “O-opo, kuya,” halos hindi marinig ang boses ni Mia dahil sa kaba.Humakbang pa papalapit si Keen, sapat na para mapatalon ang natutulog na puso ni Mia. Mukha rin itong malalagutan ng hininga dahil sa sobrang lapit ni Keen sa kaniya.Ang mga mata ng kaniyang bayaw ay napakalamig, na tila ba’y lumulusot hanggang sa kaluluwa niya. Ang mapanuri nitong titig na tila binabasa ang buong pagkatao ni Mia, pati na rin ang mga bagay na pinipilit niya






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.