ADRIAN’s POV
Kasalukuyan kaming naghihintay dito sa Airport. Kasama ko ang pamilya ko at ang pamilya ng mga Lee. Alam ko kung sino ang hinihintay namin dito, nasabi na sakin nila Mommy at ni Ate Lorraine nung nakaraang Linggo. Ano kaya ang itsura ng magiging fiancée ko? Oo, tanggap ko ng ikakasal ako sa ibang babae at hindi kay Abby. I admit, I have a girlfriend. We’ve been together for two years now. Nung nakaraang taon lang ay lumipat siya at ang kanyang pamilya sa France.
Alam ko na simula palang na may ARRANGED MARRIAGE na magaganap. Noong napag usapan kasi iyon ay andoon ako mismo. Sa una ay nadismaya ako pero kalaunan ay unti unti ko na itong natatanggap. Wala rin naman kasi akong magagawa. At isa pa,
never naming sinuway ang kagustuhan nila Lolo at Daddy. Kaya noon pa man ay tanggap ko na at handa na ko, not until nakilala ko si Abby. Nawala sa isip ko ang mga bagay na yon. Ni hindi ko narin iniisip ang sasabihin ng mga magulang ko kapag nalaman nilang may girlfriend ako. Mahigpit na ipinagbawal saamin ni Ate Lorraine ang pagkakaroon ng kasintahan, ng sa ganon ay wala na raw sagabal.Natagalan namin ni Abby ang dalawang taon na lihim lang ang relasyon at palihim pa kung magkita. Umabot pa nga sa punto na isinumbat niya saakin ang bagay na yon. Hindi niya alam ang tungkol sa kasunduan ng mga pamilya namin ng mga Lee kaya medyo nahirapan akong magpaliwanag sakanya.
Handa akong gawin ang lahat para kay Abby, pero hindi ko din maipagkakaila na interesado din akong makilala ang babaeng hinihintay namin ngayon. Hindi rin naman ako makakatakas sa set-up na ginawa ng mga nakakatanda, kaya go with the flow lang. I can be friends with her anyway. Maya maya pa ay may lumapit na babae samin at biglang yumakap kay Mrs. Lee.
“Hi Mom, I miss you.” Maiyak iyak na usal ng babae. That must be her. My fiancée.
“My God, Yuri Aaliyah.” Biglang yumakap naman si Mrs. Lee sa kausap at hindi nito mapigilang mapaiyak. Ang dinig ko ay matagal din kasi itong namalagi sa States.
“Yuri, my princess.” Sabi ni Mr. Lee at nakiyakap na rin. Nung medyo natatagalan na sila ay kinuha na ni Dad ang atensyon nila.’
“Ehem.” Tumikhim si Dad kaya napalingon sila saamin.
“Oh by the way Princess. I’d like you to meet Mr. and Mrs. Chua” lumapit siya kela Mommy at nagbeso.
“And this is Lorraine, your Kuya Gab’s fiancée.” Pagpapatuloy ni Mr. Lee.
“Hi Ate Lorraine, it’s been a while.” Nag beso din siya kay Ate at yumakap. Noon niya lang din ako sinulyapan ng tingin and swear, I think my heart literally skipped a beat. Ni hindi ko alam kung bakit.
“This is Adrian James.” Hinila ako ni Daddy at pinaharap sakanya.
“Your fiancée.” Dagdag ni Mr. Lee. Lumapit naman agad siya saakin at nakipag kamay.
“Hi, I’m Yuri Aaliyah. You can call me Aali. Nice to meet you. Finally, nakilala din kita.” Sabi niya at tumawa. And sh*t, she’s so damn beautiful. Ang lambot pa ng kamay niya. Wtf Adrian, get back to your senses.
“Hi. I’m Adrian. Nice to meet you too.” Sagot ko at napatingin ako sa pamilya namin at doon ko lang napagtanto na nakatingin silang lahat saamin.
“That’s enough. Let’s go home first. We prepared something for you, Princess.” Pagyaya naman ni Kuya Gab.
Habang nasa biyahe kami ay magkatabi kami ni Aaliyah. Sa sasakyan kasi kami ni Kuya Gab sumakay at ang mga magulang naman namin ay magkakasama din sa iisang sasakyan. Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang sulyapan si Aaliyah, nakaharap lang siya sa bintana at manghang mangha sa bawat lugar na madadaanan.
Ang ganda niya, ang tangkad at ang puti niya pa. Kaya hindi na ko magtataka kung model talaga siya, nabanggit din kasi iyon saakin ni Ate noong nakaraan. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na kami sa mansion ng mga Lee at talaga namang pinaghandaan nila ang pagbabalik ng kanilang bunsong anak, nagmistulang Fiesta ang hapag kainan sa sobrang dami ng mga pagkain. Maya maya pa ay lumabas ang mga tagapagsilbi ng mga Lee at lumapit kay Aaliyah. Namangha naman ako ng yakapin niya ito isa isa. Mukhang malapit siya sa mga ito.
Sa totoo lang ay hindi ito ang inaasahan ko, ang akala ko kasi ay mahihirapan akong makisama sa magiging fiancée ko. Ang inaasahan ko kasi ay spoiled bratt siya, pero mali talaga ako ng inakala dahil lahat ng iyon ay kabaligtaran sa mga naisip ko. I know that it’s too early to judge but I can feel it. Ng magsimula ng kumain ang lahat, ay ang mga magulang lang namin ang nag uusap. Hindi rin naman kami makasabay dahil tungkol sa negosyo ang pinag uusapan nila.
“So, kumusta ka naman Aaliyah?” tanong ni Daddy na siya namang ikinagulat ni Aaliyah.
“I’m okay, Sir.” Nag aalangang sagot niya kay Daddy.
“Call me Tito Anthony Ija, sooner or later you’ll be a part of our family kaya you don’t need to be that formal. Much better pa nga if you call me Daddy na rin.” Mahabang sagot ni Daddy. Kahit kailan talaga hindi niya mapigilan ang pagiging madaldal. Ni hindi marunong mag alinlangan eh.
“Yes Tito.” Nahihiyang sagot naman ni Aaliyah.
“By the way, we have some important matters to announce. Since we are all gathered here na rin naman. First, we need to announce to the public that Gab and Lorraine’s wedding will be on November.” Anunsyo ni Mr. Lee, tahimik lang kaming lahat.
“Second, We will conduct an engagement party for you Aaliyah and Adrian.” As expected. Ano pa nga bang bago? Puro party na naman. Tsss.
“And last but not the least, you Guys will live together in one house.”
“WHAT?” sabay na sagot namin ni Aaliyah. Nagkatinginan pa kami pero agad din akong nagbawi ng tingin.
“Ano bang nakakagulat doon? Ganon din naman ang nangyari kay Gab at Lorraine.” Sabi naman ni Mommy.
“Tita, can I just enjoy my stay here first? And besides, we’re minors.” Ani Aaliyah. Napatingin ang lahat sakanya. Hindi ko na namang mapigilang mapahanga. She’s brilliant.
“Yuri Aaliyah, we already gave you enough time for yourself. We already gave you the space that you needed. Pinagbigyan ka namin manirahan sa US dahil yun ang hiniling mo. This time, no more BUTs.
Kami naman ang sundin mo.” Striktong pahayag ni Mrs. Lee. Napatahimik naman kaming lahat.“Okay Mom.” Pagsuko niya. This time, ako naman ang nagulat. Ang buong akala ko ay makikipagtalo pa siya sa parents niya. Hindi ko akalain na ganito pala siya, ang inaasahan ko kasi talaga ay kabaligtaran.
“And Aaliyah, you will enroll at Brighton University. Doon din nag aaral si Adrian.” Sabi naman ni Mommy. Oh no, magkaparehas pa kami ng school? What are they thinking? Damn.
Pagkatapos kumain ay nagkanya kanyang buhay na kami. Umalis na si Ate Lorraine at Kuya Gab dahil may aasikasuhin pa daw sila, business matters siguro. Ang mga parents naman namin ay nasa living area at nagkakape. Samantalang ako ay dumiretso nalang sa Garden ng mansion ng mga Lee. Maya maya lang ay dumating din si Aaliyah.
“Hi, can I join you?” nakangiti niyang tanong. Damn. Ang ganda talaga niya.
“Sure.” Sagot ko nalang. Hindi ako mapakali sa hindi malamang dahilan.
“Anong reaksyon mo nung nalaman mo na inarranged marriage ka?” Damn. I was taken aback by what she had asked. Hindi ko inaasahan na ioopen up niya ang topic tungkol doon.
“Syempre nagulat ako. Who wouldn’t be, dba? Ikaw?” pinilit kong maging civil sakanya kahit sa totoo lang ay naiilang ako.
“Ganon din. Right at that moment, I decided to study abroad. I wanted to enjoy my freedom first. Ayoko kasing magaya sa Kuya ko na simula High School palang ay tine train na ni Daddy sa business world. I guess, ganon din si Ate Lorraine.”
“Hmm. Yes. Minsan nga naaawa na din ako kay Ate. Puro business nalang ang inaatupag.” Sagot ko nalang.
“Do you have a girlfriend?” nagulat ako sa itinanong niya. Literal na nanlaki ang mga mata ko. Ano ba naman tong babaeng ‘to, masyadong direct to the point.
“Yes” sagot ko makalipas ang ilang minutong pananahimik.
“Do you have any plans of backing out? I mean, how about her? Alam niya ba?” napalingon ako sa sinabi niyang yon. Na sana hindi ko nalang ginawa, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang alalang alala siya.
“To be honest, I am more concerned about you now that I’ve found out that you have a girlfriend. I don’t think we can pursue the wedding.” Patuloy niya nung hindi ako sumagot.
“Why?” yun na lang ang naitanong ko. Bigla ay parang na blangko ang utak ko. She’s so good to be true. Damn. I didn’t expect this from her.
“I don’t want to be a burden naman. I don’t want to see other people hurting because of me. I know that you love that person so much so fight for her. All we need to do is to explain. Well, it wouldn’t be as easy as that. But atleast, we’ve tried.”
“Let’s not talk about it first. For now, let’s give ourselves a chance to know each other more. I want to know you more.” Hindi ko alam pero bigla nalang yung lumabas sa bibig ko.
“Okay, let’s give it a try. So friends?” sabi niya sabay abot sakin ng kamay niya na agad ko namang tinanggap.
“Friends.”
“Introduce me to your girlfriend someday ah, ayokong makalbo ng dahil sa sabunot niya at mas lalong ayokong magmukhang kamatis ang mukha ko ng dahil sa sampal niya.” Pabirong aniya. Natawa nalang kami pareho,
Ngayong nakilala ko na ang fiancée ko, sa halip na madisappoint at mainis ay natuwa pa ako. Hindi ko lubos maisip na ang bait niya, bonus nalang talaga siguro na maganda siya. To be honest, I’m interested in her. At sa tingin ko ay mag eenjoy akong kapag kasama ko siya. She’s so innocent, pure, and sincere. Alam kong masyado pang maaga para sabihin ‘to lalo na’t ito ang una naming pagkikita pero ramdam ko na ganon siya. Hindi ko tuloy mapigilang maging excited sa mga susunod na araw lalo na’t titira pa kami sa iisang bahay at sa isang paaralan pa kami mag aaral.
ADRIAN’s POV Simula kahapon ay hindi na talaga ako mapakali. Matapos naming mag usap ni Abby ay hindi ko maiwasang mag isip ng mag isip. Kinabahan ako para sa sarili ko at para kay Aaliyah. I am very aware of what Abby is capable of. At ayokong madamay si Aaliyah doon. Andoon na rin ang takot na malaman ng parents ko ang tungkol saamin ni Abby. At dahil na din sa dami ng iniisip ko ay minabuti kong puntahan ang Ate ko. Kanina habang nag aalmusal kami ay sinabihan ko din si Aaliyah na pupunta kami sa bahay nila Ate at ganon nalang ang tuwa niya at makikita niya ulit ang Kuya niya. One thing that I admire about her, mababaw ang kaligyahan niya. Simpleng bagay o maliit na bagay lang ay masaya na siya. And seeing her like this makes my heart flutter. “Adrian.” sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Hindi ko namalayang malalim na naman pala ang iniisi
ADRIAN’s POV I’ve been thinking about this for a few weeks now. I need to talk to Abby and end things with her. After that surprised confession of Skyler to Aali, and seeing how she smile that time makes me crazy. I can’t afford to lose her, hindi pwede at hindi ko kaya. I want to keep her. She’s mine. Only Mine. And I don’t need to sort things out, one thing is for sure, I’m in love with Aaliyah. Magkakaganito ba naman ako kung hindi? I want her in my life forever. Para akong tang*ng nakatitig sa cellphone ko at malalim na nag iisip kung paano ko sisimulan ang pakikipag usap kay Abby. Ever since dumating sa buhay ko si Aaliyah ay bihira ko na talagan
SKYLER’s POV It’s a new day for me. Ang sarap sa pakiramdam na nagawa ko ang bagay na ni minsan hindi ko akalaing magagawa ko. I confessed my feelings to Aaliyah and damn, it feels so right. At last masasabi ko na, wala akong pagsisisihan. After that surprising confession yesterday, I saw her with Adrian and honestly, it kinda hurts. I imagined confessing my feeling to the Girl I love and after that, she’ll say “Yes, I will be your Girlfriend” but that didn’t happen. But it’s okay. I know my limits and I respect the fact that she’s already engaged. I skipped classes yesterday, gusto ko lang mapag isa. I never got
ADRIAN’s POV I woke up early to prepare our breakfast, nakaugalian ko na rin ang pagluluto sa umaga. As I have said before, I am a man of my words kaya kahit medyo nangangapa ay pinipilit ko parin. May mga pagkakataon pa nga na nag uunahan kami ni Aaliyah sa pagluluto. After a few minutes, she went down and kissed me on the cheeks. Ganon naman kami palagi, it is our normal way of greeting each other.We ate in silence and after that, we prepared ourselves for school. While on our way, napansin kong tahimik lang si Aaliyah. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako.“Hey. What’s wrong? Kanina ka pa tahimik.”Nag aalalang tanong ko.
SKYLER’s POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong gagawa ng move para kay Aaliyah. Aaminin kong na trigger ako sa ginawa ni Adrian kahapon. I know that he likes Aaliyah, kitang kita ko yon sa mga tingin at ngiti niya. I need toconfess para maging magaan rin sa pakiramdam ko. Matagal ko na rin tong tinago. I need to do something, kahit alam kong may nagmamay-ari na sakanya ay gagawa parin ako ng paraan para malaman niya. Tama si Angelo, okay lang mabigo as long as alam mong may ginawa ka. There’s no harm in trying ika nga. Right after that incident yesterday, hindi ko na nakita si Aaliyah at si Adrian. Baka umuwi na.
AALIYAH’s POV“I like you Aaliyah. You’re mine. ONLY MINE.”He said in between his kisses. Hindi ko alam kung bakit pero para akong nalulunod sa ginagawa niya. Ni hindi ako makagalaw. Nakapikit lang ako habang patuloy lang siya sa ginagawa.“Ayokong mawala ka sakin. Mapapatay ko kung sino mang umagaw sayo. Keep that in mind. No one can ever steal you away from me.”Humahangos na sabi niya nung kumalas siya saglit sa ginagawa. Nagulat ako ng bigla niya akong inihiga sa backseat at nagpatuloy sa ginagawa. Halos mahugot ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang kamay niyang tinatanggal ang butones ng blouse ko. Oh God.