Share

THE TWIN'S EFFECT
THE TWIN'S EFFECT
Author: Daylan

Kabanata 1

Author: Daylan
last update Last Updated: 2021-11-25 17:59:38

"Sige na, Daniela. Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang. Birthday ko naman, eh, ipapahiya mo ba ako?" ungot kay Daniela ni Aron, ang birthday celebrant at may-a*i ng condo unit kung saan nagaganap ang munting birthday party nito.

Isinama lamang siya ng pinsan niyang si Lucy kaya siya naroon sa party. Pinilit lamang siya nito na sumama at kaya naman siya napilit na sumama ay para maiwasan niya ang never-ending na panenermon sa kanya ng kanyang daddy.

Tanging mga kabarkada ni Lucy ang mga naroroon sa loob ng unit at nagmumukha siyang outcast sa kanila kaya napilitan siyang pagbigyan ang nais ni Aron.

"Isang shot lang iinumin ko kasi mabilis akong malasing," aniya rito matapos abutin ang baso na may alak na iniaabot sa kanya ng binata. Naghiyawan ang mga taong naroon sa party nang inisang lagok niya ang laman ng baso.

Hindi siya sanay uminom ng alak kaya kandasamid-samid siya nang dumaan sa kanyang lalamunan ang mapait at mainit na likido. Halos magkanda-luha siya sa pag-ubo habang nagtatawanan ang mga kaharap niya.

"Iyan ang pinsan ko. Walang inuurungan," nakangising pagmamalaki ni Lucy. Nagsalin ito ng alak sa sariling baso at parang tubig na iniinom iyon. "Let's enjoy the party!" sigaw pa nito.

Muling nagkaingay sa loob ng maliit na condo unit na kinaroroonan nila dahil nagpatugtog ng malakas si Aron. Halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng tugtog ngunit hindi siya nagreklamo. Ayaw niyang masabihang killjoy. Pero nagdesisyon siya na magpapaalam siya mayamaya sa pinsan niya at sa birthday celebrant. Para kasing nag-iba ang timpla ng kanyang katawan. Parang bigla siyang nainitan na hindi niya mawari.

"Lucy. uuwi na ako. Medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko," paalam niya sa pinsan nang hindi na siya makatiis sa kanyang nararamdaman.

"Ha? Sabay na tayo sa pag-uwi. Magpapahatid naman tayo kay Aron. Kung gusto mo ay matulog ka na lang muna sa kabilang unit. Walang tao roon dahil nandito si Lino," pangungumbinsi nito sa kanya. Umalis ito saglit at pagbalik ay may dala nang susi at pagkatapos ay ibinigay sa kanya. "Susi iyan doon sa unit ni Lino. Number three-zero-six ang unit niya. Gigisingin na lang kita kung uuwi na tayo."

Tango lamang ang naisagot niya kay Lucy. Tumayo na siya at lumabas ng condo unit kung saan patuloy na nagkakasiyahan sina Lucy at ang barkada nito. Paglabas niya ng kuwarto ay muntik na siyang matumba sa sahig kung hindi lamang siya biglang nakasandig sa dingding. Pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang paningin kasabay ng sobrang init na kanyang nararamdaman. Kakaibang init ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi iyong init na naiinitan lang dahil sa panahon kundi init ng katawan na nangangailangan ng kapwa katawan para mawala ang init.

Umi-ekis na naglakad siya sa hallway at sa nanlalabong mga mata ay pilit niyang hinagilap ang numero ng unit ni Lino. Nang makita niya ang hinahanap ay agad niyang nilapitan. Gustong-gusto na niyang makapasok sa loob ng unit para makapag-h***d siya ng kanyang damit. Sa sobrang init na nararamdaman niya ay tila hindi siya makahinga sa kanyang suot.

Pagpasok na pagpasok niya sa loob ng unit ay agad niyang hinubad ang kanyang damit pagkatapos ay dumiretso sa kama. Tanging mga panloob na lamang niya ang natira sa kanyang katawan.

Pabiling-biling siya sa higaan habang mariing nakapikit ang mga mata at hindi malaman kung anong posisyon ang gagawin niya. Masyadong mainit pa rin ang kanyang pakiramdam. Hindi nakabawas sa init ng katawan na nararamdaman niya ang paghubad ng kanyang damit.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit sobrang init ng pakiramdam ko? Kahit anong isip ang gawin niya ay hindi niya masagot ang kanyang mga katanungan maliban sa talagang hindi siya makapag-isip ng maayos. Naisip niyang maligo at baka sakaling mawala ang kakaibang init na nararamdaman ng kanyang katawan. Ngunit bago pa niya magawang makabangon sa kama ay bigla niyang naramdaman ang pagdantay ng isang mainit na bagay sa kanyang hita. Napadilat siya ngunit medyo malabo ang paningin niya kaya hindi niya makita kung sino ang pangahas na humahaplos sa kanyang hita pataas sa kanyang h***d na katawan. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya nang mga sandaling iyon. Gusto niya ang dumagdag na init ng katawan na idinudulot ng mapangahas na mga kamay ng pangahas na iyon.

Napapikit na lamang siya ng mariin at hinayaan ang kung sino mang pangahas na gawin ang anumang nais nitong gawin sa kanyang katawan. Mayamaya ay naramdaman niya ang maiinit nitong mga labi sa kanyang mga labi. Mas lalo lamang siyang nakaramdam ng init ngunit ang init na nararamdaman niya ay gustong-gusto ng katawan niya.

Alam niya na mali ang ginagawa nila, mali ang ginagawa niya na hayaan ang estranghero na gawin ang ganoong bagay sa kanyang katawan. Ngunit wala na siya sa tamang pag-iisip. Ang tanging nasa isip na lamang niya nang mga sandaling iyon ay ang mapawi ang sobrang init na kanyang nararamdaman. At ang makakapawi lamang sa init na iyon ay ang taong nagpapala sa kanyang katawan ngayon. Tuluyan na siyang nagpatangay sa anumang nararamdaman ng katawan niya hanggang sa natapos at nangyari ang hindi dapat na mangyari sa kanilang dalawa ng kasama niya.

***

Naalimpungatan si Daniela nang maramdaman na may gumagalaw sa kanyang tabi. Nakunot-noo siya kahit nakapikit ang mga mata. Sino naman kaya ang gumagalaw sa tabi niya? Siguro ang kanyang daddy at ginigising na naman siya ng maaga para magsimba. Iyon kasi ang palagi nitong ginagawa kapag Linggo. Ginigising siya ng maaga para sabay silang tatlo ng kanyang mommy na magsimba at pagkatapos ng misa ay kakain sila sa labas.

"Dad, maaga pa. Gusto ko pang matulog," tinatamad niyang wika sa inaakala niyang daddy niya na siyang gumalaw sa tabi niya. Hinagilap ng kamay niya ang kumot at nang makapa ay agad niyang itinalukbong sa kanyang ulo.

"So you think I am your father, huh," sabi ng baritonong boses. Saglit siyang nag-isip kung kailan pa naging baritono ang boses ng kanyang ama. Sa ideya na may ibang tao sa loob ng kuwarto niya ay agad siyang napabalikwas at naupo.

"Drewner? Anong ginagawa mo rito sa loob ng kuwarto ko?" nagulat na tanong niya sa lalaking nabungaran niya pagmulat ng kanyang mga mata. Nakaupo ito sa tabi niya at may kumot na nakabalot sa kalahating h***d na katawan.

"Do you think this is your room? Look at your sorroundings and see if all the things here belongs to your room," paangil na sagot nito. Hindi pa rin ito umaalis sa ibabaw ng kama at nananatiling nakatitig sa kanya ng matiim. "You don't remember what happened last night?"

Sinunod niya ang sinabi nito. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kuwartong kinaroroonan nila. Hindi niya maiwasan ang mapakunot ng noo nang mapansin na hindi pamilyar sa kanya ang mga gamit na naroon sa loob ng kuwarto.

"Bakit ako narito? Paano ako napunta rito?" naguguluhan niyang tanong nang masigurong hindi nga siya nasa loob ng sarili niyang kuwarto. Nang makita niyang nakatingin si Drewner sa katawan niya ay wala sa loob na napatingin din siya sa tinitingnan nito. Napatili siya nang makitang nakababa ang kumot hanggang sa kanyang baywang at wala siyang suot na damit. Mabuti na lamang at mahaba ang kanyang buhok kaya kahit paano ay bahagyang natakpan ng kanyang buhok ang malulusog niyang d****b ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang pamulahan ng mga pisngi. "A-anong nangyari kagabi?" nauutal niyang tanong dito.

Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay bumaba lamang ang mga paningin ni Drewner sa mga katawan nilang natatabunan lamang ng puting kumot. Tila siya nakainom ng suka nag sa wakas ay pumasok sa utak niya ang mga nangyari nang nakaraang gabi. Mula sa party ng kabarkada ni Lucy, sa pag-inom niya ng isang shot ng alak, ang biglang pagkaramdam niya ng kakaibigang init ng kanyang katawan, ang pagbibigay ni Lucy ng susi sa kanya at sa pagpasok niya sa kuwartong kinaroroonan hanggang sa maiinit na kaganapan sa pagitan nilang dalawa ni Drewner. Lahat ng iyon ay tila tubig na biglang dumaloy sa kanyang alaala. Ngunit hindi niya alam na ang lalaking nakasiping niya ay walang iba kundi ang pinakabatang CEO ng Ramsel Business Conglomerate.

Si Ramsel ay anak ni Tito Ramon na kaibigan naman ng kanyang daddy. Dati pa siyang may lihim na pagtingin dito ngunit itinago lamang niya dahil maliban sa malaki ang age gap nila ay alam niyang malaki rin ang gusto rito ng pinsan niyang si Lucy. Ayaw niyang magkasamaan sila ng loob dahil pareho sila ng lalaking nagugustuhan. At saka hindi naman siya sigurado kung papatulan siya ng binata dahil tila pagtinging kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Ngunit ngayong may nangyari sa kanilang dalawa? Pagtinging kapatid pa rin kaya ang nararamdaman nito sa kanya? Ano na ang magiging relasyon nilang dalawa?

"So, naalala mo na ang mga nangyari?" untag ni Drewner nang hindi siya umimik at nanatili lamang nakatingin sa kumot. Bago pa man siya makasagot ay biglang bumukas ang pintuan ng condo at iniluwa ang galit na hitsura ng kanyang ama kasunod ang matalik na kaibigan ni Drewner na si Jerson at ang magkahalong gulat at galit na hitsura ng pinsan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE TWIN'S EFFECT    Chapter 53

    Nang pagbalikan ng malay si Daniela ay nasa loob na siya ng isang puting silid at nakahiga sa kama. Kahit na hindi siya magtanong kung nasaan siya ay nahuhulaan na niyang nasa loob siya ng isang hospital. Hindi niya alam kung paano siya nakaligtas sa mga kamay ni Lucy at kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital ngunit malaki ang pasalamat niya sa taong iyon.Napangiti siya nang makita niya ang kanyang kambal na nakahiga sa isa pang kama na nasa loob ng silid na kinaroroonan niya na tiyak niyang private room. Sa gilid ng kama ay naroon si Iris, nakasandal ang likuran sa gilid ng kama habang nakapikit ang mga mata."Iris," mahina ang boses na tawag niya sa kaibigan niya para hindi magising ang kambal. Mabilis namang nagmulat ng mga mata si Iris nang marinig ang pagtawag niya rito. "Oh my God, Daniela! You're finally awake!" Napatayo itong bigla at napalapit sa kanya. "Alam mo ba na sobrang alalang-alala kami sa'yo? Akala ko ay hindi ka pa magigising ngayon. Hindi ko na tuloy alam kun

  • THE TWIN'S EFFECT    Chapter 52

    Halos magkasabay na pinagbalikan ng malay sina Daniela at Drewner. Nauna lamang siya ng ilang minuto pagkatapos ay nagising naman si Drewner na agad nanlaki ang mga mata nang makita siya."Daniela!" sigaw ni Drewner. Akma itong babangon mula sa pagkakahiga sa maduming sahig nang bigla itong napahinto at bahagyang napayuko. Nakaramdam kasi si Drewner ng pagsakit ng ulo nito dahil sa malakas na pagkakahataw ni Lucy ng kung anong matigas na bagay sa ulo nito "Are you okay, Drewner? Paano ka napunta rito?" nag-aalalang tanong niya. Nakatali ang mga kamay at paa niya kaya lumapit siya rito sa pamamagitan ng paghila ng kanyang puwitan at mga paang nakatali. Niyakap naman siya ni Drewner ng mahigpit. Katulad niya ay nakatali rin ang mga paa at kamay nito. Pumasok na lamang siya sa loob ng mga braso nito para magkayakap silang dalawa."I'm glad you're safe, Daniela. Akala ko ay muli ka nang mawawala sa akin," bulong ni Drewner habang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Sinaktan ka ba ni Lu

  • THE TWIN'S EFFECT    Chapter 51

    Hindi na mapakali si Drewner habang naghihintay sa pagdating ni Daniela sa simbahan. Late na ito ng ten minutes kaya naman nagsimula na siyang mag-alala."Sa tingin ko ay hindi na darating si Daniela." Narinig ni Drewner na komento ng isa sa mga bisita nila na nasa loob ng simbahan."Sa tingin ko ay gumaganti si Daniela kay Drewner dahil hindi siya nito sinipot sa kasal nila noon ,di ba? Naalala niyo pa ba ang kahihiyang dinanas ni Daniela dahil sa hindi pagsipot ni Drewner sa kasal nila?" wika naman ng isa pang bisita na naroon.Nagsimulang umugong ang bulungan at haka-haka sa loob ng simbahan. Bagama't nagtataka siya kung bakit wala pa si Daniela ay hindi siya naniniwaka na hindi ito sisipot dahil nais nitong gumanti sa kanya. Kinakabahan siya hindi dahil nag-aalala siya na baka tama ang sinasabi ng ilan sa mga bisita nila kundi nag-aalala siya na baka may masamang nangyari kay Daniela.Mas gusto niyang hindi ito sumipot dahil nais nitong gumanti sa kanya kaysa sa may masamang nangy

  • THE TWIN'S EFFECT    Chapter 50

    Lumarawan ang pagtataka sa mukha ng ama ni Daniela nang makita ang takot na nakalarawan sa mukha ng kanyang anak."Anong ibig mong sabihin, Daniela?""Dad, hindi siya ang tunay na driver ng kotse ni Drewner. Ibang tao siya at hindi ko siya kilala," sagot niya sa kanyang ama bago muling binalingan ang taong nasa harapan ng manibela. "Sino ka? At ano ang kailangan mo sa amin?"Ngumisi muna ang lalaki bago sumagot. "I'm Eric. Wala akong kailangan sa'yo pero ang girlfriend ko meron.""Girlfriend? Sinong girlfriend?" nagtatakang tanong niya. Hindi naman niya kilala ang lalaking kausap niya kaya tiyak na hindi rin niya kilala kung sino ang girlfriend na tinutukoy nito. "Huwag kang mag-alala, Daniela. Maupo ka lang diyan at mag-relax dahil dadalhin kita papunta sa kanya ngayon din," sagot nito muling pinatakbo ng matulin ang kotse."Hayop ka! Ihinto mo ngayon ang kotse at bumaba ka rito!" galit na kausap ng kanyang ama sa lalaki."At bakit naman kita susundin, tanda? Kung ako sa'yo ay maupo

  • THE TWIN'S EFFECT    Chapter 49

    Nang mga sumunod na araw ay naging abala sina Daniela at Drewner sa pag-aayos ng kasal nilang dalawa. Pareho silang hindi makapaghintay na sumapit ang araw ng kanilang kasal. Ang araw kung saan ay legal na silang magiging mag-asawa sa mga mata ng tao at sa mata ng Diyos.Pinabalik ng kanyang ama sa bahay nila si Daniela kasama ang kambal dahil mas mabuti raw na sundin nila ang tradisyon na kasal ng pamilya ni Daniela mula sa kanilang kaninununuan. Ang tradisyon nila ay dapat hindi nagsasama sa iisang bubong ang dalawang taong malapit nang ikasal dahil malas daw iyon. Kaya kahit pakiramdam niya ay huli na ang tradisyon na iyon dahil nagsasama naman na sila ni Drewner ay mas minabuti niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang ama.Naiintindihan naman siya ni Drewner kaya walang pagtutol mula sa rito nang magpaalam siya na pansamantalang babalik sila ng mga bata sa bahay ng kanyang ama para doon na muna manirahan hangga't hindi pa sila ikinakasal. Nagkikita pa rin naman sila dahil magkasama

  • THE TWIN'S EFFECT    Chapter 48

    Parang maiiyak si Daniela habang nakatingin sa mga taong nasa loob ng restaurant. Ang iniisip niyang makikita sa loob ng nakasaradong restaurant ay ang babae ni Drewner na siyang may-ari ng restaurant na iyon. Ngunit hindi niya ini-expect ang makikita ng kanyang mga mata. Maraming nakapalibot na lobo at bulaklak sa loob ng restaurant na halatadong pinagkagastusan ng mahal para maipaayos sa isang taong expert sa flower arrangements. Sa itaas ng dingding ay may mga nakadikit na lobo na may nakasulat na "WILL YOU MARRY ME, DANIELA? in bold letters. May buffet rin na puno ng masasarap na pagkain.Sa loob ng restaurant ay naroon at nakangiti sa kanya ng matamis ang kambal niyang anak na halatadong kagigising pa lamang dahil namamaga pa ang mga mata nila. Present din ang kanyang ama, ang best friend niyang si Iris, ang kaibigan niyang si Anton, si Nana Adela, ang best friend ni Drewner na si Jerson at siyempre, si Drewner na guwapong-guwapo sa suot nitong black suit. May hawak itong isnag b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status