Share

CHAPTER 2

Author: CRISHMERL
last update Last Updated: 2024-03-09 18:10:18

ALAALA NG KAHAPON

Pasko iyon, may dumating na mga pasalubong galing sa mga Titos at Titas niya mula sa Maynila, excited silang magkakapatid ng mga sandaling iyon, baka-sakali meron din silang regalo.

‘’Anong ginagawa niyo rito?’’ Tanong ng tiyahin nila na panganay sa magkakapatid ng kanilang ina.

‘’Wag na kayong umasa na meron kayo,’’anang kanyang tiyahin.

Nakakalungkot man isipin, pero yon ang narinig mula sa tiyahin...

‘’Wala po, nanonood lang po,’’ sagot niya. Siya na ang sumagot sa tanong ng tyahin dahil siya rin naman ang panganay.

Ang sabi ng tyahin nila na wala silang pasalubong. Maya-maya lumapit ang isa pa nilang tyahin na bunsong kapatid ng kanyang ina.

‘’Heto,oh, kunin nyo sa inyo ang pasalubong na yan!’’ Sabi ng bunsong tyahin nila na tila labag sa kalooban ang pagbigay at mukhang nang-iinsulto ang boses nito.

Masayang kinuha iyon ni Dianne. Masaya siya dahil kahit papaano ay meron silang pasalubong at bagong regalo mula sa mga kamag-anak nila sa Maynila, kahit papaano ay makakasuot sila ng baong damit.

‘’Halina kayo, uwi na tayo doon na lang natin tingnan sa bahay ang mga pasalubong natin.’’ Sabik na wika niya kahit alam niyang tira-tira na lang, at least kahit papaano ay meron sila. Sumunod naman ang mga kapatid niya sa kanya, binuhat niya ang bunsong kapatid na lalaki, nasa tatlong taong gulang ito. Ang dalawa niya namang mga kapatid ay nakahawak sa suot niyang damit. Ang sunod sa kanya ay pitong taong gulang, ang pangatlo naman ay limang taong gulang. Apat silang magkakapatid no’n. Sino ba naman ang mag aakala sa kabila ng kahirapan nila makatapos silang magkapatid ng pag-aaral? Except sa college ngayon na nag aaral pa, nadagdagan kasi sila.

Nagdagdagan silang magkakapatid hindi lang isa kundi anim pa ang dumagdag. Oo, sampu silang magkakapatid just imagine kung iisipin mo parang hindi ka makapaniwala nabuhay silang lahat ng mga magulang nila at napag-aral pa. Naalala pa niya nang mabuntis ang nanay niya ng pang walo, narinig niyang nag-uusap ang kanyang dalawang kapatid na babaae habang gumagawa ng gawaing bahay at siya naman ay naghuhugas ng pinggan.

‘’Ate, alam mo na ba ang update?’’ Sabi ng pangatlong kapatid niya na si Joyce na ngayon ay guro na, kausap ang pangalawa nilang kapatid na si Franie na ngayon ay isang pharmacist at may-ari na ng tatlong mga botika sa lungsod ng Bacolod, Isa sa bayan nila, isa sa karatig bayan at isa sa city.

‘’Bakit ano ba yon?’’ Tanong ni Franie

‘’Si nanay buntis na naman, may bago naman tayong kapatid’’ Sagot ng pangatlong kapatid nila.

‘’Ano?Buntis na naman si Inay? Pano ba yan ang dami-dami na natin’’ wika ng pangalawa nilang kapatid.

Habang nakikinig siya, ay nagmumuni-muni ang kanyang isipan, hindi niya alam kung malulungkot siya o matutuwa. Malulungkot dahil madagdagan naman sila at kung anu-ano naman ang sasabihin ng mga tiyahin niya. Seguradong makakarinig na naman siya ng mga panlalait mula sa mga ito. Matutuwa naman dahil bibigyan sila ng panibagong blessing, dahil magkakaroon ulit siya ng kapatid.

Kinabukasan, habang nag-iigib siya ng tubig sa balon malapit sa bahay nila at mga tiyahin niya, ang balon na iyon ay pagmamay-ari ng lolo at lola niya sa mother side, Magkalayo kasi ang kinagisnan na lugar ng mga magulang niya at magkaibang lungsod. Mga dalawang oras ang byahe bago makarating sa bawat lungsod ng nanay at tatay niya. Pero sa mother side sila ng nanay niya naninirahan.

‘’Dianne, balita ko buntis na naman ang nanay mo,’’ wika sa kanya ng tiyahin niyang panganay ng nanay nila, si Sabel.

‘’Opo, bakit po Auntie?’’ Ani Dianne.

‘’Hay, naku! Dianne, pakisabi sa nanay mo pigilan na nila ng tatay mo ang pagdadagdag ng anak dahil ang dami nyo na at halos hindi naman kayo makakain.’’ ani Auntie Sabel niya. ‘’ Nakita mo nga naman ang mga damit nyo parang sira-sira na at butas-butas. Hindi ba yan nagsasawa ang nanay at tatay mo sa paggawa ng bata? Eh, ang dami-dami nyo na!’’ Patuloy pa nito

Hindi nga nagkamali si Dianne na may maririnig naman siyang panlalait mula sa tiyahin.

‘’Sige po, uwi na po ako,’’sagot niya lamang rito at binuhat ang balde ng tubig.

‘’Pakisabi sa mga magulang mo ha, tigil tigilan na ang panganganak baka kasi magulat nalang kami isa-isa na pala kayong ibinenta para may pambili ng bigas,’’pahabol pa nito.

Bitbit ang balde na may laman ng tubig ay umuwi siyang parang maiiyak sa sinabi ng tiyahin niya.

‘Grabe naman makapagsalita si Auntie Sabel, hindi kaya ganoon ang nanay at tatay ko,’ngitngit ng isipan niya.

Dapit hapon na iyon kaya maaga pang nagsindi si Dianne ng ilaw, wala kasi silang kuryente noon kaya kingke lamang na ilaw ang gamit nila. Hindi pa nakarating ang nanay niya nang mga sandaling iyon, hindi pa ito nakarating galing sa pagtitinda ng isda sa palengke. Seguradong gabi na ito makakauwi sa bahay pag matumal ang benta. Palagi naman siyang sumasama sa pagtitinda ng isda sa palengke, sinasamahan niya ang nanay niya pero nang mga sandaling iyon ay di niya nasamahan ang kanyang ina. Alas singko y medya na kasi siya nakauwi galing sa bahay ng kaklase niya for group project sa eskwelahan. Alas singko kasi usually umaalis ang nanay niya kung hapon papuntang palengke. Dalawang beses sa isang araw nagtitinda ang nanay niya sa palengke, tuwing umaga alas singko din ng umaga at sa hapon. Marami ang namimili at pumupunta sa palengke kung umaga kaya maaga pa ang nanay niya at maagas din itong gumigising, mag-uumaga na kasi dumadating ang tatay niya mula sa pangingisda sa laot.

Nung time na yon, wala ang tatay niya dahil tumungo na ito sa laot at sa laot na rin naghahapunan kaya bumabaon na lang ng pagkain. Siya lang ang nasa bahay nila ang naiwan sa bahay. Nagsaing muna siya at pinatulog muna ang isang taong gulang na kapatid. Pagkatapos no’n ay plano niyang mag-aral dahil meron silang pagsusulit kinabukasan sa science subject nila. Nakakatawa ngang isipin na kahit pangit ang boses niya ay kinakailangan niyang kumanta para mapatulog ang kanyang maliit na kapatid habang nakahiga ito sa telang duyan na ginawa ng nanay niya. Nang makatulog ang kapatid ay saka siya kumilos para kunin angkwaderno niya sa science subject nila para mag-aral. Na kahit nahihirapan siya sa dim light ng kingke na ilaw ay pinagtitiyagaan na lang niya, papaubos na seguro ang gas niyon…hindi pa kasi nakarating ang nanay niya kaya hindi pa siya nakabili ng gas para sa ilaw.

Ilang saglit lang ay narinig niya ang boses ng kanyang ina, nagsabi itong bumili ng ulam para sa hapunan naubos kasi ang binibenta nitong isda. Hay, salamat mabuti na lang! Kahit papaano ay makaulam sila ng ibang ulam..anyang isipan niya.Kadalasan kasi makakabili lang sila ng bigas at saka makasaing pag dumating na ang nanay nila galing sa palengke, kailangan pa kasing makabenta muna ang nanay niya ng isdang tinda nito para may pambili ng bigas at ang naiwang isda na hindi nabili ay yon ang magiging ulam nila, pero syempre pag marami pang isda ang natira ay ibebenta yon bukas ng umaga. Nilalagyan lang ice para hindi masira, sayang kasi!

Nang maluto na ang pagkain para sa hapunan nila ay sabay-sabay na silang kumain sa hapag kainan silang magkakapatid at ang nanay niya, maliban sa tatay niya nasa laot na nang mga sandaling iyon.

Habang nakaupo na silang lahat ay nag-uumpisa namang magkwento ang nanay niya ng paulit-ulit na istorya. Nung kabataan niya na hindi raw ito nakapagtapos ng pag-aaral dahil hindi ito pinaaral ng maayos ng mga magulang nito, lalo na ng nanay nito dahil mahilig daw magsugal. At palagi itong sinasaktan at ito ang palaging pinupunturya at pinagagalitan. Iwan ba daw nito kung bakit galit ito rito at palaging kinokuntra simula nang bata ito. Sabagay hanggang ngayon ay halata naman…kahit mga tiyahin niya ay palagi din silang nilalait-lait. Sabi niya sa isipan habang nakikinig sa kanyang ina.

‘’Kaya hangga’t kaya namin ng ama nyo na mapag-aral kayo, dapat mag-aral kayo ng mabuti. Iyon lang kasi ang tanging maipamana sa inyo ang magandang edukasyon at magandang kinabukasan dahil mahirap lang tayo at hindi mayaman na may ipapamana sa inyo na kayamanan. Ang tanging maipamana sa inyo ang yamang kahit saan man kayo magpunta ay hindi mawawala at hindi mananakaw ng kahit sino man. Dahil iyon ang pamanang magiging taglay niyo hanggang sa kayo ay tumanda….’’mahabang pahayag ng nanay niya. Mga salitang paulit-ulit at di nagsasawa na sabihin sa kanila. Halos masaulo na nga niya iyon.

Matapos silang kumain ng hapunan ay nag-aral muna sila ng mga kapatid niya ng kwaderno o di kaya’y gumawa ng assignments. Kahit na nakapag-aral na siya kanina kailangan niya rin na i-review ang iba niyang mga subjects baka magbigay ng on the spot na pagsusulit ang guro nila at least ready na siya, saka humiga na para matulog. Kadalasan kung gabi ay palagi siyang nagmumuni muni bago matulog. Iniisip ang kalagayan nila at ang mga sinasabi ng kanyang ina. Tuwing gabi, sinasabi niya sa kanyang sarili na dapat makapagtapos siya ng pag-aaral kahit anuman kahirap ng kanilang sitwasyon. Pag nakatapos na siya sa pag-aaral ay hahanap siya ng magandang trabaho para matulungan ang mga magulang niya at tutulungan niya rin na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid. Yon ang paulit-ulit na ipinapangako niya sa kanyang sarili.

-----''Hindi ko alam, pero bigla ako naging curious sa kanya. He's wearing light blue denim, fitted pants and high cut shoes, nakabukas ang dalawang butones nito sa dibdib.'I know he is handsome''

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 129

    Tinapos na ni Dianne ang kwento sa kanyang mga anak. Lahat ng karakter sa kwento ay nagkaroon ng masayang wakas, at sa dulo, ramdam ang saya sa mga mata ng kambal at ng bunsong anak.“Mommy,” tanong ni Dexter, medyo naguguluhan, “ibig sabihin ba ‘yung story nina Mommy at Daddy, may happy ending din?”Hindi sumagot si Dianne kaagad. Tumingin siya sa mga mata ng kanyang mga anak, ramdam ang bigat sa dibdib, at saka malumanay na sinabi, “Siguro hindi, kasi kung meron, nandito si Daddy nyo.”Nagulat ang tatlo. Biglang napagtanto nila—ibig sabihin, totoong love story ni Mommy at Daddy ang kwento ni Dianne at DJ.Tumango si Dianne, at bahagyang malungkot na wika niya, “Ngayon naniniwala na ako, na walang forever sa story nila…”Ngunit mabilis na sumingit ang kambal, sabay sabing, “Mommy! Dalawang linggo lang po na hindi nakarating si Daddy, baka may mahalagang inaasikaso lang siya,” dagdag ni Annilou.Nagulat silang lahat nang biglang sumingit si DJ mula sa pintuan. Sa kanyang mahinahong ngi

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 128

    Pagkatapos ng selebrasyon sa plaza, kung saan nagpatuloy ang maliit at intimate na handaan. Ang paligid ay puno ng masarap na amoy ng pagkain, halakhak ng mga bisita, at kwentuhan sa bawat sulok ng bahay. Habang ang iba ay abala sa kanilang sariling grupo, si Gemma ay nakatayo sa isang sulok, tahimik na nanonood at sinusuri ang paligid.Hindi niya maiwasang mapansin ang lalaki na nakapukaw sa kanyang damdamin sa plaza—si Darwin Joey, ang backup singer at dancer ni DJ. Ngayon, sa mas tahimik at mas pribadong setting, mas malinaw niyang nakikita ang mga detalye sa mukha, kilos, at paraan ng pananalita nito. Ang puso niya ay mabilis na kumindat sa tuwing tumitig sa kanya ang lalaki, at ramdam niya ang kakaibang halo ng excitement at kaba sa dibdib. Bakit ganito ang epekto niya sa akin? bulong niya sa sarili.Hindi naglaon, lumapit si Darwin Joey, magaan ang ngiti sa kanyang mukha. “Hi, I’m Darwin Joey,” sabi niya, hawak ang isang baso ng juice. “I’ve seen you at the plaza. Nakita kita ha

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 127

    Habang nakatingin si Dianne sa kanyang ina, naramdaman niya ang kakaibang saya. Hindi lang dahil masaya ang ina niya, kundi dahil ramdam niya ang init ng pagmamahal mula sa buong komunidad. “Ang saya talaga ni Inay,” bulong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang mga ngiti ng mga tao sa plaza. Ang mga bata ay naglalaro, ang mga matatanda ay nakikilahok sa mga laro, at bawat tawa at palakpak ay tila musika sa kanyang pandinig.Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, may bahagyang kaba sa dibdib ni Dianne. “Sana magustuhan ni Inay ang sorpresa… Sana walang masira,” iniisip niya habang sinusubaybayan ang bawat detalye. Ngunit sa bawat tingin niya sa mata ng ina, nakita niya ang kislap ng kaligayahan—at doon, unti-unti niyang nakalimutan ang lahat ng pag-aalala.Ang mga palaro sa plaza ay nagdala ng dagdag na sigla. Ang kambal ay abala sa mga simpleng mini-games, habang ang bunsong anak ay nakikilahok sa mga raffle at kantahan. Ang bawat halakhak at pagbibigay ng premyo ay nagpalakas sa loo

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 126

    Umuwi si Dianne sa kanilang probinsya sa Bacolod kasama ang kanilang mga anak. Ang kambal ay labing-isang taong gulang na, habang ang bunsong anak naman ay pitong taong gulang. Habang tumatawid sila sa lansangan patungo sa kanilang tahanan, naririnig niya ang halakhak ng mga bata sa likod ng van. Sa bawat tawa nila, may bahagyang ginhawa na bumabalot sa puso niya. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, hindi maalis ang kakulangan na nararamdaman niya—wala si DJ sa tabi nila.“Mommy, saan Daddy?” tanong ng bunso, na agad naman sinagot ng kambal, “Siguro busy siya sa trabaho, Mom!”Pinilit ni Dianne na ngumiti, bagamat may kaunting kirot sa dibdib. Totoo, naiintindihan niya ang dahilan ni DJ. Mahalagang asikasuhin ang kanyang kompanya, at marahil ay hindi puwedeng ipagpaliban ang mga bagay-bagay. Ngunit hindi maalis ang panghihinayang—ito ang unang pagkakataon na hindi sumama ang kanyang asawa sa kanilang pag-uwi.“Okay lang, anak. Mag-eenjoy tayo kahit wala si Daddy,” sabi niya sa sarili

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 125

    Ilang linggo ang lumipas mula nang dalawin ni Dianne si Gemma. Unti-unti nang bumabalik ang kulay sa dating maputlang mukha ni Gemma`, bagaman nakaupo pa rin siya sa wheelchair. Sa bawat umaga, pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw mula sa bintana ng kanyang silid—ang liwanag na sumisilip sa kurtina ay parang paalala na may pag-asa pa. Ngunit sa kabila ng lahat, may bahid pa rin ng lungkot sa kanyang mga mata.Habang nakatingin siya sa labas, biglang pumasok sa isip niya ang mga pangyayari noon—ang mga sandaling pinili niyang suyuin si DJ, ang panahong inakala niyang kaya niyang agawin ang pag-ibig na para sa iba. Ngayon, habang nakaupo sa harap ng katotohanan, naramdaman niya ang bigat ng kasalanan at ang tamis ng pagtanggap.Napahinga siya nang malalim.“Siguro nga… tama si Dianne,” mahina niyang bulong. “Hindi nasusukat sa ganda o talino ang halaga ng isang tao… kundi sa kabutihan ng puso.”Doon niya tuluyang narealize — si Dianne ang tunay na nararapat kay DJ. Hindi man ito kasi

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 124

    Nakahiga na ang kambal sa magkabilang gilid ng kama, habang si Dexter naman ay naka-upo sa tabi ng ina, hawak pa ang unan na tila hindi makapaghintay sa susunod na mangyayari.“Okay, mga anak,” mahinahong sabi ni Dianne. “Itutuloy ko na ha? Naalala n’yo pa ba si Gemma?”Sabay-sabay na tumango ang tatlo.“’Yung kontrabida, mommy!” sigaw ni Dexter. “’Yung gusto kang ipahamak!”REWIND…Buo na ang loob ni Gemma. Akala niya makukuha na niya ang lahat kapag nawala si Dianne.”Ang ilaw mula sa mga chandeliers ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa paligid. Nasa bar area siya, nakaupo sa mataas na stool habang marahang iniikot-ikot ang baso ng red wine sa kanyang kamay. Ang bawat patak ng alak sa gilid ng baso ay parang repleksyon ng kanyang galit at inggit.“Kung hindi dahil sa kanya,” bulong niya, “ako sana ang minahal… ako sana ang pinili…”Tila lason sa kanyang dibdib ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Kahit gaano niya piliting magpakatatag, alam niyang natatalo siya sa laron

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status