Share

CHAPTER 1

Author: CRISHMERL
last update Last Updated: 2024-03-09 18:08:53

''Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.Na forever na akong ganito. __. Forever ugly.''

-----

Huh! Ako?

Yes! Ako nga! Sino pa nga ba?

Nagtataka ka seguro kung bakit?

Kung bakit palagi akong mukhang baliw na kinakausap ang sarili ko sa harap ng salamin.

Sinusuri ang sarili araw-araw kung meron ba nagbago? Kung meron ba may nag-improve?

Araw-araw naman ako naliligo.

Nagsasabon, nagsashampoo

at naglo-lotion.

lahat tungkol sa pampaganda, sinubukan ko na.

Pero...

Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.

Sabi nga nila wala daw forever.

Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.

Na forever na akong ganito.

__. Forever ugly.

Ooops!

Pasensya, nakalimutan ko pala magpakilala.

By the way, ako nga pala si Dianne Annilou Hernandez.

Ooh hah! Ganda ng pangalan ko no? Artistahin!

Palagi nga napagkamalan na maganda ako, sa pangalan lang pero kung makita ako in person ay masasabi kadalasan na pangit ako, baduy, mukhang manang at katulong.

Pero...

na kahit man lang sa pangalan ko...

...eh, makabawi!

Well, in short you can call me Dianne.

Sa ngayon, nagtatrabaho ako sa isang sikat na Finance Company

bilang isang Finance Executive or Manager ng Finance Department.

Oo, alam ko ang iniisip mo.

Common naman yan, eh!

Nasanay na ako.

Kahit na sabihin natin na hindi ako binayayaan ng dyosang kagandahan.

Kahit papaano mabait naman si Lord, binigyan nya ako ng angking talino.

Yon nga lang kinapos sa hitsura!

Hmmmm..

Ang totoo nyan, sa kadalasan, mukha akong yaya sa tuwing kasama ko ang mga friends ko.

Just imagine.

Sila ay mala-porselana ang kutis. Nangingintab pa ang balat sa sobrang kinis. Samantalang ako nangingintab din naman...nangingintab sa itim.

Matatangkad sila. Hanggang balikat nga lang ako eh.

In short. Bansot po ako. Yon ang katotohanan.

Every time na magkasama kami ng mga friends ko.

Andyan lang ako lagi sa tabi.

Hindi ko nga alam kung palamuti ako.

Kasi sa pagkakaalam ko pagtinawag na palamuti.

Maganda.

Eh, di naman ako maganda.

Hayyyy...ewan.

-----

Maganda.

Sexy.

Makinis.

Maputi.

Artistahin.

Mayaman.

Introducing ang mga matalik na kaibigan ko...

Si Athena Morillo

Palaging napagkakamalan na artista o sikat na modelo, siya lang naman ang kaibigan kong super-duper ganda. Marami nga ang humahanga at nai-star struct sa kanya pag namamasyal kami.

May-ari ng isang sikat na flowershop, ang "Fragrance Home".

At ang magpinsan na sina:

Dansel Fabian

at Amythest ''Amy'' Guiler

...na may ari ng Dansel & Amy DeliShop.

Silang tatlo ay mga kaibigan ko sila since college life na hanggang ngayon happy together parin ang friendship kahit na bise-bisehan na ang bawat isa

But we have a habit every saturday, meron kami tinatawag na "Friendship Date".

Sini-set aside namin lahat ng kabisehan sa buhay para lang magtipon-tipon kaming apat sa paborito naming pasyalan.

Sa private resort na pagmamay ari ng grandparents ni Athena.

Friday afternoon.

After lunch.

Sunud-sunod ang ring ng cellphone ko. Habang naka-focused sa mga paper works.

Tiningnan ko ang caller sa screen ng cell phone ko at nakita ko ang name ng magandang happy, go lucky ko na kaibigan na si Dansel.

"Yes, sis, napatawag ka?"

Sagot ko sa tawag niya  habang nagta-type parin sa keyboard ng computer. At idinikit ko lamang ang cellphone ko sa gitna na taenga at balikat ko para maipagpatuloy ko ang pagta-type. Marami kasi ang nakatambak ko na paper works at gusto ko ng matapos nang araw na yon.

"Gaga! Did you forget? Bukas na ang alis natin" ani Dansel.

"Yeah, I know sis. Di ko nakalimutan yon, marami lang kasi akong ginagawa at this moment. Santambak paperworks ko ngayon."

"Lol, kailan lang ba kumunti ang paperworks mo? Lagi-lagi naman yan. Magresign ka na lang kaya dyan."Sagot ni Dansel na biniro pa ako.

"Abnormal ka ba? Eh, ito na nga lang inaasahan ko na trabaho na makapasweldo sa akin ng maganda-ganda. You know, girl. Breadwinner."

"Hmmm. Okay, maiba na nga tayo baka maabutan na nman tayo dito ng mga kadramahan sa buhay. At ma MMK naman tayo" Wika nito at napangiti nalang ako. Madalas kasi ako magkwento sa mga kaibigan ko ng mga napagdaanan ko sa buhay. Yon bang, feeling mo ang gaan gaan sa loob pag naikwento mo ang masalimuot mong buhay, alam kong nagsasawa o nababagot na sila sa mga kwento ko pero patuloy pa rin silang nakikinig.

"Tumawag nga pala si Athena sa akin. She said tomorrow maiba daw tayo ng destination. Remember YLda's Mount Peak View?" Patuloy pa ni Dansel.

"Yes, I heard Athena talked about that last Wednesday nang nagkita kami sa flower shop niya." Tugon kong pinaalam din dito na naikwento rin sa akin ni Athena ang plano nitong pag-iba ng destinasyon sa friendship date namin.

YLda's Mount Peak View is owned by Athena's cousin name, Ylena Darlyn Gomez. Kaya naging YLda yon.

"I'm so excited para bukas. I saw some captions from YLda's view and I love the place" ani Dansel na kahit sa kabilang linya ay halatang malapad ang pagkangiti. She knew her friend, mahilig ito sa adventures at reyna ito ng gala. Kaya nga ito ang maganda niyang kaibigan na binansagang’’ Happy-Go-Lucky Walking Beauty’’ dahil sa attitude nito, bagay sila ng gwapo nitong boyfriend na mahilig din sa adventures and mountain hiking. Na parang kulang na lang akyatin ang Mount Apo para maakyat nitong lahat ng bundok sa buong Pilipinas.

"Tomorrow, I will fetch you earlier before eight o'clock in the morning".

Narinig niyang dugtong pa nito.

Sa kanilang apat na magkakaibigan sya lang ang walang kotse. Anak mayaman na kasi ang mga kaibigan nya since ipinanganak ang mga ito. May sari-sariling pag-aari na company ang mga magulang ng mga ito na sikat din at kilala dito sa bansa. I'm so lucky for having friends like them kasi kahit sobrang yaman nila, they love me and treat me as their real sister kahit na ako lang ang kakaiba sa kanilang tatlo. Kakaiba kasi ang hitsura at pananamit ko. Imagine! Sa tuwing naglalakad kami, kasama ko ang mga naggagandahang dyosa subalit meron din naman silang kasama, kasamang alien!

Hindi naman na mahirap talaga kami. Oo, inaamin ko dati yon nang nag-aaral pa ako, halos gapang sa pagtityaga para lang makaraos at makapagtapos ng pag-aaral ko.

Pero ngayon, God is good talaga dahil hindi ako pinabayaan. I finished my study in Business Management major in Finance at ngayon I have a work to help and support my family. Kaya ngayon naging okay na takbo ng pamumuhay namin. My parents run a little business, yon ay ang bakery shop. Binigyan ko sila ng pangkapital sa negosyo. And my brotherS and sisterS nagtatrabaho na rin sa maganda at estable na company. Anyway, ako lang naman ang nagpaaral at nagpatapos sa kanila.

Ganyan ako kabait.

"So, dapat ready kana when I fetch you, honey. Alam mo naman sobrang maarte ng mga kaibigan natin. They hate waiting." narinig nyang sabi ni Dansel sa kabilang linya.

"Kung makapaghusga ka sa kanila, akala mo ito di maarte. Mas maarte ka pa kaya sa kanila." Wika ko at napatawa, sadyang inasar ito.

"Baliw!" Sagot nitong pasigaw.

Kung totoong magkaharap lang kami nito sinabunutan na ako.

Ganun talaga kaming magkaibigan. Mahilig mang-asar sa isa't isa. Yon ang way namin sa paglalambing. Deep inside naman kasi mahal na mahal namin ang isa't isa.

ALAALA NG KAHAPON

Hanggang ngayon ay sariwa parin sa alala ni Dianne ang mga napagdaanan niya, nang kabataan niya, sa kanyang pag-aaral hanggang sa nakatapos, nakapagtrabaho at nakatulong na maiahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang at matulungan din ang mga kapatid na maktapos sa pag-aaral. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid.

Kaya seguro siya ang nakaranas ng kahirapan ng mga magulang. Elementary siya, nasa unang baitang at siya pa lamang ang nag-aaral sa kanilang magkakapatid dahil mga musmos pa ang mga ito, maliliit pa, tatlong magkapatid pa lamang sila noon. Sa bahay kubo sila nakatira, maliit na bahay na gawa sa kahoy at nipa. Ang nakakatawa pa roon, na sa tuwing maalala niya ay napapangiti na lamang siya. Ang bahay nila ay mukhang masisira na kunti lang na ihip ng hangin ay parang matumba na, itinali lamang ito ng kanyang ama sa puno ng niyog na nasa gilid lang ng kanilang bahay para kahit papaano maging matatag ito. Minsan nga naalala niya noong elementary siya, dumating ang malakas na bagyo. Sa kasamaang-palad natangay ng malakas na hangin ang bahay nila. Mabuti na lamang, lahat sila ay nakaalis doon at nakalikas sa evacuation center bago nangyaring nagkasira-sira ang kanilang bahay, kaya lahat sila ay nakaligtas at walang may masamang nangyari. Lalo na sa mga maliliit niyang mga kapatid, dahil kung nangyari yon kawawa naman ang mga kapatid niya. Malaki talaga ang pinapasalamat niya noon sa Maykapal, yon nga lang, wala na silang bahay na matitirahan.

Nagkaroon sila ng bahay, binili iyon ng mga magulang niya mula sa grandparents niya, isang libo ang bili ng mga ito sa bahay. Na dating tirahan ng baboy, oo BAHAY NG BABOY, na binenta ng lola ni Dianne sa mga magulang niya para magkaroon sila ng matitirahan, lola sa mother’s side niya.

Dahil tirahan ng baboy iyon, walang dingding at bintana. Tanging bubong lang at sahig, dahil sa kapos sila sa pera at kagagaling lang sila sa unos na yon, pinagtyigaan na lang nila at nilinis ng mabuti, sako na muna ang ginawang kisame ng mga magulanmg niya para kahit papaano ay may dingding o takip ang gilid ng bahay nila. Just imagine kung ano ang sitwasyon nila noon, kung maiisip nga niya ngayon parang hindi siya makapaniwala.

Actually, marangya ang buhay ng grandparents niya, sa katunayan nga ay nagpapautang pa ng pera sa mga tao. Pero iwan ba niya dati-rati pa ay hindi na maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanila, sa mga magulang niya at pati sa kanilang magkakapatid. Kahit na mga tyahin niya ganun din except lang sa mga kamag-anak nila na nasa Maynila. Hindi niya alam dahil hindi naman sila suwail at hindi naman masasama ang kanilang mga ugali. Pinalaki naman sila ng maayos ng mga magulang nila.

Hindi pa nga niya makalimutan hanggang ngayon ang time na….dapit hapon na iyon, dahil nakasanayan at tinuruan ng kanyang ina na maging magalang sa mga matatanda. Kararating niya lang galing sa eskwelahan, daanan kasi ang bahay nang lolo’t lola niya pauwi sa bahay nila. Nang dumaan siya sa pintuan ng bahay ng grandparents nakita niya ang kanyang lola na nakaupo sa sala. Kaya nilapitan niya ito at magmamano siya sana nang bigla nitong hinampas ang kamay niya at tumayo ito mula sa inuupuan at lumayo sa kanya.

‘’Umuwi ka na sa inyo,’’ narinig niyang sabi nito.

Syempre, pangit kaya sa feeling na ganun ang magiging reaction ng lola niya. Ang sa kanya lang naman sana ay rumespeto dito gaya ng itinuturo ng kanyang ina.

Pero, bakit ganun?

Ganun ang lola niya sa kanya?

Natanong niya sa sarili niya kung may nagawa ba siyang mali? Kibit-balikat na lamg siyang lumabas ng bahay ng grandparents nya at umuwi na merong lumbay sa kanyang mukha. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 129

    Tinapos na ni Dianne ang kwento sa kanyang mga anak. Lahat ng karakter sa kwento ay nagkaroon ng masayang wakas, at sa dulo, ramdam ang saya sa mga mata ng kambal at ng bunsong anak.“Mommy,” tanong ni Dexter, medyo naguguluhan, “ibig sabihin ba ‘yung story nina Mommy at Daddy, may happy ending din?”Hindi sumagot si Dianne kaagad. Tumingin siya sa mga mata ng kanyang mga anak, ramdam ang bigat sa dibdib, at saka malumanay na sinabi, “Siguro hindi, kasi kung meron, nandito si Daddy nyo.”Nagulat ang tatlo. Biglang napagtanto nila—ibig sabihin, totoong love story ni Mommy at Daddy ang kwento ni Dianne at DJ.Tumango si Dianne, at bahagyang malungkot na wika niya, “Ngayon naniniwala na ako, na walang forever sa story nila…”Ngunit mabilis na sumingit ang kambal, sabay sabing, “Mommy! Dalawang linggo lang po na hindi nakarating si Daddy, baka may mahalagang inaasikaso lang siya,” dagdag ni Annilou.Nagulat silang lahat nang biglang sumingit si DJ mula sa pintuan. Sa kanyang mahinahong ngi

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 128

    Pagkatapos ng selebrasyon sa plaza, kung saan nagpatuloy ang maliit at intimate na handaan. Ang paligid ay puno ng masarap na amoy ng pagkain, halakhak ng mga bisita, at kwentuhan sa bawat sulok ng bahay. Habang ang iba ay abala sa kanilang sariling grupo, si Gemma ay nakatayo sa isang sulok, tahimik na nanonood at sinusuri ang paligid.Hindi niya maiwasang mapansin ang lalaki na nakapukaw sa kanyang damdamin sa plaza—si Darwin Joey, ang backup singer at dancer ni DJ. Ngayon, sa mas tahimik at mas pribadong setting, mas malinaw niyang nakikita ang mga detalye sa mukha, kilos, at paraan ng pananalita nito. Ang puso niya ay mabilis na kumindat sa tuwing tumitig sa kanya ang lalaki, at ramdam niya ang kakaibang halo ng excitement at kaba sa dibdib. Bakit ganito ang epekto niya sa akin? bulong niya sa sarili.Hindi naglaon, lumapit si Darwin Joey, magaan ang ngiti sa kanyang mukha. “Hi, I’m Darwin Joey,” sabi niya, hawak ang isang baso ng juice. “I’ve seen you at the plaza. Nakita kita ha

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 127

    Habang nakatingin si Dianne sa kanyang ina, naramdaman niya ang kakaibang saya. Hindi lang dahil masaya ang ina niya, kundi dahil ramdam niya ang init ng pagmamahal mula sa buong komunidad. “Ang saya talaga ni Inay,” bulong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang mga ngiti ng mga tao sa plaza. Ang mga bata ay naglalaro, ang mga matatanda ay nakikilahok sa mga laro, at bawat tawa at palakpak ay tila musika sa kanyang pandinig.Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, may bahagyang kaba sa dibdib ni Dianne. “Sana magustuhan ni Inay ang sorpresa… Sana walang masira,” iniisip niya habang sinusubaybayan ang bawat detalye. Ngunit sa bawat tingin niya sa mata ng ina, nakita niya ang kislap ng kaligayahan—at doon, unti-unti niyang nakalimutan ang lahat ng pag-aalala.Ang mga palaro sa plaza ay nagdala ng dagdag na sigla. Ang kambal ay abala sa mga simpleng mini-games, habang ang bunsong anak ay nakikilahok sa mga raffle at kantahan. Ang bawat halakhak at pagbibigay ng premyo ay nagpalakas sa loo

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 126

    Umuwi si Dianne sa kanilang probinsya sa Bacolod kasama ang kanilang mga anak. Ang kambal ay labing-isang taong gulang na, habang ang bunsong anak naman ay pitong taong gulang. Habang tumatawid sila sa lansangan patungo sa kanilang tahanan, naririnig niya ang halakhak ng mga bata sa likod ng van. Sa bawat tawa nila, may bahagyang ginhawa na bumabalot sa puso niya. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, hindi maalis ang kakulangan na nararamdaman niya—wala si DJ sa tabi nila.“Mommy, saan Daddy?” tanong ng bunso, na agad naman sinagot ng kambal, “Siguro busy siya sa trabaho, Mom!”Pinilit ni Dianne na ngumiti, bagamat may kaunting kirot sa dibdib. Totoo, naiintindihan niya ang dahilan ni DJ. Mahalagang asikasuhin ang kanyang kompanya, at marahil ay hindi puwedeng ipagpaliban ang mga bagay-bagay. Ngunit hindi maalis ang panghihinayang—ito ang unang pagkakataon na hindi sumama ang kanyang asawa sa kanilang pag-uwi.“Okay lang, anak. Mag-eenjoy tayo kahit wala si Daddy,” sabi niya sa sarili

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 125

    Ilang linggo ang lumipas mula nang dalawin ni Dianne si Gemma. Unti-unti nang bumabalik ang kulay sa dating maputlang mukha ni Gemma`, bagaman nakaupo pa rin siya sa wheelchair. Sa bawat umaga, pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw mula sa bintana ng kanyang silid—ang liwanag na sumisilip sa kurtina ay parang paalala na may pag-asa pa. Ngunit sa kabila ng lahat, may bahid pa rin ng lungkot sa kanyang mga mata.Habang nakatingin siya sa labas, biglang pumasok sa isip niya ang mga pangyayari noon—ang mga sandaling pinili niyang suyuin si DJ, ang panahong inakala niyang kaya niyang agawin ang pag-ibig na para sa iba. Ngayon, habang nakaupo sa harap ng katotohanan, naramdaman niya ang bigat ng kasalanan at ang tamis ng pagtanggap.Napahinga siya nang malalim.“Siguro nga… tama si Dianne,” mahina niyang bulong. “Hindi nasusukat sa ganda o talino ang halaga ng isang tao… kundi sa kabutihan ng puso.”Doon niya tuluyang narealize — si Dianne ang tunay na nararapat kay DJ. Hindi man ito kasi

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 124

    Nakahiga na ang kambal sa magkabilang gilid ng kama, habang si Dexter naman ay naka-upo sa tabi ng ina, hawak pa ang unan na tila hindi makapaghintay sa susunod na mangyayari.“Okay, mga anak,” mahinahong sabi ni Dianne. “Itutuloy ko na ha? Naalala n’yo pa ba si Gemma?”Sabay-sabay na tumango ang tatlo.“’Yung kontrabida, mommy!” sigaw ni Dexter. “’Yung gusto kang ipahamak!”REWIND…Buo na ang loob ni Gemma. Akala niya makukuha na niya ang lahat kapag nawala si Dianne.”Ang ilaw mula sa mga chandeliers ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa paligid. Nasa bar area siya, nakaupo sa mataas na stool habang marahang iniikot-ikot ang baso ng red wine sa kanyang kamay. Ang bawat patak ng alak sa gilid ng baso ay parang repleksyon ng kanyang galit at inggit.“Kung hindi dahil sa kanya,” bulong niya, “ako sana ang minahal… ako sana ang pinili…”Tila lason sa kanyang dibdib ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Kahit gaano niya piliting magpakatatag, alam niyang natatalo siya sa laron

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status