‘’Syanga pala, magkakilala na ba kayo?’’ Tanong ni Kier.‘’Hindi pa,’’ si Dianne ang sumagot.‘’Ganun ba? Siyanga pala, Dianne, si Gemma. Gerlie’s twin sister, pero ‘wag ka mag-alala mabait si Gemma.’’ Sabi ni Kier na nakabaling ang tingin sa kanya, bumaling si Kier ng tingin kay Gemma at ipinakilala si Dianne sa babae.‘’Kahit na matagal ng umalis si Gemma sa bahay nila ay nagkikita pa rin kami, not frequent nga lang seguro kung may occasion lang with friends pag umuwi ako noon from Germany. Gemma is still in the circle of friends kasi we were a childhood friends. Mas closed pa nga kami noon compared to Gerlie.’’ Paliwanag ni Kier.Ngumiti si Gemma.‘’Nice meeting you, Dianne,’’ sabi ni Gemma at nakikamay sa kanya na may kaaya-ayang ngiti.Naisip ni Dianne na hindi nga ito katulad ni Gerlie dahil mukhang totoo ang mga ngiti ni Gemma. Naalala niya nang unang magkita sila ni Gerlie nang buhay pa ang babae at nang ipakilala silang dalawa ni Kier. Hindi niya makalimutan ang mga plastik n
Hindi alam ni DJ kung ano ang mga sumunod na nangyar. Pagkagising niya ay mataas na ang sikat ng araw, katabi niyang nakahiga sa kama at nakahubad ang babae. Nakahubad rin siya. Dali-dali siyang bumihis ng kanyang damit at umalis.Hindi na siya nag-aksaya ng oras para gisingin pa ang katabi niyang babae. Wala siyang dala na kotse dahil magkasama sila ni Kier kahapon na naglakad ng kanilang itatayo na negosyo. Habang nakasay siya ng taxi ay balisa siya at hindi mapakali. Hindi niya alam kung may nangyari o wala, basta ang alam niya lang ay nakatulog siya ng mahimbing at wala siyang malay sa mga nangyari. Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.‘My God!’ Kahit anupa ang iisipin niyang dahilan may nagawa pa rin siyang kasalanan sa kanyang asawa, Aniyang isip niya.Pagdating ni DJ sa bahay nila ay agad niyang hinanap sa katulong si Dianne nang pumunta siya sa kwarto at wala doon ang asawa.‘’Nasa kusina po sir, naghahanda ng almusal,’’ sagot ng katulong.Kaya agad na pinunta
‘’Sorry po ma’am pero ipinagbilin ni ma’am, Athena na hindi po kayo pwede pumasok. Mahigpit niyang ipinagbilin na kayo daw ni Ma’am Dianne Anilou Hernandez ay ipinagbabawal na pumasok dito sa bahay.’’ Wika ng guard na humarang sa kanila nang makalapit sila sa gate.‘’My God! Nasabi niya yan? ‘’Wika ni Dansel na nag-aalburuto ang puso sa galit. Ang sakit kaya non, ang sakit sa feeling na ang mismo mong best friend ay tratuhin ka na ganun Na pagbawalan kang dumalo sa mismong kaarawan nito. Yon ang nararamdaman ni Dansel ng mga sandaling iyon. Excited pa naman sana itong ibibigay ang regalo nito kay Athena, sa kaibigan nila!‘’Ano ang ginagawa nyo rito?’’ Tanong ni Athena na ngayon ay kaharap na nila, nasa likod nito si Amy.‘’Athena, nahihibang ka na ba? Mga best friends mo kami,’’ sabi ni Dansel na nanlulumo ang mga mata, sandaling nawala ang galit nito nang makita ang kaibigan, ang nasasabik na nitong makasama na kaibigan.‘’Athena, kung anuman ang problema at galit mosa akin, wag mo
Napabalkwas si Dianne mula sa pagkahiga. NAnaginip siyang biglang sinuntok ni Kier si DJ. Kahit sa kanyang panaginip ay hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit sinuntok ang asawa niya ni Kier..‘’Ano kaya ang ibig sabihin non?’’ Napahinga siya ng malalim. Seguro stress lang siya o di kaya’y sa sobrang kakaisip niya sa kalagayan ng pagkakaibigan nila ngayon.Tumingin siya sa kanyang tabi at nakitang hindi niya katabi si DJ, wala ito sa kanyang tabi. Kaya kumilos siya, nakita niyang alas sais y media na ang oras sa wall clock na nakakabit sa dingding ng kanilang kwarto. Naligo siya, pagkatapos niyang maligo na wala pa rin si DJ ay nagdesisyon siyang bumaba sa kusina. Naroon nga ang asawa niya sa kusina at kasalukuyang nagluluto ng pagkain para sa kanilang almusal.‘’Oh, Babe, gising ka na pala? Pasensiya na kung hindi kita ginising mukhang mahimbing kasi ang tulog mo kanina,’’sabi ni DJ sa kanya nang makita siya.Mukhang tapos na itong maligo, medyo basa pa kasi ang makapal nitong buh
Inawat ni Dianne si Dansel natatakot kasi siyang baka kung anupa ang mangyayari. At hindi niya hahayaan na magkagulo sa sandaling iyon. ‘’Hindi, Dianne. Sumusobra na kasi ang babaeng iyan!’’ Inis na sabi ni Dansel at naramdaman niyang ayaw nitong magpaawat. Naramdaman din ni Athena iyon kaya huminahon din ito. Kilala rin kasi nito si Dansel na hindi umaatras kahit sa giyera. ‘’Siyanga pala, nais kong ipaalam sa inyo that my fiend’s circle doesn’t need you anymore dahil may ipinagpalit na kaming kaibigan sa inyo,’’wika ni Athena. ‘’Gemma, I would like to meet you, my two ex-friends’’, pakilala pa nito sa kanila kay Gemma. Hindi kumibo si Gemma, hindi ito nagsalita ngunit ngumiti lamang ito sa kanila lalo na kay Dianne. Kilala na niya si Gemma dahil ipinakilala na ito ni Kier sa kanya. At kilala rin siya ng babae, seguro nga hindi ito kumibo para makaiwas rin na lalong magkagulo ang sitwasyon. ‘’Bye girls, good luck sa friendship nyong dalawa,’’ pagkasabi nun ay tumalikod na si Ath
DJ’s POV Papunta siya ngayon sa spa and massage shop and services para sunduin si Dianne. Katatawag lang kasi ng ina niya na uuwi daw ang mga ito ng Pilipinas ngayon. Pumunta ang kanyang mga magulang sa Germany, lalo na nang malaman ni Donya Consuelo na magaling na ang asawa mula sa sakit nito. Tumawag si Donya Consuelo na magpapasundo sa airport at gusto nitong si Dianne at DJ ang susundo sa mga ito. Umuwiang mga ito dahil gusto raw alagaan si Dianne dahil nalaman ng mga ito na nagdadalang tao si Dianne sa kanilang baby.At isa pa raw ay ilang buwan na lang ay manganganak na si Dianne, gusto ng mga ito na naroroon ang mga ito kung manganak na si Dianne. Excited na raw kasi ang mga itong makita ang apo nila sa kanilang unico jiho. Agad niyang na-park ang kotse pagdating sa lokasyon ng spa and massage shop and services nang makarating na siya roon. Bumaba siya sa kotse at nilakad ang kinaroronan ng asawa. Alam niyang nasa office ang asawa niya. Hinila niya ang glass door at papasok na s
Ngayon ang araw na lalabas si Dianne sa ospital, supposedly pwede naman siyang lumabas kinahapunan nang dalhin siya sa ospital, pero nag-stay siya doon ng two days dahil gusto ni DJ na maseguro ang kalagayan niya. Kaya pinaunlakan niya na lang kungsabagay tama naman ang asawa niya, gusto niya rin maseguro lalo na ang kalusugan ng mga anak niya dahil sabi ng doktor kambal daw ang anak niya, bukod pa sa sinabi ni DJ. Alam niya na kasi yon, nasabi na sa kanya ng doktor bago pa man sabihin ni DJ sa kanya,. Kasama niya si Dansel, totohanin niya ngang didiretso siya sa bahay ng kaibigan.Nagdrama kahapon si DJ na ayaw nitong iwan niya pero hindi man lang siya sinundo sa paglabas niya ng ospital ng mga sandali na yon. Hindi man lang ito nag-effort na gumawa ng paraan para manatili siya sa bahay nilang mag-asawa. Mga kaisipan na dumadaloy sa isipan ni Dianne na unti-unting nakalikha ng inis sa kanyang damdamin.‘’Okey, ka na ba? Kung ready ka na uwi na tayo’’ sabi ni Dansel na pumukaw naman
Napalaki ang mga mata ni Dansel nang makalapit na sila sa gitna. Kahit si Dianne ay parang hindi rin makapaniwala, this is the second time na gawin iyon, akala niya wala itong effort na gagawin pero sobra sobra pa pala sa inaakala niya. Oo, si DJ iyon! Hindi lang todo, kundi extra effort. Nakita niyang nasa likod ni DJ sina Kier, Don Virgilio at Donya Consuelo at ang tatlong mga ito ay may hawak na bulaklak. Pare-parehong red roses ang hawak ng tatlo. Samantalang si DJ naman ay may hawak na mikropono, ilang saglit aynarinig niya ang pag umpisa ng musika. Everyday I Love You ng na kanta ng Boyzone. Narinig niyang nag-umpisang kumanta si DJ. I don't know, but I believe,That some things are meant to be,And that you'll make a better me,Everyday I love you.I never thought that dreams came trueBut you showed me that they do,You know that I learn somethng new,Everyday I love you.'Cos I believe that destiny,Is out of our control,And you'll never live until you love,With all your
"Anak, talaga bang ayaw mo ng magkaayos kayo ni DJ?" Tanong ni Aling Marilyn kay Dianne habang nasa kusina sila, kasalukuyan na nagluluto si Dianne ng almusal nila. Naroon din si Arriane dahil nagpatulong si Dianne sa bunsong kapatid. Isang linggo na ang nakalipas simula nang lumabas si Dianne sa ospital. Huminga ng malalim fsi Dianne, " Sa totoo lang nay, masama ang loob ko sa kanya dahil hindi man lang siya sumipot ng manganak ako." Sagot ni Dianne saka tumalikod para itago ang mga mata niyang di mapigilang napatulo ang mga luha nang magsalita siya. Oo, inaamin niyang gusto niyang lumayo at ilayo kay DJ ang mga anak pero hindi niya maikakaila sa sarili na umaasa siyang gagawa ng paraan si DJ para sundan siya. 'Pero, wala! Walang DJ na dumating at walang DJ na nag effort!' hinaing at inis na sabi niya sa kanyang isipan. *Nagkakamali ka, anak. Mahal ka talaga ni DJ" ani Aling Marilyn. " Tama si inay, Ate. Pumunta si Kuya DJ sa ospital nang manganak ka, Ate" singit ni Arriane na n
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Galit si DJ na nilapitan si Gemma nang makita niya ito at sinumbatan.Sa Pagpapatuloy..."Tinatanong mo ako kung bakit si Dianne ang pinili ko? At wag mong sabihin na wala sa kalingkingan mo sa hitsura mo, dahil kung pagbabasehan sa ugali. Kahit sa kuko man lang ni Dianne ay wala ka!" Sagot ni DJ."DJ, ano ba ang dapat kung gawin para mahalin at tanggapin mo?" madamdaming pahayag ni Gemma."Mahalin at tanggapin? Kung dati ay hindi kita natutunan na mahalin, ngayon pa kaya? At kahit kailan ay hindi kita matatanggap sa buhay ko dahil you're the worst person I have ever knew! Pinagsisihan ko nga kung bakit nakilala pa kita. Ng dahil sayo nasira ang buhay ko, sinira mo kami ni Dianne! At pakiusap lang, layuan mo na dahil ayoko ng makita ang makapal mong mukha!" Galit na pahayag ni DJ at galit na tinulak si Gemma nang bitawan ang braso nito, saka tumalikod si DJ at iniwan si Gemma.Nang umalis na si DJ ay napakagat ng labi si Gemma, napapikit
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pinagtanggol si Dianne ni Aya sa mga nangbubully sa kanya.Sa Pagpapatuloy..."Eh, ano naman ngayon ang pakialam mo, bakla ka?" Inis na sabi ni Liselle."Syempre lang may pakialam ako dahil hindi na tama ang ginagawa nyo! At nakakabwesit pa kaya kayo dahil ang ingay nyo, kung makatawa kayo wagas. Hindi nyo manlang iniisip ang ibang tao dito sa loob ng classroom" ani Aya na inis ang pagkasabi."Alam mo, bakla, mas mabuti pang wag ka nalang sumali dahil hindi mo kilala ang mga kinakalaban mo...at hindi mo alam kung ano ang maaring mangyayari sayo!" si Amella naman ang nagsalita."Bakit, ano ang gagawin nyo? Hindi ako natatakot sa inyo. Baka hindi nyo alam na black belter ako at nag aaral din ng karate...baka hindi nyo pa naranasan masipa at masapak." Matapang na sabi ni Aya, biglang natahimik ang grupo ni Liselle at medyo napaatras si Amella."Baka sakaling gusto niyo na maranasan kung hindi nyo pa titigilan si Dianne" patuloy pa ni Aya.Si
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nakita ni DJ ang mga pictures ni Dianne na may kasamang lalaki na ibinigay ng katulong sa kanya mula sa mailman.Sa Pagpapatuloy...Kasalukuyan na nasa palengke si Aling Marilyn nang tumawag si DJ sa kanya kaya kasalukuyan niya itong hinihintay doon dahil pupunta doon si DJ para makausap siya, nasa Bacolod raw ito at kararating lamang. 4pm na ang oras nun.Ilang saglit lang ay nakita niya ito sa di kalayuan na paparating kaya tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at sinalubong ito. Nang makalapit siya kay DJ ay nagmano ito sa kanya. Agad silang tumungo sa batchoy resto dahil Ilang hakbang lang naman ang layo at para makapag usap sila ng maayos."Kamusta na nga pala si Dianne, nay?" Tanong ni DJ nang makaupo na sila at matapos na makapag order."Sa ngayon, anak medyo hindi pa okay" sagot ni Aling Marilyn na malungkot ang mukha. Ikiniwento din kasi sa kanya ni Dianne ang nangyari pati kay Gemma at Ulga, saka ang tinatago na katauhan ni DJ per
Huling naganap...Bitbit ni Dianne ang kanyang maleta habang palabas ng bahay, buo na ang kanyang desisyon na umalis at iwan si DJ.Sa Pagpapatuloy...Kahit na mahirap man gawin at isiping iiwan niya ang asawa ay kailangan niyang gawin iyon...hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapakanan ng kanyang mga anak na binubuntis. Ganun pala kapag ina ka, kailangan mong magsakripisyo, at hindi mo na iniisip ang sarili mong nararamdaman...ang nasasaktan mong puso dahil lahat ay gagawin mo para lamang sa kabutihan ng mga anak mo. Iyon ang nawika niya sa kanyang isipan. Nang dumaan siya sa sala nakita niya ang dalawang katulong na nagtataka. Hindi siya kumibo dumiretso lamang siya sa paglalakad.Pagdating niya sa labas ng mayor na pintuan nakasalubong niya si Mang Victor, ang kanyang personal driver."Saan po kayo pupunta, Maam Dianne? Gabi na po ito" nagtataka na tanong ni Mang Victor."Aalis na po ako dito sa bahay, Mang Victor" sagot niya."Po?"Kumunot ang noo nito at biglang lumungkot
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nang makita ni Gemma na nagpaalam si DJ na magcr ay nagcr din sya para sundan si DJLaking tuwa niya nang naroroon na sa lobby ng cr, walang ibang tao roon. Hindi niya alam kung may mga tao sa loob ng cr ng mga lalaki, basta ang alam niya nang pumunta siya sa cr ng mga babae, walang tao doon. Muli siyang tumungo sa lobby at hinintay doon si DJ. Sa isip niya na gagawin ang lahat para masira si DJ at Dianne. Laking gulat ni DJ nang makita si Gemma, at lalo pa siyang nagulat nang lumakad ito palapit sa kanya ng diretso at hinalikan siya sa labi. Sa pagpapatuloy...Hindi inaasahan iyon ni DJ kaya sa pagkabigla ay huli ng maawat ang babae.Ilang minuto ang nakalipas...Hindi mapakali si Dianne, nasa isip na baka magkurus ang landas ni Gemma at DJ, baka kung anupa ang maaring gawin ng asawa niya kay Gemma kaya tumayo siya mula sa inuupuan at nagpaalam na pupunta ng cr. Nakisabay si Dansel sa kanya dahil ihing ihi na raw ito, kaya magkasabay sil
Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Napabulalas sa gulat ang ina ni Dianne na si Aling Marilyn nang makita ang mukha ni DJ,napasign of the coss pa ito halos nagkapantal pantal ati ang leeg ng lalaki, nakauwi na sila sa bahay ng ga magulang ni Dianne at kakarating lamang. Sa Pagpapatuloy.... Ipinaliwanag ni Dianne sa kanyang ina kung ano ang nangyari, nang kausapin sya nitong mag isa sa kusina, wala doon ang kanyang ama dahil naroon ito sa bakery shop na binigay niyang negosyo noon para sa kanyang mga magulang. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa asawa mo, parang pinaparurusahan mo kasi siya, nang dumating kayo dito una niyang ginawa na pinagawa mo ay nagtinda xa sa palengke ng dinaing na babgus na tinitinda ni Melchor, kinabukasan nun pinasama mo naman sa pangingisda sa laot tapos nang pumunta kato kay tyong Alberto mo pinaakyat mo naman si DJ sa puno ng mangga na maraming malalakinh pulang langgam"wika ng kanyang ina. "Hindi naman po, dala lang seguro ng b
Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Kinakanta ni DJ ang 'Everything I Do, I Do It For You' habang iniisip na gusto lamang ipadama sa kanyang asawa ang tunay niyang nararamdaman at nais nya rin ipabatid sa maraming tao kung gaano niya ito kamahal. Sa Pagpapatuloy... Pagkatapos na kumanta ang lahat ng mga contestants ay tumayo silang lahat sa stage na magkahawak ng kay, tatawagin a at hihirangin ang nanalo g third, second, first prize at grand champion ng singing contest. Ang third prize ay makakatanggap ng five thousand, second ten thousand, first twenty thousand at ang hihirangin na grand champion ay makakatanggap ng thirty thousand at trophy. Habang nakatayo si DJ sa stage kasama ang ibang mga contestants, nasa isip nya na hindi na sya umaasa na manalo sa singing contest na iyon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay mapahiwatig sa kanyang asawa ang kanyang nararamdaman at nais ipabatid at ipahayag sa harap ng maraming tao na ipinagmamalaki niyang makilala ito at sabihin na mahal
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pumayag na sumali si DJ sa singing contest.Sa Pagpapatuloy...Habang kumakanta si DJ sa gitna ng entablado at hawak ang gitara na hiniram kay Mark, hindi mapipigilan ni Dianne ang sarili na mapangiti. Lalo na nang marinig niya ang kinakanta ng asawa ay 'Everything I Do, I Do It For You' ni Bryan Adams. Naalala niya palagi niyang pinapakanta si Mark ng kantang iyon at habang pinapakinggan ang kantang iyon noon. She's drowned in imagination nay lalaking magmamahal sa kanya, whoever she is..at kaya siyang tanggapin anupaman ang hitsura niya...tapos ay gagawin nito ang lahat para sa kanya. Napabuntong hininga siya, ewan ba niya kung...itutuloy pa kaya niya ang kanyang binabalak na gawin at ipapagawa sa asawa? Napapikit siya' Hayan ka naman! Isipin mo ang kabutihan at kapakanan ng mga anak mo! Wag kang magpalinlang at magpadala sa iyong emosyon!' Galit na sigaw ng kanyang kumukontra na isipan niya. Nag aalala rin siya sa maaring mangyayari kay D