Mag-log inNakatayo lang ako sa harap ng desk ni Julius, pinipilit pakalmahin ang sarili ko habang ramdam ko ang malamig na titig niya sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko. Hinihintay niya ang katibayan na magpapatunay sa matagal na niyang hinala."Nasaan ang birth certificate ng anak mo, Deneve?" ulit niya, mas madiin ngayon ang bawat salita.Tinaas ko ang baba ko at diretsong sinalubong ang mga mata niya. "Wala akong maibibigay sa inyo. Nasunog ang birth certificate ni Hope nung lumipat kami ng apartment apat na taon na ang nakakalipas."Saglit siyang tumahimik, tapos biglang umalingawngaw ang isang mapang-asar na tawa mula sa kanya. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin, parang isang boss na nakikinig sa pinakawalang kwentang palusot ng empleyado niya."Nasunog?" Ngumisi si Julius at sumandal sa upuan niya. "How convenient, Deneve. Napaka-convenient naman na sa dinami-dami ng pwedeng masunog, yung birth certificate pa ng anak mo ang nawala.""Totoo ang sinasabi ko," matigas kong
"Masyadong too good to be true, girl. Sinasabi ko sa'yo."Nakahalukipkip si Spica habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Katatapos ko lang ikwento sa kanya yung nangyari sa unang araw ko, lalo na yung biglaang paghingi ni Mr. San Juan ng original birth certificate ni Hope para sa HMO.Napabuntong-hininga ako habang pinaplantsa ang uniform ko para bukas. "Alam ko. Kinabahan nga ako kanina. Ang bilis ng proseso, ang laki ng sweldo, tapos biglang ganyan ka-strict sa records.""Ganyan talaga sa mga kumpanyang nag-o-offer ng malaking pera bigla-bigla," babala ni Spica, seryoso ang mukha niya sa ilalim ng makapal niyang salamin. "Madalas, kapag sobrang ganda ng offer, toxic ang workplace. Baka mamaya gigisahin ka nila sa trabaho o kaya may hidden agenda yung management. Mag-iingat ka, Deneve. Baka hindi mo kayanin yung stress."Natigilan ako sa pagpaplantsa at napatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa kama. "Kaya kong tiisin lahat, Spica. Kahit gaano pa katoxic yan, kahit pat
Deneve’s POVPinunasan ko ang pawis sa noo ko habang nakaupo sa malamig na waiting area ng Apex Solutions. Isa itong sikat na BPO at tech company sa BGC. Nang tawagan nila ako kahapon para sa final interview para sa Assistant Manager position, halos hindi ako makatulog sa kaba at excitement. Ito na siguro ang sagot sa mga dasal namin ni Hope.Tiningnan ko ang suot kong lumang black slacks at puting blouse na medyo mahigpit na sa akin. Pinilit ko na lang kasyahin kase wala na akong pambili ng bagong corporate attire. Kinakabahan ako. Sino ba namang tatanggap sa isang katulad kong matagal nabakante sa trabaho at ganito pa ang hitsura?"Ms. Deneve Valderrama? The HR Director is ready for you," tawag ng isang staff.Tumayo ako nang tuwid at pilit na ngumiti. Pumasok ako sa isang malaking opisina. Sa likod ng desk ay isang lalaking nasa mid-40s, nakasalamin at mukhang seryoso. Si Mr. San Juan."Have a seat, Ms. Valderrama," seryosong sabi niya habang nakatingin sa resume ko.Umupo ako
Deneve’s POVPagkasarang-pagkasara ng pinto ng apartment namin, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nanginginig pa rin ang mga binti ko kaya dumiretso agad ako sa sofa at napabagsak ng upo. Si Hope, nakatulog na sa byahe pauwi kaya dahan-dahan ko siyang inihiga sa kwarto bago ako bumalik sa sala.Paglabas ko, naabutan ko si Spica na nagpapabalik-balik ng lakad. Namumula pa rin siya sa inis."Nakakagigil! As in, nanggigigil ako, Deneve! Gusto kong bumalik dun sa mall at kalbuhin yung Bianca na 'yon!" sigaw ni Spica habang tinuturo ang pinto. "Ang kapal ng mukha! Kung makapanlait sa'yo, akala mo naman may ambag siya sa lipunan. At 'yung asawa mo? Walang kwenta! Nakatayo lang dun na parang tuod!"Napahilot ako sa sentido ko. "Spica, huminahon ka na. At least nakalayo na tayo.""Paanong hindi ako mag-iinit? Tinawag niya akong weirdo! Naku, pasalamat siya marami akong bitbit, kundi naihampas ko talaga sa mukha niya yung paperbag ko!" Humalukipkip si Spica at umirap. "Pero teka nga,
Deneve’s POVParang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang ingay ng mall, ang background music, ang mga taong naglalakad sa paligid namin lahat yun nag-fade. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko.Nakatingin lang ako kay Julius, at nakatitig din siya sa akin. Sa mga mata niya, nakita ko ang pagkabigla na unti-unting napalitan ng panlalamig. Tiningnan niya ang suot kong lumang faded na t-shirt at ang suot kong mumurahing maong."Babe? I asked you a question. Sino 'yang matabang—" napatigil si Bianca. Lumapit siya kay Julius at tiningnan ako nang maigi. Nanlaki ang mga mata niya, tapos bigla siyang tumawa nang pagkalakas-lakas. "Oh my god. No way. Deneve?! Ikaw ba 'yan?!"Gusto kong lamunin ako ng lupa right then and there. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Hope at pilit siyang itinago sa likuran ko."What happened to you?!" Halos mangiyak-ngiyak si Bianca sa katatawa habang tinuturo ako. Walang pakialam kung may mga taong napapatingin s
Deneve’s POVPumasok ako sa unang 24/7 na botika na nakita ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang iabot ko sa cashier ang bayad para sa tatlong magkakaibang brand ng pregnancy test. Wala na akong pakialam kung mukha akong basang sisiw dahil sa ulan, o kung namamaga ang mga mata ko sa kaiiyak. Gusto ko lang makasigurado. Gusto ko lang malaman kung totoo ang kutob ko.Nakiusap akong makigamit ng banyo nila. Sa loob ng masikip at malamig na cubicle, ginawa ko ang test. Nakatitig lang ako sa tatlong puting stick na nakapatong sa ibabaw ng sink. Parang huminto ang ikot ng mundo habang hinihintay ko ang resulta.Unti-unting lumitaw ang mga linya.Isa... dalawa. Dalawang pulang linya sa unang stick. Dalawa sa pangalawa. Dalawa sa pangatlo.Positive.Napahagulgol ako at napakagat sa sarili kong kamay para hindi marinig sa labas ang iyak ko. Buntis ako. Ngayon pa? Ngayon pang tinawag akong baog ng biyenan ko? Ngayon pang tinalikuran ko ang asawa kong niloloko ako kasama ng kababata ko?P







