Home / Romance / THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY / KABANATA 14: Ang bisita

Share

KABANATA 14: Ang bisita

Author: Darkchoco
last update publish date: 2026-09-06 14:05:43

Deneve’s POV

​Ilang araw na ang lumipas simula nang ipasa ko ang birth certificate ni Hope. Nakakapagtaka, pero hindi na ako ginulo ni Julius. Walang patawag sa opisina niya, walang pasaring, at medyo nabawasan din ang sandamakmak na trabahong ibinibigay sa akin ni Mr. San Juan.

​Akala ko, sawakas, naging epektibo ang naging plano namin ni Dra. Almeda. Akala ko titigilan na niya kami dahil hawak ko na ang katibayan na hindi sa kanya ang bata.

​Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung umiiwas ak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 15: UTOS NG NAKATATANDA

    Bianca’s POV​Naramdaman ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa ulo. Kumabog nang sobrang lakas ang dibdib ko habang nakatitig sa matandang babaeng nakaupo sa sofa.​Akala ko ba ayos na? Akala ko ba sapat na yung sinabi kong buntis ako para makalimutan niya yung anak ni Deneve?! Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?​Pilit kong pinakalma ang sarili ko at pilit na ngumiti, kahit na gusto ko nang magwala sa inis. Nilapitan ko si Mama Lucing at hinawakan ang braso niya.​"Ma, bakit po ba natin iniisip yung batang 'yon?" malambing na pakiusap ko, pilit itinatago ang kaba. "Diba po sabi ni Julius, may asawa na daw po si Deneve? Imposibleng kay Julius ang batang 'yon. Focus muna po tayo sa pregnancy ko. Masama po sa akin ang nai-stress, baka makaapekto sa baby natin."​Tiningnan ako ni Mama Lucing at marahas na binawi ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. Nawala ang masaya niyang mukha kanina.​"Wag mo akong turuan kung anong iisipin ko, Bianca," matalim na sagot niya. "I don't care.

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 14: Ang bisita

    Deneve’s POV​Ilang araw na ang lumipas simula nang ipasa ko ang birth certificate ni Hope. Nakakapagtaka, pero hindi na ako ginulo ni Julius. Walang patawag sa opisina niya, walang pasaring, at medyo nabawasan din ang sandamakmak na trabahong ibinibigay sa akin ni Mr. San Juan.​Akala ko, sawakas, naging epektibo ang naging plano namin ni Dra. Almeda. Akala ko titigilan na niya kami dahil hawak ko na ang katibayan na hindi sa kanya ang bata.​Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung umiiwas ako sa gulo, ang gulo naman mismo ang kusang lalapit sa akin.​Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga files sa desk ko nang makita ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto sa department namin. Si Bianca.​Iba ang awra niya ngayon. Kung dati ay laging nakataas ang kilay at mukhang laging handang mang-away, ngayon ay may kakaibang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa cubicle ko, hawak ang isang mamahaling kape, at bahagyang hinihimas ang tiyan niyang flat na flat pa naman.

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 13: TAGAPAGMANA

    Deneve’s POV​Nakatayo lang ako habang pinapanood kung paano magsalubong ang mga kilay ni Julius. Nakatitig siya sa birth certificate na inilapag ko sa ibabaw ng mesa niya. Dahan-dahan niyang binasa ang bawat detalye, lalo na ang bahagi kung saan nakasulat ang taon.​"What is the meaning of this, Deneve?" malamig at nagdududang tanong niya. Inangat niya ang paningin niya sa akin, halos gusto akong lamunin ng buhay. "2023? Kay Hope ba talaga 'to?"​Pilit kong pinatatag ang mga tuhod ko kahit na nag-uunahan na sa kaba ang dibdib ko. Ngumiti ako. Isang mapaklang ngiti na matagal ko nang pinraktis para sa araw na 'to.​"Bakit, may iba pa ba akong anak?" sagot ko. "Oo, kay Hope 'yan. At tama ang nababasa mo. Ipinanganak siya isang taon pagkatapos kong maglayas sa apartment natin."​Tiningnan ulit ni Julius ang papel. Halata sa mukha niya ang pagkalito at inis. Parang hindi niya matanggap ang nakikita niya. Hinawakan niya ang dokumento at inilapit sa mukha niya, sinusuri kung peke ang mga n

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 12: BIRTH CERTIFICATE

    Bianca’s POV​Nanginginig ang mga kamay ko habang nakasandal ako sa malamig na pader sa labas ng opisina ni Julius. Nakatakip ang isang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang anumang tunog na pwedeng lumabas.​Bumalik sana ako para kulitin siya tungkol sa ipinangako niyang Chanel bag, pero hindi ko inaasahang maririnig ko ang usapan nila ng nanay niya mula sa nakaawang na pinto.​“Nahanap ko na si Deneve... at posible na may anak kami. Isang anak na itinago niya sa atin sa loob ng apat na taon.”​Parang bombang sumabog sa utak ko ang mga salitang 'yon ni Julius. Unti-unting gumuho ang perpektong mundong pinaghirapan kong buuin. Kapag napatunayan niyang sa kanya ang batang 'yon, kukunin niya ito. At kapag nakuha niya ang bata, paniguradong babalik sa eksena ang matabang baboy na 'yon! Echepwera na ako!​Hindi ako pwedeng pumayag.​Dali-dali akong naglakad palayo at pumasok sa pinakamalapit na restroom. Ni-lock ko ang cubicle at nagmamadaling kinuha ang cellphone ko. Dinial ko agad ang n

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 11: Who's your father?

    ​"Hope!"​Dali-dali akong pumasok sa loob ng opisina at halos patakbo kong nilapitan ang anak ko. Walang pag-aalinlangang hinila ko si Hope palayo sa desk ni Julius at itinago siya sa likuran ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, parang sasabog na sa sobrang kaba at galit.​Tiningnan ko nang masama si Julius. Nakaluhod pa rin siya, kalmado lang na nakatingin sa akin, bago dahan-dahang tumayo at pinagpagan ang mamahaling slacks niya.​"Anong ginagawa mo sa anak ko?!" nanggigigil na bulyaw ko sa kanya. "Anong mga sinasabi mo sa kanya, Julius?! Bakit mo siya kinakausap nang walang permiso ko?!"​Tinaas ni Julius ang dalawang kamay niya, parang sumusuko, pero ang nakakairitang smirk sa labi niya ay hindi nawala. "Relax, Deneve. Masyado kang praning. Naligaw lang yung bata at napadpad siya rito sa opisina ko. It just so happens na may extra cake ako kaya pinakain ko siya. Masama bang maging mabuting host sa anak ng empleyado ko?"​"Wag mo akong pinapaikot!" madiin kong sagot, pilit na pinap

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 10: Mga mata

    Deneve’s POV​Huminto ang paghinga ko nang magtagpo ang paningin naming tatlo. Si Bianca na namumula sa galit, si Julius na seryosong nakatitig sa anak ko, at ako na parang binuhusan ng yelo sa kinatatayuan ko.​Agad na binasag ni Bianca ang nakakabinging katahimikan sa buong department.​"Babe! Look at this!" maarte at pasigaw na sumbong ni Bianca, sabay turo sa akin. "This fat pig violated the company rules! Alam naman niyang bawal ang mga bata dito sa production floor, pero dinala pa rin niya 'yang soon-to-be fat pig niyang anak! Nakakadiri, ginagawa niyang squatter's area ang kumpanya mo!"​Parang may pumitik na ugat sa sintido ko. Mabilis kong hinila si Hope sa likuran ko para protektahan siya.​"Wag na wag mong isasali ang anak ko sa panlalait mo, Bianca!" nanggigigil kong bulyaw. Wala na akong pakialam kung marinig kami ng buong opisina. Ina ako, at hindi ko hahayaang bastusin ang bata sa harap ko. "Wala siyang kasalanan dito kaya itikom mo 'yang bibig mo!"​"Wow, ikaw pa ang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status