Beranda / Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 100

Share

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 100

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-03 22:50:20

Makakalaya na rin ako.

Iyon ang unang pumasok sa isip ni Klarise habang nakaupo siya sa waiting area ng therapy clinic. Makalipas ang ilang buwan ng paghilom, ngayong araw ang huling session niya.

Sa tabi niya, hawak ni Louie ang kamay niya, pinipisil iyon ng marahan. Ramdam niyang kabado ang asawa, pero mas nangingibabaw ang pagmamalaki nito sa kanya.

"Handa ka na?" tanong ni Louie, bahagyang nakangiti.

Huminga siya nang malalim bago tumango. "Oo. Sa wakas, handa na ako."

Nagbukas ang pinto at lumabas ang therapist niyang si Dr. Herrera. "Klarise, halika na."

Umupo si Klarise sa pamilyar na sofa sa loob ng opisina ni Dr. Herrera. Sa dami ng beses niyang pumunta rito, parang naging pangalawang tahanan na niya ito.

Ngumiti ang therapist at inilapag ang kanyang mga notes sa mesa. "Klarise, ngayon ang huling session natin. Kamusta ka?"

Napangiti siya. Hindi pilit, hindi sapilitan. Tunay. "Mas magaan, Dok. Mas nakakagalaw na ako, mas nakakakilos nang hindi ko nararamdaman ang bigat na pas
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 181

    Hindi agad sumagot si Louie. Tinanggap niya ang singsing, pinagmasdan ito. Tila binabasa niya ang bigat ng bawat pagkakabuo nito—ang pangakong nakaukit sa ginto, kahit hindi niya maalala ang mismong araw.“Sa puso ko… pakiramdam ko, hindi ko ito inalis,” sabi niya, sabay suot ng singsing sa sarili niyang daliri. “Ngayon… isusuot ko na uli. Sa buhay ko.”Napaluha si Klarise. Lumapit siya, at sa harap ng kama nilang dalawa, walang sinuman kundi sila, hinalikan niya ang noo ng asawa.“Welcome home, mahal ko.”Tumayo si Louie sa wheelchair, pinilit kahit manghina. Hinawakan niya ang kamay ni Klarise.“Ako naman. Ako ang dapat magsabi niyan.”Lumuhod si Louie. “Klarise Olive Ray… salamat. Sa lahat. Sa pagkapit. Sa pagmamahal. Sa pagpilit sa’kin kahit wala akong maibalik. Ngayon, handa na akong ibalik lahat. Handa na akong maging asawa mo, tatay ni Luna, at lalaking muling pipili ng tahanang ito… araw-araw.”Napayuko si Klarise at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na sila nagsalita. Niyakap

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 180

    “Louie…” sabi ni Klarise, dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa tenga nito. “Kung naririnig mo ako… sabihin mo lang ang pangalan ko. Kahit pabulong. Kahit sa isip mo lang.”Tahimik na ilang segundo.Hanggang sa…“...Kla…”Mala-hiningang tunog. Halos hindi marinig. Pero dumaan sa pandinig ni Klarise na parang kulog mula sa langit.Napasinghap siya. “Louie?!”Nanginig ang mga labi ni Louie. Nakapikit pa rin ang mga mata, pero gumalaw ang bibig.“...Klarise…”Parang huminto ang mundo.Tumulo ang luha ni Georgina. Si Philip ay napaupo, natulala. Si Pilita ay napahawak sa puso niya. Si Hilirio ay hindi na nakapagsalita, nakatingin lang sa anak ng anak niya na—sa wakas—bumalik.Klarise, nanginginig, yumakap sa dibdib ni Louie.“Diyos ko… bumalik ka…”“...Sabi ko naman sa’yo…” mahinang tinig ni Louie. “...hindi ko kayo iiwan…”“Louie…” lumuluhang bulong ni Klarise. “Mahal na mahal kita…”At sa wakas, dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Louie. Mahina, nanlalabo, ngunit nakatuon lamang sa i

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 179

    Bumaligtad ang mundo. Nawala sa linya ang langit. Nalubog sila sa malamig at malakas na agos ng tubig.Tubig. Hangin. Sigaw.“KLARISE!” sigaw ni Louie mula sa ilalim ng dagat, habang sinisid niya ang pamilyar na aninong lumubog. Hinanap niya ang kamay nito sa gitna ng bula at alon. Lumalaban siya sa hampas ng tubig, hanggang sa maabot niya ito.“Nandito ako!” sigaw niya, hinila si Klarise pataas.Pag-angat nila sa ibabaw, habol-hininga si Klarise, nanginginig, naluluha. “Louie…!”“Okay ka lang?” tanong niya, yakap siya ng mahigpit habang tinatahak ang bangka ng mga rescue personnel mula sa isa pang isla. Ngunit isang alon pa ang humampas.“Louie!”Ngunit sa isang iglap, si Louie ang nawalan ng balanse. Bumitaw siya upang itulak si Klarise papalayo sa banggaan ng mga kahoy na bahagi ng bangka.Nakita ni Klarise kung paanong nilamon ng alon si Louie—wala nang salbabida, wala nang mahawakan.“LOUIE!” sigaw niya, nanginginig ang buong katawan. “LOUIE, HUWAG MONG IIWAN!”Mabilis ang mga pa

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 178

    Kinabukasan – Bandang alas-otso ng umagaLa Verda Beach Resort Pier, Batangas“Sure kayo po, Ma? Hindi po kayo mahihirapan kay Luna?” tanong ni Klarise habang yakap si Baby Luna, na ngayon ay gising na at ngumanganga habang sinisipsip ang sariling hinlalaki.“Anak naman!” sabat ni Pilita Olive, sabay agaw ng sanggol. “Hinintay ko ‘to buong buhay ko. Ako pa ba ang mahihirapan sa apo ko?”“Hayaan mo na ang Mama mo, iha,” dagdag ni Hilirio Olive, na hawak ang isang bote ng baby lotion. “Kanina pa ‘yan gising. Pati ako sinabihan nang, ‘Hil, kumuha ka ng gatas!’ Ni hindi ko alam kung anong formula ang tama, pero pinilit ko. Ganyan ang epekto ng apo—napapag-aralan kahit ang imposible.”Tawanan.Lumapit si Georgina Ray, naka-shades at nakabikining may cover-up. “At huwag mong kalimutan, Klarise, pediatrician ako. Hindi lang basta lola. Ang apo ko… nasa kamay ng isang propesyonal.”“Grabe kayo, Ma,” natatawang sabi ni Louie habang inaayos ang life vest ni Klarise. “Parang isang team of doctor

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 177

    Maagang sumilip ang araw sa kawalan, sumayaw sa puting kurtina ng kubo, at marahang dumapo sa pisngi ni Klarise. Nakahiga siya sa kama, nakatalikod kay Louie, yakap ang unan, at may banayad na paghinga. Tahimik ang paligid—tanging huni ng alon at ang mahinang ihip ng hangin ang nangingibabaw.Sa likod niya, si Louie—nakadilat, gising, ngunit hindi gumagalaw. Takot na baka magising si Klarise, takot na baka mawala ang payapang sandaling ito. Ngunit sa kanyang puso, may init—hindi init ng alaala, kundi ng damdamin na unti-unting sumusulpot. Buong gabi silang magkatabi, hindi para balikan ang nakaraan, kundi para damhin ang kasalukuyan.Hinayaan siyang manatili ni Klarise. Walang tanong, walang kondisyong inilagay sa pagitan nila. Kaya ngayon, heto siya—hindi bilang doktor, hindi bilang estranghero, kundi bilang Louie… ang lalaking muling natututo kung paano magmahal.Dahan-dahan siyang gumalaw, marahang inilapit ang sarili sa likod ni Klarise. Inabot niya ang buhok nito at maingat na in

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 176

    Humagulhol na si Klarise. “Hindi mo kailangang ligawan ako ulit. Mahal kita, Louie. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagkawala mo, pipiliin pa rin kita.”Nagpalakpakan si Hilirio. “Ayos! Ibalik ang kasalan!”Tumawa si Philip. “Baka pwedeng sa susunod, mag-cruise wedding naman kayo!”“Hoy,” singit ni Pilita, “huwag muna nating ipressur—”Pero bago pa matapos, si Georgina na ang lumapit kay Klarise at niyakap siya ng mahigpit.“Salamat,” bulong niya. “Sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa katatagan mo. Sa pagiging ilaw sa panahong wala siyang makita.”Umiyak si Klarise, yakap ang biyenan.At sa gitna ng tawanan, luha, at muling pagkilala, sumisikat ang araw sa harap nila—liwanag na nagsasaad ng bagong umaga.Hindi pa tapos ang laban, ngunit buo na ulit ang pamilyang minsang winasak ng isang trahedya.Tahimik ang dalampasigan, at ang mga alon ay tila nagkukuwento ng matatandang pangarap na muling binubuhay. Nakalapag ang mga ilaw sa paligid ng kubo sa tabi ng baybayin—maliliit, dilaw, at

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status