Accueil / Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 140

Share

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 140

Auteur: MIKS DELOSO
last update Dernière mise à jour: 2025-05-23 22:30:39

Dahan-dahang napaupo si Klarise sa gilid ng kama, yakap-yakap si Luna na parang munting unan ng pag-asa. Ramdam pa rin niya ang init ng pisngi ng anak na kanina’y umiyak nang todo matapos ang unang bakuna. Ngayon ay tila bumabawi sa mahimbing na tulog, bahagyang umuungol, hawak pa rin ang maliit na kumot niyang kulay cream.

Tahimik ang paligid. Mapayapa. Pero punung-puno ng emosyon.

Ang lamig ng aircon ay sinasalubong ng init mula sa katawan nilang mag-ina. Tila ba kahit malamig ang gabi, mainit ang yakap na iyon—hindi ng init ng balat kundi ng pagmamahal.

Napatingala si Klarise sa kisame. Ang mga mata niya, nangingislap, pinipigil ang luha. Hindi lang dahil sa pagod. Hindi lang dahil sa ilang oras na tuloy-tuloy na iyakan ni Luna habang nasa ospital. Kundi dahil sa lahat ng emosyong dumarating nang sabay-sabay: tuwa, kaba, pag-aalala, matinding pagmamahal… at ang hindi maipaliwanag na takot na baka may hindi siya magawa nang tama bilang ina.

“Ang hirap pala,” mahina niyang bulong. “P
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 146

    Nang humupa ang bagyo, agad nagsagawa ng malawakang operasyon ang rescue team. Mula sa unang liwanag ng umaga, nagsimula nang maggalugad ang mga grupo ng mga volunteer, lokal na pulis, at pribadong search-and-rescue na pinakilos ni Philip Ray. Ang bawat isa sa kanila ay may bitbit na larawan ni Louie, nakasuot ng life vest, may radio at flashlight, at nagsuot ng makapal na boots habang sinusuong ang putik at mga gumuhong daan.Sa gilid ng ilog kung saan huling namataan ang sasakyan ni Louie, nagtayo sila ng command center. Nandoon sina Klarise, bitbit si Luna, kasama ang kanyang mga magulang at biyenan. Hindi siya halos nagsalita. Nakaupo lamang siya, yakap-yakap ang anak na tila doon niya hinuhugot ang natitirang lakas. Ang kanyang mga mata, tuyot na sa luha, pero patuloy ang panalangin sa bawat tibok ng puso."Ang sabi po ng tracker team, may bahagi ng sasakyan na natagpuan kanina lang sa may bandang silangan ng ilog," ulat ng isang rescuer kay Philip."Malamang po ay inanod pa siya

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 145

    Sa kwartong iyon sa ospital ng Maranggay, bumalot ang katahimikan na tila kumakain sa buong paligid. Ang lalaking wala pa ring pangalan ay nanatiling nakahiga, nakatitig sa kisame, habang ang mga salita ni Dr. Reyes ay paulit-ulit na nag-e-echo sa kanyang isipan."May amnesia ka...""Hindi mo maalala ang sarili mo..."Lumingon siya sa bintana. Ulan pa rin. Maambon. Ngunit sa kanyang isipan, parang walang ulan, walang hangin—puro blanko.“Hindi ko nga talaga... maalala,” bulong niya habang pinipilit bumangon. Ngunit biglang umikot ang kanyang paningin.“Dahan-dahan lang, sir,” agad na lapit ng nurse, inalalayan siya. “Nagpahinga po muna kayo. Mahina pa katawan n’yo.”Pinilit niyang ngumiti ngunit walang saysay. Pati ang ngiti niya—parang hindi kanya.Parang pati emosyon, hindi na niya kilala.Samantala, sa tahanan nina Klarise…Ang ulan ay walang patid na bumubuhos. Tila ba ang langit mismo’y nakikiiyak sa pait na nararamdaman ng isang pusong nababalot ng takot. Sa loob ng bahay, tahim

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 144

    Mula sa bintana ng kanilang kwarto, pinagmamasdan ni Klarise ang langit na tila nagbabadya ng panganib. Makapal ang ulap, madilim ang paligid kahit alas tres pa lang ng hapon. Buong bahay ay tahimik, liban sa marahang paghilik ni Luna sa kanyang crib.Hawak ni Klarise ang kanyang telepono. Hinihintay ang reply ni Louie.Klarise: “Love, uulan na raw nang malakas. Ingat ka ha. Umuwi ka nalang agad kung pwede.”Walang sagot.“Louie...” bulong niya sa sarili, halatang may kaba na sa kanyang tinig.Napatayo siya at tinungo ang sala. Binuksan ang TV — may weather advisory.“Signal No. 2 na sa buong Metro. Pinapayuhang maghanda at umiwas sa pagbibiyahe lalo na sa mga flood-prone areas.”Napakagat-labi si Klarise.Sa ospital naman,Nasa loob ng operating room si Louie, hawak ang scalpel, habang nagpapatuloy sa isang critical surgery. Sa labas, bumubuhos na ang ulan. Mabilis ang tibok ng puso niya — hindi lang dahil sa pasyente, kundi dahil nararamdaman na niya ang bigat ng panahon.Pagkatapos

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 143

    Gabi na. Malamig ang hangin mula sa bintana, ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit nanlalamig si Klarise habang inaayos ang mga damit ni Luna sa maliit na drawer sa gilid ng kama. Tulog na ang bata, pero ang bigat sa dibdib ni Klarise ay hindi kayang tabunan ng katahimikan.Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Tahimik. Walang “I’m home” o halik sa pisngi. Tiningnan niya si Louie—pagod, mukhang galing sa sunod-sunod na operasyon. Bitbit nito ang laptop bag, ngunit hindi siya tumingin sa kanya.“Hindi ka na naman nag-message,” mahinang sabi ni Klarise habang tinutupi ang maliit na pajama ni Luna.“Emergency surgery,” sagot ni Louie habang naglalakad papunta sa kitchen. “Alam mo naman ang trabaho ko.”“Alam ko, Louie. Pero hindi ko alam na trabaho mo na ring iwasan ako.”Napahinto si Louie sa pagbubukas ng ref. Dahan-dahan siyang lumingon. “Ano na naman ‘to?”“Hindi na naman—ito na ‘to. Paulit-ulit. Umuuwi kang hatinggabi, halos hindi mo na nakikita si Luna. At kapag andito ka naman, p

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 142

    Apat na sunod-sunod na araw nang halos hindi na nagkakasabay sa pagkain si Louie at Klarise. Bawat araw, naka-scrub suit si Louie bago pa man sumikat ang araw, at kadalasang pasado alas-onse na ng gabi kung makakauwi.Ang sunod-sunod na schedule sa ospital ay bunga ng apat na high-profile cosmetic surgeries—lahat urgent, lahat mahirap tanggihan. Kahit gusto niyang manatili sa bahay, kailangan niyang gampanan ang tungkulin bilang CEO at lead surgeon ng White Aesthetique.Isang gabi, habang tulog na si Luna at hawak ni Klarise ang isang maliit na bote ng breast milk, napatingin siya sa orasan. 10:48 PM.“Sana makauwi ka na,” bulong niya sa sarili, sabay tingin sa pintuan.Biglang tumunog ang gate intercom.Ding-dong.Agad siyang tumayo at sinilip sa monitor—si Louie. Nakasalubong ang mga balikat, dala-dala ang puting paper bag at isang pagod na ngiti.Binuksan niya ang pinto.“Surprise?” bungad ni Louie, sabay taas ng bag. “Dinner. Hindi ako nakaluto, pero at least hindi fast food.”Lum

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 141

    “Two months na si Luna bukas,” bulong ni Klarise habang pinapaliguan ang anak sa maliit na baby tub na may design ng mga starfish. “Parang kailan lang, 'no?”Binabasa niya ang ulo ni Luna gamit ang maliit na tabo, maingat na para bang ang hawak niya’y isang kristal na di dapat mabasag.“Parang kahapon lang yung una mong iyak, ‘yung akala ko bibigay na ang baga mo sa lakas. Ngayon, ang lakas mo nang ngumiti,” dagdag pa niya habang hinahaplos ang tiyan ng bata, na tila ba natutuwa sa malamig na tubig.“Loooove!” sigaw ni Louie mula sa sala. “Anong kulay ng headband ni Luna para bukas? May nagpapadala ng options!”“Yellow or peach,” sigaw pabalik ni Klarise. “Match sa dress na binili ni Mommy Georgina!”Pagkatapos paliguan, inakay ni Klarise si Luna sa nursery habang nakabalot ito sa tuwalya. Kasunod niya si Louie na may hawak na baby lotion at hairbrush.“Dito tayo sa crib, love,” sabi ni Klarise.Maingat nilang pinatuyo at binihisan ang anak, na ngayon ay mas alerto na kaysa dati. Tuma

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status