Share

KABANATA 8

“ANONG plano mo ngayon?” nang mailipat nila sa ward ng ospital si Melissa ay niyaya siyang magkape ni Fritz sa fastfood restaurant na nasa tapat ng ospital.

Nanatili siyang nakayuko para itago sa binata ang pamumuo ng kanyang mga luha. “M-Magpapakasal ako kay J-Jason,” aniyang tuluyan na ngang nabasag ang tinig.

Narinig niya ang marahas na hiningang pinakawalan ng binata. “L-Lia, gagawa ako ng paraan. Tutulungan ka namin, makikiusap ako kay tatay. Ayoko lang na isakripisyo mo ang kinabukasan mo sa lalaking hindi mo naman mahal,” sa pagtatama ng mga mata nila, nakita niya ang matinding lungkot sa mga mata ni Fritz. At iyon ang lalong nagpaluha sa kanya.

“W-Wala akong ibang option Fritz, at saka malay mo naman, in the end matutunan ko rin siyang mahalin?” kahit alam niyang mahirap, iyon parin ang gusto niyang paniwalaan.

Noon ginagap ng binata ang kamay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status