Share

KABANATA 9

HULING gabi bago ang pagluwas niya ng Maynila. Dinig niya ang pagtigil sa tapat ng bahay nila ang isang traysikel. Dahil pamilyar sa kanya ang ugong niyon ay mabilis na dinamba ng kaba ang kanyang dibdib saka sumilip sa bintana. Gaya ng inaasahan, si Fritz, napuno ng matinding pananabik ang puso niya pagkakita palang sa binata.

Hindi na niya hinintay ang pagkatok ng bagong dating dahil pinagbuksan na niya ito.

”F-Fritz?” nasamyo niya agad ang amoy ng alak sa hininga ng binata. “huwag ka na ulit magda-drive nang nakainom ka ha?” sermon pa niya saka ito pinatuloy.

Namumungay ang mga mata nitong ngumiti sa kanya si Fritz.

“Sounds like a real wife,” ang binatang tumawa ng mahina. “hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na puntahan ka ngayon kundi ako iinom kahit konti lang,” anitong biglang sinaklit ang kanyang baywang kaya siya napayakap rito.

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status