Share

KABANATA 2

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2021-03-25 09:23:47

“ANO ba ang laman ng kahong ito?” tanong sa kanya ni Manang Ruping dala ang isang kahon na ang laki ay katulad ng shoe box. Nang maalala kung ano ang laman niyon ay nagmamadali niyang kinuha iyon sa matanda.

“Mga personal na bagay ho Manang,” aniyang tumawa ng mahina pagkuwan.

Nangingiti siyang pinagmasdan ng matanda. “Maghapunan kana,” paalala nito sa kanya.

Tumango siya. “Matulog na ho kayo,” aniya sa matanda.

Mahigit tatlong taon narin niyang kasama sa bahay si Manang Ruping. Wala rin naman kasing kasama sa buhay ang matanda maliban sa pamangkin nitong babae na nakabukod dahil may sarili nang pamilya.

“Hello, Mang Kanor?” bungad niya sa matanda nang tumunog ang kanyang cellphone.

“Hijo may gusto sana akong ipakiusap sayo,” ang nasa kabilang linya.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ang naging pagdamba ng kanyang dibdib dahil sa narinig. Dahilan kaya naibaba niya ang hawak na kahon sa sahig saka nakapamulsa ang isang kamay siyang tumayo at nagpalakad-lakad sa may paanan ng kanyang king-sized bed.

“Ano ho?” mataman niyang pinakinggan ang sinabi ng matanda. Makalipas ang ilang sandali ay huminto rin ito. Napabuntong-hininga siya sa lahat ng narinig. “o sige ho, basta sigurado kayong hindi tayo sasabit diyan ah? Mahirap na, sa panahon ngayon naglipana ang mga taong hindi mapagkakatiwalaan,” aniya.

“Pansamantala lang ito hijo, maraming salamat. Siya, sasabihin ko na sa kanyang ang tungkol rito,” saka na naputol ang linya.

*****

MULA Maynila ay sa isang malaking bahay sa Tagaytay siya dinala ni Mang Kanor. Napangiti siya nang mula sa loob ng sasakyan ay mapagmasdan ang isang simple ngunit napakagandang white house na dalawang palapag at overlooking ang Taal Lake sa paikot nitong veranda.

“Ang ganda,” hindi niya napigilan sabihin.

Tumawa ng mahina ang matanda. “Oo nga, pero para sa akin mas maganda ka hija.”

Nag-init ang mukha ni Julia sa compliment na iyon. “S-Salamat po,” aniya.

Tinanguan lang siya ni Mang Kanor. “Binata ang may-ari ng bahay na ito, may kasama siyang isang kasambahay, si Ruping,” saka nito itinigil sa tapat ng gate ang sasakyan at bumosina. Ilang sandali lang at patakbo ng lumapit ang isang tila may-edad naring babae. Malamang siya si Manang Ruping.

“Gabing-gabi na, nasa loob si Fritz hinihintay kayo,” anang ginang saka mabait na ngumiti sa kanya. “magandang gabi hija.”

“Magandang gabi ho,” nakangiti niyang tugon. Ilang sandali pa at pinatuloy na sila sa malaking sala ng bahay. Hindi niya maikakailang panatag ang kalooban niya sa loob ng bahay na iyon kahit kung tutuusin ay wala siyang ideya sa pagkatao ng may-ari.

“Nasa kwarto niya si Fritz, sandali lang at tatawagin ko,” natigilan siya sa pagkakarinig ng pangalan saka lang nagkibit-balikat nang marealized na napakarami ng taong may ganoong klase ng pangalan.

Pero nagkamali siya. Kusang napigil ang kanyang paghinga habang nakatingala sa noon ay pamilyar na taong bumababa ng hagdan. At dahil nga nakayuko ito ay nakita niya ang matinding pagkabigla nang makababa at mag-angat ng tingin.

“F-Fritz?”

“L-Lia?” halos magkapanabay pa nilang sambit.

Nakita niyang nagpalitan ng makahulugang tingin sina Mang Kanor at Manang Ruping. “Magkakilala kayo?”

Parang walang narinig na humakbang palapit sa kanya ang binata saka siya kinabig at mahigpit na niyakap. Nagulat man sa ikinilos nito pero hindi niya maitatangging nakadama siya ng matinding pangungulila rito lalo’t napakatagal na panahon ang nakalipas mula nang huli niyang naranasan ang mayakap ng binata.

*****

“S-SO! Kumusta kana? Ikaw pala ang sinasabi sa akin nitong si Mang Kanor! I’m glad nagkita ulit tayo!” masigla at nag-uumapaw ang tuwa sa puso na sambit ni Fritz habang ngiting-ngiti.

Nakita niya ang pagkailang sa mukha ng kaharap kaya naisip niyang pakawalan na ito mula sa mahigpit niyang pagkakayakap.

“I’m s-sorry,” aniya. “a-ah, Manang pakihanda naman ang mesa for dinner,” mayamaya ay naisip niyang baka hindi pa kumakain si Julia.

Tumango ang matandang babae. “Halika na Kanor, iwan muna natin ang mga bata para makapag-usap,” anitong hinila ang braso ng matandang lalake pagkatapos.

“Upo ka,” aniyang itinuro ang couch kay Julia.

Nahihiyang ngumiti si Julia saka ito kumilos. “You have a very nice place,” pagsasabi niya ng totoo saka inilibot ang paningin sa maganda at malawak na kabahayan.

“Salamat,” tugon niya saka nagsalubong ang mga kilay nang mapuna ang benda sa noo ng kaharap. “a-anong nangyari sayo?” nag-aalala niyang tanong pagkuwan.

Nagyuko ng ulo nito si Julia. “It’s a long story, I hope you don’t mind pero hindi ko muna gustong pag-usapan ang tungkol dito,” mababa ang tinig na sagot ni Julia.

Tumango-tango siya saka ngumiti. “I understand, anyway halika na sa komedor. Baka nagugutom, kana” aniyang nagpatiuna na sa pagtayo saka inilahad ang kamay sa kasama.

Nakita niya ang tila pag-aatubili ni Julia na tanggapin iyon. Pero naghintay siya, at naging sulit naman ang paghihintay niya dahil malugod nitong tinanggap ang kamay niya. At dahil sa paglalapat na iyon ng kanilang mga palad, pakiramdam ni Fritz ay dinala siya ng init ng mga iyon sa nakaraan. Noong mga panahong nasa kanya pa ang lahat ng pagkakataon. Pagkakataong pinalampas at hiyaan niya kaya ngayon ay mag-isa at hindi buo ang pagkatao niya.

*****

Seven Years Before; College Days:

DAHIL wala pa naman ang Prof nila, minabuti ni Fritz na lumabas muna ng classroom at tumambay sa corridor. Na second floor siya ng kanilang college building at mula roon ay tanaw niya ang buong quadrangle ng university. Nasa ganoon ayos siya nang makarinig ng malakas na tawa ng isang babae. Tinawag niyon ang kanyang pansin kaya hinanap niya. At iyon nalang ang kanyang pagkabigla nang makilala kung sino ang kasama ng babaeng malakas tumawa. Walang iba kundi si Julia. Buo nanaman ang araw ko.

Ilang taon man marahil ang lumipas pero hindi niya nakalimutan minsan man ang mukha ng babaeng ito. Lalo itong gumanda, mabuti nalang at hindi na siya bansot ngayon sa taas niyang anim na talampakan. At least hindi na siya alangan sa taas ni Julia na sa tingin niya ay nasa 5’4 hanggang 5’5”. Ang maputi nitong kutis na nangingitab sa sikat ng araw at higit sa lahat ang maganda nitong ngiti. Ilan lang ang mga iyon sa mga katangiang lihim niyang hinahangaan sa dalaga.

OFW sa Saudi ang tatay niya, habang plain housewife naman ang nanay niya. Lima silang magkakapatid at puro mga lalaki, siya ang panganay. Iyon na ang ikalawang taon niya sa kursong Civil Engineering. Pangarap din niyang magkaroon ng sariling banda balang araw. Hilig kasi niya ang tumugtog ng gitara. Mga tiyuhin niya sa father side ang nagbigay inspirasyon sa kanya doon. At gaya ng ibang mahihilig sa musika, mayroon din siyang paboritong tugtugin. Ang Longer ni Dan Fogelberg, hindi naman na niya siguro kailangang isa-isahin ang dahilan kung bakit dahil natatanaw na niya ngayon sa ibaba ng gusaling iyon ang dahilan kung bakit paborito niya ang naturang awitin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 10

    NAGISING si Sara kinabukasan na kulong ng malalaking bisig ni Benjamin. Napangiti siya saka pinakatitigan ang pinakagwapong mukhang nasilayan niya. At nang mapadako sa mapupulang labi ng binata ang kanyang paningin ay mabilis siyang pinamulahan. Kagabi, nagawang punuan ng mga halik at haplos sa kanya ni Benjamin ang mahabang panahong pagkakawalay nila sa isa’t-isa. Isa iyon sa maraming dahilan kung bakit hindi niya pinagsisisihang ipinagkaloob niya rito ang sarili niya. At kung sakali man halimbawang maibabalik ang virginity niya alam niyang walang pagdadalawang isip niyang ibibigay muli iyon sa binata.“Good morning” nagulat pa si Sara nang marinig ang sinabing iyon ng katabi.Lutang ka kasi kaya hindi mo napansing kanina ka pa niya pinanonood na nakatanga sa kanya. Ang kabilang bahagi ng isip niya.“Good morning” ang napapahiya niyang sabi saka pasimpleng pinakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap parin sa kanya ng bi

  • TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 9

    “TUMAHAN ka na, baka makita ka ng Papa mo, magtataka iyon” alo sa kanya ni Roxanne nang araw na dalawin siya nito sa mansyon. Nasa kwarto niya sila nang mga sandaling iyon kaya hindi niya nakontrol ang sariling emosyon.Ang totoo malaki ang pasalamat niya at dinalaw siya ng kaibigan niya. Tatlong araw narin kasi ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagtatalo nilang iyon ng kanyang ama. Kinuha ni Roberto ang kanyang cellphone. Grounded siya dahil sa ginawa niyang pakikipagtalo rito. Kaya hindi na niya nakausap o naitext si Benjamin at maging si Roxanne.“Ayokong umalis dito Roxanne, paano na kami ni Benjie?” aniyang pinahid ang luhaang pisngi.Noon hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay saka iyon pinisil. “Mag-usap kayo, iyon ang mas magandang gawin” suhestiyon ni Roxanne.“Paano? Grounded nga ako ng one week di ba?” hopeless niyang sagot.“Teka, iyon bang cellphone mo naka-off?” na

  • TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 8

    “I’M happy for you. Mabuting tao si Benjamin kaya siguradong hindi ka niya sasaktan” masayang wika ni Roxanne nang araw ng Lunes.“Alam ko, saka nararamdaman ko namang mahal na mahal niya ako” sang-ayon niya.“Sana ganoon ka rin sa kanya. At kung sakali sana ipaglaban mo siya Sara” nakita niyang rumehistro sa mga mata ni Roxanne ang pag-aalala para sa kanyang nobyo.Noon siya nagbaba ng tingin. “Nagkasundo kasi kaming ilihim muna ang relasyon namin” aniyang nag-angat ng ulo pagkatapos.“Nandoon na tayo at iyon naman talaga ang inaasahan ko Sara. Pero alam mong wala namang lihim na hindi nabubunyag di ba? Paano kapag aksidenteng nahuli kayo ng Lolo mo? Alam mo ba kung ano ang pwedeng maging kapalit ng lahat ng ito?”Sa sinabing iyon ng kaibigan niya ay mabilis na nilamon ng pangamba ang kanyang dibdib. “Hindi naman siguro ganoon kasama ang Lolo kasi di ba kaibigan naman niya ang

  • TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 7

    TEN YEARS AGO…“NAGUSTUHAN mo?” kahit halata kay Sara na tuwang-tuwa ito sa regalo niyang bisikleta ay naisipan paring itanong ni Benjamin. Nasa likuran sila noon ng mansyon.“T-This is too much!” nabasag ang tinig ni Sara doon.“Hey! Ano ka ba, binigay ko ito sayo kasi gusto kitang mapasaya” aniyang natatawang hinawakan ang braso ng dalaga saka ito hinila palapit sa kanya. Noon na nga kumawala ang pinipigilan nitong mga luha.“I-Iyon na nga eh, ang saya-saya ko Benjie. Sobra” anito habang nakangiting binubukalan ng luha ang mga mata.Noon, sa pinakabanayad na paraan niya hinaplos ang luhaang mukha ng dalaga. “Kung alam mo lang, mas higit pa diyan ang gusto kong ibigay sa’yo” ang makahulugan niyang sabi. Gusto kong ibigay sa’yo ang puso ko, hindi ko lang tiyak kung tatanggapin mo.SA narinig ay tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Sara saka mahigpit na yumakap

  • TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 6

    “HI Lolo” ang masiglang bati ni Sara sa Lolo niya kinagabihan nang araw ring iyon. Oras na ng hapunan at gaya ng dati nasa komedor na ito at naghihintay sa kanyang pagbaba.Nakangiting siyang pinagmasdan ng matanda. “Kumusta ang pamamasyal ninyo ni Benjamin kanina?”Taka niyang nilingon ang kanyang Lolo. “S-Sorry hindi po ako nakapagsabi sa inyo” totoo iyon sa loob niya. “nahihiya naman kasi akong istorbohin kayo kasi alam kong busy kayo. Pero nagsabi po ako kay Aling Norma” paliwanag niya.Maaliwalas ang bukas ng mukhang tumango ang kanyang Lolo. “Siya nga ang nagsabi sa akin, pero bago iyon ipinagpaalam ka na sa akin kagabi pa ni Benjamin” ang matandang sinimulan na ang pagkain.Nabitin sa ere ang kutsara ng pagkain na hawak ni Sara. “He did?”“Oh, bakit parang nasorpresa ka? Hindi ba niya binanggit sayo ang tungkol doon?”Umiling siya. “Wala po siyan

  • TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 5

    PARANG ipinako sa kinatatayuan niya si Sara nang malabasan kinabukasan si Benjamin sa garahe ng mansyon. Kinikilig siyang napangiti at nang maramdaman marahil ng binata ang presensya niya ay agad itong nagtaas ng ulo mula sa binabasang libro saka siya nginitian.Magagaan ang mga paa siya lumapit sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang nakalutang nang mga sandaling iyon? Siguro dahil iyon sa magagandang kislap ng mga mata nito na lalong pinatingkad ng angkin at natural nitong kagwapuhan.“Good morning Ma’am” biro nito sa kanya.“Shut up Benjie” aniyang napabungisngis. “I’m happy to see you here.”Pinagbuksan siya nito ng backseat. “Same here, halika na?” anito.“anong oras ang labas mo? Ang instruction kasi sa akin ni Don Antonio eh lagi raw tayong magsabay sa pagpasok at pag-uwi” tumatakbo na noon ang kotse at mula sa rear view mirror ay nakita niyang sumulyap sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status