Share

CHAPTER 25

"GOOD AFTERNOON SIR!" Natauhan lang ako sa pagtitig sa kanila ng marinig ang mga kasama kong empleyado sa loob ng elevator. Kahit si Rexx ay tila natauhan din habang si Cynthia naman ay hindi mawala-wala ng ngiti sa kanyang labi.

"G-Good afternoon!." Ganting bati ni Rexx sa kanyang mga empleyado. Napansin ko ang pag tanggal niya ng braso ni Cynthia sa kanyang braso na ikiniwala ng ngiti ng huli. "Mauna na kayo sa loob ng conference room, may kukunin lang ako sa office." Saad pa ng asawa ko ng makalabas ng elevator ang tatlong empleyado nito.

"Yes Sir."

Lihim na sinundan ko muna ng tingin ang mga epleyadong papalayo bago muli akong humarap sa dalawa na nananatili pa rin sa labas at nakatingin sa akin, kaya naman humakbang pa ako paatras at sumandal dahilan para mapatikhim si Rexx, niluwagan pa nito ang kanyang necktie bago pumasok ng elevator at tumabi sa akin. Sumunod naman si Cynthia na ngayon ay muli na namang nakangisi na lihim ko ng ikinainis.


Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status