Share

Chapter 3

Author: VIENNA ROSE
last update Huling Na-update: 2025-10-21 22:59:48

Gayunpaman, sa pagsasadula ni Ryan ay nagpatawa sa lahat ng tao sa loob kaya’t si Nica na isa sa tumatawa, sa tabi ni Noah, ay bumagsak ito sa bisig ni Noah habang patuloy sa pagtawa.

Habang si Noah, ay tahimik at hindi umimik.

Tumatawa si Ryan na tumigil saka muling tinanong si Noah.

“Noah, ganun ba…”

Bago pa man matapos ni Ryan ang tanong ng ”Ganun ba”, napasulyap ito sa kung saan siya nakatayo sa pinto. Namutla ang mukha nito at nawala ang ngiti sa labi.

“Ate..hipag…”

Napatingin ang lahat sa pinto.

Natigilan ang lahat.

Umalis si Nica sa pagkakasandal sa bisig ni Noah at nakangiting hinarap siya.

“Oh! Siya ba ang dakilang asawa ni Noah, tama ba? Hello, tumuloy ka, ako nga pala ang mabuting kaibigan ni Noah.”

Tinignan ni Agatha ang lahat ng tao sa loob, at nanlamig ang kanyang mga mata.

Sa wakas ay kumilos si Noah at naglakad palapit sa kanya.

“Agatha, bakit ka narito? Nabibiro lamang sila, huwag mo sanang isapuso.”

Tumingin si Agatha kay Noah, hindi siya makapaniwala na hindi man lang nito pinatigil ang mga kaibigan niya na pagtawanan siya. Ganun ba talaga ang asawa? Na kung pagtatawanan lang ng mga kaibigan nito ay tatayo lang ito at hahayaan na pagtawanan siya?

“Oo nga naman hipag… pasensya na, nagbibiro lang ako, huwag kang magagalit.” ibinababa ni Ryan ang tray at humingi ito sa kanya ng tawad.

“Agatha,” lumapit pa si Noah sa kanya, nais siya nitong hawakan.

Biglang naalala ni Agatha si Nica na nakasandal kanina sa kanya na pinagtatawanan siya, naalala niya na ang kamay na iyon ang ginamit nito sa banyo at pinapaligaya ang sarili habang isinisigaw nito ang pangalan ni Nica. Doon niya parang naramdaman na napakadumi ng kamay nito.

Mabilis siyang umiwas.

“Agatha.” tumingin pa ito sa sariling kamay na iniwasan niya. Nagpakawala ito ng buntong hininga. “Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanila, huwag kang magalit, okay? Babawi na lang ako sa pag uwi ko, kahit na anong gusto mo ay ibibigay ko.”

Pinandilatan naman ni Nica si Ryan.

“Ginagalit mo ang asawa ni Noah, at hindi ka man lang maayos na humingi ng tawad! Sa tingin mo ba lahat ng tao ay tulad ko, na insensitive na maari mo akong pagtawanan!”

Lihim na tumaas ang kilay ni Agatha at napaskil ang panuyang ngiti. Isang malanding babae talaga. Magaling magkunwari. Bagay dito ang maging kuntrabida.

“Humingi na ako ng tawad, hindi ko naman alam na bigla na lang siyang susulpot. Nagbibiro lang naman ako,”

“Ang biro ay biro lamang, kung ang taong binibiro ay nakakatawa,” nanginginig ang boses ni Agatha habang nagsasalita, na inilabas ang halos ng lakas loob niya.

Siya ay pilay, hindi karapat dapat kay Noah.

Ang katotohanang iyon ay parang isang sumpa sa kanya sa loob ng limang taon. Hindi siya nagsalita, nagtago lamang siya, hindi niya pinansin ang mga pang aalipusta sa kalagayan niya. Pero nasasagad na siya. Hindi na niya kayang basta manahimik na lang.

“Pero humingi na ako ng tawad.” pabulong pa na sabi ni Ryan.

“Hindi katanggap tanggap ang paghingi mo ng tawad!”

Lalong lumala ang panginginig ng boses ni Agatha. Ito ang unang pagkakataong direktang hinarap niya ang isang pangungutya na tulad nito.

“Ano pa bang gusto mo?” pabulong ulit na tanong ni Ryan.

Hindi agad alam ni Agatha ang gagawin. Napailing na lang siya. Hinahayaan ang pangungutya ng mga kaibigan sa asawa, hinahayaan ang katotohanan na kinakampihan sila ng kanyang asawa.

“Tumigil ka na, Ryan.” 

Tumayo si Noah sa pagitan nila ng kaibigan nito.

Hindi maipagkakaila na ito nga ang pinuno ng lahat.

Matapos silang makapagtapos ng unibersidad, si Noah ang tumatayong leader ng mga ito. Nagpatayo ng kompanya at naghihintay sa kung ano ang kaya nitong ipamahagi sa kanila. Umaasa sa katalinuhan nito at galing nitong magpatupad ng mga gawain.

“Agatha,” tinignan siya ni Noah na may kalamadong pares ng mga mata gaya ng dati, na hindi maikukumpera sa liwanag ng kislap ng mga mata nito sa kuha sa video nito kahapon. “Lahat sila ay kaibigan ko na sa loob ng maraming taon, at wala silang masamang intensyon at nagbibiro lang talaga. Para sa kapakanan ko, patawarin mo na sila. Ipapahatid na kita sa driver,”

“Sister-in law,..” ngunisi si Nica na tumabi kay Noah. “Kung gusto mo talagang magalit, sa akin ka na lang magalit. Huwag mong pansinin si Ryan, Sila ang nag organize ng party ngayon dahil sa pagbabalik ko… Noah, yayain mo ang asawa mo na mag dinner kasama natin, I’ll toast her a glass of wine para humingi ng tawad sa kanya.”

“Pasensya na,” tumingin si Agatha kay Noah.

Malakas ang loob magsalita ni Nica dahil magaling itong pekehin ang kabaitan. Pinilit niyang huwag patulan ang kaplastikan nito.

“Hindi ako umiinum ng alak, kung gusto mo inumin mo na lang lahat iyan.”

Paiyak na tumingin si Nica kay Noah. “Naoh, pinapagalitan ba niya ako? Ako…” saka umakting pa ito ng tudo na parang nasaktan sa pagsagot at pagtanggi niya dito.

Kahit na naiinis at gusto nya itong supalpalin ng salita ay nanahimik na lang siya.

“Agatha, paano mo nakakayang pagalitan si Nica, nagmamalasakit lang naman siya sayo…”

Napatanga si Agatha. Nagmamalasakit? May magandang intensyon? Tanga lang ang taong hindi makakakita na nag iinarte lang si Nica.

Huh! Ngayon natanong ni Agatha sa sarili.

Matalino ba talaga si Noag?

No! Hindi tanga si Noah, sadyang tama lang talaga ang taong itinitibok ng puso nito. At ang kinakampihan nito ay kung sino ang mas matimbang sa puso nito.

Tinignan ni Agatha ang dalawang tao sa kanyang harapan, pati ang mga ilang tao sa likod nila, at naramdaman niya na hindi basta ganun kadali malulutas ang alitan sa pagitan nila.

Sila ay isang silidong grupo, at siya ai isang tagalabas lamang na pumasok sa kanilang mundo. Hindi, sa katunayan, ni minsan ay hindi siya naging bahagi ng kanilang mundo. Kahit na siya ang totoong naapi, siya pa rin ang masasabing dehado.

Pinigilan niya ang kanyang luha, huminga ng malalim, at tumalikod upang maglakad ng palabas.

Sa pagtalikod niya narinig pa niya na nagsalita si Nica.

“Noah, ang sister-in law…”

“Ayos lang iyan, mabait naman siya. Babalikan ko na lang siya at i-comfort siya ay magiging okay na ang lahat. Halika, ituloy natin ang kasiyahan. Huwag niyo na siyang aalahanin.” narinig pa niyang sabi ni Noah bago siya tuluyang nakalabas ng private room na iyon.

Habang kay Noah, palihim na sinulyapan niya ang papalayong imahe ni Agatha, at nagpadala ng mensahe sa kanyang driver na ihatid siya nito pauwi,

Gusto ni Agatha na maglakad nang mas mahinahon at matatag, ngunit hindi niya kayang maging mahinahon, hindi niya kaya. Lalong nanginginig ang kanyang mga paa sa bawat paghakbang niya.

Sa sandaling iyon, nagmadali paring humakbang paalis si Agatha, wala na siyang mukhang maihaharap sa kanila. Lalo siyang nabalisa dahil sa isip niya, oras na makaalis siya tiyak na  muling magtatawanan ang mga ito at kukutyain na naman ang kalagayan niya.

Mabilis niyang pinununasan at pinatuyo ang kanyang luha. Lumakad ng mas mabilis hanggat sa kanyang makakaya bago pa siya tuluyang ipagkaluno ng kanyang mga paa…

…..

Sa oras na dumating ang driver na tinawagan ni Noah para ihatid si Agatha, wala na si Agatha na ang akala nito ay maghihintay lang sa driver nila.

Bumalik ang driver sa loob ng restaurant para ipaalam kay Noah na hindi nito naihaitd ang kanyang asawa.

Kunot ang noo ni Noah at tinawagan niya si Agatha, ngunit hindi sumagot si Agatha hanggang sa maputol na lang ang tawag niya. Nang mulig sinubukan ni Noag na tawagan si Agatha, nakapatay na ang cellphone nito.

Hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Noah at ngayon ay parang nakaramdam siya ng bigat sa puso.

“Noah, ang sama naman ng ugali ng asawa mo. Masayado mo siyang inispoil kaya siya ganun. Sa status at imahe mo ngayon, kahit sino pa ang mapangasawa mo, maganda lang ang pakitungo niya sa iyo sa bahay. Iniwasan ka pa talaga niya, huh. Hindi ako makapaniwala na siya pa ang may ganang magalit.”

Nanataling tahimik si Noah.

Nagpatuloy ang pagtawag sa kanya ng mga kaibigan at sinasabihan tungkol sa kanyang asawa.

“Tama nga naman, Noah. Malaki na ang ibinibigay mong pera sa kanya at sa pamilya niya para mabayaran siya sa utang na loob mo sa kanya. Hindi ba niya naisip na nagsusumikap ka para sa kanya. Hindi ka man lang niya binigyan ng mukha at talagang umiwas pa siya sayo sa harap namin o ibang tao. Pinapalaki niya ang maliit lang na bagay. Worth it ba iyon sa pagsasakripisyo mo?”

“Tama, Napakalaking blessing na sa kanya ang pakasalan mo siya. Kung hindi, sino ba naman ang gustong makasal sa isang lumpo na tulad niya. Kung ayaw mo sa kanya, nababagay lang sa kanya ay ang lumpo din na kagaya niya.”

Nakamasid lang rin si Nica na nakikinig sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya.

“Noah, huwag kang malungkot dahil lang sa may mga nagsasabi ng masama tungkol sa iyong asawa. Taos puso ang sinasabi ng mga kaibigan natin tungkol sayo. Isipin mo, matagal na kayong magkakaibigan. Kahit na hindi nararapat ang kanilang mga salita, pakinggan mo lang ito at pwede ring kalimutan. Huwag mong isapuso.”

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Noah, hindi naging maganda ang mga salita ng kanyang mga kaibigan at lalo na si Nica.

Ngunit hindi na siya nagsalita pa tungkol doon.

“Hindi ako galit, ituloy na lang natin ito.” malamig ang boses na sabi niya matapos ibalik sa bulsa ang kanyang cellphone. “Hindi naman siya makakalayo, baka nauna na siyang bumalik sa bahay. At wala naman siyang ibang pupuntahan maliban doon.”

Pagkatapos ng lahat, sa nakalipas na limang taon nilang pagsasama, wala pa siyang matandaan na pinuntahan si Agatha maliban sa manatili lang sa loob ng bahay dahil sa kalagayan nito.

Napasulyap si  Noah kay Nica. Ibang iba na ang Nica na nakilala niya noon. Hindi na ito tulad noon na mahinhin at halos ng mga salitang lumalabas sa bibig nito ay pinag iisipan pa. Pero ngayon, hindi na nito iniisip ang mga sinasabi, dahil sa binitawan nitong mga salita kanina, ay kahit na sinong asawa at makakaramdam ng hinanakit kung pinipintasan ang mga asawan ila.

Ngunit hindi niya iyon isinatinig. Ayaw niyang masira ang araw na ito, sa pagbabalik ng unang babaeng kanyang inibig.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 5

    Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dinampot niya ang kanyang mga libro. Hindi na siya nag-isip ng marami, umaasa nalang siya na makakahanap siya ng kaaliwan sa buhay. Isang bagay na pwede niyang gawin upang wag ng maisip ang mga salitang iyon na binitawan ni Noah. Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga pag-asa na iyon, na kanya lamang, ay magiging kaligtasan niya ngayon?Mag-aaral siyang mabuti para sa exam bukas.Lilisanin niya ang lugar na iyon sa abot ng makakaya dahil kahit ang isipin iyon ay nagdudulot pa rin ng matinding sakit sa kanyang puso.Hindi niya masabi kung ang sakit ay dahil ba kay Noah o dahil sa kanyang maling pag-ibig sa loob ng limang taon.Ngunit hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay hindi na niya papayagan ang sarili na manatili sa sakit. Kahit na magtatagal pa bago maghilom ang mga sugat, kikilos siya upang iligtas ang kanyang sarili. Nag-order siya ng takeout—isang light dinner at nagpalit ng damit.Tumawag siya sa front desk at sinabi sa kanila na m

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 4

    Hindi umuwi si Agatha.Nag-stay siya sa hotel na binook niya.Ang lahat ng hinanakit at sakit ay biglang sumambulat nang magsara ang pinto ng kwarto sa hotel.Ang pag-ika-ika ni Ryan ay patuloy na nagfa-flash sa kanyang isip, at ang tawanan ay patuloy na umikot sa kanyang tenga na parang isang sumpa.Sa totoo lang, alam na niya ang sinasabi ng mga kaibigan Noah tungkol sa kanya nang pribado, ngunit hindi niya kailanman binanggit iyon kay Noah.Naging mabuting kaibigan sila ni Noah sa loob ng maraming taon, at naiintindihan niya.Nahihirapan siya sa labas, at naiintindihan din niya.Kaya, ayaw niyang makagawa ng gulo para abalahin si Noah, at ayaw niya ring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito dahil sa kanya.Ngunit ngayon ay masyado siyang nag-iisip.Paano magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan si Noah sa mga kapatid nito dahil sa kanya? Iyon ay mga kapatid niya sa loob ng maraming taon!Ano siya?Isa lang siyang utang na kailangang pagbayaran at pakasalan ni Noah upang masuklia

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 3

    Gayunpaman, sa pagsasadula ni Ryan ay nagpatawa sa lahat ng tao sa loob kaya’t si Nica na isa sa tumatawa, sa tabi ni Noah, ay bumagsak ito sa bisig ni Noah habang patuloy sa pagtawa.Habang si Noah, ay tahimik at hindi umimik.Tumatawa si Ryan na tumigil saka muling tinanong si Noah.“Noah, ganun ba…”Bago pa man matapos ni Ryan ang tanong ng ”Ganun ba”, napasulyap ito sa kung saan siya nakatayo sa pinto. Namutla ang mukha nito at nawala ang ngiti sa labi.“Ate..hipag…”Napatingin ang lahat sa pinto.Natigilan ang lahat.Umalis si Nica sa pagkakasandal sa bisig ni Noah at nakangiting hinarap siya.“Oh! Siya ba ang dakilang asawa ni Noah, tama ba? Hello, tumuloy ka, ako nga pala ang mabuting kaibigan ni Noah.”Tinignan ni Agatha ang lahat ng tao sa loob, at nanlamig ang kanyang mga mata.Sa wakas ay kumilos si Noah at naglakad palapit sa kanya.“Agatha, bakit ka narito? Nabibiro lamang sila, huwag mo sanang isapuso.”Tumingin si Agatha kay Noah, hindi siya makapaniwala na hindi man la

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 2

    Sinira nito ang panata at nagsimulang uminom.Halata na tinamaan na ng naimum na alak si Noah.Pero si Noah nga ba ang narinig niyang sumigaw ng ganun?Naalala ni Agatha si Noah noong high school sila. Isang malamig, malayong sa mga tao. Hindi lang ito seryoso habang nag aaral, kundi maging sa larangan ng mga laro. Kapag inaalok ito ng ibang babae na may gusto dito ng tubig, hindi nito iyon pinansin.Nang naglaon, nang maging asawa siya nito, ang Noah na kilala niya bilang isang aloof na tao ay naging mas malayo ito sa kanya, mas naging malamig. Ang hindi palangiti noon ay mas lalong hindi niya nakitang ngumiti sa kanya. Kapag minsan tinatangka niyang hawakan ang kamay nito, naramdaman niyang napakalamig ng kamay nito tulad ng kalamigan nito sa kanya.Ngayon, sa video na pinapanuod niya, umikot ang camera sa mukha ng lahat. Nakita niya ang isang lasing na si Noah, kumikinang ang mga mata, itinaas ang baso ng alak, at nakangiting tumingin sa camera.“Welcome back, Nica.” sigaw nito at

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 1

    Lagaslas ng tubig ang maririnig sa loob ng banyo.Alas tres na ng madaling araw, kababalik lang ni Noah at ito ang naliligo sa banyo.Tumayo si Agatha sa pintuan ng banyo.Mayroon siyang gustong sabihin kay Noah. Medyo kinakabahan siya, hindi sigurado kung papayag ba ito sa sasabihin niya dito.Habang nag iisip siya kung paano iyon sasabihin, may kakaibang tunog ang narinig niya mula sa loob kasabay ng lagaslas ng tubig…Mga hingal at daing ang narinig niya, hindi siya pwedeng magkamali. Sa narinig niya ay parang isang mabigat na martilyo ang tumatama sa kanyang puso. Para siyang sinasakal at hindi siya makahinga ng maayos.Sa katunayan, ngayon ang ikalimang anibersaryo nila ni Noah. Ikalimang taon na silang kasala pero hindi pa sila nagiging ganap na mag asawa.Mas gugustuhin nitong magsarili at paligayahin ang sarili kaysa ang hawakan at galawin siya.Habang naririnig niya ang daing mula sa loob, pabilis ng pabilis ang paghingal nito saka isang pangalan ang binanggit ni Noah kasabay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status