Hindi umuwi si Agatha.
Nag-stay siya sa hotel na binook niya.
Ang lahat ng hinanakit at sakit ay biglang sumambulat nang magsara ang pinto ng kwarto sa hotel.
Ang pag-ika-ika ni Ryan ay patuloy na nagfa-flash sa kanyang isip, at ang tawanan ay patuloy na umikot sa kanyang tenga na parang isang sumpa.
Sa totoo lang, alam na niya ang sinasabi ng mga kaibigan Noah tungkol sa kanya nang pribado, ngunit hindi niya kailanman binanggit iyon kay Noah.
Naging mabuting kaibigan sila ni Noah sa loob ng maraming taon, at naiintindihan niya.
Nahihirapan siya sa labas, at naiintindihan din niya.
Kaya, ayaw niyang makagawa ng gulo para abalahin si Noah, at ayaw niya ring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito dahil sa kanya.
Ngunit ngayon ay masyado siyang nag-iisip.
Paano magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan si Noah sa mga kapatid nito dahil sa kanya? Iyon ay mga kapatid niya sa loob ng maraming taon!
Ano siya?
Isa lang siyang utang na kailangang pagbayaran at pakasalan ni Noah upang masuklian ang kabutihan niya. Isa siyang pasanin para kay Noah.
Mas masaya ang buhay ni Noah kung wala siya.
"Pilay siya! Sino pa ang magkakagusto sa kanya kung hindi ka magpapakasal sa kanya?"
"Pilay siya, ano pa ang dapat niyang ikadismaya sa pagpapakasal sa isang taong tulad ni Noah?"
"Kung ako si Noah, mas gugustuhin ko pang ako ang mapilayan ng sasakyan kaysa magpakasal sa isang pilay at pagtawanan."
"Ang mga asawa ng ibang CEO ay kagalang-galang at mapagbigay, ngunit ang Alex natin ay wala man lang maiharap sa publiko."
...
Ang lahat ng tsismis na narinig niya sa nakalipas na limang taon ay bumalik sa kanyang isipan na parang isang whirlpool na lumulunok sa kanya at nilulunod siya.
Hindi siya makahinga, ang sakit ay bumubukol sa kanyang baga.
Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang isang album sa kanyang cellphone na hindi niya nagawang buksan sa loob ng limang taon. Naglalaman ito ng mga record ng kanyang pagsasanay at mga performance noong nag-aaral pa siya.
Mula nang hindi na siya makapag-perform sa stage, inimbak niya ang lahat ng kanyang mga litrato at video na may kaugnayan sa sayaw doon, ni-lock ng password, at hindi na muling binuksan.
Ngayon, gamit ang nanginginig na mga daliri, random siyang nag click ng video.
Sa saliw ng musika, umikot siya, bumagsak, at gumawa ng split sa hangin.
Noong panahong iyon, puno siya ng lakas, malakas ang kanyang katawan, at nakatanggap siya ng malalakas na palakpakan...
Kaya, mali ba ang pagligtas niya kay Noah?
Ngunit kahit sa sandaling iniligtas niya si Noah hindi niya kailanman naisip na pakasalan ito.
Si Noah ang nagsabi na gusto niyang pakasalan si Agatha, nagplano ng magarbong engagement party at lumuhod sa harap nito at nagpakita ng isang malaking diamond ring na nagbigay sa kanya ng pag-asa...
Bagama’t nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay ay pinatay niya ang cellphone niya at dumapa sa kama at umiyak nang malakas sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon.
Umiyak siya nang napakatagal.
Napakatagal hanggang sa mapagod siya, hanggang sa wala ng lumabas na kahit isang luha sa kanyang mga mata at ang tanging sakit nalang sa kanyang puso ang naiwan, nagliliyab na parang apoy.
Pero dahil sa sakit na ito, nakahanap siya ng kaliwanagan matapos siyang ipagpag sa nakakasakal na vortex na ito.
Kaya kung mas masakit, mas matino siya.
Nagpunta siya sa bathroom at naghilamos para pakalmahin ang sarili.
Sa pagtingin sa salamin sa sarili niyang lubusang naubos, tahimik niyang sinabi sa sarili, "Agatha, sapat na ang isang beses na pag-iyak. Wag na. Ngayon, kumain ka nang maayos, magpahinga ka, at mag-aral ka nang mabuti para sa exam mo bukas."
Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay sa loob ng limang taon nilang kasal, nag-aaral siya araw-araw upang palipasin ang oras.
Hindi dahil may mataas siyang ambisyon, kundi dahil lang sa sobra ang oras niya at naiinip siya.
Ang paghihintay kay Noah na umuwi ang siyang naging buhay niya.
Ngunit palagi itong umuuwi ng late.
Noong una, naisip niya na abala ito sa trabaho, ngunit katagalan, napagtanto niya na ayaw lang siyang makita nito.
Narinig niya mismo ito.
Noon ay naaawa siya sa hirap ng trabaho ni Noah at nagkaroon ng lakas ng loob na magpakita ng malasakit dito. Siya mismo ang naghahanda ng meryenda at dinadala iyon sa kumpanya ngunit narinig niya ang usapan na hindi niya dapat marinig.
Ang pag-uusap ni Noah at ng kababata nito sa opisina.
Tinanong siya ng kaibigan kung bakit hindi pa siya umuuwi, dahil halos wala ng tao sa kumpanya at siya nalang ang naiwan. Ang CEO, ay nag-o-overtime pa rin.
Sabi ni Noah, "Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sigasig ni Aina kapag umuwi ako."
Hindi kaagad naintindihan ni Agatha ang pag-uusap na iyon noon ngunit ang kababata niya ay agad itong naunawaan.
“Noah! Wag mong sabihing wala pang nangyayari sa inyo?!”
Natahimik si Noah dahil iyon ang totoo.
Kahit kailan ay hindi hinawakan ni Noah si Agatha.
Nagbibigay siya ng pahiwatig, siya rin minsan ang nag-iinitiate ngunit palaging tumatanggi si Alex at nagdadahilan.
Halimbawa ay, “Hindi maganda ang pakiramdam mo.”
O kaya ay, “Masyado akong pagod nitong mga nakaraang araw.”
Hindi siya tanga, at kalaunan ay napagtanto rin niya na hindi lang siya mahal nito kaya ayaw siya nitong hawakan.
Ngunit tuwing naririnig niya ang mga pagdadahilan na iyon ay parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya, sobrang sakit na hindi na siya halos makahinga.
Kalaunan ay tinanong si Noah ng kababata niya, kalahating pabiro at kalahating seryoso, “Noah, hindi ka ba nagkakaroon ng physical reaction sa tuwing makikita mo siya? Napakaganda rin naman niya.”
Ngunit ang mga salitang isinagot ni Noah ay naging isang karayom na bumaon ng malalim sa kanyang puso at patuloy na tumutusok sa kanya tuwing naiiisip niya iyon.
"Sinubukan ko rin naman na magkaroon ng normal na relasyon sa kanya pero tuwing nakikita ko ang mga binti niya ay ka-agad-agad akong nawawalan ng gana."
Ganoon pala...
Ang kanyang mga binti na nagkaroon ng peklat at atrophied dahil sa pagligtas kay Noah ay nakakadiri para kay Noah, hindi nakakagana, at walang interes…
Hindi na siya kumatok pa at ang pagkaing inihanda niya para kay Noah ay itinapon niya sa basurahan sa office at kahit kailan ay hindi na siya bumisita pa doon.