Masuk“Ang sunset noong araw na iyon ay kasing-ganda ng sunset ngayon,” mahinag sabi ni Noah habang lalong hinigpitan ang yakap sa braso niya. “Magkaiba sila,’ sabi niya. “Paano naging magkaiba?” tinignan nito ang mukha niya mula sa gilid ng balikat niya, tila nagbibiro ang tono. “Iniisip mo bang matanda na tayo?” Hindi iyon ang iniisip ni Agatha.“Matanda na ako, pero ikaw hindi. Ganon pa rin katulad ng dati,” sabi ni Noah. Ang gusto sanang sabihin ni Agatha, noong araw n aiyon, habang nagliligpit siya ng gamit mag-isa, tinatawag siya ng lahat para magpa-picture. Hindi niya alam kung dahil ba sa chicken leg na ibinigay nito kaya nagkaroon siya ng lakas, o dahil sa kaba sa dami ng sumisigaw, pero sunod-sunod siyang nagtumbling sa damuhan para makasama sa picture. Nagpalakpakan pa ang lahat para sa kanya. Ngayon, kaya pa ba niyang mag-tumbling ng ganoon? Ang matagumpay niyang pagtakas kanina ay dahil lang sa tulong ni Johnford. Pero hindi niya na ito sinabi, marahil ay nakalimutan na n
“Bakit?” pakiramdam ni Noah ay hindi iyon logical. Sa pagkakaalam niya, sobrang mahal siya ni Agatha, paanong hindi ito masasaktan na iniwan siya ng sariling asawa sa gitna ng pnaganib?Nasabi na ito ni Agatha noon, dahil hindi niya na ito mahal. Pero hindi naniniwala si Noah, iniisip lsng nito na nagmamatigas lang siya. Tinatamad na siyang magpaliwanag ngayon. Ang mahalaga, aalis na siya sa loob ng dalawang araw, at ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong gulo o hadlang. Nag-isip siya sandalit at simpleng sinabi, “Ang tao dapaty tumitingin sa future, hindi pwedeng laging nakakulong sa past, kundi paano ka makakausad sa buhay?”Nakahinga ng maluwag si Noah at binigyan pa siya ng pambihirang ngiti habang tinatapik ang buhok niya. “Mabuti at ganyan ang iniisip mo. ano man ang mangyarim tayo ang magsasama habangbuhay. Pagiging masaya at open minded ang pinakaimportante. Tumango si Agatha, syempre, ang sarili niyang “kaligayahan” ang pinakamahalaga, hindi ang “magsama habambuhay.”
“Hindi naman sa hindi importante– syempre importante pa rin. Pero sa ganitong klaseng sitwasyon, kung kailangan talaga nating pumili, mas importante ang mukha ni Nica. Tutal, ikaw naman ay…” sinulyapan ni Noah ang mga paa at hindi na tinapos ang sasabihin. Muling naintindihan ni Agatha, may bahid ng lungkot ang kanyang ngiti. “Naiintidihan ko ang punto mo. Tutal, wala na namang silbi ang binti ko, disabled na ako, kaya ano naman kung madamay pa ang mukha ko diba?”“Agatha…” paliwanag niya, “nandito naman ako. Aalagaan kita habangbuhay. Kahit ano pang hitsura mo wala akong pakialam, hindi mahalaga sa akin iyon. Basta ikaw si Agatha, mananatili kang Mrs. Villanueva ko….”“Tigilan mo ako.” ngumisi siya ng may panghamak. “Ganoon ba ka-prestihiyoso ang titulong Mrs. Villanueva? Sulit ba yang ipagpalit sa isang binti at isang mukha?” “Wag mo namang minamasama yung mga sinasabi ko…”“Hindi ko minamasama.” pinutol siya ni Agatha, dahil ayaw na niyang makarinig ng mga kalokohan mula kay Noah
Tinamaan si Noah sa pinaka sensitive na bahagi ng pagkatao niya. Kung hindi dahil sa pagliligtas sa kanya, hindi sana nawalan ng binti si Agatha. Ito ang utang na habambuhay niyang papasanin…“Pangalawa, kahit maging praktikal tayo, sa sitwasyon ngayon ni Senior, dapat mo siyang alagaan at hindi pagmalakihan. Pangatlo, ako ang nag-book ng kwartong ito…”“Hayop ka!” mura ni Noah at sinubukang hablutin si Johnford mula sa likod ni Agatha. Pero hindi umalis si Agatha sa harapan ni Johnford. Saanman gumalaw si Noah, humaharang siya. Galit na galit na itinuro ni Noah si Agatha. “Mrs. Villanueva, anong ibig sabihin nito? Poprotektahan mo siya?”Tumingin si Agatha sa kanya ng diretso, “Oo, dahil pinrotektahan niya ako noong nasa panganib ako!”Natahimik si Noah.Sa pagtitig niya sa mga mata ni Agatha, wala siyang makitang init– parang isang nagyelong lawa na wala ng kahit anong alon. “Agatha…” huminga ng malalim si Noah, “alam kong galit ka dahil sa nangyari kanina, pero sa bahay na natin
“Tumawag ako ng pulis, tapos nakahanap ako ng mga gamit sa construction site para makaakyat sa taas. Doon lang ako naglakas-loob na mag-senyas sayo.” Ginamit niya ang senyas na “Lift 1” – isang secret code nilang magkakapatid sa sining. Noong nag-aaral pa sila ng dulaan. Kahit maraming taon na ang lumipas, hindi iyon nakalimutan ni Agatha. Kaya naman nang makuha niya ang tamang pagkakataon, tumalon siya at alam niyang sasaluhin siya ng kanyang “Senior Brother.” Ang muscle memory at coordination nila ay hindi nagbago. Kahit medyo matigas na ang mga galaw, nagtagumpay pa rin sila. “Tara na, ihatid na kita sa kwarto mo bago ako bumili ng gamit,” sabi ni Johnford. “Hindi ba dapat ay nasa byahe ka na pabalik ng Maynila?” tanong ni Agatha. “Okay lang, naiwan na rin naman ako ng flight ko. Mamayang gabi na lang ako babalik,” ngiti ni Johnford, ang mga ngipin niya ay nagniningning sa ilalim ng araw. Matapos makaligo at makapagpalit ng damit na binili ni Johnford para sa kanya, naghintay
“Kumalma kayo!” urat na sabi ni Noah. “pakawalan niyo sila, at ako ang isama niyo!” “Gumagawa ka ba ng teleserye?” pangungutya ng lalaking nakadilaw. “Sa tingin mo ba mas madaling kontrolin ang babae o ang isang matangkad at malakas na lalaking tulad mo? Bakit ikaw pa ang isasama namin?” “Kayo na ang nagsabi, bayaran ang utang, kunin ang pera at umalis. Bakit kailangang maghanap pa ng gulo?” malamig na sabi ni Noah. “kung gusto niyo talaga ng kasama, isama niyo siya!” Ang tinutukoy ni Noah ay si Julio.“Ah– hindi! Manugang, wag! Ayokong sumama sa kanila… iligtas mo ako!” si Julio na nagkukunwaring patay kanina ay biglang napatayo, pero tinapakan lang siya ng mga lalaki. “Wag na taong maglaro,” sabi ng nakadilaw. “Villanueava, ihagis mo na ang pera dito!” Tinignan ni Noah ang mga kalaban. May sampu sila. Hindi uubra ang pakikipag-away ng harapan. Kung makukuha sa bayad, iyon ang pinakamabuti. Pero paano kung lokohin siya?“Hindi ka ba naniniwala sa amin?” muling tumawa ang lalakin




![My Professor, My Fuck Buddy [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


