“Noah…” nabulunan siya at hindi na napigil ang pag-iyak. “Hmm? Agatha?” kinuha nito ang kamay niya. “Anong problema? Gusto mo bang umiyak? Kung gusto mong umiyak sige lang, iiyak mo lang, wag mong pigilan.”Malumanay na ngayon ang boses ni Noah, sobrang malumanay. Parang dati, nang lumabas siya sa operating room, si Noah at ang mga nurses ang nagtutulak ng wheelchair niya sa ward niya at nag stay si Noah sa gilid ng kama niya na parang ganoon, nagsasalita ito ng malambing at malumanay na halos masakit ng pakinggan,”Agatha, masakit ba? Kung masakit, umiyak ka lang, wag mong pigilan…”Noong mga panahon na iyon, ang buong akala niya ay ang pag-aalagang iyon ni Noah ay mahusay na painkiller. Pero inabot ng maraming taon bago niya napagtanto na ang pag-aasikaso at pag-aalaga kailanman ay hindi magiging pagmamahal…“Noah, maghiwalay na tayo,” mahina niyang saad habang binabawi ang kamay niya kay Noah, ang hapdi ng mga salitang iyon ay siyang nagpalabo ng mga mata ni Agatha.Kumunot naman
Last Updated : 2025-10-29 Read more