Chapter 2.2
"Mukhang napasok tayo ng kalaban, Makas alalayan mo si Jeruzah at dalhin sa kwarto niya sa itaas, Kibou, Dillion, Kit at Raza ihanda niyo ang mga s*****a niyo mukhang maraming tauhan ang ipinadala ng isa sa mga organisasyon."
"Copy," sabay-sabay na sabi ng lima na agad inilabas ang mga baril na nakaipit pala sa mga likuran nito.
Agad naman akong nilapitan ni Makas at hinila ang aking mga kamay para sumunod sa kaniya, habang sa kaliwang kamay nito ay isang baril. Mabilis ako nitong nadala sa aking kwarto at pina-upo sa aking kama.
"Kahit anong mangyari huwag na huwag kang aalis sa kwartong ito naiintindihan mo ba?" seryoso nitong utos sa akin na agad ko namang tinanguan.
"Ano bang nagyayari!" wala talaga akong maintindihan sa mga pangyayari. One momment Makas and I are arguing then later on umuulan na ng bala!
"Saka na namin ipaliliwanag sa iyo, sundin mo na lamang ang bilin ko."
Agad itong lumabas ng aking silid habang ako ay nanginginig sa takot, sunod-sunod na putok ang naririnig ko at hindi na rin ako mapakali sa pagkakaupo habang kagat-kagat ang daliri, naga-alala para sa sarili at para sa mga taong ngayon ay buwis buhay na nakikipaglaban sa labas.
Sino ba ang mga kasama ko dito at paano sila may hawak na mga baril.
"Ahhh!"
Napaatras ako sa gulat at takot ng lingunin ko ang balcony kung saan nakatayo ang isang lalaki na nakasuot ng all black clothes at suot na maskara na may disenyong isang gagamba, pero mababanaag mo pa rin ang ngising nakakubli sa likod ng maskarang suot nito
Nangigingig ako habang pinipilit ang sariling umatras patungong pinto pero isa iyong pagakakmali dahil sa ginawa ko ay naalarma ang lalaki at mabilis hiniltak ang buhok ko. Napangiwi ako dahil sa sakit.
"Saan ka pupunta ha? Tsk, tsk, tsk maganda at makinis ka bata, pagsawaan muna kaya kita bago kita dalhin kay boss?" nangilabot ako sa mga katagang binitawam nito. Bukod sa nakakasuklam ang ideyang iyon ay natatakot din ako para sa maaring mangyari, lalo pa at walang pwedeng magtaggol sa akin sa mga oras na ito.
"Bitiwan mo ako! Makas! Makas! Help me-" hindi ko na naituloy pa ang mga susunod na sasabihin ng walang habas nitong tinakpan ang bibig ko gamit ang mga kamay nito, buti sana kung mabango ang kaso amoy bulok ang kamay ng lalaking ito. Amoy wax pa putsa!
Kahit natatakot ay hindi ako nagdalawang-isip na kagatin ang kamay nito, agad kong inalala ang mga itinuro sa akin ni Papa noong maliit pa ako, hindi ko akalaing magagamit ko iyon lahat sa ganitong sitwasyon.
Matapos kagatin ang kamay nito na agad nakabitaw sa akin ay kinuha ko ang kamay nito na may hawak na baril saka ito pinilipit at sinipa sa tiyan at sa pribadong parte mito dahilan upang mabitawan niya ang baril na agad kong sinamantala upang makalabas ng kwarto ngunit pipihitin ko pa lang ang seradula ng pinto ay agad na naman ako nitong nahiklat sa buhok. Seriously paborito ba nito ang buhok ko at lagi na lang iyon ang hinihiltak niya?!
"Ahhh! Ano ba bitawan mo ako! Bitawan mo ako sabi eh!" walang tigil ako kakapumiglas para lamang makawala sa mga kamay nito. I will not lie, this stinky man was strong.
Nang makawala ulit sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan ko ulit siyang sipain na ikinatagumpay ko naman ngunit agad din akong naestatwa ng paputukin nito ang hawak na baril na dumaplis sa aking pisngi. Nakita ko itong ngumisi at mabilis na itinutok sa akin ang baril, mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at iniintay na lang ang kamatayan ko.
Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril ngunit wala akong naramdamang tumama at masakit sa akin, dala ng pagtataka ay iminulat ko ang aking mga mata at nakita sa gilid si Makas na seryoso habang hinihingal na tila minadali ang pagpunta dito, may mga pasa din ito sa mukha at ang maputing damit ay nabahiran ng kaunting dugo at dumi.
Parang nag-slow mo ang naging paglingon ko sa kaninang lalaki na balak akong patayin, I don't know why I don't feel any symphathy to the poor man bathing with his own blood. Kung iba siguro ang first time makakita nito ay masusuka, ma-trauma o hindi kaya matatakot pero ako, wala akong kahit anong nararamdaman kung hindi kaginhawahan at tuwa.
"Are you alright?" hinihingal na tanong nito sa akin.
"Yes, thank you kala ko katapusan ko na," may ngiti sa labi kong saad. Akala ko talaga kanina susunod na rin ako kila Mama sa langit jusko.
"Matagal mamatay ang masamang damo," walamg emosyong sambit nito.
"So sinasabi mong masamang damo ako ganoon ba?" ewan ko ba sa tuwing kausap ko ang lalaking ito walang oras na hindi umiinit ang ulo ko. Isa ako sa mga taong may mahabang pasensiya ngunit hindi ko maintindihan, sa tuwing siya ang kaharap ko laging nagi-init ang ulo ko.
"Maybe," kibit balikat nitong ani saka ako tinalikuran.
"Arghh! Nakakabanas ka talaga Makas the walking ice!"
"Tss ang dami mong dada, halika na naghihintay na sila Papa sa ibaba."
Sabay kaming bumaba at natagpuan sila Pops kasama ang apat na ostrich na tulad ni Makas ay may mga pasa na sigurong nakuha nila sa pakikipagbugbogan, at ang mga damit ay may talsik ng dugo.
"Are you alright hija?"
"I'm okay Pops iyong totoo po ano ba talagang nangyayari, anong ginagawa ng mga lalaking nakamaskara na iyon?"
"Ang mga lalaking iyon ay mga tuta ng isang gang na tinatawag na Spiderous, isang organisasyong nais pabagsakin ang Mundane Organization," saad ni Raza.
"Mundane?" nalilito kong tanong.
"Tha's our organization, itinayo ng tatay ni Dad ang Mundane para makatulong sa mga tao, it's just like a DSWD Center ang kaibahan nga lang kahit mga matatanda ay sinasagip din ng Mundane at lahat ng may mga potential ay hinahasa upang maging magaling na agent. Sa pahlipas ng panahon tatlong organisasyon ang nabuo; Spiderous, Serfent, at Mosquitoeus. Ang organisasyon na ito ay kaibahan ng organisasyon namin, dahil tila naging isa itong mafia gang. Pagbebenta ng mga babae, bata, at mga droga ang kinabubuhay ng organisasyong ito. Isa sa magaling naming team ang nakaenkwentro sa isang transaksiyon ng Spiderous at nailigtas ang mga babae at batang dapat na ibebenta, kaya siguro kami sinugod ng mga ito."
Makas explained everything at kung hindi pa siya tumigil tiyak na sasabog na ang ulo ko sa dami ng mga nalaman ko. Sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko hindi ko na alam kung anong itatawag kung malas ba o swerte? Maybe swerte kasi kahit may mga nawala atleast may mga pumalit.
"Hindi ko lang inaasahang hanggang sa liblib ma lugar na ito ay mahaanap nila tayo," seryosong sambit ni Pops.
"Mukhang nasundan kami noong papunta kami Dad," Kibou seriously said. Kaya din palang magseryoso ng isang ito.
"Pops I have a question," umaandar na naman ang curiosity sa katawan ko.
"Go ahead,"
"Hindi ba pag mga ganiyang organization hindi kilala ang mukha ng mga namamahala dito?"
"Yes but for our case matagal ng nabunyag ang mga mukha namin dahil nagtulong ang tatlong organisasyon na ito na lusubin ang kampo namin dahilan para maubos ang ilan sa magagaling naming team at kasama na ang asawa ko
"Sorry," ang dami kasing tanong ng bibig ko na ito.
"Don't worry matagal na naming tinanggap," Pops smile at me but I know that's not a happy smile but a sad smile.
"Let's treat your wounds," saad ni Kit na hindi ko namalayang nakaalis na pala para kumuha ng first aid kit, may daplis nga pala ako sa pisnge ngayon ko lang naramdaman.
"Okay lang," tanggi ko ngunit hindi nito ako hinayaan, ako na lang mismo ang sumuko dahil ayaw papigil nito.
"Pop's nasaan nga po pala si Kuya Artuso?" tanong ko dito habang nakangiwi dahil sa hapdi ng alcohol. Wala ba silang betadine, ang hapdi eh.
"Why?" Makas asked me.
"Kanina iyong lalaking gustong akong dakpin at patayin, may naamoy ako sa kaniyang amoy ng isang wax na parang naamoy ko din kay kuya Artuso nang ihatid niya ako sa kwarto ko kahapon."
"Are you sure about that?" napaayos ng upo ang limang ostrich pati na rin si Pops sa sinabi ko.
"Yes, hindi gaanong katapang pero dahil nasanay ang ilong ko sa amoy ng wax noong na kila Tiya pa ako, kahit hindi masyadong matapang amoy ko pa din. Isa pa habang sinusundan ko siya kahapon may kaba talaga akong nararamdaman."
"We will check it later but for now we all need to rest," saad ni Pops kaya tumayo na kaming lahat at nagtungo sa kaniya-kaniyang silid.
Nang makapasok sa kwarto ay agad akong naglinis ng katawan at nagpalit ng isang cotton pajama na may mga prints na panda.
Sabi ni Pops magpahinga pero kahit anong pikit ko hindi talaga ako makatulog. Napasabunot na lamang ako ng aking ulo saka bumaba para kumuha ng gatas sa ref.
"Bakit gising ka pa?"
"Ay kabayong walang dede, bakit ba nangugulat ka?" singhal ko kay Makas na walang emosyong nakatingin sa akin.
"Kanina pa ako nandito hindi mo man lamang naramdaman ang presensiya ko?" nakataas ang kilay nitong sabi sa akin.
"Hindi ako makatulog," iyon na lamang ang sinabi ko, nakakapagot ng makipagtalo sa kaniya.
Nang may makitang isang karton ng gatas ay agad akong nagsalin sa baso at inilagay ito sa microwave para uminit.
"Good let's talk," saad nito at pumunta sa may sala.
"Ano namang paguusapan natin?" saktong tapos ng mainit ang gatas ko kaya agad akong nakasunod dito saka umupo sa harap nito.
"First of all, hindi namin alam kung saang lupalop ka nagmula, pangalawa hindi kita gustong nandito at pangatlo kakamatay lang ng mommy namin, kaya layuan mo ang Papa at pang-apat eto ang limang-daang libo sapat na siguro 'to sayo para layuan mo lang si Papa," saad nito at inilabas ang isang cheque.
"Maraming salamat... iyon ang gusto mong sabihin ko hindi ba?" seryoso kong tanong dito na alam kong ikinagulat niya base sa pag-ayos nito ng upo.
"So hanggang ngayon iniisip mo pa ring pera lang ang habol ko? Kung alam ko lang na mas matindi pa pala ang aabutin ko dito sana hindi nalang ako umalis sa pinanggalingan ko!"
"Sana nga iyon ang ginawa mo," may galit na mababanaag sa asul na mga mata nito bago ako iwanang nagpipigil ng luha.
Kahit saan siguro ako mapunta hindi ako tatanggapin ng maayos at walang sakit na naghihintay.
Kinabukasan habang nasa hapag kainan ay iwas ang tingin ko sa kanila at nasa pagkain lang ang pokus. Ayaw kong makita nila ang namamaga kong mata kakaiyak kagabi.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, alam kong alam niyong may anunsiyo ako kaya maaga ko kayong pinatawag. Gusto kong malaman niyong sa pagtungtong na edad na bente ni Jeruzah ay ikakasal siya kay Makas."
"Po?!
"What?!
"What the hell?!
Chapter 22Chapter 21"It's showtime!"Mabilis kong hinanda ang mga baril at isinukbit ko ito sa gun holder na nakakabit sa bewang ko bago sinuot ang itim na jacket at mabilis na pinaandar ang aking motor.Ramdam ko ang puwersa ng lamig ng hangin na nanuot sa katawan ko. Mukhang hindi sapat ang jacket ko para malabanan ang hangin ngayong gabi.Nang marating ang abandonadong gusali ay mabilis ngunit may pag-iingat kong sinuyod ang lugar bago nakita ang hinahanap ko. Malaki ang ngiti sa mga labi ko habang walang ingay kong tinatahak ang kinatatayuan nito.I stared at the mans back amused, it was my first time I ever saw him panicking, he was known as a calm man in underworld. Based on my observation he was funding something or maybe someone?Slowly and surely I approach him.Surprisingly he didn't even feel my presence, what happened with this man? I thought Pops train them well? "Look who do we have here," gulat ang reaksiyon nito ng masilayan ako. "J-jeruzah?!""The one and only, lo
Chapter 20 Jeruzah's POV'S Matapos ang walang katapusang orientation sa lahat ng inpormasyon about sa mga kinakailangan kong malaman sa loob ng organisasyon, ay masyado na akong na-busy lalo na sa mga sumunod na araw, kabi-kabilang misyon ang naiatang sa grupo namin. Karamihan ay assasination ng mga corrupt na mga opisyal o hindi kaya mga makasalanang tao. Karaniwang misyon namin ay mga request ng makakapangyarihang tao, minsan ay tumatanggap din kami kahit walang bayad. Masaya na kami na nakakatulong kami sa iba.Laking pasalamat ko at sa maayos na grupo amg napuntahan ko. They were all good, not only in terms of socializing with me, pero hindi maikakailang malalakas din sila when it comes to fighting. At first, I can say that they were afraid of me, siguro dahil na rin sa kalat na ang balitang ako ang nagi-isang anak nang kinatatakutang Goalkeeper noong mga panahon na nagsisimula palang ang emperyong ito na mag-pasahanggang ngayon ay nirerespeto pa rin ng lahat, hindi dahil sa si
CHAPTER 19JERUZAH'S POVChapter 19"Are you ready to learn everything about what was our family's secret?""Yes Auntie," walang kaabog-abog kong sabi. She just smile before standing. I was clueless on why she's walking towards to one of the bookshelf. She smile and look at me, she signal me to join her. Kahit puno ng katanungan ay agad ko siyang sinunod. She push one of the books with a title of 'ENIGMA'. The word is kinda familiar but I dont know what it means.Kailan ba ako nagkaroon ng alam? I'm always clueless on many things.A loud gasped escaped from my mouth when the shelf start to move revealing a metal door inside. Auntie took a key from the 'ENIGMA' book and use it to open the door. I was welcomed by differents kind of pictures, old files and to my horror a glass tall box full of golds and jewelries. There's also a four doors and some different kinds of gun everywhere."This is where it all started," Auntie says while staring at the whole room. Hindi ako makapaniwalang
Chapter 18JERUZAH'S POVMabilis na lumipas ang panahon, parang isang araw lang kung susumahin ang mga naging malaking pagbabago sa buhay ko. I was a frail and weak girl when I was in Makas care. I was a martyr waiting for his affection. I can compare myself with a lost puppy in his arms.I can't deny that I miss him, but for my promise to my baby girl, I will make myself stronger and braver than the previous Jeruzah they know. A women is not weak, we are more dangerous than man. We may seem as an angel but beneath us is a devil ready to kill.May namumuong kasuklaman sa kalooban ko towards Makas, but my love for him always win. Tanga na kung tanga but what I did is jut love him. My only purpose in life is to love and protect him.Tama nga ang kasabihang 'Love is powerful'. Love can make you stronger at the same time can make you weaker. Love can make you happy but hurting when it's too much. Love is a beautiful feelings yet a dangerous one, just like us woman. Beautiful but dangerous
Chapter 17JERUZAH'S POVIlang araw muna ang inabot bago ko nabuksan ang kahong ibinigay ni Auntie sa akin. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong buksan iyon noong araw na ibigay ito ni Auntie sa akin, dahil umpisa na iyon ng medication ko. Sa susunod na buwan kapag kaya na nang katawan kong magkikilos, maari na rin daw maipaalis ang mga bakas ng sunog sa ilang bahagi ng aking katawan.Sinalubong ako ng alikabok ng buksan ko ang kahon. Nagkakanda-ubo ako dahil doon. Nang makabawi sa pagkakaubo ay agad kong dahan-dahang sinilip ang laman ng kahon. Bumungad sa akin ang sari-saring mga litrato. There's a picture of Papa and Mama hugging each other, happiness was visible in their eyes.Merong mga litrato na may mga kasama silang parang mga hindi Pilipino. Saktong pagpasok ni Auntie na iyon ang tinitingnan ko kaya hindi ko napigilang itanong."Ahmm, Auntie do you know this people?" I ask her, she imiidiately sit beside my bed."May I see?" Inabot ko naman sa kaniya ang litrato."Ah, iton
Good evening guys. I just want you all to know na hindi ko muna mai-update ang story na ito sa ngayon. May isang story kasi akong need na tapusin by this month. I hope you all understand.Alam niyo naman medyo may pagka-tamad ang author ng story hshs.Baka by September ako makabalik. See you soon!Also I want to thank you all na sumuporta at nagbasa ng story na ito. I'm grateful to have you guys really. Please stay as my inspiration till I finish this novel. Hindi ko na pahahabain pa, again good evening everyone, sleep tight my charmies!