Share

CHAPTER 3

CHAPTER 3

JERUZAH'S POV

***5 months later***

"Congratulations!"

"Congrats!"

"Thank you," may ngiting nakapaskil sa aking mga labi habang binabati ang mga bisita. Ngunit sa likod ng ngiting ito ay lungkot. After the wedding Makas immidiately return home. Ako na lamang ang natira sa venue. Pops, need to rest early dahil tumatanda na at kani-kanina lang ay nag-paalam naman ang mga kapatid ni Makas dahil pare-pareho silang busy.

Simula't sapul hindi ko talaga naramdamang welcome ako sa pamilyang ito. Simula ng sabihin ni Pops ang tungkol sa kasal naging malayo ang lahat sa akin.

"Oh my gosh! Beshie congrats!" masayang bati sa akin ni Shiela, she's my beastfriend from highschool till college.

"I'm not happy you know," malungkot kong ani dito.

Inakbayan naman ako nito, "Wag ka mag-isip ng negative thoughts, naku naman."

Huminga muna ako ng malalim bago nilibot ang paningin sa mga bisita, "My husband aren't here and I barely not know all of this person, kaya sabihin mo paano ako hindi makakapag-isip ng hindi negative thoughts?"

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalitang muli, "Hay girl malas talaga ng buhay mo," nakangising wika nito. Akala ko naman may matino ng masasabi.

"I know wag mo na ipaalala," I roll my eyes and focus my sight on the venue wherein visitors are happily chitchatting and coping up with each other while here am I, the bride itself is not happy.

"Gotta go too, hinhintay na ako ni Jeric," pagpapaalam nito sa akin. "Alam mo naman ang isang iyon hindi kayang mabuhay na wala ako sa tabi niya." Inirolyo pa nito ang bilugang mata niya sa akin, kala mo naman hindi gustong-gusto na clingy si Jeric sa kaniya.

Jeric Arabalos, Shiela's husband is a hella famous chef and also a billionaire. Minsan hindi ko maiwasang makararamdam nang kaunting inggit sa kanilang mag-asawa, simula magkasintahan pa lang kasi ay sweet na sila sa isa't-isa hanggang sa naging mag-asawa. Bagay na hindi ko naranasan.

I cannot even make some boyfriend because of this fucking arrange marriage. I didn't taste the sweetness of a highschool life wherein I can sleep over with some of my friends, making boyfriends and travelling.

I've been imprison on the San Cuenco subdivision for heaven sake, pagkagaling ng school dapat nasa bahay kana or else they will lock the subdivision gate at sa labas ka matutulog.

"I'll call you later na lang. Ingat beshiewaps kong maganda," she waved goodbye to me after she kiss me on the ckeeks. Inihatid ko naman siya ng tingin at ng makitang nakalayo na ang minamaneho nitong sasakyan ay napabuntong hininga na lamang akong pumasok sa loob ng reception.

Gusto ko ng umuwi at hubarin ang suot kong gown dahil kating-kati na talaga ako.

"Nasaan na ang asawa mo iha?" tanong sa akin ng sa palagay ko ay nasa 50's na matandang babae.

Isang ngiting pilit ang pinakawalan ko bago sumagot, "Ah nauna na po alam niyo naman po busy sa company," pagdadahilan ko.

"Hay, minsan nakakatampo na rin ang mga asawa natin, sa sobrang workhaholic napapabayaan na ang mga asawa," malungkot nitong ani habang iniiling-iling pa ang ulo. "Siya sige mauna na rin kami, magdidilim na kasi, at mukhang uulan pa."

"Salamat po sa pagdalo. Ingat po kayo!"

Inihatid ko silang lahat sa labasan at isa-isang pinasalamatan, nang makaalis na ang mga ito ay hapong-hapong napaupo ako sa isa sa mga silya.

Muli kong pinagmasdan ang venue, our wedding has a rosegold theme, ang mga malalaking bilog na mesa ay may sapin na rosegold na tela, habang ang mga upuan ay ganoon din, halos sinakop ng malalaking mesa ang tila isang gubat na malawak na lupain na napapalibutan ng mga puno na tila naging isang dekorasyon habang sa mga katawan nito ay napalilibutan ng puting maliliit na ilaw.

I exhaustedly lay my back on the chair and inhale some fresh air, simula kanina ay ngayon palang ako naka-upo, dahil inasikaso ko pa ang mga bisita sapagkat ang magaling kong asawa ay iniwan ako ng mag-isa. Atleast kahit isa man lamang sana sa mga kapatid niya ay pinaiwan niya, pero hindi, isa siyang walang kwentang lalaki sa mundo.

Nang nakabawi ako ng kaunting pahinga ay agad akong tumayo at pumasok sa dressing room upang palitan ang damit pangkasal ko, I just simply choose a mermaid wedding gown because for me this exhausting marriage is not real.

Nang makapagpalit ng isang square neck ruched bust top na kulay blue at ang isang above the knee skirt bilang pangibaba at isang strap sandals pangsapin sa paa ay agad akong lumabas para magpasalamat at asikasuhin ang iba pang bayarin sa reception area.

Halos gabi na nang makalabas ako at halos wala nang masyadong nagdaraang sasakyan. Lantang-lanta ang katawan ko habang naglalakad palabas, gusto ko na talagang ipikit ang mga mata ko at mahiga sa malambot kong kama.

Agad akong pumara ng taxi ng may makita akong papadaan, buti na lamang hindi ako nahirapang kumuha ng taxi, wala akong kotse dahil ang dapat na kotseng ibibigay ni Pops para sa akin ay hindi pinayagan ni Makas dahil siya na lang daw ang maghahatid-sundo sa akin. At first my husband is a gentlemen not until he prove it wrong to me. The truth is, ibaba niya ako sa kanto at ako na ang bahala kung paano ako makakapasok sa school dati, kahit hanggang ngayon naman. That's why I hate that Makas man. He's ungentleman and rude. A typical bad boy.

Habang lulan ng taxi ay nakaidlip ako ng hindi ko namamalayan, nagising na lamang ako na nasa isa na kaming liblib na lugar na halos punong matatayog na lamang ang nakikita ko.

"Manong hindi ho ito ang daan pauwi," kinakabahang asik ko sa driver ng taxi.

"Manong," lalong naglagablab ang kaba sa aking dibdib ng ihinto nito ang sasakyan.

Inihinto nito ang sasakyan saka naglabas ng isang patalim at may pagnanasa ang mga mapupula nitong mata habang nakatingin sa akin. I think this taxi driver is an addict amd I think this end of my messy life!

Napaatras ako dahil sa takot, "M-manong," halos hindi ko na marinig ang boses ko sa lakas ng tibok ng puso ko na anumang oras ay tiyak kong lalabas na mula sa aking dibdib.

Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit naunahan ako nitong i-lock ito.

Sinubukan ko uling buksan ang pinto ngunit bigla hinaltak ng mama ang buhok ko dahilan upang mahatak ako nito sa harapan ng sasakyan. Kahit nahihirapan ay walang tigil akong nanglalaban at nagpupumiglas ngunit sadyang malakas ang lalaki at sinikmuraan ako na siyang ikinahina ko lalo.

Nanlalabo ang mga matang nagpadala ako sa lalaking ngayon ay nakangising nakatingin at nakakubabaw sa akin habang binabasa nito ang mga labi na tila sabik na sabik na akong tikman.

Hikbi na lamang ang tanging nagawa ko habang nakapikit ang mga mata at hinihintay ang kamatayan ko.

"Jeruzah anak, hindi mo pa oras lumaban ka anak, may mga taong naghihintay sa iyo," rinig kong bulong ng isang boses na nagbigay ng lakas sa akin, alam kong boses iyon ng Papa.

"Papa," lalong lumakas ang hikbi ko ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi dahil sa kawalan ng pag-asa kung hindi isang pasasalamat. Kahit nanghihina ay agad kong inuntog ang noo ko sa ulo ng lalaki dahilan upang mahulog ito at indahin ang dumudugo nitong ulo. Wala akong sinayang na oras at kahit umiikot ang paningin ko dahil sa lakas ng impact ng pagkaka-umpog ko sa ulo ng mama ay sinamantala ko iyon upang mabuksan ang pintuan at dali-daling lumabas subalit muli akong nahaltak nito at sa pagkakataong iyon ay inundayan na ako nito ng patalim na siyang tumama sa aking tiyan.

Hinang-hina man dala ng kirot at sakit ay hindi ako nagaksaya ng oras at agad binunot ang patalim saka ito itinarak sa dibdib ng lalaki at halos gumapang na ako palabas ng sasakyan.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng dugo mula sa aking tiyan, kapos ang hinga at mahinang katawan ay pinilit ko pa ring lakarin ang kalsada nagbabakasakaling may mahihingan ng tulong. Halos kalahating oras ang inabot bago ako makatanaw ng isang liwanag na nangagagling sa isang kubo. Halos paubos na ang dugo sa katawan ngunit pwinersa ko ang aking katawan hanggang sa makarating ako sa pintuan ng bahay.

"Tao po!" nahihirapang tawag ko at katok sa pintuan.

Nang bumukas ang pinto ay isang matandang babae ang aking nakita, worry and shocked was sketch in her wrinkled face before I totally lost my conciousness and darkness start to eat me.

**********

Nang buksan ko ang aking mga mata ay agad kong nabungaran ang ceiling na gawa sa kahoy, inilibot ko ang aking paningin at nakita ang hindi pamilyar na kwarto sinubukan kong tumayo subalit kumikirot ang bandang tiyan ko, kasabay nito ay pagpasok ng isang ginang na agad akong dinaluhan.

"Wag mo pilitin ang katawan mo hija, masyado ka pang mahina," paalala nito sa akin bago ako tulungang makaupo.

"Nasaan po ako?" nanunuyo ang aking lalamunang tanong dito, mukhang napansin niya ito at kaagad akong inabutan ng isang basong tubig. I immidiately drank it in just one gulf.

"Narito ka sa bahay ko, kumatok ka sa bahay ko at nang makita kita ay nakahandusay ka na sa labas at maraming dugo na rin ang nawala sa iyo, sa awa ng diyos ay may available pang doktor sa bayan kaya agad kang nalapatan ng paunang lunas ngunit kailangan mo pang magpalaks. Ano ba kasi ang nangyari sa iyong bata ka?"

Tila isang pelikulang bumalik sa akin ang mga nangyari ng gabing iyon, nagpatakan ang mga luha ko habang inaala ang mga nangyari. Mababakas sa kulubot na mukha ng matanda ang paga-alala at kuryosidad ngunit sa halip na magtanong pa ito ay tumayo ito saka ako kinumutan.

"Mabuti pa ay magpahinga ka muna hija dalang araw ka nang walang malay tao, pagtuluyan nang naghilom ang sugat ay sasamahan kita sa sakayan upang makauwi ka na tiyak na naga-alalaa na ng pamilya mo."

"Maraming salamat po?"

Nginitian ako nito at saka pinagpag ang saya nito, "Delia, tawagin mo na lamang akong Manang Delia."

"Maraming salamat po ulit Manang Delia utang na loob ko po sa inyo ang buhay ko,"

Nang makalabas sa silid ang ginang ay tulala akong nakatingin sa bintana ng silid kung saan tanaw ang malwak na palayan at langhap ang preskong hangin. Hindi ko alam kung nasaan kaming lugar nunit napakapayapa sa lugar na ito. Habang hawak ang sugat sa tiyan ay pinilit kong makatayo upang lalong malasap ang masarap na hangin. Ang mga ginintuang palay ay sumasabay sa indayog ng hangin na tila ba sila nanghahabulan at nagpapatintero.

How I wish na ganito na lamang sana ang araw-araw kong mabungaran. This peacefulness make me sleepy at the same time comfortable.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo sa isang tumaba-rumba na gawa sa ratan. Malapit sa ito sa bintana nakapwesto, nagising na lamang ako sa katok ni Manang Delia upang saluhan siya sa hapag.

Nalaman kong biyuda na ito at iniwan na ng mga anak niya at nagsipagasawa na. Nalaman ko ring ang lugar na napadpadan ko ay isang probinsiya na tinatawag na Nueva Ecija. Mukhang ganoon ako kapagod upang maging ganoon kahaba ang tulog ko na hindi ko na namalayang nadala na ako ng taxi driver from Manila to Nueva Ecija.

Dalawang araw ang nilagi ko sa bahay ni Manang, nakakahiya man ngunit kinapalan ko na ang aking mukha sa paghingi ng pamasahe, hindi naman ako pinagdamutan ng matanda sa pera at kusang loob itong nagbigay.

"Salamat Manang Delia sa lahat utang na loob ko po ng buhay ko sa inyo! Paalam!"

Kumaway-kaway pa ako habang namamaalam nang makasakay sa bus ay tila may kung anong hapdi ang bumikig sa aking dibdib. I wonder if the people in San Cuenco subdivision was worried about me, I bet not.

I bitterly smirk as I lay my head in the bus window I just opened it when I learn that we are now here in Manila.

Agad akong bumaba at sumakay ng trycicle ayoko ng mag-taxi nakakadala. Nang makarating sa subdivision ay nginitian ko ang guard saka mabagal na naglakad papuntang mansiyon. Hanggang ngayon kasi ay makirot pa ang sugat ko hindi pa dapat ako bumiyabahe ngunit nagpumilit lang ako kay Manang na kailangan ko nang umuwi.

Nang makapasok sa mansiyon ay matalim na mga mata ni Makas ang nabungaran ko.

"Where the hell did you go you bitch?!" Dinuro-duro pa ako nito habang tila isang leon na sasakmalin na ang predator nito.

Hindi ko na lamang siya pinansin kahit nanginginig na ang katawan ko sa takot lalagpasan ko na siya ng hilahin niya bigla ang kamay ko dahilan para mapaigik ako sa sakit lalo na sa parteng nasaksak.

"What?! You will just ignore me? Did you know that Dad was very angry at me?! Siguro pinuntahan mo pa ang kabit mo diba?"

"What the hell Makas! Ilang taon niyo akong nakasama ni minsan may nakita ba kayong lalaking kasama ko! No, magboyfriend nga hindi ko nagawa eh! Alam mo Makas isa kang malaking gago! Pagkatapos mo akong uwang mag-isa sa reception ngayon tatanungin mo ako kung bakit ngayon lang ako? Use your fucking brain!" habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay naglabasan na rin ang mga luha ko dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.

I feel sad, dissapointment and mad at the same time. I felt my body was shaking because of my sudden burst.

Umiiling-iling ako habang nakatunghay sa kaniya, mahapdi ang puso kasabay ng pagkirot ng sugat ko, nakita kong bumaba ang paningin niya sa puting damit ko, ramdam ko ang pag-agos na naman ng dugo doon, iniwas ko ang paningin doon saka kinuha ang pagkakataong makalampas sa kaniya hindi na kaligtas sa akin ang emosyong ngayon ko lang nakita sa kaniya. Worry was mirrored in his eyes but I just shook that idea, Makas will never be worried about me.

Sana pala hindi na lang ako umuwi, pagkakataon ko nang makatakas subalit ano pa bang silbi ng pagtakas ko? Sa lakas ng koneksiyon nila alam kong mahahanap at mahahanap nila ako. Sapo ang duguan kong tiyan ay napasalampak na lamang ako sa sahig at sumandig sa nakasarado kong pinto saka doon ibinuhos lahat ng sakit. Umasa ako na sana kaunting pagaalala lang ay makaramdam siya sa akin but umasa lang ako sa wala.

I have this idea in my mind that Makas will hug me as soon as he see me and I'll cry in his shoulder murmuring how my wound hurt from the accident, but maybe this idea will now remain just my illusion.

I just wish this marriage will work and we can still fix our relationship.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status