LOGINTHIRD POV..Tumunog ang cellphone ni Hendrix. Nakatayo lang siya at malalim ang iniisip, walang pakealam sa lakas ng ulan. Nakasilong siya ngayon sa abandonadong bahay na nadaanan niya. Hindi pa man niya isinasagot, alam na niya kung sino iyon—si Axel.Saglit niyang tinitigan ang cellphone bago pindutin ang green button. Sa kabilang linya, maririnig ang mabigat na tinig ng kanyang kuya."Hindi mo kilala si Asmodeus, Hendrix," mariing sambit ni Axel, mababa at puno ng babala. "Kapag nahuli ka… siguradong mapapatay ka niya."Napangisi si Hendrix. Sa mga mata niya, walang bakas ng takot—tanging malamig na determinasyon."I don’t care." Malinaw, diretso, walang pag-aalinlangan.Napatigil si Axel. Sa kabilang linya, tanging bigat ng kanyang buntong-hininga ang narinig. Pilit niyang kinokontrol ang sarili, pero ramdam ang inis at takot sa boses niya."Asan ba ang babae?"Sandaling natahimik si Hendrix bago sumagot, para bang nanunubok. "Nasa cabin."Napapikit si Axel, pinisil ang tulay ng i
"Heto, palitan mo muna ang suot mo. Baka magkasakit ka," sabi ni Hendrix sa akin.Napatingin ako sa inaabot niya—isang panlalaking t-shirt na halatang sa kanya. Agad ko itong tinanggap at tumayo papunta sa banyo.Pagkapasok, nagbilang pa ako ng ilang segundo bago naghubad at nagpalit ng damit. Natitigilan ako, iniisip kong tama ba ang ginagawa ko… Isinampay ko na lang ang basa kong kasuotan sa loob para matuyo.Medyo naiilang ako dahil kahit oversized ang t-shirt, nakakahiyang gumalaw at maglakad-lakad—dahil kahit anong bait niya sa akin, lalaki pa rin si Hendrix. Tinipon ko ang lahat ng lakas ng loob bago marahang lumabas ng banyo, sabay hila sa laylayan ng damit.Paglabas ko, nakatitig agad siya sa akin. Nailang ako at mabilis na umupo sa sofa. Tumabi siya, kaya bahagya akong umusog palayo.Kinabahan ako nang ngumiti siya, saka siya nagsimulang magkwento…"Ang kuya ko, kabarkada niya si Asmodeus," panimula niya habang iniaabot sa akin ang tasa ng kape."Inumin mo ’yan, para mainitan
Mahigpit akong napakapit sa bewang ni Hendrix. Seryoso ang ekspresyon niya-halatang ramdam din niya na may nakasunod sa amin.Mabilis ang takbo ng motor."Ibaba mo na lang ako, Hendrix," utos ko. Gusto ko nalang harapin si Asmodues na sakay ng kotse at walang tigil na sumusunod.Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, lalo pa niyang itinodo ang bilis at kung saan-saan kami lumiko. Unti-unting lumalayo ang direksyon namin, hanggang sa lagpas na kami sa dapat sanang daan papuntang ospital.Sakto pa ang biglaang pag buhos ng malakas na ulan, nagpalabo sa kalsada at nagdagdag ng bigat sa bawat segundo ng pagtakas namin.Nawala si Asmodues. Hindi na namin makita ang ilaw ng kotse niya sa likuran.Ngunit si Hendrix, tuloy pa rin sa pagmamaneho. Mahigpit ang kapit niya sa manibela, para bang hindi pa rin siya kumbinsidong ligtas na kami. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng dibdib ko, kasabay ng ugong ng makina at hampas ng malakas na ulan."Hendrix...Ibaba mo nalang ako" mahina kong sabi.Hindi s
Pagkapasok sa kwarto..Huminga ako nang malalim, pilit na kinukumbinsi ang sarili."Hindi totoo 'yon. Huwag kang maniniwala kay Miss Jossie, Zamara..." bulong ko habang mariing pinipikit ang mga mata.Paano kung totoo nga?Muling bumigat ang dibdib ko. Hindi... hindi maaari. Ilang beses na niya akong pinahamak kay asmodues.Napahinga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. Ngunit nang mapatingin ako sa kahong pinaglalagyan ng cellphone, natigilan ako. Kinuha ko yun at binuksan..Pagbukas ko ng kahon, agad akong natigilan. Isang iPhone. Hindi basta iPhone, kundi ang pinakabagong modelo-yung pinakamahal sa lahat. Napakagat ako sa labi habang dahan-dahan ko itong dinampot. Heto na yung kapalit ng cellphone kong itinapon niya nung galit na galit siya.Huminga ako nang malalim, May Pinindot akong button at dahan-dahang nagbukas ang iPhone. Nag-scroll ako palabas ng lock screen. May naka-insert nang SIM card. Para bang inihanda na talaga para gagamitin ko nalang.Binuksan ko ang h
Napalunok ako sa utos niya..Dalawang buwan na kaming kasal, at kahit kailan... hindi pa niya ako inutusan ng ganoong kahalay na bagay.Siya kasi lagi ang gumagawa nang ganoong bagay sa akin-Ngayon, heto ako... kabado, dahil ang iniuutos niya na parang imposible para sa akin na gawin.Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, malamig ang mga mata niyang nakatutok sa akin, halatang naiinip at hindi sanay na tinatanggihan."A-Asmodues... a-ayoko...h-hindi ko k-kaya" halos mangiyak-ngiyak kong sambit, nakatayo parin ako sa likod ng pinto at pilit nilalakasan ang loob..pero kilala ko ito pag gusto nito, gusto nito at walang makakapigil dito.. Saglit na katahimikan.Akala ko magagalit siya... pero ilang segundo lang ang lumipas nang magsalita ulit ito.. bumugtong hininga ito parang pinipigilan ang sarili."Fine.""Ha?" Agad akong napatingin sa kanya, hindi makapaniwala sa hindi na niya pagpilit sakin."Leave." malamig na utos niya. Agad ko itong sinunod at nagmamadaling lumabas ng kwarto.Nag
Marahan akong lumapit sa kanya. Kabado man, pilit kong nilakasan ang loob ko.Nanatili siyang nakaupo, nakatitig sa akin, parang binabasa ang bawat paghinga ko habang ako ay palapit. Idinampi ko ang aking dalawang kamay sa malapad niyang dibdib ramdam ko ang tibok ng kanyang puso doon—Dahan-dahan akong yumuko, alangan man dahil sa titig niyang parang tumatagos sa aking kaluluwa. Ipinikit ko ang aking mga mata at Inilapit ko ang aking mga labi sa kanya… at saka marahang idinikit. Isang munting dampi lamang, ngunit sapat na upang manginig ang aking mga kamay at manlamig ang aking palad.Ilang segundo lang—isa, dalawa, tatlo—bago ko inangat ang aking mukha. Doon, sinalubong ako ng kanyang mga mata. Hindi siya kumurap, hindi siya umimik. Baka nga hindi rin pumikit..parang pinanood niya lang ang paghalik ko sa kanya...Unti-unti, bumaba ang kanyang titig mula sa aking mga mata patungo sa aking labi. At saka siya ngumisi.“That’s it? That’s your kiss?” tanong niya, na tila hindi pa na kunte
Itinabi niya sa gilid ng plato ang kubyertos at dahan-dahang uminom ng tubig, pinipilit pawiin ang kaba sa dibdib.Marahan siyang tumayo, isinukbit ang bag sa balikat, at mahina ang tinig nang magpaalam kay Asmodeus."A-aalis na ako…" nauutal niyang sambit, halos hindi makatingin nang diretso sa la
Lumaki akong alagang-alaga ng aking ina. Ayaw na ayaw niyang nasusugatan ako, at ni minsan ay hindi niya hinayaang maranasan ko ang hirap.Hindi naman talaga kami kapos sa buhay-may flower shop si Mommy, at bukod pa roon ay may dalawa pa kaming restaurant na pinapatakbo ng pamilya.Ako ang nag-iisa
"Zamara, sino'ng susundo sa'yo?" tanong ni Mika sa akin habang kami'y naglalakad palabas ng building ng eskwelahan."B-baka si Kuya Roberto... 'yung driver," sagot ko, medyo alanganin."Ah, ganun ba..." sagot niya, halatang may kaunting pagkadismaya. "Akala ko si Asmodues."Napakunot ako ng noo. Da
D A R K R O M A N C ELove that bleeds.Desire that destroys.Hearts that break beautifully.This is not your safe fairy tale.You've been warned."FINAL WARNING"Dumating kami sa resthouse ni Asmodues bandang ala siete na ng gabi. Pagbukas pa lang ng pinto ng sasakyan, agad kong naramdaman ang mal







