"Zamara, kumain ka na," sabi sa akin ni Mia.Isa siya sa mga maid sa mansion ni Asmodeus-at sa lahat ng tao rito bukod kay manang, siya lang yata ang may bahagyang init sa mga mata kapag nakatingin sa akin. Siya rin ang laging nagdadala ng pagkain ko sa kwartong ito-noon pa man... bago pa ako gawing asawa ni Asmodues."H-hindi ako nagugutom, Mia..." mahinang tugon ko, boses na halos wala nang lakas."Pero Zamara... kailangan mo ng lakas," pilit niya, boses na puno ng pag-aalala.Umiling ako nang dahan-dahan.Humiga ulit ako sa kama, tumalikod sa kanya, at hinila ang kumot hanggang leeg. "Zamara," tawag niya ulit, mas malambot na ngayon.Hindi ko na siya sinagot.Pinilit kong matulog nalang, dahil sa pagtulog ko lamang natatagpuan ang kaunting kalayaan-kahit pansamantala, kahit ilusyon lang. Walang haplos, walang salita, walang presensya niya.Pero alam ko rin: pag-uwi niya mamaya, magbabago ulit ang lahat.Pipilitin na naman niya akong makipagtalik sa kanya.Naramdaman ko ang biglaan
Last Updated : 2026-03-29 Read more