Share

19. TWH

[Pamela]

NAGISING siya na masakit ang ulo at katawan. Niyakap niya ang sarili ng maalala ang paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ni Alaric.

Ang lalaki na minahal niya pero nagawa siya na gamitin at paikutin sa palad nito. Tumulo ang luha niya ng bumalik lahat ng sakit sa dibdib niya ng maalala ang ginawa sa kanya ng mga taong mahal niya.

Pati ang magulang niya ay nagawa siyang linlangin at gamitin ng dahil lamang sa pera. Umiiyak na binalot niya ng kumot ang hubad na katawan. Pati ang katawan niya ay tuluyan ng nakuha ni Alaric. Tapos ano? Ikukulong siya at para gamitin pa na pasakitan si Alden? Hindi pa ba sapat na sinira nito ang buhay niya? Hindi ba ito titigil hangga't hindi nasisira ng tuluyan si Alden? Paano naman siya? Wala ba itong pakialam kahit na mawasak siya ng dahil sa paghihiganti nito sa mga tao na kinasusuklaman nito?

Bakit kailangan ba idamay siya nito? Siya na wala naman ginagawang masama?

Ipinikit niya ang mata ng marinig ang pagbukas ng pinto ng bathroom. Hindi niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status