Sa kabila ng takot at pag-aalinlangan, kinailangan niyang magsuot ng maskara upang maitago ang tunay na layunin. Alam niyang hindi magiging madali ang bawat hakbang, ngunit ang hustisya para sa kanyang kakambal ang nagbigay sa kanya ng lakas.
Habang iniinom ang gatas na iniabot ni Luke, hindi mapigilan ni Belle ang pag-isip ng mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. May bahagi ba si Luke sa trahedya ng kanyang kambal? Totoo ba ang sinasabi nito o isa lamang palabas ang mga matatamis na salita? Pinilit niyang itago ang emosyon, pilit na hindi magpakita ng bahid ng duda.
Samantala, si Luke ay patuloy na nakatitig sa natutulog nilang anak. "Alam mo, Ana," biglang sambit ni Luke, boses nito ay puno ng lungkot at pagsisisi. "Noong nawala ka, parang nawala rin ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko alam kung paano ako nagpatuloy."
Tumango si Belle, ngunit hindi sumagot. Pinilit niyang ipakita ang pagiging kalmado kahit ang puso niya'y tumitibok nang mabilis.
"Mahal, ayaw ko nang ulit mangyari iyon. Kaya sana… bumalik na tayo sa dati. Ang pamilya natin, ang pagmamahalan natin," sabi pa ni Luke, ang kamay nito ay banayad na humawak sa kanyang braso.
"Oo," sagot ni Belle, pilit na ngumiti. "Subukan natin." Ngunit sa kanyang isipan, ang mga salitang iyon ay walang laman—isang kasinungalingang kailangan niyang gawin upang manatili sa masalimuot na labanang ito.
Nang makaalis si Luke at mag-isa na muli si Belle, hinawakan niya ang journal ni Ana sa ilalim ng unan. Sa bawat pahina nito, nararamdaman niya ang kirot at takot ng kanyang kakambal. "Hindi ko hahayaan na walang managot sa nangyari sa'yo, Ana," tahimik niyang isinumpa habang tinititigan ang natutulog na si Anabella. "Magsisimula ako kay Sheila."
Ngunit alam ni Belle na hindi magiging madali ang misyon niyang ito. Sa mansyon na puno ng mga lihim, kailangang mag-ingat siya sa bawat kilos. Isang maling galaw, at maaaring hindi lang siya ang mapahamak kundi pati ang mga taong iniwan ni Ana.
Sa gabing iyon, habang tahimik ang mansyon, nanatili si Belle sa tabi ng kanyang pamangkin. Hindi niya mapigilang mapaisip kung anong maaaring kahinatnan ng lahat ng ito. Sa bawat hakbang patungo sa katotohanan, alam niyang mas lalong magiging delikado ang kanyang sitwasyon. Ngunit sa likod ng lahat ng takot, naroon ang tapang—isang tapang na dulot ng pagmamahal at pagkakapatiran.
At sa kabila ng lahat ng panganib, isa lang ang malinaw kay Belle: hindi siya titigil hanggang sa maibalik ang hustisya sa pangalan ng kanyang kakambal. Mananatili siya bilang si Ana, kahit ang katotohanan ay tila unti-unting nagpapakita sa kadiliman.
Habang nagdaraan ang mga araw, lalo niyang nararamdaman ang bigat ng kanyang desisyon. Hindi lamang ang sariling buhay niya ang nakataya kundi pati ang kinabukasan ng sanggol na si Anabella. Sa kabila ng kanyang pangako kay Ana, hindi niya maiwasang makaramdam ng takot—hindi lamang sa mga lihim ng pamilyang Villa kundi pati na rin sa lumalalim na damdamin niya para kay Luke.Sa isang tahimik na gabi, habang nagpapalitan ng maiikling kwento si Belle at si Luke sa veranda, biglang nagsalita si Luke nang may lungkot sa tinig, "Alam mo ba, Ana, minsan iniisip ko, kung hindi nangyari ang aksidente… kung hindi kita nawala…" Tumigil ito, tila pinipilit pigilin ang emosyon. "Hindi ko na alam kung paano mabubuhay ulit kung mawawala ka pang muli."
Napatitig si Belle sa kanya. Ang paraan ng pagsabi nito, ang lungkot at kirot sa mga mata ni Luke, ay tila mga patalim na tumutusok sa kanyang dibdib."Luke…"mahina niyang sagot, pilit hinahanap ang tamang salita upang itago ang kanyang tunay na damdamin.
"Alam kong nahirapan ka," dagdag pa ni Belle, pilit ginagaya ang boses at tono ng kanyang kakambal. "Pero nandito na ako ngayon. Babawi tayo."Ang bawat salitang iyon ay may bahid ng paninindigan at pagsisinungaling, ngunit hindi niya maaaring ipakita ang pagkakakilanlan niya bilang Belle.
Habang papalapit si Luke upang yakapin siya, pilit niyang itinatago ang kaba. Ang init ng yakap nito ay tila bumabalot sa kanyang pagkatao, binibigyan siya ng ginhawa ngunit sabay rin ng pagkalito."Miss na miss kita,"bulong ni Luke sa kanyang tenga. Ang init ng hininga nito ay nagdulot ng kilabot sa kanyang balat. "Hayaan mo, magsisimula ulit tayo. Gagawin kong mas masaya ang buhay natin."
Nagpigil si Belle. Ang puso niya ay parang isang tambol na kumakabog nang malakas, hindi dahil sa takot kundi dahil sa damdaming ayaw niyang ipaalam sa sarili."Oo, magsisimula ulit tayo," tugon niya, ngunit sa likod ng mga salitang iyon ay ang paninindigan niyang hanapin ang katotohanan.
Samantala, si Sheila naman ay nag-aapoy sa galit sa kanyang kwarto. Hawak ang cellphone, pilit niyang kinokontrol ang kanyang mga tauhan na tila wala namang kakayahang tuparin ang kanyang utos. "Sinabi ko sa inyong patayin si Ana, bakit hanggang ngayon andiyan pa siya?" malupit niyang tanong sa kabilang linya."Ma'am, hindi namin magawa ang plano,"sagot ng isang lalaki. "Palaging may bantay sa mansion, at hindi namin alam kung paano lalapit."
"Mga inutil!" sigaw ni Sheila, halos mabasag ang cellphone sa kanyang kamay. "Kapag hindi niyo ginawa ang inuutos ko, mas malaki ang mawawala sa inyo kaysa sa pera ko. Tandaan niyo 'yan!" Agad niyang pinatay ang tawag, saka ibinato ang cellphone sa kama.
Ngunit bago pa man siya makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya si Belle—o si Ana, sa paningin ng lahat—na nakatayo sa pintuan. Ang malamig na ekspresyon nito ay tila nagpapadala ng kilabot sa kanya.
"Sheila," malamig na wika ni Belle. "Parang balisa ka nitong mga nakaraang araw. May problema ba?"
Nagulat si Sheila ngunit mabilis na nagpakalma ng sarili. "Wala, Ana," sagot niya, pilit na ngumingiti. "Medyo stressed lang sa trabaho."
Hindi nawala ang malamig na titig ni Belle habang dahan-dahang lumalapit. "Stressed? O may ginagawa kang hindi ko alam?" Ang boses niya ay tila isang sibat na tumutusok sa isipan ni Sheila.
"Ano bang ibig mong sabihin?" sagot ni Sheila, kunwaring nagtataka. "Bakit parang pinagdududahan mo ako?"
Huminga nang malalim si Belle, pinipilit ang sarili na huwag magpakita ng sobrang galit. "Wala naman,"sagot niya, pilit na ngumiti. "Nag-aalala lang ako. Alam mo naman, pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi na ako sigurado kung sino ang maaasahan ko."Hindi nakapagsalita si Sheila. Ramdam niya ang banta sa boses ni Belle, ngunit hindi niya maaaring ipakita ang kanyang takot. Habang papalabas si Belle ng kwarto, muling nagkaroon ng apoy sa kanyang mga mata si Sheila. "Kung akala mo, Ana, matatakot mo ako, nagkakamali ka. Hindi mo ako matatalo."
Kinabukasan, habang inaalagaan ni Belle si Anabella sa hardin, tila walang kapayapaan sa kanyang isipan. Ang mga galit na mata ni Sheila, ang lambing na boses ni Luke, at ang mga alaala ng kanyang kakambal ay tila nagiging tinik sa kanyang puso. Hawak ang maliit na kamay ng pamangkin, tahimik niyang ibinulong, "Wag kang mag-alala, Anabella. Hanapin ko ang pumatay sa mommy mo. Hindi kita iiwan. Hindi ko hahayaan na magdusa ka tulad ng mommy mo." Ngunit bago pa niya matapos ang kanyang pangako, biglang naramdaman niya ang mga kamay ni Luke na bumalot sa kanyang baywang. Hinalikan siya nito sa pisngi at bumulong, "Mahal, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Napatigil si Belle, pilit na ikinubli ang gulat. "Wala naman," sagot niya, pilit na ngumiti. "Iniisip ko lang ang kinabukasan natin." Ngumiti si Luke, ngunit sa likod ng mga mata nito ay tila may mga tanong na hindi maitanong."Sana nga, Ana, hayaan mong buuin natin ulit ang pamilya natin. Miss na miss na kita. Sana hindi mo ako layuan."Ang init ng boses nito ay tila bumalot sa kanyang puso, ngunit hindi siya maaaring bumigay. Hindi ngayon. Hindi kailanman, hanggang hindi niya natatagpuan ang katotohanan.Habang naglalakad papasok sa mansyon si Luke, tahimik na pinunasan ni Belle ang luhang bigla na lamang pumatak mula sa kanyang mga mata. Sa likod ng kanyang paninindigan at tapang, hindi niya maiwasang madurog ang puso niya sa gitna ng masalimuot na labanang ito.
Sa kanyang isipan, naroon ang paulit-ulit na panata:"Ana, hindi kita bibiguin. Para sa'yo, para kay Anabella, at para sa hustisya, ipagpapatuloy ko ang laban na ito. Hindi ako susuko."
Kinabukasan, habang abala sila sa pagbubuklat ng mga dokumentong posibleng mag-ugnay sa pagkatao ni Sara, isang hindi inaasahang bisita ang dumating.Si Joy.May dala itong isang plastik na may mga printed photos.“Sara! Buti nandito ka! Tignan mo ‘to!”Binuksan ni Joy ang plastic at inilapag sa mesa ang mga litrato. Kuha mula sa cellphone. Medyo malabo, pero sapat para makita ang imahe ng isang babaeng kasalukuyang naglalaro sa tabing-dagat kasama ang batang babae.Pumintig ang puso ni Sara. Tila lumundag ito sa loob ng kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan ang mapalapit sa litrato.Tila siya iyon. Nakaputing summer dress. Bahagyang nakaside-view, pero ang ngiti… ang hugis ng panga… ang mata…“Parang ako…”“Hindi lang ‘parang’ Sara,” giit ni Joy. “Ikaw ‘yan. O kung hindi man, siguro ‘yung kakambal mo.”Hawak-hawak ni Sara ang litrato, nanginginig ang mga daliri. “Joy… saan mo ‘to kinunan?”“Sa kabilang isla. Doon sa Santa Lorenza. May resort doon, ‘di ba?” tuloy-tuloy na kwento ni Joy
Mainit pa rin ang araw, pero tila lumamig ang pakiramdam ni Sara. Parang hindi ang araw ang nagpapainit sa kanya kundi ang biglang kabog ng kanyang dibdib. Nakatingin pa rin siya sa dagat, sa malawak nitong asul na tila gustong lamunin ang kanyang iniisip.“...O baka… bahagi siya ng nakaraan kong hindi ko pa natatandaan.”“Anong sabi mo, Sara?” tanong ni Joy, lumapit, napansin ang pagkalalim ng iniisip ng kaibigan.“Wala. Wala.” Umiwas siya ng tingin. “Nagbibiro lang ako.”Pero alam ni Joy—at lalong alam ni Aling Glenda—na may bumabagabag kay Sara. Isang bagay na hindi kayang takpan ng ngiti.Pag-uwi nila mula sa palengke, tahimik si Sara. Hindi na siya nagkwento tulad ng dati habang naghahanda ng pananghalian. Kahit si Aling Glenda ay tahimik, pinagmamasdan lamang siya. Sa huli, hindi na ito nakatiis.“Sara, anak…” mahinahong wika ng matanda. “May gusto ka bang ikwento sa amin ni Tatay Romero?”Napalingon si Sara. “Wala po, ‘Nay…”“Eh bakit parang bigat ng loob mo? Kanina ka pa tulal
Pagsara pa lang ng pinto ay agad nang sumalubong ang malamig na tanong ni Luke.“Saan ka galing?”Tumigil si Belle sa may pinto. Basa pa ang laylayan ng kanyang coat. May patak ng ulan sa kanyang buhok, at ang mga mata niya ay halatang namumugto. Hindi siya kaagad sumagot. Dahan-dahan niyang tinanggal ang sapatos, saka lumapit sa kusina kung saan naroon si Luke. Hawak nito ang isang mug ng kape.“Pinuntahan ko kung saan nahulog ang sasakyan ni Ana sa Tagaytay,” mahinang sabi ni Belle, ngunit dama ang matatag na tono sa kanyang boses.Napatingin si Luke sa kanya. Kita sa mga mata nito ang halong pag-aalala at pagkalito.“Bakit? Akala ko ba… sarado na ’yung kaso? Hindi ba’t sinabi mong ayaw mo nang balikan ’yon?”Huminga nang malalim si Belle at naupo sa silya sa tapat nito. Ilang sandali ng katahimikan ang lumipas bago siya muling nagsalita.“Hindi ako mapalagay, Luke. Hindi simula nang may magsabi sa’kin sa isla… na kamukha raw ako ng isang babae roon. Isang babae na wala raw alaala k
Tahimik ang paligid. Para bang pati ang oras ay huminto.Nanatiling nakaupo si Belle sa silyang kahoy ng tanggapan ng pulisya. Ngunit sa kanyang isip, gumuguhit ang mga imahe—mga alaala ng nakaraan, ng kanilang kabataan, ng mga tawa’t iyakan nila ni Ana. Ang huling beses na nagkausap sila... huling text message... “Sana makilala mo ang pamangkin mo, si Anabella…”At pagkatapos noon—wala na.Naaksidente si Ana. Nahanap ang sasakyan, puno ng bakas ng dugo, sirang gamit... pero walang katawan.Inakala nilang patay na siya.At ngayon?“Si Sara Pamplana,” ulit ng pulis habang pinagmamasdan si Belle, “ay kasalukuyang naninirahan sa pangangalaga ng isang matandang babae sa isang barangay sa Batangas. Ayon sa mga ulat, ilang araw matapos ang aksidente, natagpuan siyang sugatan, basag ang ulo, at walang maalala. Tinulungan ng isang mangingisda at dinala sa health center. Simula noon, tinawag na lang siyang Sara.”Kumuyom ang mga kamao ni Belle. Nanginginig ang kanyang buong katawan.“Hindi kay
Sa harap ng luma at maputlang mesa ng istasyon ng pulisya, nanatiling tahimik si Belle habang pinagmamasdan ang folder na hawak ng investigator. Tila may nakapintang kabigatan sa bawat sulok ng silid—mga tanong na walang kasagutan, mga pangalan na matagal nang inilibing sa katahimikan, at isang katawang hindi kailanman nakita.Tahimik ang paligid, maliban sa ugong ng lumang electric fan na paikot-ikot sa isang sulok ng silid, at sa malamyos na pagkaluskos ng mga pahinang binubuklat ng opisyal. Tila ba ang bawat pihit ng papel ay may dalang piraso ng katotohanan—mga pirasong gustong buuin ni Belle, kahit pa masakit.Sa kanyang isipan, bumalik ang huling mensahe ng kanyang kakambal.“Belle! Kakapanganak ko lang. Sana umuwi ka ng Pinas para makilala mo si Anabella, pamangkin mo. Pupunta ako ng Tagaytay bukas, may importante lang akong pupuntahan.”Pagkatapos noon, wala nang sumunod na mensahe. Walang update. Walang balita. Hanggang sa isang tawag mula sa ospital... at balita ng aksidente
Samantala sa tunay na Ana.Ang orasan sa tabi ng kama ay patuloy sa pagtik-tak. Labas-pasok ang malamig na hangin mula sa bintana, at sa bawat pag-ihip nito ay tila isinasama ang maliliit na alon ng pag-aalinlangan sa puso ni Sara.Nakaupo siya sa gilid ng kama. Nasa kabilang dulo si Adrian, bagong dating mula sa night shift sa ospital. Suot pa niya ang kanyang puting coat, bahagyang gusot ang buhok, at may bakas ng pagod sa kanyang mga mata. Ngunit sa kabila ng lahat, naroon ang sigla sa kanyang mukha nang makita si Sara.“Love, gising ka pa?” mahinang bati ni Adrian, habang nilalapitan siya.“Na-miss kita. Kanina pa ako excited na umuwi.”Ngunit hindi ngumiti si Sara. Sa halip, tiningnan lang niya ito—diretso, tahimik, buo.“Adrian… pwede ba tayong mag-usap?”Napakunot ang noo ni Adrian, agad nabura ang saya sa kanyang mukha. Tumabi siya sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay, ngunit agad niya itong dahan-dahang binawi.“Anong meron?” tanong ni Adrian, pilit na ngumiti ngunit halat