Biglang may narinig siyang mga yabag mula sa likuran. Napahinto siya sa gitna ng kanyang galit at mabilis na iniangat ang ulo. Papalapit si Ana—o ang inaakala niyang si Ana—habang nakatingin sa kanya, puno ng pagtataka.
"Kumilos kayo! Or gusto niyo talagang maranasan ang galit ko?" muling sigaw ni Sheila sa kausap bago ibinaba ang tawag nang padabog. Isiniksik niya ang cellphone sa kanyang bulsa, pilit na inaayos ang ekspresyon ng mukha niya upang maitago ang kaba at takot.
Nakatayo si Belle, ilang hakbang lamang ang layo. May bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mukha habang nakatitig kay Sheila. "Sheila, napapansin kong balisa ka nitong mga nakaraang araw," simula niya, ang boses ay maingat ngunit puno ng pagdududa. "May kinalaman ka ba sa pagkahulog ko sa bangin? O… may ginawa ka ba?"
Biglang nanlamig si Sheila, ngunit pinilit niyang panatilihing kalmado ang sarili. Hindi siya pwedeng mabuko. Lumapit siya nang bahagya kay Belle, pilit na ngumiti kahit halata ang tensyon sa kanyang mga mata. "Ano bang pinagsasasabi mo, Ana? Ano namang kinalaman ko sa nangyari sa'yo? Hindi mo ba naaalala? Aksidente iyon!"
Hindi gumalaw si Belle, pinapanood lamang ang bawat kilos ni Sheila. Ang paraan ng pagkilos nito, ang bahagyang panginginig ng boses, at ang pawis na tumutulo sa gilid ng kanyang noo ay mga palatandaan ng kasinungalingan. Ngunit hindi niya ito pinahalata.
"Aksidente nga," sagot ni Belle, tumango-tango habang nag-iisip. "Pero ang iniisip ko, bakit parang masyado kang affected? Para bang may tinatago ka."
Halos hindi makahinga si Sheila sa sagot na iyon. Pilit niyang binago ang usapan, tumawa nang pilit at idinaan sa pagpapanggap na hindi siya natitinag. "Affected? Syempre naman! Ikaw ang asawa ng kapatid ko, Ana. Hindi ba’t normal lang na maapektuhan ako sa nangyari sa’yo? Lalo na’t muntik ka nang mawala!"
"Oo nga naman," sagot ni Belle, sabay labas ng isang pilit na ngiti. "Pero sa totoo lang, Sheila… minsan kasi, ang mga taong nagkukunwaring nag-aalala ay sila ang may pinakamatinding lihim."
Nanginginig na si Sheila, ngunit hindi niya ito pinahalata. Muli siyang ngumiti at itinapon ang buhok sa likod. "Nababaliw ka na yata, Ana. Kung ako sa'yo, ipahinga mo na lang ang utak mo. Mukha ka nang stress. Baka naman iniisip mo pa rin na gusto ka naming saktan. Imposible iyon."
"Hindi ko sinasabing gusto mo akong saktan," sagot ni Belle, biglang nagbago ang tono ng boses. May lamig at determinasyon sa kanyang pananalita. "Pero kung may ginawa ka nga, Sheila… huwag kang mag-alala. Malalaman ko rin ang totoo."
Tumalikod si Belle at dahan-dahang lumakad paalis, ngunit iniwan niya si Sheila na nanginginig at halos hindi na makagalaw. Pagkalabas ni Belle, agad na bumalik si Sheila sa kanyang cellphone at tumawag muli sa kanyang mga tauhan.
"P*****a kayo!" sigaw niya. "Hindi ako pwedeng mabuking ni Ana. Kumilos kayo agad! Kung hindi niyo pa siya matutuluyan, kayo mismo ang papatayin ko!"
Samantala, si Belle ay bumalik sa nursery at inabutan si Anabella na tahimik na natutulog sa kuna nito. Naupo siya sa gilid ng kama, ang dibdib ay puno ng emosyon. Sa bawat pag-uusap niya kay Sheila, lalong tumitibay ang kanyang paniniwala na ito ang salarin. Ngunit kulang pa rin siya sa ebidensya.
Kinuha niya ang journal ni Ana na itinatago niya sa ilalim ng unan. Binuklat niya ang ilang pahina, umaasang may mahuhugot siyang impormasyon na magpapatibay sa kanyang hinala. At sa isa sa mga pahina, tumambad sa kanya ang isang entry na parang bombang sumabog sa kanyang harapan:
"Luke loves me, but Sheila… I know she has feelings for him. I caught her staring at him one too many times. It scares me, but I can’t let this ruin our family."
Pinikit ni Belle ang kanyang mga mata, pilit na iniintindi ang mga salitang iyon. Ngayon, mas malinaw na sa kanya ang motibo ni Sheila. Ang pagkagusto nito kay Luke ay hindi lamang simpleng paghanga—ito ay nag-ugat sa pagkasuklam kay Ana.
"Ngayon ko naintindihan, Ana," bulong ni Belle habang hawak ang journal. "Ang sakit at selos niya ang nagtulak sa kanya para tapusin ang buhay mo. Pero huwag kang mag-alala… hahanapin ko ang hustisya. Para sa'yo. Para kay Anabella. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napapanagot."
Nasa gitna siya ng kanyang pangako nang biglang marinig ang mahinang katok mula sa pintuan. Agad siyang isinara ang journal at inilagay ito sa ilalim ng unan. Binuksan niya ang pinto at bumungad si Luke, may dalang tasa ng gatas.
"Gising ka pa?" tanong nito, bahagyang ngumiti. "Naalala ko, gusto mo ng gatas bago matulog. Kaya't dinalhan kita."
Tinitigan ni Belle si Luke, pilit na hinahanap ang intensyon sa likod ng kabutihan nito. Totoo ba ang pagmamahal nito, o isa rin ba itong kasabwat ni Sheila? Ngunit imbes na tanungin, tumango na lang siya at kinuha ang tasa. "Salamat, Luke. Na-appreciate ko ‘to."
Umupo si Luke sa gilid ng kuna ni Anabella, pinagmamasdan ang kanilang anak. "Mahal na mahal kita, Ana. Wala na akong ibang hihilingin kundi ang magkasama tayo ulit bilang pamilya."
Habang sinasabi ito ni Luke, ramdam ni Belle ang kirot sa kanyang puso. Hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil sa bigat ng katotohanang nagkukubli siya sa kasinungalingan. Sa kabila ng lahat, kailangan niyang magpakatatag. Kailangang maisakatuparan niya ang kanyang misyon—ang paghahanap ng hustisya. At kung totoo mang inosente si Luke, saka lamang niya maipapakita ang kanyang tunay na sarili.
Ngunit para sa ngayon, mananatili siyang si Ana—ang asawang nagmamahal, ang ina na nagmamalasakit, at ang kambal na naghahanap ng katotohanan.
Pagkatapos ng mahaba, emosyonal, at punong-punong kasalang seremonya nina Belle at Luke, at nina Ana at Adrian, muling umalingawngaw ang masayang tunog ng kampana. Ang langit ay tila nakiisa, sapagkat habang lumalabas sa simbahan ang mga bagong kasal, biglang sumabog ang confetti cannon na hindi sinasadya ay tinamaan si Father Mariano sa noo.“Teka! Ayos lang ako!” aniya habang nakatawa, pinupunasan ang kanyang ilong.“Pati si Father may blooper!” natatawang sambit ni Clyde Smith habang karga si baby Leo, na ngayon ay nakasuot ng maliit na tuxedo at ngumiti habang binubulungan ni Anabella ng "Yeyy Daddy at Mommy!"Ang paligid ay puno ng fairy lights, soft jazz music, at mga flower arches. Ang hangin ay malamig, at ang view ng bulkan sa malayo ay tila background ng isang K-drama. Pagpasok ng dalawang bagong kasal, sabay silang sinigawan ng mga bisita ng..“Just Married!”Sumunod ang masigabong palakpakan at halakhakan. Si Ana at Belle ay sabay-sabay na nag-high five.“Twin wedding? Twi
Ang simoy ng hangin ay tila napuno ng rosas at pag-ibig. Sa ilalim ng dambuhalang canopy ng bulaklak, dalawang pares ng puso ang sabay na nagsumpaan ng walang hanggang pagmamahalan—isang kasal na hindi lang tungkol sa dalawang tao, kundi apat na pusong pinagsama ng tadhana, pagsubok, at muling pagbangon.Hawak ni Luke ang kamay ni Belle habang nakatingin sa mga mata nito. May luha sa kanyang mga mata, hindi ng lungkot, kundi ng matinding pasasalamat.“Belle,” panimula ni Luke, bahagyang nanginginig ang tinig. “Akala ko namatay na si Ana, at habang unti-unting nabubuo muli ang buhay ko, ikaw ang naging ilaw ko. Hindi ko alam na hindi pala ikaw si Ana, pero sa kabila ng lahat... minahal mo kami ni Anabella ng buong puso.”Napatingin si Belle kay Ana na nakangiti mula sa kabilang altar, hawak ang kamay ni Adrian.“Ginampanan mo ang tungkulin bilang asawa ko at minahal mo si Anabella na parang tunay mong anak,” patuloy ni Luke. “Hindi mo lang ako binigyan ng pangalawang pagkakataon. Tatlo
Kinabukasan..Ang araw na pinakahihintay ay dumating na. Mainit ang sikat ng araw, tila nakikicelebrate sa kasalan ng taon—ang double wedding nina Belle at Ana sa kanilang mga minamahal na sina Luke at Adrian.Sa isang mala-paraisong garden venue sa Tagaytay, namumutiktik ang bulaklak, fairy lights, at lavender-themed na mga dekorasyon. Ang hangin ay may dalang halimuyak ng bagong pag-ibig at bulaklak ng lavender.“Belle, sakto ba ‘tong lipstick ko? Hindi ba ako mukhang halimaw na nag-kape ng red velvet?” bulong ni Ana habang nakatitig sa salamin.“sis, mukha kang goddess! Ako nga, nanginginig na ang tuhod eh!” sagot ni Belle habang inaayos ang belo. “Grabe, hindi ko inakala na mangyayari talaga ‘to!”Nag-iyak-tawa ang kambal habang niyayakap sila ng kanilang make-up artist.Sa labas ng bride’s suite…“Pare, sure ka ba talaga diyan?” tanong ni Luke habang kinukulot pa ang kanyang pilikmata ng make-up artist, much to his horror.“Hindi ako sure kung bakit may curler sa mukha ko ngayon
Isang araw bago ang pinakaaabangang kasal nina Ana at Belle—na tinaguriang “The Double Wedding of the Year” ng buong barangay—ay masasabing isang rollercoaster ng emosyon, kilig, tawanan, at… well, kaunting kalokohan.Sa Bahay nina Ana at Adrian…“Belle! Nasaan na ‘yung bridal robe ko? ’Yung may ‘Bride #1’ na nakasulat sa likod?” sigaw ni Ana habang binubuklat ang isang kahon ng face masks, nail polish, at chocolate truffles.“Eto na oh!” sumilip si Belle mula sa banyo, naka-towel turban ang buhok, at may hawak na wine glass. “Hoy, hindi ako kabayo! ‘Bride #2’ ang akin!”Napahalakhak si Ana. “Sabay tayong bride, pero feeling mo ikaw ang bida!”“Correction,” ani Belle, “Ako ang sexy, ikaw ang sweet. We complete the bride equation.”Sa gitna ng kanilang kulitan, dumating ang mga kaibigan nilang babae, bitbit ang spa kit, karaoke mic, at isang surprise cake na may nakasulat na “Goodbye Miss, Hello Mrs!”“Waaaah!” sabay na sigaw ng kambal sa puso. At nagsimula na ang pinaka-epikong bridal
Isang double wedding. Hindi lang sa pagitan ng magkasintahan, kundi sa pagitan ng dalawang pusong pinagtagpo ng tadhana—hindi sa dugo, kundi sa pagkakataon. Magkaibang landas ang pinagmulan nila, pero iisang direksyon ang tinatahak ngayon: pagmamahalan at bagong simula.“Bridezilla na ba ako?” tanong ni Belle habang nakakunot ang noo sa tablet na hawak niya. Sa dami ng tabs na bukas—wedding gowns, reception venues, floral arrangements—kahit sino’y malulula.Pero si Belle? Blooming. Nasa ibabaw siya ng sofa, suot ang pastel pink robe na may burdang Bride-to-be, habang nakakagat-labi, at para bang papunta sa isang eksenang sinulat ni Cupid mismo.“More like Bride-kilig,” sagot ni Ana habang nakasandal kay Adrian, na nakaupo sa carpet at tinutulungan siyang mag-cut ng paper hearts para sa wedding invitation.Sa kabilang side ng sala, si Luke naman ay nakatalungko sa harap ng cupcakes—chocolate frosting ang hawak, pero titig na titig kay Belle.“Hindi ko talaga inakalang mangyayari ’to,
Pagkauwi mula sa simpleng proposal celebration nina Adrian at Ana…Masaya at punong-puno ng kilig ang buong mag-anak. Halatang high pa rin sa kilig si Ana habang yakap-yakap ang mga bulaklak na bigay ni Adrian. Si Belle naman ay abala sa kakuwento habang buhat ang natutulog nilang anak na si baby Leo. Nasa likuran nila si Luke, tahimik lang sa pagmamaneho, pero paminsan-minsan ay sumusulyap sa rearview mirror na tila may itinatagong ngiti.“Grabe, Belle,” bungad ni Ana, “ang ganda ng setup ng proposal ni Adrian ‘di ba? Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.”“Napakaganda! Sobrang romantic, sis! Yung mga ilaw, yung violinist—hindi ko kinaya!” sagot ni Belle habang hinihimas-himas ang likod ng tulog na sanggol sa kanyang dibdib.Ngumiti lang si Adrian habang nakaakbay kay Ana sa likod. “Deserve mo ‘yun. At tsaka… matagal ko na talagang gustong gawin ‘yun.”“Hay naku,” singit ni Belle. “Dapat lang talaga na ikaw ang magpakasal kay Ana. Kung hindi, ako mismo ang magtataboy sa’yo!”Tumawa