"HMMP!" Napaungol si Amanda sa paraan ng paghalik ni Theo sa kaniya. Walang pag-iingat. Kagaya ng mga naunang tagpo nila sa kama. Nalasahan pa ni Amanda ang dugo sa labi niya na kaagad s******p ni Theo.
"Ano ba, Theo?!" Itinulak niya ito pero masyadong matigas ang katawan ni Theo. Mas naging mahigpit ang hawak nito sa kaniya nang bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg, s********p at tila naadik sa amoy nitong matamis."Akin ka, Amanda. Tandaan mo, 'yan," bulong ni Theo sa kaniya, may mapaglarong ngisi sa labi, ang kamay ay mapaglarong hinila ang strap ng damit ni Amanda."I-Itigil mo na 'to, Theo kung ayaw mong mabuntis ako."Sa isang iglap, napatigil si Theo sa panghalik sa kaniya. Tila binuhusan ito ng malamig na tubig na may sangkaterbang yelo dahil sa narinig. Napangiti nang mapakla si Amanda.Noon pa man ay ayaw na ayaw ni Theo na mabuntis siya. Ayaw nitong bumuo sila ng sarili nilang pamilya kaya sinabihan siya nitong uminom ng pills na sinunod naman niya dahil masyado siyang nagpakatanga noon dito."Ugh! Tang*na!" malutong na mura ni Theo bago umalis sa ibabaw ni Amanda at napasabunot sa sariling buhok. Kapagkuwan ay dumiretso ito sa shower at iniwan si Amanda sa kamang umiiyak.NAISIPAN NI Amanda na bisitahin na lang ang ama niya sa ospital. Na-stroke ito matapos malaman ang balita tungkol sa kapatid niyang nakulong. Sunod-sunod na talaga ang problema ng pamilya nila Amanda pero pilit niyang kinakaya dahil may kakaharapin pa siyang divorce.Nadatnan ni Amanda ang doktor doon na inoobserba ang ama niya kaya magiliw niya itong nginitian."Ikaw siguro ang anak ng pasyente?" tanong ng doktor sabay titig ng matagal kay Amanda."Ah, opo, Doc. Ako nga po." Nailang siya nang bahagya sa pagtitig ng doktor pero sa loob niya, parang nakita na niya noon ang lalaki. May itsura ito at hindi lang matandaan ni Amanda kung saan niya ito huling nakita.Tumango ang doktor. "Okay. May gusto sana akong sabihin sa 'yo. Pwede bang mag-usap tayo sa labas?""Opo, Doc."Ilang segundo lang ay lumabas na sila."By the way, ako nga pala si Doctor Harold Cuevas. It's nice seeing you again, Mandie..."Kumunot ang noo ni Amanda. Mandie. Matagal na panahon nang may tumatawag sa kaniya sa ganoong palayaw. Iisang tao lang naman ang tumatawag sa kaniya no'n...Tinitigan ni Amanda nang maigi ang doktor at napasinghap siya nang tuluyang mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya ngayon."Kuya Harry?!" Nanlalaki ang matang bulalas niya sa lalaki. "Ikaw na ba talaga 'yan?"Tumawa ang lalaki. "The one and only. Wala ka pa ring pinagbago, Mandie. Magugulatin ka pa rin," anito sabay buka ng braso animo'y naghihintay ng yakap.Kaagad namang dumamba ng yakap si Amanda sa lalaki. Matagal na panahon na rin nung huli silang nagkita. Magkapitbahay sila noon pero ngayon na lang nila nakita ang isa't isa. Parang kapatid na ang turingan nila noon kaya close na close sila."Namiss kita, Kuya Harry!" bulalas ni Amanda nang kumalas na sila ng yakap."Ako rin. Oo nga pala, ayos ka lang? About sa Daddy mo..."Payak na ngumiti si Amanda. "Oo, kinakaya naman. Malakas kaya si Daddy!""Right. About nga pala sa condition niya... kailangan niyang matutukan lalo sa medication niya, Mandie."Tumango si Amanda. "Naiintindihan ko. Ginagawa namin lahat para maipagamot siya.""'Yun na nga. Kakailanganin ng malaking halaga para do'n. Willing akong tumulong, Mandie. Sabihan mo lang ako," sinserong saad nito."Salamat, Kuya Harry..." Nginitian niya ito ng payak.Nagkwentuhan pa sila ng kung anu-ano at binalikan ang mga karanasan nila noong magkasama pa sila. Pero naudlot lamang iyon nang makita ni Amanda ang lalaking may madilim na ekspresyon ilang metro lamang ang layo niya sa kanila."T-Theo..." Naibulong niya ang pangalan ng lalaki.Nagtatakha naman si Harold at napatingin na rin sa tinitingnan ni Amanda. Papalapit si Theo na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa na para bang may ginawa silang mali kahit wala naman.Ang mas ikinagulat ni Amanda ay ang biglaang pagpulupot ng matigas na braso ni Theo sa kaniyang bewang na para bang inaangkin siya sa harapan ni Harold."Ikaw siguro ang doktor na tumitingin sa kalagahan ng Daddy ng asawa ko. Ako si Theo Torregoza, asawa ni Amanda," pakilala pa nito sa sarili niya. "Pwede ko bang makausap ng masinsinan ang asawa ko, Doc?""Ah, yes. Ako ang doktor ni Mr. Fabregas. And sure, walang problema. Puntahan ko muna ang ibang mga pasyente ko, Mandie," magalang na paalam pa nito bago umalis.Sa isang iglap, bigla na lang hinila ni Theo ang kamay ni Amanda papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nito."Sakay," utos ni Theo sa kaniya pero hindi gumalaw si Amanda.Hindi sumunod si Amanda. "Ano na naman ba, Theo? Hindi ba naging malinaw ang pag-uusap natin na gusto ko nang matapos ang lahat ng nasa pagitan natin? Na gusto ko nang makipag-divorce?!" nawawalan ng pasensyang ani Amanda."At hindi rin ba malinaw sa 'yo na kailanman ay hindi ako papayag sa gusto mo, Amanda?" Balik nito na nakaigting ang panga."Hindi mo ako mahal! Hindi pa ba sapat na rason 'yon?! Balikan mo na si Sofia kung gusto mo!""At para ano? Para makapanlandi ka na ng ibang lalaki? Bakit, Amanda? Kating-kati ka na ba?!"Hindi na napigilan pa ni Amanda na sampalin pa ang lalaki. "'Wag na 'wag mo akong itutulad sa 'yo dahil hindi ako kagaya mo!"Ngumisi ang lalaki. "Gustong-gusto mo nang kumawala sa kasal natin dahil gusto mo nang makatikim ng ibang putahe, tama ba, Amanda?" Hinawakan niya si Amanda sa likod ng leeg at isinandal ang likod sa kotse. "Ito ba ang gusto mo, Amanda? Ito ba?" Sinimulan nitong halikan ang kaniyang leeg, nag-iiwan ng marka."Ano ba, Theo?! Mali ito!" Pinilit niyang kumawala nang maramdaman ang basang dila nito sa kaniyang balat na siyang nagpanindig ng balahibo nito, walang pakialam kung nasa pampublikong lugar sila."Anong mali dito, Amanda. Sa mata ng batas, asawa pa rin kita kaya gagawin ko kung anong gusto ko sa 'yo. Hindi mo ako mapipigilan," nang-uuyam na sabi ng lalaki at ipinagpatuloy ang paghalik sa leeg nito pababa sa lalamunan. Mas ginanahan pa ito nang masamyo ang matamis na amoy ni Amanda.Bagama't nagproprotesta sa isip niya si Amanda, naroon ang init na unti-unting tumutupok sa katawan niya. Aminin man niya o sa hindi, si Theo lang ang tanging lalaking kayang maghatid ng ganitong pakiramdam sa kaniya.Naiinis siya sa sarili dahil kahit anong pagpipiglas niya, gustong-gusto naman ng katawan niya ang nangyayari."T-Tama na, Theo," halos pabulong na sabi ni Amanda nang mariing humaplos sa bewang niya ang lalaki, hinahapit siya papalapit sa katawan nito. Ramdam niya ang pamumukol ng pantalon nito na tumatama sa kaniyang tiyan na siyang nagbigay ng dobleng init sa katawan niya.Akmang hahalik na si Theo sa labi ni Amanda nang biglang nagring ang cellphone nito sa bulsa. Ayaw pang bumitaw ni Theo kay Amanda pero narindi siya sa pagriring ng phone kaya sinagot na rin niya iyon."Hello, Belle?" ani Theo sa tawag. Ang sekretarya nito ang tumatawag. Natulala lamang si Amanda habang nakikipag-usap ang lalaki sa sekretarya nito, pinapagalitan ang sarili sa isip dahil muntikan na siyang magpatangay sa init ng katawan kanina. "Ano?! Anong nangyari kay Sofia?!"Tumuwid ng tayo si Amanda. Sofia... siya na naman. Hindi niya mapigilang mapakuyom ng kamao habang patuloy na pinapakinggan si Theo."Okay. Papunta na ako! Make sure na nasa mabuting kalagayan siya. Bibilisan ko!" Tila nagmamadaling ani Theo at walang sabing sumakay sa kotse nito.Pinaandar nito iyon kaagad at iniwan si Amanda doon nang mag-isa... ni hindi man nagpaalam.Basta talaga si Sofia na ang involve, wala nang pakialam si Theo sa lahat...SA SOBRANG TUWA, hindi na napigilan pa ni Amanda na dambahin ng isang mahigpit na yakap si Theo. Inikot ikot siya nito hanggang sa makalabas sila sa banyo. Tumili si Amanda sa takot na mahulog kaya naman pati mga binti nito ay naikawit na niya sa bewang ni Theo.Wala siyang maramdamang pagkailang. Para bang natural lang ang lahat. At hindi nagrereklamo si Amanda.Mayamaya pa ay biglang nawalan ng balanse si Theo at nahiga sila sa kama. Si Amanda ang nasa ilalim ni Theo na maagap na nabalanse ang sarili upang hindi tuluyang mabagsakan si Amanda."T-Theo..." nahihiyang sambit bigla ni Amanda kay Theo na sumeryoso na rin.Umigting ang panga ni Theo na tila ba nagpipigil. Lalo pa nang bumaba ang tingin nito sa labi ni Amanda. Kitang kita ni Amanda ang pag alon ng lalamunan nito, senyales na napalunok.Bumigat ang paghinga nila pareho at para bang may sarili silang mundo bigla. Napakapit nang mahigpit si Amanda sa balikat ni Theo na para bang may gusto itong iparating.At tuluyan na ngang
PAKIRAMDAM NI AMANDA ay nag init bigla ang pisngi niya. Inaamin niya sa sariling nakaramdam siya ng hiya bigla."A-Akala ko tulog ka na. Sorry kung nadisturbo ko ang tulog mo," ani Amanda at marahang tumikhim para mapagtakpan ang pamumula ng kaniyang pisngi. Umiwas siya agad ng tingin. "M-May kukunin lang ako sa baba--""Teka lang, Amanda..." ani Theo at hinawakan ang kamay ni Amanda upang mapigilan ito sa akmang pag alis nito."Bakit?" kabadong tanong ni Amanda. Wala namang masama sa sinabi niya habang nakapikit kanina si Theo. Pero ewan ba niya at nakaramdam siya ng hiya!"Tama ba ang narinig ko? Babalik ka... sa 'kin?" paniniguradong tanong pa ni Theo at bahagyang napabangon.Bumuntong hininga si Amanda. Bahagya pa siyang nag isip kung sasagutin niya ito. Pero... wala na rin lang naman siyang takas pa. Kaya... sige."Oo, Theo. Pangako iyan sa iyo. Kaya sana... 'wag kang tuluyang susuko. Nandito lang ako para sa iyo..." sambit ni Amanda at bahagyang lumamlam ang mga matang nakatingi
"PUPUNTA TAYONG ospital para sa check up mo," ani Amanda kay Theo isang araw.Nakaupo ang lalaki malapit sa bintana at pinagmamasdan ang langit. Tila malalim ang iniisip nito kanina pa. Hindi rin ito sumagot na para bang hindi narinig ang sinabi ni Amanda."Theo?" pukaw muli ni Amanda sa atensyon ng lalaki.Doon lang tumingin si Theo sa kaniya. Napabuntong hininga muna bago sumagot. "Sige. Mag aayos lang ako." Tumango si Amanda. Nagpunta siya sa walk in closet at naghanap ng maisusuot ng lalaki. Nang makahanap ay agad niya itong pinuntahan. Nakahubad na ang lalaki at hindi napigilan ni Amanda ang pagtikhim nang naramdaman na nag iinit ang pisngi niya dahil nasulyapan niya ang kalamnan ni Theo.Hindi na ito gaanong toned gaya noon dahil bumagsak nga ang timbang ni Theo. Pero lately, naggegain naman na ulit ito ng weight at hindi na gaanong maputla kaya may dating na ulit ito. Hindi alam ni Amanda kung dahil ba ngayon na lang ulit niya nakitang hubad ang lalaki kaya nakaramdam siya ng
PARANG WALANG nangyari sa pagitan nila. At patago na lang talagang napapangisi si Amanda dahil tila ba nahihiya si Theo dahil namumula rin ang tainga nito. Iyon ang unang beses niyang nakitang gano'n ang lalaki. Noon kasi ay hindi naman ito ganito. Parang proud ito lagi sa sarili. At ngayong may nakitang kakaiba si Amanda sa lalaki, hindi niya maiwasang hindi matuwa.Sa nga sumunod na araw, halos hindi na umalis si Amanda sa tabi ni Theo. Mas napapanatag naman ang loob ng huli at mas naging ganado lalo na sa pag inom ng mga gamot nito. Pero hindi naman lagi. Dahil may mga oras pa rin talagang nawawalan ng pag asa si Theo."Tama na. Ayaw ko na..." halos pabulong na sambit ni Theo nang maisuka niya lahat ng kinain matapos nitong uminom ng gamot.Naiiyak na lang si Amanda nang makita kung gaano manghina si Theo. "K-Kaunti na lang naman, Theo..." pagpapalakas niya ng loob nito.Umiling si Theo at napasandal na lang sa headboard ng kama at pumikit ng mariin. "Hindi na ako gagaling..." ani
WALANG MARAMDAMAN na galit si Amanda sa loob niya. Ang totoo niyan ay tila payapa ang puso niya sa kabila ng nakita. Umalis na muna siya saglit dahil nakareceived siya ng tawag mula kay Damien kanina at gusto siya nitong makausap. Hihintayin daw siya nito sa isang cafe sa malapit. Sumunod naman agad si Amanda sa lalaki.Namataan niya si Damien sa dulo na halatang wala sa sarili at kabado. Nang magtama ang tingin nila ay agad napatayo ang lalaki at dumalo sa kaniya."A-Amanda..." Nanginig agad ang boses nito.Ngumiti si Amanda. "Maupo muna tayo at mag order," kalmadong aniya sa lalaki na mabuti na lang ay sumunod. Bahagya pang kumalma ito kaya napanatag ang loob ni Amanda.Umorder sila ng makakain at tahimik sa una. Pero hindi na nakatiis pa si Damien at binuksan agad ang usapan."'Yong picture... nakita mo na ba?" kabadong tanong nito.Humigop muna sa kape si Amanda at unti unting tumango. "Oo. Nakita ko na. Hindi ko alam kung sino ang nagsend no'n pero alam kong walang halong daya o
"KAUNTI NA lang..." ani Amanda kay Theo habang sinusubuan niya ito ng soup na siya mismo ang nagluto. Umiling si Theo. "Hindi ko na kaya," nanghihinang sambit nito at bahagyang inilayo ang bibig sa kutsara na hawak ni Amanda."Please, Theo. Kailangan mong kumain para mas magkalakas ka pa," pagmamakaawa ni Amanda, bahagyang naiiyak pa. Hindi niya maiwasang hindi maging emosyonal dahil talaga namang humina kumain si Theo. Bumagsak lalo ang timbang niya pero hindi sumusuko si Amanda. Kahit na walang gana lagi si Theo dahil sa sunod sunod na gamutan nito, hindi siya tumitigil. "S-Sige..." sambit ni Theo at muling kinain ang soup kahit na talagang nanghihina ito.Napangiti na lang si Amanda doon. Nagkatinginan sila pareho at napangiti na lang din si Theo. Hindi na niya napigilan pang mahawa.Bahagyang namula si Amanda at ramdam niya ang tila nagrarambulang mga paru paro sa tiyan niya. Pero bago pa siya tuluyang madistract, ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa.Nang natapos si Theo na