LOGIN"LOREIGN, PASENSYA na sa isturbo, ah? Kailangan na kailangan ko lang talaga ng work ngayon," sabi ni Amanda kay Loreign habang nasa loob sila ng isang coffee shop.
Si Loreign ay matagal nang kaibigan ni Amanda pero hindi na sila gaanong nagkikita matapos niyang mag-asawa. Isa itong model at kilalang-kilala ngayon sa industriya. 'Yun nga lang, hindi maganda ang reputasyon kaya marami pa rin siyang haters. Pero wala namang pakialam si Loreign doon.Tinapik ni Loreign ang balikat ni Amanda. "Ano ka ba, sis? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, dadramahan mo pa ako. Syempre, tutulungan kita!" ani Loreign.Ngumiti si Amanda. "Salamat, Loreign. 'Wag kang mag-alala, babawi rin ako pero hindi muna ngayon. Alam mo naman na, short budget ako ngayon. Kakabenta ko lang din ng bahay namin.""Speaking of bahay, kung may pera lang ako, ako na ang bumili ng bahay niyo para hindi mo binenta sa mas mababang halaga! Talagang determinado 'yang asawa mong gipitin ka, ah? Naku, kahit pogi 'yan, talagang makakatikim sa 'kin 'yan!" Pinalagutok pa nito ang kamo.Napatawa lang si Amanda. "Sira! 'Wag mo na lang pansinin 'yon...""Pero alam mo, mabuti na lang din talaga at naisipan mong bumalik sa pagtugtog. Nabalitaan ko nga rin na hinahanap ka yata noon ng professor natin? Naku, big waste talaga kung hindi ka niya makukuha! Super talented mo kaya!"Nagkibit balikat si Amanda at binago na ang usapan. "'Yung tungkol pala sa work...""Ah, oo! Akong bahala sa 'yo. Na-arrange ko na lahat. Ang gagawin mo lang is magpunta doon at tumugtog. Though small audience lang siya kasi exclusive restobar pero hindi naman na masama. Pandagdag kita mo na lang din," sagot ni Loreign bago sumimsim sa kape.Inabot ni Amanda ang kamay ni Loreign sa lamesa at hinawakan iyon. "Salamat talaga, Loreign, ah. Malaking tulong na 'to sa 'kin.""Syempre naman! Malakas ka sa 'kin, eh. At tsaka, malakas din ako ka-fling ko ngayon kaya nagawan ko ng paraan," halakhak pa nito.Madami pa silang napag-usapang iba at nagcatch up na rin sila sa matagal nilang hindi pagkikita. Namiss tuloy ni Amanda ang college life niya with Loreign. 'Yung kung paano pumasa lang ang problema niya at wala nang iba.Nang sumapit ang gabi ng pagtugtog ni Amanda, hindi niya maiwasang kabahan. Ngayon na lang ulit siya tutugtog ng violin sa harap ng madla. Hindi man kalakihan ang audience gaya ng sabi ni Loreign pero nandoon pa rin talaga 'yung kaba.Pero nang tumungtong na siya sa stage, tila naglaho lang lahat iyon.Ang tanging nasa isip niya ay kapayapaan sa larangan ng musika."DID YOU like it?" Tanong ni Sofia kay Theo matapos nitong tumugtog ng violin sa loob ng hospital room nito. Nakaupo ito sa wheelchair at may ngiti sa labi.Ang itinawag ng sekretarya niya nung isang araw ay ang pagkahulog ni Sofia sa kama nito. Nag-alala siya na huli na nang ma-realize niyang iniwan niya pala si Amanda.Inasikaso na muna niya si Sofia at inalo dahil parang nai-stress lang ito lalo sa sariling sitwasyon. Napilay si Sofia matapos siyang abusuhin ng dati niyang asawa. Divorced na sila ngayon at para kay Theo, kailangan niyang ibuhos ang atensyon niya dito bilang sukli sa ginawa nito sa kaniya noon."Oo, nagustuhan ko ng sobra," ani Theo sa dry na tono.Pinaniniwalaan ni Theo na si Sofia ang dahilan kung bakit siya nabigyan ng pangalawang pagkakataong mabuhay ulit. Minsan na siyang na-comatose noon at habang nasa malalim na pagkakahimbing, nadidinig niya ang musikang galing sa violin na tinutugtog ni Sofia.Pero bakit parang hindi niya maramdaman ang naramdaman niya noong wala pa siyang malay?Parang may iba...Napanguso si Sofia. "Sigurado ka? Bakit parang hindi?"Ngumuti si Theo at hinaplos ang pisngi ni Sofia. "Gustong-gusto ko, Sofia. Ang mabuti pa siguro, magpahinga ka muna. May aasikasuhin lang ako.""Ano? Pwede bang mag-stay ka na lang? Magpadala ka na lang ng extra clothes mo sa secretary mo.""May kailangan akong kitain ngayon. Babalik naman ako. At ipapaasikaso ko na rin ang paglipat mo ng ospital sa susunod... sa may mas magandang facilities para matutukan ka.""Mas importante ba 'yang kikitain mo kaysa sa 'kin?" Tila nawawalan ng ganang tanong ni Sofia."Sofia...""Bahala ka nga! Umalis ka na kung gusto mo!" Humalukipkip ito at minanipula ang wheelchair patalikod sa direksyon ni Theo.Isang buntong hininga lang ang naisukli ni Theo. Minsan talaga ang hirap pakisamahan ng ugali ni Sofia. Pero iniintindi na lang niya dahil naging mahirap din naman ang mga pinagdaanan niya.Mabigat ang loob niyang lumabas sa hospital room ni Sofia. Sinalubong naman siya kaagad ng secretary niyang si Belle."Sir, nasa isang exclusive restaurant po ang kababata niyo. Naghihintay na po siya doon," ani Belle kay Theo.Tumango lang si Theo bago pumasok sa kotse. "Pwede ka nang umuwi, Belle," aniya rito."B-But... Sir, pwede naman po akong sumama just in case may about business kayong pag-uusapan. Magtetake down notes na lang ako--""Hindi na kailangan. Sige na."Wala nang nagawa pa si Belle. Sa loob niya, disappointed siya dahil hindi niya na makakasama pa ng matagal ang boss pero wala naman na siyang magagawa doon. Umuwi na lang siya habang si Theo ay dumiretso nga sa restaurant.Pagkapasok na pagkapasok palang niya sa resto ay parang tumigil na ang mundo niya...Ang musikang iyon...Galing iyon sa nagpeperform sa stage at napasinghap pa siya nang makitang pamilyar ang tumutugtog ng violin."Amanda..." naiusal niya nang mahina ang pangalan ng asawa.Tinutugtog ni Amanda ang isang piece na kagayang-kagaya ng tugtog na siyang gumising sa kaniya. Parehong-pareho!Pati ang pamilyar na pakiramdam ay pareho. Pero nakakagulat na makitang asawa niya ang tumutugtog no'n. Paanong nangyari 'yon? Noong si Sofia ang tumugtog no'n, wala naman siyang naramdamang kahit ano.Pakiramdam ni Theo ay nahulog na siya sa isang napakagandang lugar na walang ibang nag-eexist kundi siya lang at si Amanda. Bumilis din ang tibok ng puso niya na siyang mas lalong nagpatigil sa kaniya.Ano ba ang nangyayari sa kaniya?NAHULOG na nang tuluyan ang diwa ni Amanda sa tinutugtog. Nawala na ang kaniyang kaba.Pero nagulat siya nang makitang nakatitig sa kaniya ang asawa niya habang nagva-violin siya. Ibang-iba ang titig sa kaniya ni Theo ngayon na hindi niya maiwasang makaramdam ng kung ano sa tiyan niya.Nang natapos siyang magperform, pinalakpakan siya ng mga tao na siyang nakapagpataba ng puso niya. Hindi na natanaw pa ni Amanda si Theo at nagpasalamat na lang sa mga tao.Dahil bakit naman siya tititigan ni Theo ng gano'n?Isang malaking imposible."Sabi na, eh! Wala ka talagang kupas!" sabi ni Loreign at yumakap kay Amanda. May kasama itong lalaki na ipinakilala na sa kaniya kanina. Iyon pala ang ka-fling nitong si Gerald na isa sa mga naging daan para makapagperform si Amanda sa resto."Thank you ulit, Loreign, ah?" madamdaming nawika ni Amanda."Naku, wala 'yon!"Nagtawanan sila bago pasimpleng umalis si Loreign at Gerald. Hinayaan na lang ni Amanda ang dalawa para magkaroon sila ng time sa isa't isa.Aalis na sana si Amanda pero biglang may humila sa kaniya papunta sa restroom ng resto kung saan walang tao. Narinig pa niya ang paglocked ng pinto bago niya tingalain ang lalaking katitigan lang niya kanina."T-Theo?" Akala niya namamalikmata lang siya kanina.Madilim na ang ekspresyon sa mukha nito. Isinandal niya si Amanda sa pintuan habang nakaigting ang panga."Tell me, Amanda..." tila nahihirapan na sabi nito."Huh? Lumayo ka nga sa 'kin!" Sinubukan niyang itulak ang lalaki pero hindi ito natinag."Bakit mo alam ang tugtog na 'yan? Bakit mo alam ang musikang nagbigay ulit sa akin ng pag-asang mabuhay? Bakit..." tila napapaos na tinig nito.THEO TORREGOZA' POVAYAW KO SA babaeng iyon sa simula palang. Masyadong papansin. Halatang baliw na baliw sa 'kin. Sana maglaho na lang siya bigla dahil pinapakumplikado lang niya ang lahat. Ginulo niya ang buhay ko nang sandaling ikasal ako sa kaniya.Pinilit ko namang tiisin si Amanda. Pero naiinis talaga ako sa kaniya. Naiinis ako sa pagiging matiisin niya pagdating sa akin. Naiinis ako na pinagbibigyan niya ako sa lahat ng gusto ko kahit na nagpapakababa na siya sa 'kin... kahit na tinatapakan ko na ang pagkababae niya.Ang mga sandaling pananakit ko sa damdamin niya ang bangungot ko hanggang ngayon. Hindi ko dapat ginawa ang lahat ng iyon. Mali iyon. Pero pinapangunahan ako ng galit lagi. At mas nananaig sa akin ang katotohanang sinira niya ang pagiging malaya ko dahil sa isang gabing iyon.Pero hindi ko naman idedeny sa sarili ko na... nag enjoy din naman ako. Kung may isang bagay na nagustuhan ko sa loob ng kasal namin, iyon ay ang sarap ng pagniniig namin ni Amanda.Ewan ko ku
HINDI NAGSASAWANG titigan ni Amanda ang singsing sa daliri niya. Ilang araw na ang nagdaan at fresh pa rin lahat kay Amanda. Pumayag siya sa alok ni Theo na kasal. At hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya ngayon. Para bang sasabog ang puso niya sa sobrang saya! Ibang iba ito sa noon. Kasi hindi naman nagpropose si Theo sa kaniya. Hindi tipikal na set up ang meron sila ilang taon na ang nagdaan at ngayong nararanasan na niya ang bagay na hinahangad niya noon ay talaga namang para siyang nakalutang sa tuwa! "Kanina pa hindi matanggal ang ngiti mo sa singsing," pukaw bigla ng pansin ni Sylvia kay Amanda. Umuwi muna siya sa bahay nila saglit para bumisita. Bumalik na kasi si Theo sa trabaho nito sa opisina kaya naman hindi na napigilan pa ni Amanda ang maburyo. At hindi niya itatanggi sa sarili na miss na niya nga ang presensya nito kahit pa kada oras ay tumatawag naman ito. Ngumiti si Amanda kay Sylvia. "Ang ganda kasi ng singsing, Ma," pag amin niya. "Oo nga. O baka
HINDI MUNA sila umuwi matapos ang check up ni Theo sa doktor. Pagkalabas nila sa ospital ay nag aya si Theo na pumasyal na muna sila saglit."Sigurado ka? Hindi ka ba mapapagod niyan?" may pag aalalang tanong ni Amanda kay Theo nang nasa parking lot na sila.Umiling si Theo. "Hindi. Tsaka hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor kanina? Magaling na ako," nakangiting saad nito.Bumuntong hininga si Amanda. Alam naman niya ang katotohanan na iyon. Pero hindi pa rin niya maiwasang mag alala."Baka kasi mapaano ka..." sagot ni Amanda.Lumamlam ang ekspresyon ni Theo at hinawakan ang kamay ni Amanda, na para bang paraan niya iyon upang pakalmahin ang loob nito."Wala ka nang dapat ipag alala sa akin. Pasensya na kung masyado akong naging pabigat pagdating sa iyo..." ani Theo kay Amanda at dinala ang kamay sa labi nito.Umiling si Amanda. "Hindi ka naging pabigat sa 'kin," sagot niya sa lalaki."Pero iyon minsan ang nararamdaman ko. Aminin mo na, minsan ay talagang nahihirapan ka sa pag aal
MASAKIT ANG katawan ni Amanda pagkagising na pagkagising pa lamang. Para bang binugbog siya hanggang sa sumuko ang katawan niya. Paanong hindi, eh hindi siya tinigilan ni Theo kagabi. Para bang bumawi talaga ang katawan nito sa pagsaid ng lakas niya.Pagkagalaw ni Amanda at pagbaling sa bandang kanan, nagulat pa siya nang makitang nakatunghay sa kaniya si Theo na halata ang kislap sa mga mata. "Good morning..." maaligasgas ang boses na bati ni Theo kay Amanda sabay haplos sa pisngi nitong namumula."G-Good morning din," medyo nahihiyang sambit din ni Amanda at pasimpleng nagtago sa ilalim ng makapal na comforter. Bahagya pa siyang napaigik dahil talagang nanakit ang gitna ng mga hita niya."Sorry kung masyado akong marahas kagabi. Hindi na talaga ako nakatiis," ani Theo.Umiling si Amanda. "Ayos lang. Hindi naman ako nagrereklamo," sagot niya. Huli na nang marealized niya ang sinabi. Para bang ang tunog ay gustong gusto niya lahat ng ginawa ni Theo at wala siyang sasabihing hindi mag
SA SOBRANG TUWA, hindi na napigilan pa ni Amanda na dambahin ng isang mahigpit na yakap si Theo. Inikot ikot siya nito hanggang sa makalabas sila sa banyo. Tumili si Amanda sa takot na mahulog kaya naman pati mga binti nito ay naikawit na niya sa bewang ni Theo.Wala siyang maramdamang pagkailang. Para bang natural lang ang lahat. At hindi nagrereklamo si Amanda.Mayamaya pa ay biglang nawalan ng balanse si Theo at nahiga sila sa kama. Si Amanda ang nasa ilalim ni Theo na maagap na nabalanse ang sarili upang hindi tuluyang mabagsakan si Amanda."T-Theo..." nahihiyang sambit bigla ni Amanda kay Theo na sumeryoso na rin.Umigting ang panga ni Theo na tila ba nagpipigil. Lalo pa nang bumaba ang tingin nito sa labi ni Amanda. Kitang kita ni Amanda ang pag alon ng lalamunan nito, senyales na napalunok.Bumigat ang paghinga nila pareho at para bang may sarili silang mundo bigla. Napakapit nang mahigpit si Amanda sa balikat ni Theo na para bang may gusto itong iparating.At tuluyan na ngang
PAKIRAMDAM NI AMANDA ay nag init bigla ang pisngi niya. Inaamin niya sa sariling nakaramdam siya ng hiya bigla."A-Akala ko tulog ka na. Sorry kung nadisturbo ko ang tulog mo," ani Amanda at marahang tumikhim para mapagtakpan ang pamumula ng kaniyang pisngi. Umiwas siya agad ng tingin. "M-May kukunin lang ako sa baba--""Teka lang, Amanda..." ani Theo at hinawakan ang kamay ni Amanda upang mapigilan ito sa akmang pag alis nito."Bakit?" kabadong tanong ni Amanda. Wala namang masama sa sinabi niya habang nakapikit kanina si Theo. Pero ewan ba niya at nakaramdam siya ng hiya!"Tama ba ang narinig ko? Babalik ka... sa 'kin?" paniniguradong tanong pa ni Theo at bahagyang napabangon.Bumuntong hininga si Amanda. Bahagya pa siyang nag isip kung sasagutin niya ito. Pero... wala na rin lang naman siyang takas pa. Kaya... sige."Oo, Theo. Pangako iyan sa iyo. Kaya sana... 'wag kang tuluyang susuko. Nandito lang ako para sa iyo..." sambit ni Amanda at bahagyang lumamlam ang mga matang nakatingi







