Share

CHAPTER 127: The Big Deal

Author: YULIANNE
last update Huling Na-update: 2024-10-14 05:32:50

IRITADONG DINALUHAN ni Theo ang pintuan at pinagbuksan ang room service. Hindi noya pa maiwasang samaan ng tingin ang staff pagkakuha ng pagkain dahil inis na inis talaga siya sa pagkakabitin!

Nang bumalik siya kay Amanda ay napansin niya na para bang mas naging light ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Kapag kinakausap ni Theo si Amanda ay sumasagot ito. Hindi na ito tahimik at pinapansin na rin siya. Napangiti sa loob loob niya si Theo. At least, mas okay sila ni Amanda ngayon.

At habang tinititigan niya si Amanda ngayon, hindi niya maiwasan ang tungkol sa mga nangyari sa kanila noon. Naalala niya, kapag may nangyayari sa kanila noon, ang tanging tumatatak lang sa isip ni Theo noon ay kung paano makaraos. Ang gusto lang niya noon ay punan ni Amanda ang pangangailangan niya bilang lalaki at sa pagsisiping niya ibinubuhos lahat ng frustration niya sa trabaho.

Pero ngayon... iba na ang naiisip ni Theo. Nang kaninang may muntik ng may mangyari sa kanila, naisip niyang may naramdama
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 128: The Loveless Marriage

    BUMALIK AGAD si Amanda sa Maynila at ang una niyang ginawa ay ang maghanap ng apartment para sa matutuluyan ng pamilya niya. Ginamit niya ang perang pinagbentahan niya ng bahay nila. Hindi man kalakihan o magarbo ang apartment kagaya ng ibinili sa kanila ni Theo noon, at least kumportable naman silang mag anak doon.May pag aalala ang tingin na ipinukol ni Sylvia kay Amanda. Kumunot ang noo ni Amanda dahil do'n."Anong problema, Ma? Hindi mo ba nagustuhan itong apartment?" Hindi mapigilang tanong ni Amanda.Umiling si Sylvia at napabuntong hininga. "Hindi sa hindi gusto. Nag aalala lang ako dahil... sa perang ibinayad mo para dito sa apartment. Paano kung kailanganin ng kapatid mo ang pera para sa kaso niya? Paano na lang din kung magkaroon ka ng emergency? Saan ka kukuha ng pera, huh?"Ngumiti si Amanda. "Wala kayong dapat ipag alala, Ma. Ako na ang bahala para diyan.""Hindi ko lang maiwasan, okay? At saan tayo kukuha ng malaking pera kapag nagkaproblema sa hinaharap, aber?"Mayamay

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 129: The Help From The Attorney

    PALAISIPAN KAY Amanda ang mga sinabi ni Atty. Hernaez sa kaniya habang siya ay paalis doon. Hindi niya inaakalang may ganoong karanasan sa pamilya ang abugado pero hindi na lang niya gaanong pinagtuonan ng pansin pa.Nang makauwi si Amanda sa bagong apartment na binili niya, bahagya siyang nagulat nang makitang nandoon si Theo. Umismid si Amanda at akmang lalagpasan na lang si Theo doon pero bigla itong gumalaw at hinarang siya sa pagpasok.Masamang tingin ang ipinukol ni Amanda sa lalaki pero parang wala lang naman iyon sa kaniya. Bakas na bakas ang pagsusumamo sa mukha ng lalaki na para bang nakikiusap ito ngayon sa kaniya. Mas lalong hindi na lang pinansin ni Amanda si Theo at akmang muling lalagpas pero humarang muli ito! At ang masaklap, nahagip nito ang injured niyang braso."Ano ba, Theo?! Hindi mo ba nakikitang nasasaktan ako sa ginagawa mo?!" singhal ni Amanda sa lalaki.Imbes na patulan ang galit na si Amanda, may pag aalalang tiningnan ni Theo ang mukha ni Amanda bago dumap

    Huling Na-update : 2024-10-15
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 130: The Share

    NANGINIG ANG LABI ni Amanda dahil sa narinig na mga salita mula kay Theo. Hindi niya inaakalang sasabihin niya iyon! Siya pa talaga? Ang lakas ng loob nitong pagbintangan sa bagay na alam naman nilang dalawa na never niyang magagawa!Mula pa noon, alam ni Theo na patay na patay siya sa kaniya. Kaya hindi niya lubos maisip na talagang tatlong lalaki pa ang alam nitong gusto niyang mapasakaniya!Imbes na umiyak si Amanda sa harapan ni Theo, sinagot niya ito ng deretso. "Oo! Tama ka sa sinabi mo, Theo..." Nakangising sabi niya.Hindi makapaniwala si Theo at bakas na bakas ang gulat sa mga mata. Hindi mawari kung ano ba ang dapat sabihin kaya naman nagpatuloy si Amanda sa pagsasalita."Dahil alam ko... nakasisiguro akong hindi sila kagaya ng mga iba diyan na nagtatago ng babae sa likuran ko. Kaya tama ka, mas masaya ako sa ibang lalaki kumpara sa iyo, Theo! Hindi na nga ako makapaghintay pang magdivorce na tayo, eh, para makahanap na ako ng ibang lalaking magpapaligaya sa akin at hindi ak

    Huling Na-update : 2024-10-16
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 131: The Annual Dividend

    UMALIS NA KAAGAD doon si Theo. Hindi na noya kinakaya pa ang naging takbo ng usapan nila ni Amanda. Sa sobrang pagkaka frustrate niya, nakailang stick pa siya ng sigarilyo para kahit papaano ay marelax siya. Pero naiinis lang siya dahil parang walang silbi ang mga sticks niyon!Napahampas na lang siya sa manibela ng kotse at isinubsong ang mukha doon. Napasabunot na rin siya sa buhok dahil umaalingawngaw pa rin sa isip niya ang bose ni Amanda.Napailing na lang siya. Nawala lang ang tumatakbo sa isipan niya pansamantala nang marinig ang pagriring ng cellphone niya. Kunot ang noo niyang inangat iyon at nakitang ang ina niya ang tumatawag. Hula niya ay baka kukulitin na naman siya nito sa mga gusto nitong ipagawa."Napatawag ka, Mom?" kaswal na bungad ni Theo."May gusto lang naman akong itanong tungkol sa inyo ni Amanda. Bakit parang wala nang balita sa inyo? Hindi na kayo masyadong naglalalabas na magkasama. Nagtatanong na rin pati ang lola mo," sagot ni Therese mula sa kabilang linya

    Huling Na-update : 2024-10-19
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 132: The Condition

    "ANOTHER THING po pala about sa botohan ng project niyo po. Madami po ang hindi sumang ayon. Kung... matatalo po kayo sa botohan, mawawala po 'yung pinaghirapan niyo sa loob ng dalawang taon," dagdag pa ni Secretary Belle.Mas sumakit lang lalo ang ulo ni Theo dahil doon. Oo nga pala. Isa pa 'yang problema."Tungkol diyan... magset ka ng meeting sa makalawa," pormal na tinig ni Theo na utos kay Secretary Belle.MALALIM NA ANG gabi nang makatanggap ng hindi inaasahang tawag si Amanda mula kay Theo. Kumunot ang noo niya. Ano na namang klaseng pambwibwiset sa kaniya ni Theo ngayong dis oras na ng gabi?Kahit na naiinis siya, sinagot pa rin niya ang tawag."Ano na naman ba, Theo?" halos iritadong tanong ni Amanda at napabuntong hininga."Pumunta ka dito sa mansion alas kwatro ng hapon bukas," sagot ni Theo sa kabilang linya."At bakit ko gagawin 'yan? Theo, kung mas gagawin mo lang kumplikado ang lahat, 'wag na lang. Kung ano man iyang binabalak mo, 'wag mo nang itulog, please lang.""Pag

    Huling Na-update : 2024-10-20
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 133: The Signed Agreement

    HINDI MAINTINDIHAN ni Amanda si Theo sa gusto nito. Bakit kailangang gano'n? Willing siyang lahat na ibigay sa kaniya kahit maghihiwalay na sila tapos gano'n naman ang kapalit?Ang punto lang naman ni Amanda, hindi nila maprepredict kung anong mangyayari sa future. Maaring nalugmok siya sa pagmamahal kay Theo ngayon pero paano kung may lalaking magpapatibok muli sa puso niya? Paano kung buksan niya ulit ang puso niya sa bagong lalaki na darating sa buhay niya? Maghihiwalay nga sila ni Theo pero parang ang gusto nito ay hawak pa rin siya sa leeg!Gulong gulo si Amanda. Samantala, si Theo ay iba naman ang tumatakbo sa isip. Para sa kaniya, dapat lang na gawin niya itong nga naisip niya. Kahit na maghihiwalay na sila ni Amanda, hindi niya kayang isipin ang sariling mapupunta siya sa ibang babae kaya naman willing siyang ibigay lahat ng suporta ng kailangan nito. Si Amanda lang talaga...Lumalim ang kunot sa noo ni Amanda bago napailing. "Hindi ba pwedeng tapusin na lang lahat ng kung ano

    Huling Na-update : 2024-10-21
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 134: The Certificate

    HINDI ALAM ni Amanda bakit ba siya lumuluha! Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Dapat bang magbunyi siya? Dapat bang magtatalon siya sa tuwa dahil sa wakas, nakapirma na silang dalawa ni Theo sa divorce agreement. Kaya bakit parang ang bigat bigat sa dibdib niya ang nangyaring iyon? At aminin man niya sa sarili o hindi, pakiramdam niya ay parang hinihiwa ang puso niya habang nagmamakaawa si Theo na bawiin lahat ng sinabi niya at bigyan pa siya ng isa pang huling pagkakataon. Hindi na niya alam!Habang gulong gulo ang isip niya, natagpuan na lang ni Amanda ang sariling bumababa sa grand staircase ng mansion. Sa ibaba ay nakasalubong niya bigla si Secretary Belle. Wala naman siyang pakialam dito at hindi na lang sana niya ito papansinin pero tinawag siya ng sekretarya ni Theo."M-Mrs. Torregoza!"Hindi na dapat siya lumingon pa. Dahil mula ngayon, hindi na nakaakibat sa pangalan niya ang apilido ni Theo. Pero dahil nasanay pa rin naman siya sa ganoong tawag, napatigi

    Huling Na-update : 2024-10-22
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 135: The Project's Success

    NANUBIG ANG gilid ng nga mata ni Amanda. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon habang bunubuhos sa alaala niya ang mga sakit na ipinadama sa kaniya ni Theo.Lalo na sa kaniyang study... ang sotwasyong iyon ang mas nagparealize kay Amanda na hindi siya kayang mahalin ni Theo. Nasaktan siya ng husto dahil doon dahil para bang itinapon na ni Theo ang natitirang respeto nito para sa kaniya noong mga panahong iyon.Tahimik lang sila pareho. Humigpit naman ang hawak ni Theo sa manibela dahil pansin niya ang katahimikan sa pagitan nila kaya naisip niyang pagaanin kahit papaano ang atmosphere at magbukas na lang ng usapan."Uhh... nitong mga nakaraang araw, parang hinahanap ka ni Shishi," ani Theo na may maliit na ngiti sa labi. "Ayaw mo ba siyang makita?"Wala pa ring emosyon sa mga mata ni Amanda at mas lalong umiwas ng tingin. "Magdrive ka na lang, Theo..." pag iwas niya sa usapan.Nawala ang maliit na ngiti sa labi ni Theo at kinalma ang sarili. Umiwas na lang siya ng tingin kay

    Huling Na-update : 2024-10-23

Pinakabagong kabanata

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 240: The Flash Drive

    HINDI PINANSIN NI Theo ang ina. Napaisip din tuloy siya bigla.Maaaring hindi pa naproproseso ang divorce nila ni Amanda pero hindi pa rin magawang palitan ni Theo agad ang babae. Kasi sa loob loob niya, sa tingin niya ay kaya pa niyang isalba ang relasyon nilang mag asawa kapag magaling na si Amanda. Baka pwede pa...Pero tumagal ang tingin niya sa anak. Paano naman ito? Inaamin niyang may mga pagkukulang din siya bilang ama. At hindi niya masabi sa sarili kung kakayanin ba niyang maging magulang sa anak kahit mag isa lang siya. Hindi talaga maitatanggi na kailangan ni Baby Alex ng isang ina.At ayaw mang tanggapin ni Theo sa sarili, nakikita niyang may kakayahan talaga si Georgina na maging ina sa anak niya. At sa loob loob niya, parang kinokonsidera na niya ito...Napailing na lang siya. Hindi na niya namalayan pa ang paglayo ng ina niya. Lumipas pa ang oras at si Theo naman ang nag alaga sa anak dahil umalis na rin sina Georgina at Therese. Umiyak bigla si Baby Alex nang may gward

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 239: The Mother Figure

    NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin."Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 238: The Visitor

    NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 237: The Real Talk

    TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 236: The Shocked Husband

    HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 235: The Regret

    MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 234: The Condition

    HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 233: The Secret Treatment

    UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 232: The Only Cure

    NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status