Share

CHAPTER 244: The Angry Son

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-05-10 22:32:49

IBINALOT NI Theo ang coat niya kay Amanda upang panangga sa lamig ng gabi. Tahimik lang sila sa biyahe at mas lalong bumibigat ang loob ni Theo. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Ang ospital na inaakala niyang makakatulong kay Amanda ay isa palang impyerno para sa kaniya. Hindi ito naalagaan ng mabuti kagaya ng inaalala niya.

Napabuntong hininga na lang si Theo nang makita kung gaano kalaki ang pagbabago ni Amanda. Bumagsak talaga ang timbang nito at mas lalong walang kabuhay buhay ngayon ang mga mata.

Walang salita na namutawi sa labi ni Amanda at nanatili lang ang mga tingin sa labas mula sa bintana ng kotse. Para bang may interesante itong bagay na nakikita doon. Pilit iyon inintindi ni Theo. Wala naman siyang magagawa doon dahil alam niyang marahil ay nabigla pa rin ang mga babae sa lahat ng mga nangyari. Mabuti na lang at naialis na niya ito doon.

"Sorry..." marahang bulong ni Theo kay Amanda nang bahagyang tumigil ang kotse dahil nasa may bandang intersection na sila. Nang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
Nanggagaya lang pala ang writer nito sa ibang author pangalan lang ang iniba at pamagat kaya pala walang kwenta
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
Kaya pala walang kwenta ang story ginagawa lang pala walang kwentang writer ito kasohan nga ng panggagaya
goodnovel comment avatar
Snobsnob
Basahin mo na lang yung Married by Mistake ni Lirp49 ginaya lang naman niya to doon sa story. Completed na yun.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 307: The Call

    "THEO! SALAMAT sa Diyos at gising ka na nga!" bulalas ni Therese nang makita ang unti unting nagmulat ng mga mata ni Theo.Nakamulat na siya. Pero hindi niya maigalaw ang katawan niya. Mabilis na chineck ni Harold ang lagay nito at maayos naman na kahit papaano. Ang problema, walang kasiguraduhan kung makakabalik pa siya agad sa dating estado ng katawan niya."M-Mom..." halos pabulong ng wika ni Theo nang nakita ang ina niyang humahagulgol nang yumakap sa kaniya. Gustuhin man niyang yumakap pabalik, hindi naman niya magawa dahil hindi niya maigalaw ang katawan niya. Para bang isinemento iyon sa kamang kinahihigaan niya ngayon."Bakit mo ito ginawa?! Anak naman!" umiiyak na sabi ni Therese. Napayakap siya lalo kay Theo na para bang hihiwalay ito sa kaniya ano mang oras."G-Ginusto ko 'to, Mom. Para naman ito sa anak ko... k-kaya walang kaso sa 'kin. 'W-Wag niyo na lang sabihin kay Amanda. W-Wala na kami pero baka makaramdam siya ng guilt kapag nalaman niyang g-ginawa ko nga 'to..." nah

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 306: The Mother's Plea

    ISANG LINGGO NA ang lumaan. Umaayos naman na kahit papaano ang lagay ni Baby Alex at nalipat na rin ito sa private room. Natutuwa si Amanda sa nagiging progress ng anak. Mas naging hands on siya sa pag aalaga dito at halos hindi na niya ito lubayan para makapagpahinga man lang. Wala namang kaso iyon sa kaniya. Para sa anak niya, gagawin niya ang lahat."Mommy, nanaginip po ako..." sabi bigla ni Baby Alex kaya napabaling siya dito."Anong napanaginipan mo, baby?" tanong ni Amanda sabay haplos sa ulo nito ng marahan."Si Daddy po. Nasaan po siya?" tanong nito na siyang ikinatigil ni Amanda. Sinikap niyang ngumiti sa anak. "Uhh... nasa isang importanteng business trip lang ang Daddy mo, baby. 'Wag kang mag alala. Babalik din siya, hmm?" Sabi niya dito.Tumango naman si Baby Alex. Kalaunan ay unti unti na rin itong inantok at nakatulog na nga nang tuluyan.Hindi maiwasang maawa ni Amanda sa anak. Hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam si Theo sa kanila. Hindi na niya alam kung anong na

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 305: The Disappointment

    "HINDI KO MATATANGGAP iyan. Wala akong hinihingi na kahit ano sa 'yo," sagot ni Luigi kay Theo.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pa nito. Marami siyang magagawa sa perang makukuha nito. Kung tutuosin ay pwedeng hindi na rin ito magtrabaho para hindi na ito mahirapan. Pero mas gusto nitong hindi tanggapin iyon.Napabuntong hininga na lang si Theo at kalaunan ay napatango. Isang maliit na ngiti ang namuo sa kaniyang labi."Okay. Wala naman akong magagawa kung iyan ang desisyon mo. Basta magmula ngayon, wala na tayong utang na loob sa isa't isa," aniya kay Luigi.Iyon ang huling sinabi ni Theo bago tuluyan nang umalis. Mabigat ang loob niya habang papalayo sa mismong apartment ng kaniyang ama.Natauhan din naman kalaunan si Luigi. Iyon na ang huli... ayaw niya! Babawi pa siya sa anak niya! Kailangan niyang makasama pa ito ng mas matagal. At kung papayagan lang siya, sana maibalik pa niya ang oras nang sa gano'n ay mas makasama pa niya si Theo. Sana mas

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 304: The Black Card

    "IKAKASAL NA SI Gio at Loreign next year. By that time, fully recovered na ang anak natin. Syempre, kasama siya sa wedding. Sa tingin mo, anong magandang regalo sa bagong mag asawa?" tanong ni Amanda kay Theo matapos ng pagniniig nila.Parang normal lang silang mag asawa. Si Amanda ay nakasandig ang ulo sa malapad na dibdib ni Theo habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok nito roon.Hindi alam ni Amanda pero mabigat ang loob niya sa hindi malamang dahilan. Kabado siya pero hindi niya alam kung bakit. Lalo pa nang nakita niya na tila may malalim na iniisip si Theo. Kumunot ang kaniyang noo."Theo?" tawag niya sa pansin nito.Doon naman tila nagbalik sa reyalidad si Theo. "Hmm?" tanong nito at napagtanto ni Amanda na hindi pala ito nakikinig.Bumuntong hininga siya. "Tinatanong ko kung ano ang magandang iregalo kina Gio at Loreign sa kasal nila," mahinahong wika niya. "At tsaka... alam ko rin na medyo close rin naman kayo ni Gio dahil ang alam ko, may connection kayo sa business. K

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 303: The Last Time

    "BAKIT BA HINDI mo man lang naisip ang sarili mo?" frustrated na wika ni Harold kay Theo dahil sa desisyon nito. Napailing na lang siya at halatang halata ang disappointment sa ekspresyon nito.Isang matamlay na ngiti ang namuo sa labi ni Theo. "Iniisip ko lang ang kapakanan ng mag ina ko. Sila ang dapat na inuuna ko bukod sa ibang bagay. Wala na akong pakialam sa iba... sa kapangyarihan o sa sarili ko... basta ang mahalaga, okay sila," sabi pa niya.Umigting lang ang panga ni Harold. Alam niyang buo na ang desisyon ni Theo. Kaya wala na siyang magagawa pa kundi ang sundin ang gusto nito. Sa mga oras na iyon, may napagtanto si Harold. Totoo ang nararamdaman ni Theo kay Amanda. Totoo ang pagmamahal nito para sa babae. At alam niyang kahit siya na may nararamdaman kay Amanda ay hindi kayang tapatan iyon."Sige. Ako ang magpeperform ng surgery. Pero ipangako mo sa akin na kailangang magpakatatag ka. Hindi pwedeng hindi maging successful ito," seryosong wika ni Harold kay Theo.Tumango l

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 302: The Donor

    "TINULUNGAN KAMI ng ama mo. Bata palang ako, sakitin na ako. Namatay na ang tunay kong ama noong ipinanganak ako kaya hirap ang Mama ko noon. Pero dahil sa pagtulong ng ama mo sa amin, nag iba ang tingin ng mommy mo sa kaniya. Akala niya... kabit ng tatay mo ang Mama ko."Hindi alam ni Theo kung paano iproproseso lahat ng iyon sa utak niya. Parang ang hirap paniwalaan! Iba ang namulat sa utak niyang katotohanan. Tapos ngayon ito... maririnig niya ang bersyon ng katotohanan ni Harold... ang taong kinamumuhian niya dahil para sa kaniya, inagaw nito ang atensyon na dapat ay nasa kaniya sa ama nito.Napailing na lang si Theo. "Hindi... Hindi ko alam kung paano tatanggapin lahat ng iyan ngayon..." para bang nanghihinang wika na lang niya.Tumango lang si Harold. Naiintindihan naman niya kasi alam niyang hindi basta basta lahat ng iyon. Ang hindi nila alam pareho ay may taong nakikinig sa usapan nila pareho. Walang iba kundi si Therese.Tila natuklaw ng ahas si Therese sa mga nalaman tungko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status