Share

CHAPTER 262: The Earring

Penulis: YULIANNE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-30 13:47:35
IMBES NA SAGUTIN, naging tahimik lang si Amanda. Halatang ayaw nitong ientertain ang sinabi ni Theo. Nanlumo naman si Theo doon. Gusto niyang maliwanagan pero paano kung si Amanda na mismo ang umiiwas? Ayaw naman niyang pilitin ito.

Napabuntong hininga si Theo at umiwas na rin ng tingin. "Bibisita na lang ulit ako mamayang gabi o kapag maluwag ang schedule ko. Basta gagawan ko ng paraan para mas makasama ko ng matagal ang anak ko," may pinal na sabi pa niya.

Kumunot ang noo ni Amanda. "Pero..." aalma pa sana ito pero napaigting na lang ng panga si Theo. Pinigil ni Amanda ang sariling magsalita.

"Sana 'wag mong ipagdamot sa akin iyon, Amanda. Sandali lang naman. Ang haba ng panahon na hindi ko siya nakita kaya gusto kong sulutin iyon ngayong nandito na siya ulit," sagot naman ni Theo.

Napalunok si Amanda bago unti unting tumango. "Sige. Ikaw ang bahala," aniya at hindi na talaga sinalubong pa ang tingin ni Theo.

Tumango lang si Theo pero tila malaking tinik ang nabunot sa dibdib ni
YULIANNE

Lalayag na ba? Lol.

| 13
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (7)
goodnovel comment avatar
Annalyn Reyes
akala ko sasagutin ni amanda si theo kung nasaan yung kailagan siya ni amanda noon kung nasa tabi ba siya noong nanganganak siya, kaya di masisi si amanda di siya humingibtulong kay theo eh kc di naman siya na priority eh
goodnovel comment avatar
Annalyn Reyes
update please
goodnovel comment avatar
Lorena
ilayag muna author nakakapagod na mag basa ng masasakit na episode nila.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 301: The Talk With The So-called Brother

    UMIGTING LANG ANG panga ni Theo nang makita ang lungkot sa mga mata ni Therese. Gustuhin man niyang yakapin ito, hindi niya ginawa upang mas marealized ng ina niya ang mga kamaliang ginawa. Nanatili lang siya sa pwesto nito."A-Alam ko namang mali lahat ng iyon pero... ganito na lang ba talaga tayo? I-Iiwan mo na rin ako kagaya ng ama mo? Hahayaan mo na lang akong mag isa? Ganito na lang ba talaga ako hanggang sa pagtanda ko?" Sabi pa ng ina nito. Iniisip palang ni Therese ang lahat, parang pinanghihinaan na siya.Kahit ilang ulit niyang sinasabi sa sarili na kakayanin niya, alam niyang hindi gano'n kadali iyon. Kahit nakaya niya ng ilang taon, hindi ibig sabihin no'n ay makakaya pa niya sa mga susunod pa. Dahil sobrang hirap mag isa. Malungkot... at ang dilim ng mundo kapag mag isa lang siya.Nag iwas ng tingin si Theo. Hindi na niya nakayanan pa ang pagtitig sa mga mata ni Therese. "Kung nalulungkot ka, pwede ka namang maghanap ng ibang kasama mo dito," wika pa niya. "Aalis na ako..

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 300: The Bracelet

    "ALAM MO NA kung ano ang sagot ko diyan, Theo. Kung ano man itong mayroon sa atin ngayon, pansamantala lang. At 'yung tungkol sa singsing pala na binigay mo sa 'kin..." Bahagyang tumigil si Amanda at bumuntong hininga. "Walang ibig sabihin iyon sa akin. Sa huli, buo pa rin ang desisyon kong... umalis."Wala ng pakialam si Amanda kung masyado siyang naging marahas sa sinabi. Ang gusto lang niya ay tumatak sa isipan ni Theo ang orihinal niyang mga plano na hindi naman talaga lingid sa kaalaman nito."'Wag mo ring pigilan ang sarili mong magkagusto sa iba, Theo. Dahil ayos lang talaga sa 'kin... walang problema..." dagdag pa ni Amanda.May dumaang sakit sa mga mata ni Theo. Pero kahit na gano'n, sinikap pa rin nitong ngumiti at umaktong hindi ito nasaktan sa mga sinabi ni Amanda. Nilunok niya ang bata sa lalamunan bago muling nagsalita."May mga regalo ka sa kabilang kwarto na mula sa mga ilang kakilala. Pwede mong puntahan para mabuksan mo," sabi na lang niya at iniba ang usapan.Tumang

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 299: The Traitor's Love

    NAPATUNGO NA lang si Amanda sa balikat ng kapatid. Pakiramdam niya ay nanghina siya sa mga nalaman. Hindi niya talaga lubos maisip na ang itinuring niyang kaibigan ay isa palang huwad at traydor."Alam niya lahat ng mga pinagdaanan ko kay Theo, Kuya. Ikwinento ko lahat sa kaniya kasi may tiwala ako sa kaniya. Pero hindi ko talaga inaakala na ang itinuring kong kaibigan ay siya rin pala ang dahilan ng pagbagsak natin noon..." pagkukwento pa ni Amanda sa kapatid. "Hindi ko na alam... hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi na ipinakita niya sa 'kin...""Alam kong mabigat ito, Amanda. Pero lalabas din ang lahat. Sisiguraduhin ko iyan..." Sabi na lang ni Armando at hinaplos ang likod ni Amanda.Naiyak na ng tuluyan si Amanda. Kaarawan pa naman niya ngayon. Nagsimula sa masaya dahil sa wakas ay nakita na niyang muli ang kaniyang Kuya Armando tapos ito naman ngayon ang malalaman niya. Bakit naman binawi agad ang sayang naramdaman niya kanina?Nagstay pa ng ilang minuto si Amanda doon.

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 298: The Revenge

    GULAT NA GULAT pa rin talaga si Amanda. Hindi siya makapaniwala. Nasa harapan niya talaga ngayon ang Kuya niya.Iisang tao lang naman ang may gawa nito. Si Theo... siya lang naman ang may kakayahang palabasin sa kulungan si Armando na ganito kadali. At dahil dito, parang mas naging espesyal tuloy ang birthday niya."Happy birthday to you..." pagkanta ni Sylvia na lumapit na rin nang hindi namamalayan ni Amanda. May hawak itong cake at nakangiti sa kaniya ng malawak.Si Baby Alex ay hindi na rin namalayan ni Amanda na nagising na rin at bumaba na. Ang unang ginawa ng bata ay talagang nanakbo kay Armando at yumakap dito."Tito! Andito po kayo!" bulalas ni Baby Alex. Kilala nito ang lalaki dahil ikinukwento ito madalas ni Amanda sa kaniya. Matalino si Baby Alex kaya naman natatandaan nito lahat ng tungkol kay Armando.Hinipan na ni Amanda ang kandila sa cake matapos siyang magwish. Grabe. May init na bumabalot sa puso niya ngayon dahil nandito talaga ang kuya Armando niya! Ang haba rin n

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 297: The Brother Is Back

    BUSY SI AMANDA sa pagrereview ng mga ilang dokumento tungkol sa restaurant niya. About iyon sa sales at hindi niya maiwasang matuwa. Malaki kasi ang kita nila at kahit hindi siya magpunta doon, maayos magtrabaho ang mga empleyado niya. Hindi bumababa ang sales nila.Habang busy sa pagtingin ng dokumento si Amanda, saka naman dumating si Theo. Napansin nito ang pinagkabusyhan ni Amanda at hindi mapigilang magsalita tungkol doon. Pasimple pa nitong hinawakan sa balikat ang babae na parang nakaakbay na ito."Gusto mo ng tulong para diyan? Pwede kong iutos sa finance sa kompaniya ko. Para hindi ka na gaanong mahirapan pa," pag offer pa ni Theo ng tulong.Agad na umiling si Amanda. "Hindi naman na kailangan. Hindi nila trabaho ito. At alam ko ring busy sila," aniya. "Ayaw kong makasagabal sa iba. Gusto kong imaintain ang pagiging professional ko," dagdag pa niya.Natawa si Theo. Expected naman na niya iyon pero umasa pa rin siya kahit papaano na mabago ang isip ni Amanda. Gusto lang din n

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 296: The Stuff Toy

    ANG HULING PAGKAKATANDA ni Amanda kay Luigi ay isa itong mabuti at madaling lapitan na tao. Natatandaan pa niya noon na nakakasalamuha niya ito kapag may mga event. Hindi pa lugmok ang pamilya nila noon at kaya pang makipagsabayan sa mga taga alta. Hindi pwedeng hindi mo mapansin ang isang Luigi Torregoza. Sa tikas at gwapo ba naman ito.Ngayon ay nakita na niya naman ito. At gusto siya nitong makausap. Nag aalangan si Amanda kasi alam naman niya kung gaano kadisgusto dito si Theo. Pero naisip niya na siguro ay ayos lang din naman. Kaya naman tumango siya sa sinabi ni Luigi at mabilis na lumabas na kotse. "Ano po ang pag uusapan natin?" magalang na tanong ni Amanda.Bumuntong hininga si Luigi bago tuluyang sumagot. "Gusto ko lang malaman kung kumusta na ang... anak at apo ko..."Natigilan si Amanda doon. Hindi niya mapigilang maguluhan. Kasi syempre, iniwan niya si Theo noong bata pa ito tapos ngayon ay kakamustahin niya? Na para bang walang nangyari. Pero hindi magawang magalit ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status