Share

CHAPTER 263: The Feelings

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-05-31 09:25:49

"A-ANO BANG PAKIALAM mo?" iritadong sabi ni Amanda. Pero nahalata agad ni Theo na tila nagtatapang tapangan lang ito kaya sa loob loob niya ay napangisi siya.

"Amanda... wala ka bang naging karelasyon sa mga nagdaang taon? Dahil kung meron man... hindi ka magiging ganito kaapektado," sabi naman ni Theo.

"Kung anu ano ang pinagsasabi mo, Theo. Itigil mo nga 'to!" asik pa ni Amanda kay Theo. This time, talagang ibinigay na niya ang lakas niya upang tuluyang makawala kay Theo. Mukhang nagtagumpay naman siya dahil bahagya nga siyang nakawala. 'Yon nga lang, nahuli naman siya agad ni Theo sa kaniyang pulsuhan ulit. Mabilis ang kilos ng lalaki at wala naman siyang laban dahil mas malakas ito.

"Anong meron sa inyo ni Harold, Amanda? Ni minsan ba, sumagi sa isip mo na... piliin siya? Na siya na lang ang kasama mong magsettle down?" lakas loob na tanong ni Theo.

Napalunok na lang si Amanda at sinubukan na tapangan ang ekspresyon kahit na medyo kabado talaga siya. "Hindi ko kailangang sagutin i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Krsh Bhyn
tapusin mo na ang kwento
goodnovel comment avatar
Rysie Miranda
mukhang may happy ending na tayo...️...️...️
goodnovel comment avatar
Lorena
sawakas nilalayag na din.🥹.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 265: The Voice

    NANG LUMABAS NA si Theo sa apartment nila Amanda ay nanatili muna siya sa loob ng kaniyang kotse at nanigarilyo saglit. Magpapakalma muna siya dahil magulo pa ang isipan niya.Ang kaso, natigil ang paghithit niya sa sigarilyo nang nakita ang medical records sa dashboard ng kaniyang kotse. "Dapat ko ng tigilan 'to..." bulong niya sa sarili bago itapon ang sigarilyo. Mas makakasama sa anak niya kung ganitong magpapatuloy pa siya sa paninigarilyo. Wala naman kasi itong maidudulot na mabuti. Makalipas ang ilang minuto, pinaandar na rin papalayo ni Theo ang kotse. At ilang saglit lang, nakarating na siya sa family house nila Amanda kung saan siya tumutuloy ngayon.Pagkarating doon ay nakita niya agad ang isang taong hindi niya inaasahan na darating ngayon. Wala naman kasi silang usapan na dapat silang magkita ngayon."Anong ginagawa niyo dito, Mom?" takhang tanong ni Theo kay Therese."Gusto kitang makausap tungkol sa isang importanteng bagay, Theo," seryosong wika ni Therese at halos h

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 264: The Smile

    PORMAL NA PORMAL ang kasuotan ni Theo. Tapos ito siya, talaga namang game na game na kumilos sa kusina. Walang arte ito doon kahit na nauusukan na ito. Napapangiti pa nga ito dahil natutuwa ito sa mga mumunting hagikhik ni Baby Alex.Nang kumain na sila, asikasong asikaso ni Theo ang anak. Kandong niya ito sa kaniyang hita at ito pa mismo ang nagsusubo ng pagkain dito."More pa, baby?" marahang tanong ni Theo sa anak."Yes, daddy!" sagot naman nito. Agad naman itong sinubuan ni Theo. Napangiti na lang ulit si Theo.Napansin iyon ni Amanda. Magana kasing kumain ngayon si Baby Alex. Hindi naman ito ganito. Ngayon lang na mayroon si Theo. Kumakain naman ito ng tama lagi pero ngayon kasi, masaya ito kaya kain ito ng kain. Napatingin na lang si Amanda sa kaniyang pagkain at nagpatuloy sa pagsubo. Mas lalo lang siyang naguguluhan kung ano ang dapat gawin. Kaya ba niyang ilayo ang ganitong kasiyahan ng anak niya? Kaya ba niyang ilayo ang anak niya kay Theo?Dahil sa pananahimik ni Amanda, h

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 263: The Feelings

    "A-ANO BANG PAKIALAM mo?" iritadong sabi ni Amanda. Pero nahalata agad ni Theo na tila nagtatapang tapangan lang ito kaya sa loob loob niya ay napangisi siya."Amanda... wala ka bang naging karelasyon sa mga nagdaang taon? Dahil kung meron man... hindi ka magiging ganito kaapektado," sabi naman ni Theo."Kung anu ano ang pinagsasabi mo, Theo. Itigil mo nga 'to!" asik pa ni Amanda kay Theo. This time, talagang ibinigay na niya ang lakas niya upang tuluyang makawala kay Theo. Mukhang nagtagumpay naman siya dahil bahagya nga siyang nakawala. 'Yon nga lang, nahuli naman siya agad ni Theo sa kaniyang pulsuhan ulit. Mabilis ang kilos ng lalaki at wala naman siyang laban dahil mas malakas ito."Anong meron sa inyo ni Harold, Amanda? Ni minsan ba, sumagi sa isip mo na... piliin siya? Na siya na lang ang kasama mong magsettle down?" lakas loob na tanong ni Theo.Napalunok na lang si Amanda at sinubukan na tapangan ang ekspresyon kahit na medyo kabado talaga siya. "Hindi ko kailangang sagutin i

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 262: The Earring

    IMBES NA SAGUTIN, naging tahimik lang si Amanda. Halatang ayaw nitong ientertain ang sinabi ni Theo. Nanlumo naman si Theo doon. Gusto niyang maliwanagan pero paano kung si Amanda na mismo ang umiiwas? Ayaw naman niyang pilitin ito.Napabuntong hininga si Theo at umiwas na rin ng tingin. "Bibisita na lang ulit ako mamayang gabi o kapag maluwag ang schedule ko. Basta gagawan ko ng paraan para mas makasama ko ng matagal ang anak ko," may pinal na sabi pa niya.Kumunot ang noo ni Amanda. "Pero..." aalma pa sana ito pero napaigting na lang ng panga si Theo. Pinigil ni Amanda ang sariling magsalita."Sana 'wag mong ipagdamot sa akin iyon, Amanda. Sandali lang naman. Ang haba ng panahon na hindi ko siya nakita kaya gusto kong sulutin iyon ngayong nandito na siya ulit," sagot naman ni Theo.Napalunok si Amanda bago unti unting tumango. "Sige. Ikaw ang bahala," aniya at hindi na talaga sinalubong pa ang tingin ni Theo.Tumango lang si Theo pero tila malaking tinik ang nabunot sa dibdib niya.

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 261: The Constant Communication

    "D-DADDY, NAGKA-CRY po ba kayo?" inosenteng tanong bigla ni Baby Alex nang makita ang namamasang mga mata ni Theo.Bahagyang natawa si Theo at agad na umiling. "Hindi, anak. N-Napuwing lang si Daddy. Hindi ako nagcacry," aniya at ngumiti pa."Gano'n po ba? Gusto niyo hipan ko po?" Tumango si Theo. "Sige, anak," sagot niya.Marahang hinawakan ni Baby Alex ang magkabilang pisngi ni Theo. Mas lumapit naman si Theo sa bata. Kalaunan, naramdaman na niya ang ang pag ihip ni Baby Alex sa kaniyang mga mata. Mas lalo lang napangiti si Theo sa simpleng gesture ng kaniyang anak."Okay na po?" mabait na tanong ni Baby Alex."Oo. Salamat, anak," sagot naman ni Theo.Ngumiti si Baby Alex. "Ganiyan po ginagawa ko kapag umiiyak si mommy..."Naging seryoso ang ekspresyon ni Theo. "H-Hindi naman ako umiiyak," pagtanggi pa niya kahit na nahuli naman na siya ng anak. Kung paano narealized ng anak niya iyon, hindi na niya gaanong inisip pa. Halata namang matalinong bata si Baby Alex kahit sa murang edad

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 260: The Father And Daughter

    AKALA NI THEO ay namamalikmata lang siya. Pero si Amanda talaga itong nasa harapan niya ngayon. Hindi niya inaasahan na makikita niyo ito ngayon dito lalo pa at may dinalaw lang siyang business partner niya at tinanong ang progress ng isa sa mga product na finoformulate nila ngayon."Amanda, ikaw nga..." ani Theo at mas lumapit pa kay Amanda."D-Diyan ka lang!" natatanrantang sabi ni Amanda nang humakbang na papalapit si Theo. Paanong hindi siya matataranta eh, kalapit lang ang kwarto ni Baby Alex. Baka magkita ang mga ito agad! Wala pa sa plano iyon."Huh?" Naguguluhan na sabi ni Theo na ngayon ay may kunot na sa noo. Bakit naman kasi ayaw siya nitong papalapitin sa kaniya? Syempre, gusto niya itong makita sa malapitan."Diyan ka lang sabi, eh!" asik ni Amanda nang muli na namang humakbang si Theo.Mas lalo lang naguluhan si Theo. Ngunit may napansin siya kay Amanda. Namumula ang mga mata nito na tila ba umiyak. Nagtakha naman siya. Anong dahilan o rason ng pag iyak nito?"Ayos ka la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status