Share

CHAPTER 267: The Hotel Room

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-06-04 11:46:31

NAPANSIN NG GINANG NA hindi na gaanong kumportable si Amanda sa binuksan niyang topic kaya iniba na lang niya ang usapan. Mabuti na lang din dahil ayaw ngang pag usapan ang mga bagay na iyon.

Medyo late na nang natapos ang party na iyon. Lumabas si Amanda mula sa venue. Nagkahiwalay na rin sila ng landas ni Eva Allejo ana mukhang ayaw pa siyang pakawalan dahil halatang nabitin sa kwentuhan nila. Pero nauna rin namang umalis ang babae dahil dumating ang sundo nito.

Habang nakatayo si Amanda, may isang sasakyan bigla ang tumigil sa harapan niya. Bumukas ang pintuan no'n ay iniluwa si Theo. Bakas na bakas ang gulat sa mukha ni Amanda nang makita ang lalaki pero mas nadagdagan lang ang gulat na iyon nang bigla siyang hinila nito at yinakap ng mahigpit.

"T-Theo!" asik ni Amanda sa lalaki lalo pa nang hilahin siya nito sa backseat ng kotse. Dahil sa gulat, hindi agad nakabawi si Amanda. Ayaw siyang pakawalan ni Theo!

May pinindot na kung ano si Theo na siyang nakapagpababa ng harang sa pagi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
nagiePangani
binitin pa n author eh ha ha ha
goodnovel comment avatar
Liza Paballa
bumabawi kna ngayon author s stress s mga ng babasa
goodnovel comment avatar
Micthiyeos Eos
malapit Na ang masayang wakas eiii
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 268: The Rejection

    IMBES NA SUMAGOT, napayakap na lang ng mahigpit si Amanda kay Theo. Napayakap siya dahil pakiramdam niya ay parang papanawan siya ng ulirat bigla. Kailangan niya ng makakapitan.Ramdam ni Amanda ang init ng katawan ni Theo. Malakas ang buga ng aircon sa kwarto pero walang wala iyon sa init ng katawan nila para sa isa't isa.Nang nagkatinginan sila sa mga mata, parang mas lalong nag init si Amanda. Kitang kita niya ang nagbabagang tingin ni Theo para sa kaniya na tila kaunting kalabit na lang ay sasabog na ito. "Ayos ka lang?" tanong ni Theo kay Amanda sa marahang boses. Hindi mapigilang mag alala ni Theo. Ayaw niyang pilitin si Amanda dito. Pero ngayong mas natititigan niya ang kagandahan nito, parang mas nag iinit lang siya lalo. Parang hindi na niya kakayanin pa."'Wag ka na lang magsalita," sabi ni Amanda at nag iwas ng tingin sa kaniya.Sumunod naman si Theo. Hinalikan niyang muli si Amanda sa labi. Mas intense iyon at halos hindi na siya tumigil pa kung hindi lang sila malalagut

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 267: The Hotel Room

    NAPANSIN NG GINANG NA hindi na gaanong kumportable si Amanda sa binuksan niyang topic kaya iniba na lang niya ang usapan. Mabuti na lang din dahil ayaw ngang pag usapan ang mga bagay na iyon.Medyo late na nang natapos ang party na iyon. Lumabas si Amanda mula sa venue. Nagkahiwalay na rin sila ng landas ni Eva Allejo ana mukhang ayaw pa siyang pakawalan dahil halatang nabitin sa kwentuhan nila. Pero nauna rin namang umalis ang babae dahil dumating ang sundo nito.Habang nakatayo si Amanda, may isang sasakyan bigla ang tumigil sa harapan niya. Bumukas ang pintuan no'n ay iniluwa si Theo. Bakas na bakas ang gulat sa mukha ni Amanda nang makita ang lalaki pero mas nadagdagan lang ang gulat na iyon nang bigla siyang hinila nito at yinakap ng mahigpit."T-Theo!" asik ni Amanda sa lalaki lalo pa nang hilahin siya nito sa backseat ng kotse. Dahil sa gulat, hindi agad nakabawi si Amanda. Ayaw siyang pakawalan ni Theo!May pinindot na kung ano si Theo na siyang nakapagpababa ng harang sa pagi

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 266: The Curiosity

    TATLONG ARAW ANG lumipas at muling nasilayan ni Theo si Amanda sa isang charity dinner. Galing pa siya sa trabaho kaya medyo pagod pero nang nakita ang babae, nabura iyon bigla.Ang kaso, ang tuwa sa dibdib ay agad ding nabura nang makita na may kasama itong lalaki. Kausap niya ito at tila may nakakatuwa sa kung anong pinag uusapan nila kaya napakuyom na lang ng kamao si Theo."Theo, kumalma ka..." bulong ni Theo sa sarili dahil baka bigla na lang niyang mahila si Amanda papalayo sa lalaking kausap nito.Kinalma niya ang sarili lalo pa at nagsimula na ang auction for a cause. May pinabid na necklace ang emcee kaya napunta doon ang atensyon ng lahat. At dahil sa pagtitig ni Theo kay Amanda, ni hindi niya namalayan na nakuha na ang kwintas at ang kasama ni Amanda ang nakakuha no'n.Tuwang tuwa ang lahat, maging si Amanda na malawak ang ngiti at kasama sa mga pumapalakpak.Mas lalo lang nawalan ng gana si Theo dahil do'n. Gustuhin man niyang umiwas, pero talaga namang pasaway ang mga mat

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 265: The Voice

    NANG LUMABAS NA si Theo sa apartment nila Amanda ay nanatili muna siya sa loob ng kaniyang kotse at nanigarilyo saglit. Magpapakalma muna siya dahil magulo pa ang isipan niya.Ang kaso, natigil ang paghithit niya sa sigarilyo nang nakita ang medical records sa dashboard ng kaniyang kotse. "Dapat ko ng tigilan 'to..." bulong niya sa sarili bago itapon ang sigarilyo. Mas makakasama sa anak niya kung ganitong magpapatuloy pa siya sa paninigarilyo. Wala naman kasi itong maidudulot na mabuti. Makalipas ang ilang minuto, pinaandar na rin papalayo ni Theo ang kotse. At ilang saglit lang, nakarating na siya sa family house nila Amanda kung saan siya tumutuloy ngayon.Pagkarating doon ay nakita niya agad ang isang taong hindi niya inaasahan na darating ngayon. Wala naman kasi silang usapan na dapat silang magkita ngayon."Anong ginagawa niyo dito, Mom?" takhang tanong ni Theo kay Therese."Gusto kitang makausap tungkol sa isang importanteng bagay, Theo," seryosong wika ni Therese at halos h

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 264: The Smile

    PORMAL NA PORMAL ang kasuotan ni Theo. Tapos ito siya, talaga namang game na game na kumilos sa kusina. Walang arte ito doon kahit na nauusukan na ito. Napapangiti pa nga ito dahil natutuwa ito sa mga mumunting hagikhik ni Baby Alex.Nang kumain na sila, asikasong asikaso ni Theo ang anak. Kandong niya ito sa kaniyang hita at ito pa mismo ang nagsusubo ng pagkain dito."More pa, baby?" marahang tanong ni Theo sa anak."Yes, daddy!" sagot naman nito. Agad naman itong sinubuan ni Theo. Napangiti na lang ulit si Theo.Napansin iyon ni Amanda. Magana kasing kumain ngayon si Baby Alex. Hindi naman ito ganito. Ngayon lang na mayroon si Theo. Kumakain naman ito ng tama lagi pero ngayon kasi, masaya ito kaya kain ito ng kain. Napatingin na lang si Amanda sa kaniyang pagkain at nagpatuloy sa pagsubo. Mas lalo lang siyang naguguluhan kung ano ang dapat gawin. Kaya ba niyang ilayo ang ganitong kasiyahan ng anak niya? Kaya ba niyang ilayo ang anak niya kay Theo?Dahil sa pananahimik ni Amanda, h

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 263: The Feelings

    "A-ANO BANG PAKIALAM mo?" iritadong sabi ni Amanda. Pero nahalata agad ni Theo na tila nagtatapang tapangan lang ito kaya sa loob loob niya ay napangisi siya."Amanda... wala ka bang naging karelasyon sa mga nagdaang taon? Dahil kung meron man... hindi ka magiging ganito kaapektado," sabi naman ni Theo."Kung anu ano ang pinagsasabi mo, Theo. Itigil mo nga 'to!" asik pa ni Amanda kay Theo. This time, talagang ibinigay na niya ang lakas niya upang tuluyang makawala kay Theo. Mukhang nagtagumpay naman siya dahil bahagya nga siyang nakawala. 'Yon nga lang, nahuli naman siya agad ni Theo sa kaniyang pulsuhan ulit. Mabilis ang kilos ng lalaki at wala naman siyang laban dahil mas malakas ito."Anong meron sa inyo ni Harold, Amanda? Ni minsan ba, sumagi sa isip mo na... piliin siya? Na siya na lang ang kasama mong magsettle down?" lakas loob na tanong ni Theo.Napalunok na lang si Amanda at sinubukan na tapangan ang ekspresyon kahit na medyo kabado talaga siya. "Hindi ko kailangang sagutin i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status