Share

CHAPTER 271: The Family House

Penulis: YULIANNE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-08 21:15:00

NAESTATWA SI GERALD sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Paanong nangyari iyon? Isa iyong malaking imposible! Pinagloloko lang siya nitong si Gianna!

"Totoo ang sinabi ko, Gerald. Buntis ako! Buntis ako sa anak mo! Ang dinadala ko ngayon ay dugo't laman mo rin! Hinding hindi mo mababago ang katotohanang iyon kahit bali baliktarin mo pa ang mundo!" dagdag pa ni Gianna.

Isang mapang uyam na tawa ang pinakawalan ni Gerald. Nanindig ang balahibo ni Gianna doon. Mapanganib ang tawang iyon na nagmula sa lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso ni Gianna. Halos hindi siya nakatingin ng deretso kay Gerald.

"Sa tingin mo maloloko mo ako, huh?" ani Gerald at napangisi pa.

Kahit na natatakot, pinatapang pa rin ni Gianna ang ekspresyon niya. Hindi niya bibigyan si Gerald ng satisfaction na makita siyang natatakot!

"Totoo ang sinasabi ko!" Sabi pa ni Gianna kay Gerald.

"Ano ngayon? Edi ipanganak mo ang batang nasa sinapupunan mo at 'wag mong asahan na magbabago pa rin ang tingin ko sa iyo," sagot ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 272: The Old Wound

    LUMABAS na sila sa kotse. Si Theo na ang bumuhat kay Baby Alex na kyuryusong nakatingin kay Amanda."Daddy, bakit po nagcacry si mommy?" inosenteng tanong ni Baby Alex."Kasi... bad si Daddy, anak. May nagawa akong kasalanan sa mommy mo kaya sad siya," sagot ni Theo sa anak at malungkot na lang na ngumiti.Naguluhan lang ang bata lalo. Gusto pa nitong magtanong pero hindi na ginawa dahil alam niyang pang 'adult' nga lang ang rason kung bakit emosyonal ang kaniyang mommy. Kumalma rin naman kalaunan si Amanda dahil naalala niyang nakatingin ang anak niya. Inaya na rin sila ni Theo na pumasok na sa loob ng bahay. Agad silang sinalubong ng pamilyar na kasambahay na naging malapit na rin kay Amanda."M-Ma'am Amanda!" bulalas ng kasambahay, bakas na bakas ang gulat sa ekspresyon nito.Ngumiti si Amanda. "Amanda na lang po. Hindi niyo naman na ako amo, eh," aniya.Bahagyang lumungkot ang ekspresyon ng kasambahay. Pero wala namang magagawa si Amanda dahil iyon naman talaga ang totoo. Napatin

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 271: The Family House

    NAESTATWA SI GERALD sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Paanong nangyari iyon? Isa iyong malaking imposible! Pinagloloko lang siya nitong si Gianna!"Totoo ang sinabi ko, Gerald. Buntis ako! Buntis ako sa anak mo! Ang dinadala ko ngayon ay dugo't laman mo rin! Hinding hindi mo mababago ang katotohanang iyon kahit bali baliktarin mo pa ang mundo!" dagdag pa ni Gianna.Isang mapang uyam na tawa ang pinakawalan ni Gerald. Nanindig ang balahibo ni Gianna doon. Mapanganib ang tawang iyon na nagmula sa lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso ni Gianna. Halos hindi siya nakatingin ng deretso kay Gerald."Sa tingin mo maloloko mo ako, huh?" ani Gerald at napangisi pa.Kahit na natatakot, pinatapang pa rin ni Gianna ang ekspresyon niya. Hindi niya bibigyan si Gerald ng satisfaction na makita siyang natatakot!"Totoo ang sinasabi ko!" Sabi pa ni Gianna kay Gerald."Ano ngayon? Edi ipanganak mo ang batang nasa sinapupunan mo at 'wag mong asahan na magbabago pa rin ang tingin ko sa iyo," sagot ni

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 270: The Pregnancy

    TATLONG TAON NA ANG lumipas at tuluyan ng pinutol ni Loreign ang kung ano man ang meron siya noon kay Gerald. Ayaw na niyang makibalita sa nangyayari sa lalaki dahil wala na rin naman siyang pakialam.At ngayong nandito na sa harapan niya si Gerald, parang ang hirap paniwalaan. Parang produkto lang ito ng imahinasyon ni Loreign.Gano'n pa rin naman ang ere ni Gerald, malalaman mo agad na galing ito sa mayamang angkan. Nakakaintimidate pa rin ito pero siyempre, hindi na si Loreign ang babae na madaling maapektuhan pagdating kay Gerald. Marami na ring nagbago sa kaniya sa mga nagdaang panahon.Bumaba ang paningin ni Gerald muli sa box kung nasaan ang kwintas na bigay ni Gio kay Loreign. Alam niyang galing iyon kay Gio dahil nabalitaan niyang nakuha nga nito ang pinakamataas na bid sa party na pinuntahan nito. Hindi siya makapaniwala na magugustuhan ni Gerald si Loreign. Ang huling balita rin naman niya kasi ay si Amanda ang gusto nito. Pero ganito bigla.Bakas ang tuwa sa mga mata ni Lo

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 269: The Jewelry Necklace

    HINATID PAPAUWI NI Theo si Amanda. Tahimik lang sila sa biyahe. Walang nagtangkang basagin ang katahimikang iyon hanggang sa nakarating na sila sa harapan ng apartment ni Amanda."Una na ako," paalam ni Amanda kay Theo, hindi man lang tinatapunan ng tingin ang lalaki.Tumango si Theo biglang sagot. "Oo nga pala... 'yung tungkol sa usapan natin...""Anong usapan?" takhang tanong ni Amanda."'Yung tungkol sa anak natin. Susunduin ko siya samakalawa," sagot ni Theo.Agad namang kumalma ang ekspresyon ni Amanda. "Oh. Okay. Walang problema sa 'kin," pormal na wika niya kay Theo. "Bababa na ako," paalam pa niya at akmang bababa na talaga pero mabilis siyang pinigilan ni Theo sa pamamagitan ng paghuli sa kaniyang pulsuhan."Kinamumuhian mo pa rin ba ako, Amanda?" tanong ni Theo na siyang ikinatigil ni Amanda.Hindi niya inaasahan na itatanong pa talaga ni Theo ang ganoong klaseng tanong sa oras na ito. Tiningnan niya ito sa malamig na paraan bago sumagot. "Alam mo na kung anong sagot diyan,

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 268: The Rejection

    IMBES NA SUMAGOT, napayakap na lang ng mahigpit si Amanda kay Theo. Napayakap siya dahil pakiramdam niya ay parang papanawan siya ng ulirat bigla. Kailangan niya ng makakapitan.Ramdam ni Amanda ang init ng katawan ni Theo. Malakas ang buga ng aircon sa kwarto pero walang wala iyon sa init ng katawan nila para sa isa't isa.Nang nagkatinginan sila sa mga mata, parang mas lalong nag init si Amanda. Kitang kita niya ang nagbabagang tingin ni Theo para sa kaniya na tila kaunting kalabit na lang ay sasabog na ito. "Ayos ka lang?" tanong ni Theo kay Amanda sa marahang boses. Hindi mapigilang mag alala ni Theo. Ayaw niyang pilitin si Amanda dito. Pero ngayong mas natititigan niya ang kagandahan nito, parang mas nag iinit lang siya lalo. Parang hindi na niya kakayanin pa."'Wag ka na lang magsalita," sabi ni Amanda at nag iwas ng tingin sa kaniya.Sumunod naman si Theo. Hinalikan niyang muli si Amanda sa labi. Mas intense iyon at halos hindi na siya tumigil pa kung hindi lang sila malalagut

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 267: The Hotel Room

    NAPANSIN NG GINANG NA hindi na gaanong kumportable si Amanda sa binuksan niyang topic kaya iniba na lang niya ang usapan. Mabuti na lang din dahil ayaw ngang pag usapan ang mga bagay na iyon.Medyo late na nang natapos ang party na iyon. Lumabas si Amanda mula sa venue. Nagkahiwalay na rin sila ng landas ni Eva Allejo ana mukhang ayaw pa siyang pakawalan dahil halatang nabitin sa kwentuhan nila. Pero nauna rin namang umalis ang babae dahil dumating ang sundo nito.Habang nakatayo si Amanda, may isang sasakyan bigla ang tumigil sa harapan niya. Bumukas ang pintuan no'n ay iniluwa si Theo. Bakas na bakas ang gulat sa mukha ni Amanda nang makita ang lalaki pero mas nadagdagan lang ang gulat na iyon nang bigla siyang hinila nito at yinakap ng mahigpit."T-Theo!" asik ni Amanda sa lalaki lalo pa nang hilahin siya nito sa backseat ng kotse. Dahil sa gulat, hindi agad nakabawi si Amanda. Ayaw siyang pakawalan ni Theo!May pinindot na kung ano si Theo na siyang nakapagpababa ng harang sa pagi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status