HIYANG-HIYA SI Amanda bilang babae. Pakiramdam niya ang cheap cheap niya dahil sa pagtrato sa kaniya ni Theo. Gumagalaw ito sa ibabaw niya habang nakadapa siya sa sofa, walang pagdahan-dahan. Wala na itong pakialam kahit pa nasasaktan si Amanda sa size ng pagkalalaki niyang nasa loob niya.Marahas si Theo at halatang sarap na sarap. Nakahawak siya sa buhok ni Amanda, hinihila iyon habang mahigpit ang hawak niya sa pang-upo nito.Hindi na namalayan pa ni Theo na may hawak na fruit knife si Amanda na nahila niya sa side table kanina. Wala ng oras pa si Amanda para isipin kung bakit may kutsilyo doon dahil ang nasa isip niya ng mga oras na iyon ay ang matapos na ang lahat ng ito."Oh, fuck! Ang sikip mo pa rin!" ungol ni Theo. Ilang ulos pa ay natapos na rin ito. Hingal na hingal siya sa likod ni Amanda bago isara ang zipper nito. Ngumisi si Theo nang nasulyapan ang paghawak ni Amanda sa fruit knife. "Saan mo nakuha 'yan? Bakit? Plano mo akong patayin? Kaya mo ba?" nang-uuyam na tanong
"KUMAIN KA na."Hindi pa rin kumibo si Amanda nang marinig si Theo. Ayaw niyang pansinin ito. Ilang ulit na niyang pinagtabuyan ang lalaki pero likas na matigas ang ulo nito at hindi siya sinunod sa gusto. Kung sa bagay, si Theo ito. Ipagpipilitan niya talaga kung anong gusto niya."Kumain ka na para may lakas kang takbuhan ako kahit kailan mo gusto," dagdag ni Theo.Doon lamang natauhan si Amanda. Tama si Theo. May punto ito doon kaya kumain na lang siya at hindi na lang gaanong pinansin ang presensya nito sa gilid niya. Natapos din agad si Amanda sa pagkain. Sinadya niya talagang bilisan dahil naiinis lang siya lalo kay Theo. Walang sabi namang niligpit ni Theo ang pinagkainan niya matapos no'n.SA GITNA ng madilim na gabi, naalipungatan si Theo at nakitang ang kama na hinihigaan ni Amanda ay bakante. Kumunot ang noo niya."Saan siya nagpunta?" naibulong na lang ni Theo sa sarili pero kaagad ding nawala ang kunot sa kaniyang noo nang marinig ang lagaslas ng tubig sa banyo. "Ang tig
"PLEASE, THEO! Nagmamakaawa ako!" Ang paghikbi ni Amanda ang siyang umalingawngaw sa loob ng kwarto. At hindi mawari ni Theo pero nakaramdam siya ng kirot sa dibdib nang makita ang luhaang pisngi ni Amanda. Hindi na niya napigilan pa ang sarili. Pinunasan niya ng masuyo ang luha mula sa mga mata ni Amanda gamit ang kaniyang mga kamay. Bakit niya ginawa iyon? Hindi na niya alam pa. Alam niya sa sariling hindi niya dapat ginawa iyon pero may kung anong nagtulak sa kaniya.Pero isa lang ang sugurado siya ngayon, ayaw niyang nagkakaganito si Amanda. Ayaw niyang nakikita itong luhaan.Hanggang sa hindi na kinaya pa ni Theo. Kaagad siyang umalis doon at lumabas, naglakad papalayo kay Amanda. Naguguluhan siya lalo sa sarili. Kung magstay pa siya ng mas matagal doon, paniguradong mas maguguluhan lang siya sa sariling nararamdaman."Fuck. Ano bang nangyayari sa akin?" Naibulong na lang ni Theo sa sarili habang pabalik siya sa mansion.Tila nakalutang siya hanggang sa malapasok sa bahay. Kaag
HINDI ALAM ni Theo kung ipagpapasalamat ba niyang mabilis ang pag-asikaso ng abugado sa divorce agreement. Dahil sa pera at koneksyon, sigurado si Theo na mas mapapabilis ang process."You can now sign," ani ng abugado matapos ma-discuss ang lahat tungkol sa divorce.Pagkakuha palang ni Theo sa ballpen, parang naestatwa siya bigla. Ito na ba talaga ang tamang panahon para mawalan na ng bisa ang kasal nila ni Amanda? Tama ba itong desisyon niya?May kung anong bumubulong sa kabilang panig ng isip niyang... hindi. Hindi dapat...Pero nang naalala ang luhaang mata ni Amanda, mas lalo lang siyang natigilan. Ayaw na niyang maulit iyon..."May problema ba, Mr. Torregoza?" agaw pansin na tanong ng abugado. Ilang segundo na kasi ang lumilipas pero hindi pa rin pumipirma si Theo. Kapansin-pansin ang paghigpit ng hawak nito sa ballpen."Wala," sagot niya agad at kapagkuwan ay pinirmahan na ang divorce agreement ng walang kakurap-kurap.Hanggang sa natapos ang meeting niya sa abugado ay nanatili
DUMAPO ANG labi ni Theo sa balikat ni Amanda, nanunuya sa una hanggang sa kinagat siya ng bahagya doon habang nagsimulang maglakbay sa laylayan ng kaniyang hospital gown."T-Theo..." Pagtawag niya sa pangalan ng lalaki nang tuluyang naitaas ang damit at mabilis na nahawakan ang kaniyang hita pataas sa kaniyang pagkababae.Ito na naman siya. Paulit-ulit na lang! Lagi na lang siyang trinatraydor ng sariling katawan pagdating kay Theo! Naiinis siyang magugustuhan iyon ng utak niya kahit ayaw ng isip niya! Ramdam ni Amanda ang pagngisi ni Theo sa kaniyang balikat nang simulan na nitong haplusin ang kaniyang basang pagkababae kahit na may harang pa itong underwear. Mabagal sa una... hanggang sa bumilis at bumulusok ang init sa kaniyang sistema na para bang binuhusan siya ng maligamgam na tubig..."A-Ah!" Hindi na napigil pa ni Amanda ang pag-ungol. Natakot siya bigla dahil baka may makarinig sa kaniya sa labas kaya kinagat niya ang labi para pigilan iyon. Parang tuwang-tuwa naman si The
"MAGHIHINTAY AKO sa kung ano mang desisyon mo. Pero 'wag mo akong paghintayin ng masyadong matagal, okay? Madali akong mainip, Amanda..."Matapos sabihin ni Theo ang mga katagang iyon ay kaagad na rin siyang umalis at iniwan si Amanda doon na namumula ang mga mata at paiyak na.Pagkalabas ni Theo sa labas ng ospital ay naghihintay na sa kaniya ang driver na naghatid sa kaniya."Saan po tayo, Ser?" tanong ng matandang driver.Hindi kaagad nakasagot si Theo dahil natatak na sa isip niya ang usapan nila ni Amanda kanina maging ang mukha nitong malungkot. Napa-igting lamang siya ng panga. Hindi tamang pagtuonan pa niya ng pansin iyon!Binalingan niya ang driver. "Sa kompaniya tayo," sagot niya bago sumakay sa sasakyan.Sinalubong siya ni Secretary Belle na halatang natuwa sa pagdating niya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi nagpupunta si Theo sa kompaniya dahil na kay Amanda lamang siya. Hindi tuloy maiwasan ni Secretary Belle ang makaramdam ng inggit kay Amanda lalo."Good day po,
MAKARAAN NG ilang minuto, dumating na rin sa wakas si Klarisse Virtucio. Pormal siyang naupo sa harapang upuan nila Theo at Sofia. Elegante ang set up ng table. Halatang yayamanin ang gamit maging ang pagkaing isinerve ng waiter kanina.Nagsimula na silang mag-usap-usap. Naglabas na rin ng saloobin si Klarisse at mataman lamang silang nakikinig lahat."Alam mo, sa panahon ngayon, mahirap nang gumawa ng pangalan sa larangan ng musika. Lalo pa at iba na ang hilig ng mga tao ngayon. Mas gusto nila ang music from other countries. At hindi mo naman sila masisisi doon. Classical music? Unti-unti nang nawawala 'yan ngayon," ani Klarisse bago sumimsim sa wine. "Kaya greatful pa rin ako na ang isang kagaya mo, na successful sa business world ay talagang nag-arrange pa talaga ng meet up kasama ko.""Alam ko. Pero hanga rin naman ako sa 'yo. At tsaka... may isang tao akong kilalang hinahangaan ka rin." Tinapunan ng tingin ni Theo si Sofia sa tabi. "Mahilig din siyang tumugtog kagaya mo...""Tala
"THEO, BAKIT niyo kailangang magbigay ng ganoong halaga ng pera kina Klarisse? Ni hindi pa nga siya nagdedesisyon kung tatanggapin niya ako!" Himutok ni Sofia nang nakalabas na sila ng hotel.Napailing lang ng lihim si Secretary Belle dahil sa asta nito. Sa isip niya, talagang may guts pa itong magreklamo ng ganoon. Ginawa na nga ni Theo ang lahat para pabanguhin ang pangalan niya kay Klarisse.Tumikhim si Secretary Belle. "Miss Sofia, ang mga kagaya ni Ms. Klarisse ay maingat sa pagpili ng mga ite-train niya. Magtiwala ka na lang kay Sir Theo dahil sigurado namang gagawan niya 'to ng paraan," kalmadong sabi niya kahit naiinis na siya kay Sofia."Bakit? Hindi ba maganda ang pagtugtog ko kanina? Hindi ba ako magaling?"Hindi nakapagsalita agad si Secretary Belle. Gusto niyang deretsahin si Sofia pero hindi naman niya magagawa basta iyon lalo pa at kasama nila si Theo na nauunang maglakad.Nang sa wakas ay tumapat na ang sasakyan sa harap nila, ang buong akala ni Sofia ay aalalayan na s
NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin."Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa