Share

CHAPTER 285: The Woman She Wants To Fire

Penulis: YULIANNE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-25 13:25:06

NAGBONDING MUNA ang mag ama at hinayaan naman iyon ni Amanda. Makailang minuto lang ang lumipas ay pumasok bigla si Secretary Belle na bahagyang ikinagulat rin naman ni Amanda kasi syempre, ang tagal din nilang hindi nagkita. Nagulat din si Secretary Belle sa presensya niya pero kalaunan ay ngumiti rin.

"Secretary Belle... ang tagal nating hindi nagkita," ani Amanda at ngumiti.

Tumango si Secretary Belle. "Oo nga, eh. Catch up tayo sa baba? Kape lang saglit, kung ayos lang sa iyo, Ma'am Amanda..."

"Oo naman," sagot ni Amanda. Wala naman siyang maling makita para hindian ang alok ni Secretary Belle. Maayos naman ang trato nito sa kaniya noon kahit papaano. At naalala niyang ibinilin niya nga pala si Theo at ang anak nila rito para tulungan ang lalaki sa pag aalaga.

May sinabi pa si Secretary Belle kay Theo tungkol sa trabaho nito. Kinailangan muna nito ang lumabas sa opisina para sa isang importanteng meeting. Sumama naman si Baby Alex na parang ayaw ng humiwalay sa ama. Pati si Shish
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Nadette Mendoza
More updates pls. Hindi lang 1 chapter
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 285: The Woman She Wants To Fire

    NAGBONDING MUNA ang mag ama at hinayaan naman iyon ni Amanda. Makailang minuto lang ang lumipas ay pumasok bigla si Secretary Belle na bahagyang ikinagulat rin naman ni Amanda kasi syempre, ang tagal din nilang hindi nagkita. Nagulat din si Secretary Belle sa presensya niya pero kalaunan ay ngumiti rin."Secretary Belle... ang tagal nating hindi nagkita," ani Amanda at ngumiti.Tumango si Secretary Belle. "Oo nga, eh. Catch up tayo sa baba? Kape lang saglit, kung ayos lang sa iyo, Ma'am Amanda...""Oo naman," sagot ni Amanda. Wala naman siyang maling makita para hindian ang alok ni Secretary Belle. Maayos naman ang trato nito sa kaniya noon kahit papaano. At naalala niyang ibinilin niya nga pala si Theo at ang anak nila rito para tulungan ang lalaki sa pag aalaga. May sinabi pa si Secretary Belle kay Theo tungkol sa trabaho nito. Kinailangan muna nito ang lumabas sa opisina para sa isang importanteng meeting. Sumama naman si Baby Alex na parang ayaw ng humiwalay sa ama. Pati si Shish

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 284: The Kiss

    NAGPAALAM DIN NAMAN si Amanda kay Sylvia at nagsabi na aalis muna at may kailangan siyang asikasuhin. Mabilis ang kilos niya kaya hindi na niya napansin ang bulto ni Theo na nakatayo sa harapan niya. Nagkabanggaan tuloy sila.Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ni Amanda parang nahuli siya sa isang bagay na ginawa niyang mali. Naging concern niya bigla ang mga sinabi niya kay Sylvia.Posible bang narinig iyon lahat ni Theo?Napalunok na lang si Amanda at parang hindi alam ang sasabihin bigla. Pero bago pa man niya maibuka ang labi para magsalita, naunahan na siya ni Theo."Uhm, pupunta ako mamaya sa kompaniya. Nakaschedule mamaya ang check up ng anak natin, hindi ba?" kaswal na tanong ni Theo. Nagpanggap na lang siyang walang alam sa naging usapan nila Amanda at Sylvia.Wala sa sariling tumango si Amanda. "O-Oo."Ewan ba ni Amanda kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Para siyang nahuli sa isang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa! Bakit ba ganito?"Sasama sana ako. Dumaan

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 283: The Eavesdropping

    "T-THEO..." IYON LANG ang tanging nasambit ni Amanda sa mga oras na iyon.At doon palang alam na agad ni Theo kung ano ang sagot nito sa sinabi niya. Hindi naman siya tanga para hindi mapagtanto iyon. Pero mali bang umasa? Umaasa siya sa isang bagay na imposible namang maibigay sa kaniya."Pero... kung gusto mo, ako na lang ang laging dumalaw sa inyo. Kaya ko naman magpabalik balik," dagdag pa ni Theo.Mas lalong imposible rin iyon. May trabaho siya. May kompaniya siyang kailangang patakbuhin. Hindi pwedeng laging pabalik balik siya. Pero... susubukan naman niya kung iyon ang gusto ni Amanda, eh. Wala siyang pakialam kung mahirapan siya. Wala siyang pakialam kung mapagod siya. Ang importante, makasama niya ang mag ina niya.Walang nagsalita sa pagitan nila pagkatapos no'n. At hindi mapigilan ni Theo ang masaktan dahil sa simpleng pananahimik ni Amanda na iyon, alam na alam na niya ang sagot nito.Niyakap na lang ni Theo si Amanda. Dahil sa panghihina sa ginawa nila, hindi nakapalag si

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 282: The Sweat

    OKAY NA SANA, EH. Ang kaso, nagising sa reyalidad si Amanda. Hindi sila kagaya ng mga tipikal na pamilya. Hindi masaya at kaya lang naman siya pumayag sa ganitong set up ay dahil na rin sa anak nila ni Theo.Pasimpleng binulungan ni Amanda si Theo. "Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako nandito, 'di ba? Dahil iyon sa anak natin, Theo. Wala ng ibang dahilan pa..."Natigilan si Theo doon. Nagulat siya at para bang binuhusan ng malamig na tubig at nagising na sa kaniyang pag iilusyon. Oo nga pala. Iyon ang rason ni Amanda. Pero mali bang kahit sandali lang, isipin niya na okay sila at walang problema? Na totoong isa silang masayang pamilya?Kaso... asa naman siya. Alam niya kung gaano katigas si Amanda. "Alam ko, Amanda..." halos pabulong na lang na sagot ni Theo at napabuntong hininga sa kabila ng paninikip ng kaniyang dibdib.Maagang nakatulog kinagabihan si Baby Alex. Napagod sigurong kakalaro kay Shishi. Dahil mahimbing na nga ito, agad na lang itong pinalitan ng damit ni Amanda

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 281: The Home

    UMALIS SI LOREIGN na may sama ng loob. Paanong wala eh, nakita na naman niya si Theo. Gusto niyang sabihan ang lalaki kanina na umalis na lang. Pero hindi naman pwede lalo pa at nandoon si Baby Alex. Ama pa rin ito ng bata at may karapatan itong makita ang anak.Hangang hanga tuloy siya kay Amanda kasi nagagawa niyang pakisamahan si Theo sa harapan ng anak nila na para bang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan nila. Kasi baka kapag siya, talagang ipagtatabuyan niya si Theo kahit anong gawin nito.Pero wala naman sa kaniya ang desisyong iyon. May tiwala naman siya sa mga desisyon ni Amanda.Samantala, si Amanda at Theo na naiwan sa ospital ay tahimik lang sa kwarto ni Baby Alex. Hindi pa rin humihiwalay ang bata sa ama at nakayakap lang dito. Pero napansin nitong may bata sa labas."Daddy, puntahan ko po siya," ani Baby Alex, tinutukoy ang isang bata rin sa labas. "Play po kami, please..."Nagkatinginan sina Amanda at Theo. Para bang nag uusap sila gamit ang mga mata."Baby, baka

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 280: The Last Will

    SA TRABAHO, KAPANSIN PANSIN ang wala sa focus na si Theo. Marami siyang gawain pero paminsan minsan ay natutulala na lang ito bigla. Hindi tuloy maiwasang magtakha ni Secretary Belle. Alam na niya agad na may malalim itong iniisip. "May utos po kayo, Sir?" takhang tanong ni Secretary Belle kay Theo. Tumango si Theo. "Oo. Pakitawag si Atty. Romero. May importante akong sasabihin sa kaniya." "Okay po, Sir. Pero ano pong sasabihin ko kapag nagtanong siya kung bakit?" "Kailangan ko siya para sa... last will and testament ko," halos pabulong na sagot ni Theo. Hindi maiwasan ni Secretary Belle ang mapasinghap. "P-Po? Pero... Sir, masyado pa po kayong bata para... para gumawa no'n," sabi niya kasi iyon naman ang totoo. Isang mapaklang ngiti ang namuo sa labi ni Theo. "Alam ko. Pero hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Kaya mas mabuting maging handa na tayo." "P-Pero, Sir..." "Papuntahin mo na lang siya dito." Hindi na naglakas loob pang magbato ng katanunga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status