Share

61. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

KATULAD ng ginawa niya kahapon ay hinanap niya ang bag niya sa mga kwarto na hindi niya pa nabubuksan. Iniwan niya ang mga binata sa baba at nagmamadaling umakyat pero hindi niya parin nakita.

Dumako ang tingin niya sa kwarto ng mga ito. Hindi kaya nasa kwarto ng mga 'to ang gamit niya?

Napalunok siya. Kung maaari ay hindi niya gustong pumasok alin man sa kwarto ng tatlo. Pero kung 'yon ang paraan para makuha niya ang cellphone niya ay gagawin niya.

Iyon nalang kasi ang tanging paraan para makatakas siya sa mga ito, ang makuha ang cellphone upang ipaalam kay Amara kung nasaan siya.

Huminto siya sa tapat ng kwarto ni Piero. Akmang bubuksan na niya 'yon ng makarinig ng malakas na yabag. Nagmamadali siyang tumakbo para bumalik sa kwarto niya.

Kinakabahan na pumasok siya sa kwarto niya at katulad ng lagi niyang ginagawa ay ni-lock niya 'yon. Wala siyang tiwala sa mga 'to. Baka mamaya magulat nalang siya na katabi na niya ang isa sa mga ito, o kaya naman ang lahat ng mga ito.

Minsan hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status