1. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)
ANG STORY NA ITO AY SUPER RATED SPG‼️ MAY MGA SCENE NA HINDI PWEDE SA MGA MASESELAN‼️ READ AT YOUR RISK!!![Regina]"HAPPY BIRTHDAY, REGINA!" Malakas na bati ng mga kaibigan niya. Pakiramdam niya ay parang mababasag na ang eardrum niya sa lakas ng pagbati ng mga 'to.Malaking ngiti ang pinakawalan niya bago hipan ang nakasinding kandila sa cake na binili pa ng mga kaibigan niya.'MAG-ASAWA KANA, REGINA' Ito ang nakasulat sa cake. Sarap pag uuntigin, kala mo naman sila may mga asawa na.Gusto niyang matawa sa mga ito, dahil hindi lang naman siya ang wala pang asawa sa kanilang magkakaibigan, maging ang mga ito ay wala pa rin."Thank you, guys!" Masayang sambit niya. "Mag asawa na rin kayo hindi 'yong ako nalang palagi ang napagdidiskitahan nyo.""Oo nga! Magsipag-asawa na kayo ng magka-apo na kami." Malakas na sabi ni tita Elsa na para bang palaging galit. Ito ang ina ni Perper na kababata niya. "Paano magkakanobyo ang mga batang 'yan kung hindi naman nakikipag-date. Lalo na 'yang anak
Magbasa pa