The Billionaire I Call Father-In-Law

The Billionaire I Call Father-In-Law

last updateLast Updated : 2026-09-30
By:  LuffytaroOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
31views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Alaina knew her husband doesn’t love her, pero ganun pa man umasa siya na baka sakali ay mahalin pa siya nito. Pero isang malaking kalokohan pala iyon dahil araw-araw nitong pinapamukha sa kaniya na kailanman, hinding-hindi siya nito mamahalin at higit pa doon, ni minsan ay hindi siya nito tinabihan o ni hinawakan man lang na para bang diring-diri ito sa kaniya. “Kahit na ikaw pa ang huling babae sa mundo, hinding-hindi kita mamahalin tandaan mo yan!” For the first time since their marriage ay lumabas siya at nagpakasaya. She drowned herself in a bar. There, she met this man with a gentle touch, gentle voice and addictively lips. She was carried away in a single kiss and ended up having a night together with the stranger. After that day, they met again. Not in the bar but in their house. He was her husband’s father, yes. He was her father-in-law. She constantly avoided him but the more she avoided, the more she felt the sudden urge to feel his warm embrace. It was wrong she knew it, but the more she tried to run from him… he always ended up catching her. “I told you not to start a fire…” he warned. “I didn’t… but… is it my fault to feel this way?” …

View More

Chapter 1

Simula

UMUPO si Alaina sa gilid ng kama. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot habang nakatingin sa bakanteng espasyo rito. Anim na buwan na simula nang magpakasal sila ni Sigmund. Anim na buwan.

Pero kahit na minsan, hindi pa siya tinabihan ng asawa niya.

Alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga siya mahal ni Sigmund. Alam niya iyon, pero hindi siya nawalan ng pag asa na baka isang araw ay sakaling matutunan siyang mahalin nito.

Palagi itong nawawala sa kalagitnaan ng gabi. Nasa iisang bahay sila nakatira pero kung ituring siya nito ay parang hangin at hindi siya nakikita.

Sa mata ng lahat, masaya sila at napaka swerte niya bilang asawa nito ngunit ang totoo isa lang siyang design at asawa sa papel ni Sigmund dahil napilitan lang itong pakasalan siya.

~~~~~

“Saan ka na naman pupunta?” tanong ni Alaina sa asawa nang makitang aalis na naman ito.

Isang matalim na titig ang ipinukol nito sa kaniya. “Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na kwestyunin ang desisyon ko?” walang gatol na tanong nito sa kaniya.

Napakuyom lang ang mga kamay ni Alaina nang marinig niya ang sinabi nito. Anong karapatan niya? Asawa siya nito. Bakit kailangan nitong kwestyunin ang karapatan niya na magtanong?

Pumikit siya ng mariin.

“Don’t act like you are my real wife cause your not.” puno ng pang-uuyam na sabi nito sa kaniya.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya noong mga oras na iyon. Isang tawag lang ang natanggap nito ngunit nagkukumahog itong umalis kahit na gabing-gabi na. Hanggang kailan ba niya kailangang magtiis sa ganito? Hanggang kailan ba siya dapat umasa na magbabago pa si Sigmund?

“Really?” tanong niya. Kung dati rati, wala siyang pakialam sa kung anong sinasabi nito. Ngayon ay hindi na niya kaya pang tiisin na lang ang basta ang pakikitungo nito sa kaniya at hindi na niya mapagtiisan ang ginagawa nito.

“I am your wife for pete’s sake Sigmund! Tapos ay tinatanong mo ako kung anong karapatan ko na tanungin kung saan ka pupunta? Karapatan ko na malaman kung saan ka pupunta dahil asawa mo ako!”

Narinig niya ang pag-ismid nito at tuluyang lumabas ng silid. Lumabas din siya at sinundan ito hanggang sa sala.

“Sigmund ano ba?! Ganito na lang ba talaga ang gagawin mo palagi? Ano ba talagang akala mo sa akin? Isang display dito huh?!”

Patuloy lang ito sapaglalakad hanggang sa makarating ito sa parking lot. Binuksan nito ang p***o ng sasakyan nito at ni hindi man lang siya nito nilingon. Mabilis sinubukan niyang harangin ang pagsara ng p***o ng sasakyan nito pero kamuntikan lang siyang maipit dahil sa ginawa niya.

Ang mga mata nito ay nag-aapoy na tumingin sa kaniya, puno ng disgusto at poot. “Kung hindi dahil sayo, masaya sana ako ngayon kasama ang babaeng mahal ko. Sana ay hindi ka na lang dumating sa buhay ko and you know what? Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi kita mamahalin kahit na ikaw na lang ang huling babae sa mundo.”

Hindi nakagalaw si Alaina mula sa kanyang kinatatayuan. Para siyang sinampal sa mga salitang binitawan nito sa kaniya. Alam niya naman na hindi talaga siya nito mahal pero ang sabihin ang mga iyon at ipamukha sa kaniya? Tama ba?

Napakagat labi siya. Maybe this is the turning point for her. Pinunasan niya ang sulok ng kanyang mga mata at mabilis na bumalik sa loob ng bahay at nagbihis.

~~~~~

“What? Kaya kong magbayad kahit na magkano pa kaya bigyan mo pa ako!” inis na sabi ni Alaina sa waiter kung saang bar siya nagpunta.

Ang kanyang mga mata ay halos namumungay na at medyo umiikot na rin ang kanyang paligid. Kung inaakala ni Sigmund na magmumukmok siya sa isang gilid ay isang malaking kalokohan iyon. Kung nag-eenjoy ito kasama ang kung sino mang babaeng iyon, e di mag-enjoy siya! Mag-eenjoy din siya sa buhay niya kung iyon ang gusto nito.

“Akala niya ba ay gusto ko ring magpakasal sa kaniya?” bulong niya habang nakahawak sa baso niya.

Kukurap-kurap na ang mga mata niya pero ayaw niya pa ring tumigil sa pag-inom. Isa pa, ngayon lang ulit siya uminom. Matagal tagal na rin noong huli siyang naglasing ng ganito.

Mahigpit ang hawak niya sa baso. “E di magsama kayo ng babae mo!” sinaid niya ang laman ng baso niya bago pinunasan ang kanyang labi.

Ilang sandali pa, pakiramdam niya ay parang lalabas ang lahat ng laman ng tiyan niya kaya tumayo siya. Pasuray-suray siyang naglakad patungo sa banyo. Kahit papano ay kaya niya pa namang maglakad, yun nga lang ay pagewang-gewang na dahil tinamaan na talaga siya ng alak na ininom niya.

Pagdating niya sa banyo ay kaagad siyang nasuka at halos manghina siya. Ilang minuto din siyang nanatili sa banyo hanggang sa pakiramdam niya ay nailabas na niya ang lahat ng sama ng loob niya.

Nagsalamin pa siya pero dahil nga nanlalabo na ang mga mata niya ay hindi na niya maaninag pa ang repleksyon niya sa salamin pero hindi na iyon importante pa sa kaniya.

Lumabas siya ng banyo na namumungay ang mga mata. Kung kanina, umiikot na ang paligid niya ngayon naman ay parang lumilindol na. Napahawak siya sa kanyang ulo. “Shit!” anas niya habang naglalakad.

Nawalan siya ng balanse at handa na sana siyang bumagsak ngunit may bisig na sumalo sa kaniya. Sa nanlalabong mga mata, napatitig siya sa lalaking sumalo sa kaniya. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito pero wala siyang pakialam.

Para siyang sinapian noong mga oras na iyon at bigla na lang niyang ikinawit ang mga kamay niya sa batok nito at umayos ng tayo tyaka niya ito hinalikan sa labi.

Naramdaman niya na natigilan ito, marahil ay nagulat sa ginawa niya ngunit sandali lang ang pagkagulat nito dahil sa sumunod na segundo ay naramdaman niya ang pagganti nito ng halik sa kaniya. Nang humiwalay ito sa kaniya para sumagap ng hangin ay bumulong ito.

“Don’t play with the fire baby girl. Baka magsisi ka.” mababa at mahina nitong bulong sa kaniya, nagpapaalala ngunit marahil dahil sa epekto ng alak ay nagawa niya pang ngumisi rito.

“Don’t worry, hindi ko madaling mapaso so I can play with fire Daddy…” tukso niya rito. Akmang titingkayad sana siyang muli ngunit ito na mismo ang yumuko para halikan siya sa kanyang labi.

…

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status