Tuluyang nagising si Michele mula sa kanyang pagkakahimbing. Nang iminulat Niya ang kanyang mga mata, wala siyang nakita kundi ang kadiliman, at saka niya napagtanto na may nakatakip sa kanyang mga mata.Sa tantiya ni Michele ay nakaupo siya sa isang upuan, habang nakatali ang kanyang mga kamay at mga paa. May naririnig siyang mga lalaki na nag-uusap sa may di-kalayuan. Nakakaamoy din siya ng alak at sigarilyo, at nasisigurado niya na nag-iinuman ang mga ito...Hindi niya maikakaila na nasa mapanganib na sitwasyon siya ngayon. Ngunit nagpasya siyang panatilihing kalmado ang sarili, habang nagsisimula siyang mag-isip ng mga paraan kung paano siya makakalaya at matagumpay na makatakas... Bigla niyang narinig ang ilang boses sa kanyang kaliwang bahagi. May pinag-uusapan ang mga lalaki, kaya pinikit niya ang kanyang mga tainga upang maunawaan ang usapan ng mga ito."Matagal na siyang nakakulong dito. Ano sa tingin mo ang gagawin sa kanya ng Boss natin?" tanong ng isa sa mga lalaki sa ka
Mas nag-aalala at natatakot siya para kay Clarissa, dahil nasa panganib ito ngayon.Naputol sa pag-iisip si Michele nang muli niyang narinig ang boses ni Luca Stracci."So, kanino kaya ako magsisumula? Sa mga magulang mo, o sa pinakamanahal mo ba girlfriend?" ang ngingisi-ngising tanong Luca Stracci sa kanya."Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ka ba makapagdesisyon sa sarili mo?" "Bakit mo naman ako tatanungin? Wala ka bang sariling desisyon?" ang paghahamon ni Michele sa matanda.Sandaling natahimik si Stracci, pero nagpakawala ito ng isang malakas na halaklak makalipas ang ilang minuto."Namana mo ang katapangan ng iyong ama, Michele. Pero hanggang tapang ka na lang, at hindi mo ako mapipigilan sa mga pinaplano kong gawin." ang malamig na turan ni Stracci."Huwag kang magpakampante, Stracci." ang sarkastikong pahayag ni Michele.Nagsalubong ang mga kilay ni Stracci, at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Michele."Talagang sinusubok mo ako." ang tugon nito."Mukhang sasab
Makalipas ang ilang oras.Dahan-dahang iminulat ni Michele ang kanyang mga mata. Napagtanto niyang nasa bodega pa siya. Nalalasahan pa rin niya ang dugo sa kanyang bibig, bilang resulta ng pambubugbog sa kanya kanina.Nakikita rin niya ang mga sinag ng liwanag na dumadaloy sa maliit na bintana sa loob ng bodega."Hapon na siguro." ang naisip niya sa sarili.Sinubukan niyang gumalaw, ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa bawat himaymay ng kanyang katawan.Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, at kasabay pa noon ay nauuhaw siya. Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng sobrang pagkahilo... Bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niyang bumukas ang malaking gate, at narinig niya rin ang mga yabag ng paa, habang palapit ng palapit ito sa kanyang kinaroroonan...=============================Sa isang malaking ospital sa Maynila.Mahimbing na natutulog si Michele sa private hospital room nito. Nalapatan na ito ng lunas, kaya wala na silang dapat ipag-alala pa."Hindi ako makapani
Magsasalita pa sana si Celeste ngunit hindi na niya ito nagawang sabihin nang nakangiting pumasok sa silid ang kanyang madrasta na si Mrs. Margaux Vitale. "Hi! Why are you still here? Our guests are waiting for the birthday celebrant! Not to mention all of the handsome young gentlemen are waiting for you at the party, Celeste." nakangiting sabi ng matandang babae sa kanyang asawa at sa kanyang stepdaughter.Nakangiting umiling si Celeste nang marinig niya ang sinabi ng kanyang madrasta. "Tigilan mo na ang pagiging matchmaker, Auntie.""I'm sorry sweetheart, but I just can't help it!" kumikinang sa saya ang mga mata ng madrasta niya. Tumayo ang matanda at inialay ang magkabilang braso sa dalawang pinakamahalagang babae sa buhay niya, ang asawa at ang anak niya..."Let's go ladies... Let's make our grand entrance as a family." masayang mungkahi ng matanda. Masayang isinukbit ni Mrs.Margaux Vitale at Celeste ang kanilang mga braso sa mga braso ng matanda. Pagkatapos, lumabas sila sa
"Sundin mo lang kung ano ang nasa puso mo, sweetheart. Ikaw lang ang makakapagdesisyon sa sitwasyon mo." malumanay na payo ni Margaux kay Celeste."Ayoko lang masaktan at ma-disappoint si Daddy. I've always been spoiled by him, and I've always been a Daddy's girl. And besides, both of you are not getting any younger. I want you guys to enjoy your life to the fullest and let me handle the responsibilities at our company." ang paliwanag ni Celeste.“Alam mo naman na importante sa Daddy mo ang mga empleyado ng kumpanya di ba? Naniniwala ang Daddy mo na kung wala sila, hindi magiging successful ang kumpanya ngayon. Kaya iniisip niya talaga ang kapakanan ng kompanya at ng mga empleyado." dagdag ng kanyang madrasta. "Nag-aalala din ako sa kanila. Pero sabi ni Daddy, hindi ko kayang patakbuhin ang kompanya ng mag-isa, and that's why he wants me to get married to someone he knows." muling nagsalita si Celeste."I'm not taking any sides this time because I understand both of you and your fath
Makalipas pa ang kalahating oras ay nagpasya si Celeste na tumayo at isuot ang kanyang damit. Nagpasya na lang siyang bumalik sa kanyang kwarto para magpalit.She is now planning to watch a movie to ease her boredom.Pagkatapos noon ay pumasok na siya sa kanilang malaking family theater room para manood ng pelikula.Matapos niyang matiyak na kumpleto siya sa meryenda at inumin, abala siya ngayon sa pagpili kung anong pelikula ang mapapanood. Sa wakas ay nagpasya siyang manood ng romance-comedy film, na pinamagatang "Maid in Manhattan," na pinagbibidahan nina Jennifer Lopez at Ralph Fiennes. Si Jennifer Lopez ay gumanap bilang si Marisa Ventura, isang solong ina na nag-aalaga sa kanyang sampung taong gulang na anak. Nagtatrabaho siya bilang isang chambermaid sa isang hotel, na matatagpuan sa Manhattan. At dahil sa Isang "accidental misunderstanding" nakilala ni Marisa si Christopher Marshall, na isang senatorial candidate. Dahil sa mistaken identity situation, mas naging malapit sin
Isang linggo na ang nakalipas mula nang dumating si Celeste sa bahay ng kanyang magiging asawa bilang isang maid in disguise. Ang mga gawaing-bahay ay medyo mahirap sa kanya sa unang mga tatlong araw, ngunit sa paglipas ng mga araw ay nakapag-adjust na rin siya.Sumapit ang panibagong umaga, at iyon ay isang araw nanaman ng pagpapanggap bilang isang kasambahay.Dahan-dahang iminulat ni Celeste ang kanyang mga mata nang marinig niya ang huni ng mga ibon sa labas. Napagtanto niya na umaga na, dahil ang banayad na liwanag ng sikat ng araw sa umaga ay nagpapaliwanag sa kanyang silid. Nakakatulog siya ng mapayapa at mahimbing kagabi at napakasarap ng pakiramdam niya ngayong umaga. Bumangon siya sa kanyang kama at pumunta sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at tumingin sa garden. Agad na nakita ni Celeste si Nathaniel na abala sa paggupit ng mga dahon. Naalala niya ang pangako nito sa sarili kagabi na bibigyan niya ito ng pagkakataon, at mas magiging mabait ito sa kanya. Well, sa tingin
Kasalukuyang abala si Celeste sa pagdidilig ng mga halaman sa malawak na hardin ng pamilya ni Nathaniel Montecarlo.Binusog niya ang kanyang mga mata sa pagtingin sa mga iba't-iba at naggagandahang mga bulaklak sa hardin.Mayroong pula at putting mga rosas, mayroon ding iba't ibang uri at kulay ng mga orchids. Masaya siyang napapaligiran ng iba't ibang klase ng bulaklak. Para siyang Reyna ng mga bulaklak!One particular flower caught Celeste's attention, as it was her first time seeing that kind of flower.Agad siyang pumitas ng isang piraso ng bulaklak na iyon at inilagay sa likod ng kanyang kanang tenga.She suddenly felt a certain presence, as if someone is watching her...She slowly wheeled around, and she was right!Nakita niya so Nathaniel Montecarlo na nakatayo sa may balkonahe, habang nakangiti ito sa kanya. Biglang namula si Celeste, habang nakakaramdam siya ng hiya. Baka kasi isipin ni Nathaniel na nababaliw siya dahil sa kanyang ginagawa."Pasensiya na po kayo kung napitas