Share

Chapter Twenty-Two: Ang Anak ni Celeste na Si Celine

Pumasok si Celine sa Waldorf Auditorium, kung saan ginaganap ang mga musical at stage play sa kanilang lugar.

Nasa kalagitnaan sila ng buwan ng Disyembre, kaya naman sagad sa buto ang lamig sa umagang iyon.

Habang naglalakad siya sa loob ng lobby, napangiti siya nang makita niya kaagad si Nate, ang co-star niya sa musical play nila. Nakangiting naglalakad ito palapit sa kanya.

Si Celine ay kasalukuyang nasa isang musical play production kung saan siya lang ang babaeng lead at siya ay gaganap kasama ang apat na lalaki.

"Morning, Celine! Para kang squirrel na nilalamig sa lamig. Okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong ni Nate kay Celine.

"Good morning, Nate! Oh, don't worry, kinakaya ko pa naman ang lamig." ang nakangiting bati ni Celine sa lalaki.

Sumulyap si Nate sa kanyang relo at muling tumingin kay Celine.

"Well, we can get ourselves a cup of coffee before our call time." mungkahi nito.

"Magandang ideya iyan. Let's go." ang pagsangayon naman ni Celine.

Papunta na ngayon sa coffee
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status