Breaking News: Mayor Rigor De lima with three other men was found dead inside De Lima's rest house at Sitio Mabuhay, Patayan District, Province of the Dead. The whole province is mourning for the lost of the governor's son, a good public servant and a loving Mayor.On the other hand the family is asking for prayers for Dra. Miracle De Lima. The governor's youngest daughter was still missing . It was reported that she was last seen entering a hotel somewhere in Makati but there was no news about the lady doctor since February 24, 20xx.Any information about the doctor's whereabouts please contact this hotline 0999-xxxx-xxxBALITANG LOKAL:Natagpuang patay si Mayor Rigor De Lima kasama ang kinikilalang tatlong mga tauhan sa loob resthouse ng mga De Lima nitong Sabado bandang alas tres ng hapon. Ayun sa pulisya tumawag ang caretaker ng mga De Lima para ibalita ang naturang pangyayari. Bago ang nagawang pagpaslang naibalitang ilang araw ng nawawala ang Mayor kasama ang mga tauhan niya
Wala na akong pakialam kung pagchismisan man ako ng mga kapitbahay. Wala ng nararamdaman ang puso ko. Pakiramdam ko, hindi ko na kilala ang aking sarili. Nawala na ang dati kong sigla. Nawala na ang dating Carla na puno ng pangarap. Ang Carla na ambisyosa pero may puso at puno ng pagmamahal. Sa tuwing tumitingin ako sa salamin wala akong ibang nakikita kundi ang Carla na walang buhay. I'm alive but I feel like I'm dead. O mas maiging sabihin mas gustuhin ko pang mamatay nalang. Maybe I was not really meant to be born in this world. Kaya din siguro iniwan ako ng mga magulang ko sa bahay ampunan dahil pati sila ayaw sa akin. Ayaw nila sa isang katulad ko. Totoo nga siguro ang sinasabi nung mga batang nam-bubully sa akin noon na hindi ako mahal ng mga totoo kong magulang dahil malas ako. At kaya walang gustong umampon sa akin dahil takot sila na baka pati sila malasin kapag ako ang pinili nila. Bakit nga ba hindi nalang ako namatay nung maliit pa lang ako? Bakit kailangan ko p
Aling Mameng: Narinig niyo ba ang balita?Mariin kong kinuyom ang aking kamao. Kakalabas ko lang ng bahay dahil may pasok ako at ito agad ang bungad sa akin. Nandito naman ang tatlong radyo bombo, maaga palang nagsisimula ng magbroadcast. At alam ko na ako na naman ang topic nila. "Kaya pala na-ospital ang anak ni Mildred ng isang linggo dahil daw natipuhan ito ng Mayor pero ang balita inayawan daw si Mayor. Nainsulto daw ang Mayor kaya ayun abugbog berna. Naku sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mayor Rigor, ambait pa namang bata. Na-trigger lang siguro."Langit? Hindi tinatanggap sa langit ang mga demonyo. Aling Mameng: Totoo kayang si Mayor ang bumugbog kay Cara? Mukhang hindi naman yun magagawa ni Mayor. Baka ibang tao pa, kita niyo naman ang kagaspangan ng ugali ng ampon nina Mildred at Ador. Malamang maraming nakaka-away yan sa paaralan. Pero kung si Mayor man, sigurado akong may ginawa yang ampon nila. Tayo nga kinakaya-kaya eh, ka-malditang bata.Bakit parang kasalanan ko pa n
"Ma'am Cara, good morning po." Siya si Kuya Alex, isa sa mga tauhan ni Knoxx. Alam kong hindi lang siya ang nagbabantay sa akin. Hindi ko man nakikita ang iba pero nararamdaman ko ang presensya nila. Kahit sa loob ng campus alam kung may nakabantay din sa akin. Pero para saan pa ang mga bantay? Wala naman nang silbi. Kung sana noon niya ito ginawa hindi ko pinagdaanan lahat ng mga naranasan kong paghihirap sa kamay ni Miracle na kampon ni satanas. " Ihahatid ko na po kayo sa school, Ma'am." Alam kong inutusan na naman ito ni Knoxx. Ilang beses ko na itong tinanggiha pero ayaw pa din paawat. Speaking of Knoxx, maaga itong nagpaalam sa akin kanina dahil may aasikasuhin daw sa Maynila at uuwi din mamaya para dito matulog. Sa totoo lang wala na akong pakialam kung saan at anong gagawin niya. Alam kong mali na isisi ko sa kanya ang kasalanan ng iba pero feeling ko mas mabuti na ring ganito ako sa kanya. Hindi na ako ang babaeng para kay Knoxx. Dahil sa mga nangyari narealize ko
"And oh! By the way, forty percent of Yturralde's Med were owned by the De Lima's and twenty percent by the Sarmiento's. That means the remaining forty percent is owned by? Hmm? Who do you think?" tinaas-baba niya ang dalawang kilay niya sa akin. Lalong kumunot ang noo ko sa kanya. Pakialam ko ba sa mga porsyento na yan. Hindi naman ako ang nagmamay-ari ng ospital na yan, so anong paki ko? Ano additional knowledge lang? Tsaka manghuhula pa ba ako kung sino ang nagmamay-ari nung natitirang forty percent? Buti sana kung ikakayaman ko yun. Pambayad ng a ospital bills ng mga magulang ko inutang ko pa."Think about it, girl. I'm telling you all these because I don't like that Miracle, she's a bitch."Hah! It takes one to know one talaga. Malamang parehas sila ng pag-uugali kaya hate nila ang isa't -isa. Pagtingin ko ulit sa doktora, pumasok na ito sa sasakyan niya ng may malawak na ngiti. "Bye Knoxx' girl, see you when I see you." She said before driving her car away waving at me. A
"Tara na Ma'am." Ani Kuya Alex. Tumango lang ako kay Kuya Ales saka sumunod na. Pinagbukas niya ako ng pintuan ng sasakyan. Pumasok ako doon at naupo. Hindi na ako nag-inarte pa. Nakakahiya na kay Kuya Alex. Nagmamadali si Kuya Alex na umikot sa driver's side pagkatapos may kinuha itong envelope sa upuan sa likuran at inabot sa akin. "Ma'am pinapabigay po pala ni Sir Knoxx." Nagtataka man pero tinanggap ko ang envelope na inabot niya sa akin at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ko ang laman nito. Ticket to Maldives for two. Kasama ang passport ko at passport ni Knoxx doon. Meron pang card doon na nakapangalan sa akin. Tiningnan ko si Kuya Alex, nagtatanong pero nagkibit balikat lang ito. Muli kong binalik ang tingin sa loob ng envelope at kinuha ang maliit na note at may nakasulat. Much needed vacation for both of us, Baby. Don't worry about Nanay and Tatay, I got them. By the way, I arranged this card for you for your personal needs. The card has no limit, buy anythi
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa gitna ng kakahuyan. Basta ang alam ko lang pagkatapos kong narinig ang lahat na sinabi ni Knoxx para akong paulit-ulit na sinaksak sa dibdib. Ang sakit malaman na lahat pala ng pinakita niya sa akin ay puro kasinungalingan lang. I was sweating bullets. Magkahalo na ang pawis at luha ko. Halos hindi ko na makikita ang dindadaanan ko. Nararamdaman ko ang hapdi sa balat ng mga sanga at dahong sumusugat sa akin. Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. Takbo lang ako ng takbo at hindi ko alam kung saan ang aking pupuntahan. Para akong mababaliw sa aking narinig. All these time puro kasinungalingan lang pala ang lahat. Ang taong akala ko totoong nagmamalasakit sa akin ay nagkukunwari lang pala. Bakit?! Of all the people, bakit si Knoxx pa?I trusted him. I gave him everything. I gave him my all.Oh God. Why do I have to go through all these pain again? Hindi pa ba tapos? Ano bang kasalanan ko? Bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito?Hindi
Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero may kakaiba akong naramdaman sa aking dibdib. Pakiramdam ko bigla nalang itong nanikip na hindi ko maipaliwanag. Nagmamadali akong kumuha ng hoodie dahil pakiramdam ko lalagnatin ako. Sobra akong nilalamig pati talampakan ko sobrang lamig din. Pagkatapos pumunta na ako sa silid ni Nanay at Tatay. Nadatnan kong tahimik silang dalawa. Si Tatay ay nasa kama nila nakaupo habang si Nanay ay nasa tabing upuan sa gilid nito. Maliit lang ang silid ng mga magulang ko, maliit lang din itong bahay namin. "Ang laki na ng anak natin, Mildred." Nakangiting sabi ni Tatay pero ang mga ngiti niya ay hindi man lang umabot sa mga mata niya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Inabot niya ang ulo ko at marahang hinaplos ito. Pag-angat ko ng tingin sa kanya nakita ko ang agad ang pag-ulap ng mga mata niya pero agad itong ngumiti sa akin. "Parang kailan lang nung hinahabol habol ka pa namin ng nanay mo dahil naliligo ka sa ulan ng o di kaya sa tuwin