"Good evening Mommy..." masayang bati ko kay Mom.Just now I came home from my days of hibernating and doing nothing. The next day after I received food deliveries from unknown person I decided to leave my unit. Ayoko ng may nagti-trip sa akin at naawa din ako sa mga riders kung hindi ko tatanggapin ang delivery so better I leave my unit.Sinabihan ko rin ang guard at reception just in case may maghanap sa akin na sabihing wala ako. Baka kasi may magpapadala na naman ng pagkain sa akin.Good thing at wala naman itong lason kundi tiyak tigok na ako ngayon. I decided to stay in a hotel just few blocks from my condo. "Good evening, Princess. How's everything? Are you feeling better now?" Tanong ni Mom sa akin at giniya ako papuntang living room. "Do you wanna eat first?""I'm good, Mom..." sagot ko. Hoping to be better, gusto ko sanang idagdag pero pinili ko nalang na tumahimik.Halata ang pag-aalala sa mukha ni Mommy and it somehow makes me feel guilty. She should not be stressed lalo
"Can we talk now?"Hindi ako nakasagot agad. Tumatanggi ang utak ko pero gustong-gusto naman ng puso ko. I won't deny that. Maybe it's the right time for us to talk. Once and for all gusto ko na rin matuldukan na kung ano man ang meron kami, kung sakaling meron man...Pero ito nga ba ang gusto kong mangyari? Bakit ngayon pa lang parang nasasaktan na ako? Mabuti na lang at andito kami sa tagong bahagi ng parking, walang mga taong dumaraan. Hindi ko alam paano nangyari pero kaming dalawa lang ang nandito."Please , Chrystelle..." he muttered, with that simple words parang pinipiga na ang puso ko. Bakit pakiramdam ko hindi lang ako ang nasasaktan dito?I nodded without looking at him. Hindi ako makalingon sa kanya dahil natatakot akong makita ang emosyon sa kanyang mga mata. Natatakot at nasasaktan ako dahil maalala ko lang kung anuman ang namagitan sa amin kahit panandalian lamang.In a short span I know that he meant something to me. Hindi ako masasaktan ng ganito kung balewala lang d
Kinabukasan maaga akong gumising para sabayan sina Mommy at Daddy. Dito din natulog si Kuya Derick, pinuntahan niya pa ako sa room ko kagabi. Nagtaka pa siya kung bakit namamaga ang mga mata ko at hindi ako pumunta sa reception nina Kuya Hendrick. Dinahilan ko na lang na bigla akong inatake ng migraine kaya ako umuwi. Gusto niya pa sana akong dalhin sa hospital kagabi pero sabi ko ayos na ako.Ngayon ko din sasabihin sa kanila na aalis ako sa makalawa. Gusto ko nga sana bukas na din kaso ayoko din namang makisabay kina Kuya Hendrick at Ava dahil tiyak na malulungkot si Mommy kung bigla kaming magsabayang umalis lahat.Aalis sila bukas buong pamilya kasama ang kambal para sa honeymoon nila. Si kuya Derick hindi rin naman naglalagi dito sa mansion, kaya palipasin ko na lang kahit isang araw. Mamayang gabi na din pala ng gabi ang dinner na sinasabi ni Mommy. Dinner kasama si Tita Divine at Tito Nathan. Ayoko sanang sumama sa kanila pero nahihiya akong tumanggi dahil sabi ni Mom gusto a
"Please let me explain, Hon..." His voice is pleading. " I can't...I can't...let you go..I'm so s-sorry... I-I'm so sorry, wife."" tuluyan na ngang pumiyok ang boses niya.Bakit parang ang dali-dali lang sa kanyang paglaruan ang damdamin ko? Anong akala niya sa akin robot na walang pakiramdam? Pero bakit ang sakit sakit sa puso marinig ang mga sinasabi niya? hindi ako gumalaw at hinayaan ko lang siyang yakapin ako.For tha last time gusto kong madama ang init ng mga yakap niya. Dahil pagkatapos nito magbabago na ang lahat at hindi ko alam kung may pagkakataon pa ba akong madama uli ang mga yakap niya.Naramdam ko pa ang pagyuyog ng katawan niya habang nakayakap siya mula sa aking likuran. I sobbed because the pain I felt yesterday started to consume me again. Bumalik lahat sa akin ang masasakit na salitang binitawan niya kahapon, mga salitang nagpamulat sa akin sa katotohanan.I tried to remove his arms again pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Isiniksik niya an
Pakiramdam ko nabingi ako sa sobrang lakas ng kaba ng aking dibdib. Hindi ko alam kung narinig ba ng mga magulang namin ang huling salitang sinabi niya.Bakit ba kasi hindi siya marunong makiramdam? Kailangan pa ba talagang dugtungan ang pagbati niya sa akin?Muli akong yumuko. Ayokong makita ang mapanuring tingin ng mga magulang namin sakaling narinig nila ang sinabi ni Nathaniel.Bwesit talaga ang lalaking to. Gusto niya pa atang ipaalam sa lahat na asawa niya ako.Hindi niya ba naintindihan na nakipaghiwalay na ako sa kanya kanina? Tsaka hindi ba siya natatakot kay Daddy? How about sa mga Kuya ko? Baka hindi lang suntok at tadyak ang aabutin niya."What did you say,anak?" Si Tita Divine ang unang nakabawi. Tahimik din sina Mom pati si Tito Nathan na halatang hinihintay ang sagot niya.Agad kong inapakan ang paa ni Nathaniel para patahimikin siya pero ang loko talaga atang nanadya."Ouch!" Sabi niya na akala mo talaga aping-api sa pagkakaapak ko sa kanya. Kunot noo pa itong tumingin
"Babe, may chika ako sayo." bungad ni Cassy. Ayoko sanang sagutin ang tawag niya kasi kagagaling ko lang ng photo shoot. I'm so tired and I just wanted to rest. Pero ewan ko din ba pagdating sa kanya nakukonsensya talaga ako kapag hindi ko siya sasagutin.Minsan kasi tumatawag lang ito para ngumawa dahil hanggang ngayon hindi pa rin nakaka-move on sa lintek niyang ex-boyfriend. Si Jordan na walang bayag. Letse!Kung sana nagfocus na lang siya sa bagong buhay niya sa states e di masaya pa. Ang kaso hanggang ngayon stalk pa rin ng stalk sa gagong lalaki na wala namang ginawa para ipagtanggol siya. Mama's boy ang gago!"Babe still there?" Tanong nito ng hindi ako nagsalita."Make it fast Cassandra, I'm so sleepy." Sagot ko habang nakapikit. Inaantok na kasi talaga ako. Wala din kasi sa ayos si Cassy minsan kapag tumatawag. Walang sense parin pero hindi ko naman matiis."Wag ka mabibigla ha..." pa thrill pa nitong sabi na ikinairita ko. Kung mabibigla pala ako e di sana wag niya na lang
"Ma'am Ver, tumawag po ang Mommy niyo kanina, sabi niya po tawagan mo siya pagka-uwi mo."Katatapos ko lang patulugin si Baby Natie Kanina kasi pagkarating ko halatang inaantok na ito at sadyang hinintay lang akong maka-uwi. She's such an adorable baby, I'm so lucky to have her.Nagtataka akong tumingin kay Ate Vilma. Siya ang nag-aalaga kay Baby Natie nung kinuha ko ito sa bahay ampunan kaya nung sinabi ko sa kanya kung ayos lang bang siya na lang din ang gawin kong yaya pumayag naman ito."Bakit daw ate? Did Mom tell you something?" Bigla tuloy akong nag-alala na baka may nangyari sa kanila sa Pilipinas."Wala pong sinabi Ma'am, ang bilin niya lang po na tawagan mo siya kasi hindi ka raw niya makontak."Simula nung pumunta ako dito sa Paris hindi pa ako nakauwi sa Pinas. Sina Mom at Dad lang bumibisita sa amin ni Baby Natie dito.Si Kuya Derick nagawi din dito minsan, kasama si Calyx, may hinahanap daw sila. Hindi ko lang sure kung babae ba pero malakas ang kutob ko na babae nga, yo
"I miss you so much, Hon." Bulong niya at muli akong niyakap. Dama ko ang pangungulila sa paraan ng pagyakap niya sa akin. Hindi man lang niya alintana kung may nakatingin man sa amin o wala. Tila ba kaming tatlo lang ng anak ko ang tao dito sa airport.Parang napako ang mga paa ko. Biglang nablangko ang aking isipan. Hindi ako nakasagot o nakagalaw man lang dahil hanggang ngayon hindi pa rin ma proseso ng utak ko ang bumungad na sorpresa sa akin.Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko na tila ninanamnam nito ang amoy ko. " I miss you so much, wife. I've been praying for this day to come." bulong nito sa akin.My heart melted after hearing what he said. Magkahalong kaba at excitement ang aking nararamdam. I won't deny that he still has that effect on me. Isang malaking sorpresa para sa akin ang pagsundo niya sa amin. Nagtataka pa ako kung paano niya nalaman na uuwi kami.Ang pamilya ko lang ang nakakaalam na uuwi kami ngayon. Ibig sabihin ba sila Nathaniel pa rin ang nagbabantay p