Share

Chapter 3

"What is it this time, Veronica Chrystelle?"

Kapag ganito ang tono ng pagtatanong ni Kuya Hendrick alam kong, alam na niya ang nangyari sa school kanina. Paano niya kaya nalamang nakipag-away na naman ako?

"Kuya..." I acted hurt." Ako na nga yong inaway pero ako pa ang pinapagalitan mo."

"I know you, princess..."

Wala talaga akong lusot dito kay Kuya Hendrick. Mas okay pa si Kuya Derick sinasabayan yong mga trip ko.

Paano naman kasi? Sino ba ang hindi mapapaaway kung yong tinuring mong best friend sa loob ng ilang taon ay ta-traydorin ka?

We found out that Kuya's girlfriend Kathiana cheated on him at ang masaklap sa bestfriend niya pang si Hugo! Hugo gago! That a**hole! Kala niya siguro ikina-gwapo niya kung susulotin niya ang girlfriend ni Kuya Derick. 

At ito namang si malanding Kathiana, akala niya din siguro na ikina-ganda niya yong pag-cheat niya sa Kuya ko. Di hamak na mas gwapo ang Kuya Derick ko kesa kay Hugo taba noh. Kala niya nakalimutan ko nang ang taba-taba niya dati nung maliit pa siya. Iyakin pa! Pasalamat nga siya kinaibigan pa siya ni Kuya Derick e.

"It's not my fault Kuya, iginanti ko lang si Kuya Derick dun sa malanding ex-girlfriend niya." nakabusangot kung depensa sa sarili ko kay Kuya Hendrick.

"But still it's not good, baby. You're a lady now, you should act like one." malumanay nitong sabi.

"Kuya, walang lady-lady 'pag ako nainis. Kulang pa nga yong ginawa ko sa babaeng yon eh. Sinayang niya lang yong pagkakaibigan namin. Sinayang niya lang yong love ni Kuya Derick sa kanya. Tingnan mo 'pag nakita ko ulit ang babeng yon hindi lang sabunot ang aabutin niya sa akin, kakalbuhin ko pa siya."

"Princess!" pagalit ni Kuya sa akin. " It's not good to think like that. Babae ka pa naman, basagulera ka. Sinong nagturo sayo?"

"Walang nagturo sa akin Kuya. Ako lang to. Ayaw ko nang maging mabait."

Until now hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa sa akin ni Mirabella at mga kaibigan niya. Mabuti at hindi kami sa iisang university napunta. Kundi tiyak na riot kami kapag nagpang-abot kaming dalawa.

Dumagdag pa itong si Kathiana. Bruhang babaeng yon. May araw din siya sa akin. Kahit anong pagmamakaawa niya balikan siya ni Kuya ako mismo ang tututol sa kanila. Sinayang niya lang ang kuya ko kaya sorry na lang sa kanya.

It's true. She wasted Kuya's love. Minsan nagseselos na nga ako sa kanya kasi feeling ko mas mahal siya ni Kuya Derick sa akin pero iniintindi ko na lang pero ganito lang pala ang igaganti niya? Spoiled pa siya kay Kuya, kahit may kaya naman sila kung ano-ano pinapabili niya kay Kuya. Bilmoko pa a****a! Kainis!

Mabuti na rin siguro yong naghiwalay sila ni Kuya. My brother don't deserve that kind of girl, tsaka di naman masyadong kagandahan si Kathiana. Kalahati nga lang yong ganda niya sa ganda ko. Kaloka!

My college life is boring but I have to finish my course or else nganga ako. Ayaw ko namang habang buhay lang akong aasa sa allowance mula sa mga magulang ko. Though my parents are good provider gusto ko rin magkaroon ng pera na pinaghirapan ko.

My brothers are all professional. CEO si Kuya Hendrick while Kuya Derick is an architect. Kung hindi ako magtatapos, beauty lang ang maipagmamalaki ko. Nakakahiya naman sa magiging asawa ko kung palamunin niya lang ako. 

Pero bakit ko ba iniisip ang magiging asawa ko, ni hanggang ngayo wala pa nga akong boyfriend. Walang pumapasa sa taste ko. Lahat easy to get. Ngitian ko lang bumibigay agad. Ayaw ko sa ganun, gusto ko yong may challenge.

Tsaka ang dudugyot ng mga boys sa university namin, ang yayabang pa. Kung makaasta akala mo kung sinong anak ni pontio pilato. Buti sana kung sariling pera, e mga asa din sa magulang. 

Wala na nga siguro akong mahahanap na matino sa panahon ngayon. Yong kasing responsable ng mga kapatid ko. 

Pero sila Kuya ba mabait din kaya sa girlfriends nila? Magiging good husband din kaya ang mga ito in the future, kagaya ni Dad?

Kasi si Dad, the best e. Sunod lahat ang gusto ni Mom. Mr. Understanding of all time nga tawag ni Mom sa kanya. Tsaka si Dad, sobrang cool niya. Gusto ko yong katulad ni Dad na mahal na mahal si Mom kahit may edad na sila. Yon bang tipong si Mom lang ang pinaka maganda sa lahat. Sabagay Mom is the epitome of beauty. Talagang mapapalingon ka sa isang Elize Valderama.

School, shopping, gala with Cassandra ang naging routine ko hanggang sa grumaduate kami. Pero nung huling taon ko nag try akong mag modelling. I didn't like it at first kasi nakaka-drain ng energy pero nung sumahod na ako dun ko na nagustuhan. Nakakapagod though worth it naman. Malaki ang naging sahod ko tsaka nakikilala na ako ng mga tao. 

Kaliwat-kanan ang naging bookings ko. May mga international na din. Pero 'yong international di ko pa tinatanggap hanggat di pa ko pa natatapos ang pag-aaral ko. Mabuti na yong may natapos ako para kapag naisipan kong huminto sa pagmomodelo may mapapasukan pa akong trabaho. 

Ayaw ko namang magtrabaho lang sa kumpanya namin kahit wala akong alam no. Baka ako pa maging dahilan ng ikakalugi ng negosyong inalagaan ng mga magulang at kapatid ko ng ilang taon.

Speaking of kapatid. Si kuya Derick may bago na atang girlfriend. Blooming ang love life ni Kuya ngayon tsaka galante. Always good mood at may dagdag pa ang allowance ko sa kanya. Wag ko lang daw sabihin kay Kuya Hendrick na dinagdagan niya. Sekreto lang daw namin kasi baka pati siya mapapagalita ni Kuya.

Mabuti nga at nakapagmove-on agad siya kay KATI-hiana, na hanggang ngayon ay naghahabol pa rin sa kanya.

Wala akong masyadong alam kay Kuya Hendrick. He's so secretive. Ang alam ko lang may asong nakabuntot sa kanya ngayon, 'yong anak ng investor namin na taga Cebu. Jana ang pangalan. FC pa sa akin ang babae, kala niya naman bet ko siya para kay Kuya. Mas bet ko pa nga yong trainee nilang naging sekretarya niya eh.

Dinig kong pinagkukwentuhan nina Ethan yong babae kasi di lang daw maganda, mabait at matalino pa.Aspiring for latin honor daw kaya hanga pati ibang kasamahan nila sa trabaho.Type ata ng kaibigan ni Kuya yong sekretarya niya, iba kasi kung maka-bida tungkol dun sa babae e.

"Babe, wala kang shoot ngayon? Samahan mo ako mag-shopping..." 

Heto na naman si Cassandra. Nanggugulo na naman sa akin.Siguro wala itong magawa at ako na naman ang pinagkakaabalahan ngayon. Sabagay wala din naman akong shoot ngayon, tapos na kahapon pa.

Tumawag ito sa akin kanina at halatang may pinagdadaanan kaya pinagbigyan ko na.

"Bakit ako? Saan boyfriend mo?"

"Break na kami, Babe. "malungkot nitong sabi. " Nahuli kong may ibang ka-chat ang gago. May pa labyu-labyu pa ang gago. Labyuhin niya mukha niya kamo."

Ewan ko ba dito kay Cassy ang daling makahanap ng boyfriend pero poor naman yong mga choices. Hindi na nga kagwapuhan mga manloloko pa. Imbes na maawa ako sa kanya mas niinis pa tuloy ako.

Para kasi itong nakipagkarera kung magpalit ng boyfriend. Di man lang kinikilatis bago sagutin. Hindi naman siya ganito dati bigla na lang nagbago nung  naghiwalay sila ng first boyfriend niya.

Pumayag akong sumama sa kanya mag-shopping. Wala din naman kasi akong gagawin sa bahay ngayon. 

Nagpa-salon muna kami kasi gusto ni Cassandra. Wala ako sa  mood salungatin ito ngayon kasi nga broke-hearted kaya pinagtatiyagaan ko na lang yong mga trip niya.

After sa salon kumain muna kami kasi nagutom na ako. Pagkatapos diritso na kami nag-shopping ng bag at sandals na gusto niya. I didn't buy anything, sinamahan ko lang siya. 

Sa dami ng mga bags at shoes ko di ko pa ito nagamit lahat. Yong ibang galing sa mga sponsors ko nasa box pa. Bakit di ko naisipan kaninang bigayn na lang si Cassy nun? Magkasing laki lang naman ata ang paa namin, tsaka hindi na ito masyadong slim ngayon gaya nung high school kami. 

Pero hayaan na lang andito na kami so go Cassandra mag-shopping ka na. Ubusin mo allowance na bigay ng Daddy mo sayo. 

After sa mall dumiritso na akong uwi sa mansion. I'm so tired following Cassandra. Kung di lang talaga broken-hearted ang babeng yon kanina ko pa ito iniwan.

Nasa labas pa lang ako ng mansion napansin kong may apat magagarang sasakyan ang naka park. May pa-contest ba dito kung sino ang mas bongga ang sasakyan? Sinong may bisita? Si Kuya Derick ba o Kuya Hendrick?

"Manong, kaninong mga sasakyan po to?" turo ko sa pulang Ferrari tsaka sa katabi nitong Audi.

"Sa mga kaibigan po ni Boss Hendrick Ma'am."

"Oh so Kuya's friends are here?"

"Yes Ma'am nasa may pool area po sila nag-iinuman. Sabi nga pala ni Sir, dito kayo sa kabila dumaan." natatawang dugtong ni Manong and I knew it already.

Ayaw ni Kuya na makita ako ng mga kaibigan niya. He's always like that, kulang na lang itago niya ako at ayaw palabasin sa room ko sa tuwing andito mga kaibigan niya.

Naiiling akong tumalikod kay Manong tsaka dumaan sa kabilang bahagi ng mansion na hindi ako makikita sa may pool area.

As if naman magkaka-interes ako sa kanila noh. Ayaw ko sa mga oldies, gusto ko yong ka-age ko lang kapag nagka-boyfriend na ako. Less complicated kung kaedad ko kasi the same yong wave length namin unlike kung old sa akin baka gawin pa akong baby.

I don't want someone who's controlling. Ayaw ko sa sobrang strikto. Ayaw ko sa bugnutin na halos pasan na ang buong mundo. In fact may checklist na ako sa para sa future boyfriend ko. Diba nga choosy ako, so lubos-lubosin ko na lang.

Papaakyat na ako sa hagdan ng may tumawag sa akin.

"Baby girl, How's school?"

Ugh! I want to roll my eyes on him. Kahit hindi ko pa man ito lingunin kilala ko na siya. He's William the most annoying of all. Ang kulit nito at sobrang daldal pa. Ito yong pinaka s****p kay Mom sa lahat ng friends ni Kuya. Tatlo lang naman silang makukulit nina Ethan at Simone. The rest I don't know. Silang tatlo lang ang kilala ko kasi sila lang ang maiingay.

I never called them Kuya kasi palagi nila akong iniinis. Feeling ata nila natutuwa ako sa tuwing kinukulit nila ako. They always treat me like a kid, pero ang totoo mas isip bata pa sila. Real talk lang.

I don't  bond with them kasi nga strikto si Kuya pero FC lang talaga ang isang to. 

"Hey...Is that how you greet me? Sumbong kita kay Tita Elize, tinatarayan mo na naman ako..." dagdag nito ng makita niyang nagpatuloy ako sa pag-akyat.

See? Di lang s****p, sumbungero pa.

I glared at him pero walang effect sa kanya. Tumawa pa ito ng malakas na lalong ikinaiinis ko sa kanya.

"What's funny a**shole?" mataray kong tanong sa kanya. Nakataas pa ang isang kilay ko at talagang pinakita ko sa kanya ang pagka-inis ko.

"Opps...your words, princess. Sumbong kita kay Kuya Hendrick mo, gusto mo bawas allowance?"

Alam na alam talaga nito kung paano ako inisin ha. Sarap hambalusin ng dala kong bag ang pagmumukha niya.

I rolled my eyes on him and quickly turned my back. Mabilis akong umakyat ng hagdan at iniwang siyang parang baliw na tumatawang mag-isa.

Paano ba naging kaibigan ni Kuya ang isang to? He's so loud and annoying. I don't know how my brother managed to stand in their presence. Paano pa kayang kung magsasabay-sabay silang tatlo ni Ethan at Simone? Disaster for sure!

I stayed the whole time in my room. Napagod ako sa gala namin ni Cassy kaya nagpaakyat na lang din ako ng pagkain sa silid ko. Tsaka kapag bumaba ako baka hindi lang si William ang makita ko.

Ilang movies na din ang natapos ko hindi pa rin umuuwi yong mga kaibigan ni Kuya. It's late at gusto ko nang matulog pero hindi ako makakatulog sa sobrang ingay. Nasa tapat ng room ko ang pool area kaya dinig ko dito ang tawanan nila.

Hindi na ako nakatiis, binuksan ko ang sliding door sa terrace at sumilip ako sa kanila. Kaya pala ang iingay nagba-barbeque ata ang mga ito. 

Napalingon sa gawi ko sa Kuya Hendrick at sinenyasan niya akong pumasok. Nandoon din pala si Kuya Derick. Kung si Kuya Hendrick pinapapasok ako si Kuya Derick naman pinapababa ako. Ano ba talaga?

"Baby girl, come.." Ani William. 

Lahat tuloy sila napalingon sa gawi ko maliban sa isang nakatalikod at hindi man lang ata gumalaw. 

"Barbeque gusto mo?" dagdag niya pa.

I rolled my eyes on him. Feeling close talaga ang kumag na to.

"I want peace. You're too loud." sagot ko at tumalikod na sa kanila.

LadyAva16

Please put review for this story. Thank you po.

| 3
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Sam Raine Drake
maganda din story n Nathaniel ...
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
maganda ang simula ng story.. ha ha palaban ang bida
goodnovel comment avatar
Annalyn Trance
ang ganda po ng story nio............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status