Share

Chapter 2

Ilang linggo na ang nakalipas pero naiinis pa rin ako sa tuwing naalala ko ang ginawa nina Mira pati ng mga kaibigan niya sa akin. 

Gusto kong  gumanti sa kanila. Feeling ko hindi ako magkakaroon ng peace of mind kung hindi ko maiganti ang sarili ko. Pero bilin ni Kuya wag na daw ako maghanap ng gulo at silang dalawa na ang bahala ni Kuya Derick ang babawi para sa akin. But I doubt, my brothers are strict but I think they're not freak like me. Ako lang ata ang medyo matigas ang ulo sa aming tatlo.

I could still remember Mirabella and her friends'  mocking faces at sa tuwing pumapasok yon sa utak ko bigla na lang akong naiirita. Nagising ako nung araw na yon masakit ang buong katawan ko. Sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan kung limang tao ang kakalabanin mo? 

Hindi ko na nga nakilala kung sino ang lalaking nagdala sa akin sa clinic. Ang sabi ni Kuya Hendrick, tumawag lang daw ang nurse ng school sa kanya para ipaalam ang nangyari sa akin. Hindi niya din binanggit kung nakilala niya ba ang tumulong sa akin.

Gusto ko sanang pasalamatan ang kumag na yon kahit ang yabang-yabang niya. Baka akala niya di ko narinig yong mga pinagsasabi niya. Lalo na yung sinabi niyang mabigat ako? Weak pala siya eh. Ang yabang-yabang, mahina naman pala. Pero di bale na nga atleast tinulungan niya pa rin ako.

Thank you pa rin sayo kung sino ka man.

Buong linggo akong hindi pumasok dahil nagka-pasa ang buong katawan ko. Dinala rin ako ni Kuya sa hospital para ipa-check kung ayos lang ba ang kalagayan ko. 

Pina-check pa ni Kuya ang ulo baka daw may dugong namuo. Sa isip ko baka natakot si Kuya na magkaroon siya ng kapatid na may saltik. 

Buti na lang din at naagapan ako agad sabi ni Tita Divine dahil kong mas matagal ang pagkabugbog nila sa akin baka magkaroon pa ng komplikasyon sa internal organs ko. My gosh that so creepy. 

Tita Divine is Mom's bestfriend. Siya ang doktor na personal na umattend sa akin. Siya rin ang nagsabi kina Kuya na ipahinga ako ng isang linggo o higit pa hanggat sa umayos ang kalagayan ko.

After what happened that day, nasuspended sila Mira pati mga kaibigan niya. Sabi ni Kuya, nakiusap ang mga magulang ni Mira pati ng mga kaibigan niya na suspension lang kung maari. Balak sana ni Kuya Henrick na sampahan sila ng kaso para hindi makapagtapos ng high school pero naawa siya sa mga magulang nito.

Si Kuya ang nag-asikaso sa lahat dahil wala sina Mom at Dad. Ito yung sinasabi kong ayaw kong  mangyari, ang dadagdag pa ako sa alalahanin ni Kuya. Pero alam naman nila na hindi ako ang nagsimula ng gulo. Ganun paman nagi-guilty pa rin ako. Sa halip na ibang bagay ang inaasikaso ni Kuya ito pa tuloy dumagdag pa ako.

According to Kuya, they can still graduate but they are not allowed to march with us during the graduation. Buti nga sa kanila. I felt no remorse towards them. Dahil lang sa lalaki handa silang manakit ng kapwa? How pathetic! Nakakainis!

Ang kakapal pa ng mga mukha. Magde-deny pa sana ang mga ito pero may studyanteng nakakita sa kanila at tumistigo. Gusto pa sana akong baliktarin at sa akin ibuntong ang sisi pero may nakakita sa kanila. 

Boba din kasi ang mga gaga. Di na nga kagandahan mga tanga pa. Di man lang agad binura yong video kinuha nila sa akin. Yon tuloy ang naging ebidensya laban sa kanila. 

Minsan kasi isip-isip din. Kung gagawa lang man ng kalokohan wag mag-iwan ng ebidensya.

Tanga lang a****a!

Pero salamat pa rin at naligtas ako sa mga bruhildang yon. May araw din sila sa akin. Hindi pa ngayon pero babawi ako sa kanila, akala nila ah.

Lintek lang ang walang ganti, ooops parang I heard that line somewhere. Movie I think? Hala may deprensiya na ata ang utak ko kung ano-ano na lang ang pumapasok dito. 

My gosh!

***

"Tulaley ka na naman?" pambungad ni Cassandra sa akin. "Kanina pa kita hinahanap ah dito ka lang pala." She's trying to act fine but I know there's something wrong base sa tono ng pananalita niya pero wala ako sa mood ngayon makipagchikahan.

Simula din ng bumalik ako sa eskwela wala na akong kinakausap na iba maliban kay Kathiana at Cassandra. I don't want to be associated with anybody else. Ayoko nang makipag-kaibigan kung kani-kanino lang. 

"Shut up, Cassy,  I want peace." bored kung sagot sa kanya. Pati sina Cassandra walang ligtas sa kamalditahan ko. Minsan nako-konsensya din ako kaya bumabawi din ako sa kanila. May mga pagkakataon lang talagang tinutuyo ang utak ko.

Just like today, kaninang umaga pa mainit ang aking ulo. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung maabutan mong pinagchi-chismisan ka nang mga kaklase mo? Kesyo nagbago na daw ako, sobrang m*****a ko na raw at kung ano-ano pa. Like duh?! Hello dati na kaya akong ganito, ni-level up ko lang ngayon. Mga tonta!

"Why are you here?" bawi ko nang mapansin kong naiiyak ito. Ugh! I want to roll my eyes to her. So sensitive, parang hindi sanay sa ugali ko. Dati na naman akong m*****a, mas lumala lang ngayon. OA lang talaga minsan tong si Cassandra.

"Wag ka nga mag-drama dyan, Cassandra, di bagay sayo." dagdag ko pa pero di ko inasahan nang bigla itong humikbi. O sh*t nasobraan ata ako.

"Hey...it's just a joke. Ano ka ba? Sorry na..sorry...'to naman, parang di ka na nasanay sa akin.." pang-aalo ko pero patuloy pa rin ito sa paghikbi.

At kapag ganito ito, I know, it's not about how I treated her. May umaway na naman dito.

"Who?" seryoso kung tanong sa kanya pero umiling lang ito.

She's like that. Ayaw nitong sabihin sa akin kapag may nang-aaway sa kanya. Cassy is always misunderstood. Akala kasi nila playgirl ito. She's friendly to boys pero wala pa itong boyfriend. 

"Sabihin mo ba sa akin kung sinong nang-away sayo o hindi?" naiinis kong tanong sa kanya. Nadako ang tingin ko sa kamay niyang may kalmot ngunit agad niya itong tinago sa likod niya.

"Who the heck did that to you, Cassandra?" I asked but still she's not talking. Patuloy lang ito sa pag-iyak kaya marahas akong tumayo.

"If you don't want to tell me, I'll find out myself." 

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinawakan. "Please Ver, wag na lang. Hayaan mo na, di na man ako nasaktan." mahinang saad niya.

"Seriously Cassandra? Hindi ka nasaktan? Tell me bakit may kalamot ka?" naiirita kung tanong sa kanya.

Kaya may nang-aabuso dahil merong nagpapa abuso at isa na si Cassy dun. Sometimes being good is not good. Kailangang lumaban kung kinakailangan hindi yong tatahimik na lang para walang gulo. 

That's not applicable to me. I'm born fighter. I know when to fight for my right.

"Ano iiyak ka nalang ba dyan?"

I can't stop myself from raising my voice to her. Alam kung m*****a ako pero never akong naging bayolente. Kaya nga hanggang ngayon nagngingitngit parin ang kalooban ko sa ginawa nila Mira sa akin.

At ito naman ngayon, si Cassy na naman. May humahabol pa talaga e. Ilang araw na lang graduation na, pero may mga pasaway pa talagang gustong humabol.

"Aksidente lang Ver, I know hindi niya sinasadya." mahinang sabi nito.

Wow! talagang pinagtatakpan niya pa. Sarap din kutusan nitong kaibigan ko eh. 

"Sino?" mariing tanong ko.

I saw that she's hesitant to tell me the name pero tinaasan ko na siya ng kilay.

"Georgina."

Ah si Georginang feeling maganda pala. Akala niya naman kong ikinaganda niya yung kulay pulang buhok niya. Ano feeling Ariel siya? Hindi siya mukhang serena uy, mas mukha siyang sea horse! Gaga!

May naiwan pa palang alipin si Mirabella dito sa paaralan ha pwes humanda siya sa akin.

I didn't say anything to  Cassandra. Iniwan ko siya at nagmamadali akong  naglakad patungong Gym. I know that I can find her there dahil doon ito tumatambay para magpa-cute doon sa college na may gusto kay Cassandra. 

"Ver, babe, please..." tawag nito sa akin. "...Hayaan mo na...It's just an accident, Ver." 

Lalong uminit ang ulo ko. How can Cassy act so fine about it? Things like that are not tolerable. Hindi pwedeng hayaan na lang dahil mamimihasa ang mga 'to.

"Chrystelle , wag na lang please.." tawag niya sa akin pero patuloy lang ako sa paglalakad.

Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Cassy dahil malayo pa lang kita ko na ang pagmumukha ni Georgina. Malaki ang ngiti nitong nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Kita na pati ngala-ngala. Kung ako ang lalaki hindi ko to papansinin.

Bwesit talaga ang mga babaeng to. Handang makipagyera dahil lang sa lalaki. Tingnan ko nga kung kaya niya ba akong kalabanin.

But wait, bakit kasama nila si Kathiana? Alam niya ba ang ginawa ni Georgina sa kaibigan namin? Bakit siya nakikipagtawanan sa mga ito?

"Georgina!'

Malakas kong sigaw. Natahimik ang lahat at napalingon sa akin. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. 

Pati mga college students na nasa bleacher natahimik. Kahit yong naglalaro ng basketball natigil. Lahat ng atensyon nila nabaling sa akin.

I saw her paled. Kulang na lang tumakbo ito palayo sa akin. Ang mga kaibigan niya ay isa-isang nagsialisan sa tabi niya. 

Ay traydor? Buti pa yong mga kaibigan ni Mirabella di siya iniwan, yon nga lang sabay-sabay din silang nasuspended.

"Ver..please..." awat ni Cassy sa akin pero pinanlakihan ko siya ng mata. 

Binaling ko ang tingin ko kay Georgina na halatang kinakabahan na pero nung nakita nitong nakasunod si Cassy sa akin biglang nag-iba ang itsura niya.

Anong hugot ng babaeng 'to? Di hamak na mas maganda naman ang kaibigan ko sa kanya. Sa totoo lang.

"O ngayon namumutla ka? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" M*****a kong tanong sa kanya. Nakataas pa isa kong kilay at naka-krus yong dalawang kamay ko sa aking dibdib.

"Why don't you ask your friend, Ver?" sagot niya sa akin trying to pretend that she's not affected pero halata namang nanginginig.

Kalma girl ako lang to, baka maihi ka  dyan sa palda mo.

"Hoy wag mo akong ma- Ver- Ver hindi tayo close!" Sigaw ko sa kanya at nagtawanan yong mga studyante. Feeling close ang bruha!"Choosy ako sa friends girl, wag ka!" 

"Anong problema mo, Veronica?" Palaban nitong sagot. 

Ay matapang? "Kanina wala akong problema, pero pagkatapos mong saktan ang kaibigan ko nagkaroon ako bigla." 

Nilipat niya ang tingin niya kay Cassandra at nakakalokong ngumisi. "So nagsumbong na pala sayo si lampayatot?"  Tumawa pa ito pagkatapos laitin si Cassy. "Lampa na nga sumbungera pa!"

Napagting ang tenga ko sa sinabi niya lalo na nung narinig kong humikbi na naman si Cassandra.

 May kunwaring pumito tsaka biglang sumigaw. "Prrrt 1 point Georgina" 

"Hoy! Di hamak naman na mas maganda ang kaibigan ko sa'yo noh? She's slim but sexy, hindi katulad mong bansot na nga di pa maganda. Anong pinagmamalaki mo yang namumutla mong balat? Wow! Feeling mo siguro si Snow white ka noh?Hoy! Sinasabi ko sayo hindi ka kagandahan girl mas mukha kang si Evil queen."

"Yun oh! 1 point - Veronica" muling sigaw nung kanina.

Nanlilisik ang mata niyang tumingin, akala niya siguro matatkot niya ako sa ganun. Para sabihin ko sayo girl mas masaklap pa ang ginawa ng bruhildang si Mira sa akin.

Lalong lumakas ang tawanan sa loob ng gym,yong iba pumapalakpak pa. Lumapit ako sa kanya tsaka tinuro ko yong buhok niya, tinuro ko lang dahil baka makuryente ako sa tigas ng buhok niya. Hindi siya gumalaw at hinayaan niya lang ako. Akala niya siguro tapos na ako ha, wait lang girl there's more.

"Kala mo ikinaganda mo na yang  pulang buhok mo? Sino ang peg mo dyan si Ariel? Di bagay sayo maging little mermaid Georgina, little dugong kamo pwede!"

Muling nagtawanan ang mga studyante.

"Oops 2 points -Veronica." Sigaw muli ng studyante at naghihiyawan ulit sila.

Nakita kong naiiyak na siya pero mataray pa rin itong nakatingin sa akin. I showed her a playful smirk.

"Tameme ka?"

Alam kong susugod na siya dahil nakakuyom na ang kamo niya kaya hinanda ko na ang aking sarili. 

"Alam mo ikaw, sumusobra ka na." Akmang sasabunutan niya ako pero hindi pa man siya nakalapit sa akin may pumito na. 

"Opps...pano yan? di ka nakabawi. 2-1 daw ang points diba? talo ka girl." pang-iinis ko sa kanya. 

"Anong problema dito, Valderama, Sanchez?" tanong ni Manong guard sa amin, pero kaibigan ko to si Manong eh. Binibigyan ko to minsan ng meryenda sa tuwing napapadaan ako sa pwesto niya.

"Ay wala po Manong, nagpa-practice kami ng rap battle nitong si Dugon-- ay Georgina pala." sabay tapik ko sa balikat ni Georgina. "Ano gusto mong mag-martsa sa graduation o hindi? Umayos ka." bulong ko sa kanya.

"Ay opo, Kuya. Wala po kaming problema ni Valderama." pagsakay nito sa akin.

"O siya, sige siguraduhin niyo lang ha. Malapit na ang graduation niyo. Wag na kayong mag-away-away."

Malapad akong ngumiti sa kanya sabay saludo pa. Narinig ko pang natawanan ang mga studyante sa kalokohan ko. 

Agad din naman kaming iniwan ni Manong at bumalik na sa pwesto niya. Nang malayo na si Manong pasimple kong tinulak si Georgina at tila nabigla pa ito. "Hoy! Amnesia ka girl? Ano akala mo bati na tayo?"

"But, Ver..." protesta niya.

"Wag kang FC, mag-sorry ka kay Cassandra." 

Wala na itong nagawa kundi ang sundin ang sinabi ko sa kanya. Humingi siya ng tawad kay Cassy at agad din namang tinanggap ng kaibigan ko. Akala ko pa magmamatigas si Georgina, mabuti at slight lang pala ang pagkamaldita nito. Ayos na din yon at least sa huling mga araw namin sa high school nabawasan ang mga kaaway ko.

I just hope that college life will be different dahil kung hindi baka araw-araw mapatawag si Kuya Hendrick at Kuya Derick or worst baka ipatapon pa nila ako sa states, wag naman sana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status