Share

Chapter 30

Tumayo ako nang mapansin na nasa tagiliran ko na siya.

"Pasimple pa 'yang galawan mo, ha," pang-aasar pa niya sa akin.

"Manahimik ka nga," bulong ko sa kaniya at may riin ang bawat salita para naman mahalata niya na hindi ako nakikipagbiruan sa kaniya.

Nang makarating sa lugar ay nilibot ko ang bawat gilid ng daan at napangiti ako nang makita ang isang karatula na nagsasabi na isa iyong morgue.

Dahil sa kasiyahan ay dali-dali akong tumakbo papunta roon habang hawak-hawak ang kamay ni Silas.

Siyempre ay hindi ko nakalimutan na tumingin sa kanan at kaliwa pagtawid ko.

Kumatok muna ako rito bago pumasok at maya-maya ay may nagbukas din ng pinto.

"Anong kailangan mo, Ineng?" tanong sa akin ni manong.

"Maaari ko po bang makita ang mga katawan na bagong dating dito o kahit noong isang linggo pa?" tanong ko sa kaniya.

"Ay, sige. Pasok. Baka ikaw na ang isa sa pamilya ng mga ito," wika niya.

Tumango naman ako at saka pumasok. Sa aking pagpasok ay napatigil na lang ako sa aking paghinga dahil
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status