Share

Chapter 29

"Salamat, Ate," ngiting wika ko sa kaniya at saka hinalikan siya.

Pagkalabas ko ng gate ay tila mas gugustuhin ko na lang ulit na pumasok sa loob ng bahay dahil sa mga titig sa akin ng mga kapit-bahay namin.

"Calm down," wika ni Silas.

Pasikreto na lang akong tumango at saka sumakay sa tricycle nang makarating na kami sa kanto.

Gaya noon ay sa bubong na naman sumakay si Silas dahil sa may mga sumunod din na sumakay na pasahero.

"Manong, dito na lang po," wika ko at saka dahan-dahan din naman niya tinigil ang tricycle sa tabing kalsada.

Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya mabilis lang din ang naging byahe namin.

Pagkatapos ko magbayad ay tumabi muna ako sa bangketa para makaandar ang tricycle paalis.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Tumabi ka lang sa akin. Baka mawala ka dahil sa dami ng taong namimili," sagot ko sa kaniya.

Agad naman niyang sinunod ang utos ko at saka hinawakan ang kamay ko para manigurado.

Hindi man halata ngunit hinawakan ko rin 'yon nang mahigpit d
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status