Share

Chapter 32

Umupo ako sa tabi niya at saka binuksan ang aking laptop. Sa pagbukas ko ay roon bumungad ang sunod-sunod na email ng kumpaniya sa akin.

Isa-isa ko itong binasa at napailing-iling na lang ako nang makita na halos noong mga nakaraang araw pa ang mga ito.

"Hello. Good day, Miss Fuentes. May I know what's the reason of your sudden absence today? Other employee says that you suddenly went out of the company while it's still work hours," basa ko sa unang message.

"Miss Fuentes? Please kindly answer my messages ASAP," pagbabasa ko ulit.

Napangiwi na lang ako habang binabasa ang iba pang messages sa akin.

"Gano'n ba talaga ako kahalaga sa kanila kaya ganito sila ka-desperado?" tanong ko sa sarili.

Napailing-iling na lang ako dahil nagsisimula na namang bumalik ang masalimuot na huling ala-ala ko sa kumpaniya nila.

"I'm sorry for my sudden action. I know I'm not professional for acting like that. If you didn't like what I did, you can cut off some of my income and then I'll get the remaining
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status