Share

Chapter 39

Napahawak ako sa aking tuhod at napapunas ng pawis dahil kanina pa kami paikot-ikot dito ngunit wala naman kaming makita na kahit anong karatula ng morgue.

Hindi naman siguro nagsinungaling si manang sa amin, 'di ba...?

"Nakakapagod," bulong ko sa sarili.

Uhaw na uhaw na rin ako at halos gutom na rin. Lagpas alas dose na kasi ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakain ng tanghalian.

Natigilan ako nang hawakan ni Silas ang aking braso dahilan para matigilan ako sa paglalakad.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Kumain ka na lang kaya muna," suhestiyon niya.

"Kahit na gusto ko kumain, mukha naman walang restaurant o karinderya rito," paliwanag ko sa kaniya.

Napatango-tango na lang din siya dahil sa kanina pa naming paglilibot ay wala talaga akong nakikitang karinderya.

"Anong hanap mo, Hija?" Natigilan ako sa paglalakad at napaatras dahil sa gulat nang bigla na lang may lumitaw na manang sa harapan ko. Ni hindi ko nga alam kung saan siya nanggaling.

Natigilan ako nang mamukhaan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status