Share

Chapter 38

Ginawaran ko na lang si Mama ng isang ngiti at saka lumabas na ng bahay.

Ang sakit naman ng sinabi ni Mama. Parang pinapalayas na niya ako, ah?

Sabay kaming naglakad ni Silas gaya ng nakagawian.

"Gusto mo bang pumunta tayo sa park kapag maaga tayong nakauwi?" tanong ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin at animo'y nag-iisip pa sa isasagot dahil sa tagal tumugon.

He hummed. "Okay."

"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Yes or no lang isasagot mo o 'di kaya ay oo o hindi, pero ang sinagot mo ay ‘okay’?" tanong ko sa kaniya.

Napahagikgik naman siya na kinaasim ng mukha ko.

Mukha ba akong nakikipagbiruan? Nagtatanong ako nang maayos, oh.

"Oo, ikaw ang bahala," paglilinaw niya sa kaniyang sinagot.

"Okay," tugon ko rin na kinatawa na lang din niya. Hindi ko na rin naiwasan na matawa dahil sa mga tawa niya.

Pagdating namin sa bayan ay mabilis kong binuksan ang payong na dala ko dahil nagsisimula nang magpalaganap ng init at liwanag si haring araw.

Nag-insist na si Silas na hindi na raw siya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status