Share

Chapter 61

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog, marahil ay dahil namamahay ako.

Humarap ako sa aking tagiliran kung saan makikita ang bintana at ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad doon si Tenshi. Konti na lang ay aatakihin na ako ng puso dahil sa kaniya.

Dahan-dahan akong umupo sa kama at saka pinagmasdan si Am-Am kung tulog na ba siya at nang makumpirma na tulog na ito ay dali-dali naman akong tumayo at binuksan ang sliding door.

"Tenshi," bulong na tawag ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa.

"Binabantayan ka," sagot nito.

"Sana naman ipaalam mo muna 'yan. Muntik na ako himatayin dahil sa iyo kanina, e," pagbibiro ko ngunit nawala ang ngiti sa labi ko matapos makita ang seryoso niyang mukha.

"Sige na. Matulog ka na," wika niya.

Sunod-sunod naman akong umiling at saka lumapit sa may railings pero dahan-dahan lang dahil basa pa rin ang sahig ng veranda. Kanina pa pala tumila ang ulan.

Pinagmasdan ko ang magandang view mula rito at napangiti naman ako nang maki
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status